"Are you really sure about this, Dom?" Napataas na lamang ang kilay ko nang makita si Khloe habang nakaupo sa swivel chair. Nandito kami sa legacy dahil may meeting kami with the others shareholders ng company.
As the new CEO of the Legacy, My Dad needs to introduce me as their leader.
"Of course! I have a plan. So, don't ever try to change my mind because it will never change," seryosong sagot ko sa kaniya bago ako muling naglakad pabalik ng chair.
"Then why you look nervous, are you really okay? It seems you are not prepared for all of this," nakangising sambit pa niya kaya naman mas lalong napataas ang kilay ko sa kaniya.
"Of course, I am! I'm fully prepared. I'm just excited to meet him in person as the new CEO of this company," mataray na sagot ko muli. Tumawa na lang siya bago umiling.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya kaya parehas kaming napatigil.
"It's Kendall, I'm going to answer it first, excuse me," paalam niya pa bago tumayo.
Hindi na ako sumagot pa. Nanatili lang akong nakatulala habang iniisip ang mga maaring mangyari kung sakaling magkita kami ni Andres.
I need to impress him so I can get his attention. Hindi ako pwedeng pumalpak dahil sa akin nakasalalay ang legacy pati na rin ang justice for Tyra.
Ilang saglit pa ay pumasok na si Moira. Nakatingin lang ako sa kaniya.
"Ma'am, nandito na po si Sir," sabi niya bago pa siya muling tumingin sa labas.
Maya-maya ay pumasok si Dad kasama ang iba pang mga shareholders. Agad na hinanap ng mata ko si Andres dahil hindi ko pa siya nakikita.
Nang makalapit ay mabilis akong yumakap kay dad bago niya ako ipinakilala sa mga kasama niya. .
Nakipagkamay ako gaya ng mga ginagawa ng isang bagong CEO.
Nang makaupo kami ay hindi na ako nagdalawang isip na magtanong kay Dad.
"Dad, based on Moira, do you have a deal with Mr. Grant?" tanong ko sa kaniya.
"Yes, Hija," sagot naman niya kaya mas lalo akong na-excite na magtanong.
"Where is he? Bakit hindi ko siya nakita na kasama mo?" tanong ko sa kaniya.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"I'm going to introduce him to you some other day. He has a hectic schedule," sabi niya pa kaya naman bigla akong nawalan ng gana.
Hindi ko alam pero siya kasi ang dahilan kung bakit nagpursigi akong makuha ang legacy. Para makilala siya pero hindi pa rin pala.
Habang busy kami sa discussion ay may kumatok sa pinto. It's Moira. Natigilan si Dad sa pagsasalita bago tiningnan si Moira.
"Sir, may bisita po," paalam niya bago lumabas at ilang saglit ay bumukas ang pinto bagay na ikinatigil naming lahat.
Maski ako natigilan nang makita siya. Si Andres Grant. Naka-formal attire siya at makukuha niya talaga ang attention ng lahat.
"He's so hot!" bulong ko pa habang hindi maalis ang tingin sa kaniya.
"Mr. Grant, you're here! I thought you were going to miss this meeting," nakangiting bungad ni Dad sa kaniya. Nanatili lang ako nakatingin sa kaniya hanggang sa makalapit siya.
"My client cancelled her appointment for today, so, I have time to attend this meeting," seryosong sagot niya pa. Ang cold ng boses niya na mas nagpa-hot sa kaniya.
"Mr. Grant, this is my daughter. The new CEO of the Legacy, Miss Dominique Agape," pakilala ni Dad sa akin bago ako inalalayan papalapit sa kanila bagay na mabilis kong ginawa.
Kahit na naa-attract ako sa kaniya, hindi ako nagpahalata. Ngumiti naman ako ng matamis. Yung ngitinf magpapaakit sa kaniya.
"Hi, Mr. Grant, nice to meet you," nakangiting bati ko sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na tila ba hindi niya ako nakikilala.
"Nice to meet you too, Miss Agape. Congratulations," sagot naman niya at nakipagkamay sa akin.
Hindi ko sinayang ang chance na iyon para mahawakan niya ang malambot kong kamay.
Pinisil ko ng kaunti nag kamay niya bagay na nagpatigil sa kaniya at biglang napatingin sa mata ko. Ngumiti lang ako bago dahan-dahang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak.
Nakipagtitigan lang ako sa kaniya hanggang sa siya na yung kusang umiwas sa tingin ko. Ganiyan nga, Andres. Bumalik na ako sa upuan nang may ngiti sa labi. Umupo naman siya sa harap ko kung saan sa tabi ni dad. Hindi ko na inalis pa ang tingin ko sa kaniya.
Seryoso lamang siyang nakatingin kay Dad habang nakikinig sa discussion nito. Natapos ang meeting nang wala akong maintindihan. Buong oras na kay Andres ang atensyon ko. Natapos kami at mabilis na silang nagsilabasan.
Kinausap ako saglit ni Dad bago siya lumabas. Palabas na sana ako nang may mapansin akong envelope sa mesa kanina ni Andres.
Nang buksan ko ay nakita ko doon ang isang business proposal sa kaniya. Kaya naman mabilis na napataas ang kilay ko at ibinalik sa loob ng envelope ang letter bago ako lumabas.
Nakakaalis na siya for sure. Kaya mas mabuti nang itabi ko muna ito para may dahilan akong makita siya sa office nia. Kapag sinuswerte ka nga naman. Talaga lumalapit sa akin ang pabor.
Ilang sandali pa muling bumukas ang pinto ng conference room. Bumungad sa akin si Khloe na tila nagtatakang nakatingin sa akin.
"What happened? You look so happy," nagtatakang tanong niya nang makalapit sa akin habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Ngumiti langa ko bago umiling.
"Nothing. And yes, I'm happy because finally, I'm the new CEO of this company," sabi ko naman sa kaniya pero hindi pa rin naalis ang pagtataka sa mga tingin niya.
"Aside from that. What happened?" tanong niya muli kaya naman wala akong choice kung hindi ang sabihin sa kaniya ang nakita ko.
"OMG! What's your plan? Don't tell me —"
"Yeah, let the plan begin," nakangiting sambit ko pa.
"Well it looks like you are prepared, then I do nothing but to support you," sagot niya.
"Yeah, that's why I like you!"
After naming mag-usap ay nag-ayos na ako dahil may lakad pa kami ni Khloe. Ngayon kasi ang birthday ni Kim, her sister kaya naman maaga akong mag-aasikaso.