HTH 9

1285 Words
Sa gitna ng siksikan na dance floor, busy ang buong katawan ko sa pagyuyog habang dinadama ang musika. The dim lights, the swirling bodies, the intoxicating rhythm was all a carefully constructed stage for my next act. A bead of sweat traced a path down my temple, mingling with the faint scent of my perfume. Dama ko ang bawat tingin ng mga kalalakihan sa akin. Well, I can't blame them, I'm too hot right now. Isama mo pa ang pawis na nanggagaling sa leeg ko. Ilang sandali pa ay isang kamay ang biglang sumulpot at humawak sa aking baywang. Nanginig ako sa gulat at agad na hinanap ang manyak na iyon Isang lalaki na tila nasobrahan na sa kalasingan ang biglang lumapit sa akin. "Hey there, beautiful," a voice thick with alcohol and entitlement. "You look like you could use a little company." "I'm quite enjoying myself, Thank you." Pinalampas ko ang ginawa niya subalit hindi pa rin siya nadala. "Come on, don't be shy. Let's go somewhere more private," pagpupumilit niya dahilan para talasan ko siya ng tingin. Ilang saglit pa muling dumampi ang kamay niya sa braso ko para pwersahin ako. "I said, let me go, Pervert!" sigaw ko at malakas siyang tinulak bago dumapo ang palad ko sa mukha niya. I slapped him hard! "Huwag ka nang maarte! Sumama ka na sa akin!" pagpupumilit pa rin niya! How dare him! "Sinabing bitawan mo ko!" Bigla na lamang may isang kamao ang dumapo sa mukha ng lalaki. Kaya naman nagulat ako at napaatras bigla. "Are you alright?" Malamig na boses ang nagsalita mula sa likod ko. Para akong naistatwa nang makita si Andres na madilim ang awra na nakatingin sa lalaki. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ginawa ba talaga niya iyon "And who the hell are you?" galit na singhal ng lalaki at akmang susugurin si Andres pero tumilapon lang ang lalaki. Kasunod noon ang paglapit niya dito at binugbog. Halos mawalan ng hininga ang lalaki. Kita ko kung paano ito magkamakaawa kay Andres. "Enough! Hayaan mo na siya." Lumingon naman si Andres sa akin. Kinausap ko siya sa mga mata na huwag na niyang ituloy. Sobrang nakakatakot ang awra niya ngayon. Muli niyang binigyan ng tingin ang lalaki bago ito pinakawalan. Huli nang dumating ang mga guard upang pigilan sila. *** "Idedemanda kita!" Histerikal na sigaw ng lalaking bumastos sa akin. Masama siyang nakatingin kay Andres. Nandito kami sa office ni Kendall, dahil malaking gulo ang nangyari kanina kaya kailangan naming mag-usap dito. "Kapag ginawa mo yun Mr. Alvarez, babalik rin sayo ang kaso," paliwanag ng manager ng bar. "Binugbog niya ko! I will call my lawyer right now!" sigaw niya at akmang kukuhain ang phone niya. "Then call your lawyer, I will make sure na makukulong ka after what you did," kalmadong sambit ko. Natigilan naman siya at tumingin ng masama sa akin. "Ikaw! Isasama kita! Idedemanda rin kita!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Andres na seryoso lamang na nakatingin sa lalaki. "Have you forgotten already? You harassed me, remember?" Nakataas ang kilay ko habang hinihintay ang sasabihin niya. Nakita ko naman na tila natakot siya. "You don't know who I am, Mister. Next time, piliin mo kung sino ang babastusin mo," dugtong ko. Matapang ko siyang tinignan. Umiwas naman siya ng tingin na tila natakot sa akin. Natapos ang pag-uusap namin sa ofice. Huminga ako ng malalim bago tumingin kay Andres. "Thank you, Mr. Grant for saving me." "It's my pleasure, Miss Agape. Be careful next time," sabi niya napatango na lang ako ng wala sa oras. This time, hindi ko magawa ang mga dapat na gagawin ko. Tila para akong wala sa wisyo. He saved me! But that's not a valid reason para hindi ko gawin ang plano. Dumating na rin ang kotse ko dala ng staff. Nagpaalam na ako kay Andres. The plan is pass for now. Kailangan ko munang palamigin ang issue na to bago ako mag-proceed sa net step ko. *** SUNDAY Nandito kami sa Cuppa JO. Wala ni isang naimik sa amin ni Koko. Dama ko ang mga tingin niya sa akin na tila gusto ng kasagutan. Alam kong nakarating na sa kaniya ang mga nangyari kagabi. "Wala kang sasabihin?" Nakataas ang kilay ni Koko habang naghihintay ng sagot ko. "About what?" Pasimple kong tanong kahit na alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya. "I heard what happened last night," pagpapatuloy niya kaya naman tiningnan ko siya. "You already heard, so ano pang itatanong mo sa akin?" Galit niya akong tiningnan. Hindi ko na kailangan ulitin pa sa kaniya iyon. I know that she knows exactly what happened. "Dom!" Ibinaba ko naman ang book na hawak ko bago ako tumingin sa kaniya. "Koko, believe what you heard. I'm not in the mood to talk about it ever again." Humigop ako ng maiinit n kape na kanina pa nakahain sa mesa sa tapat ko. "Why? Because he saved you? Don't tell me you feel somethin--" HIndi na niya naituloy ang sasabihin niya ng titign ko siya. "Shut your mouth, Koko. Just stop thinking nonsense things." Pag-iiba ko ng topic dahil alam ko naman ang nas utak niya. Iniisip niyang may namangha ako kay Andres last night, at kapag nagpatuloy siya kakaisip baka kung saan pa umabot ang mga what ifs niya. Mas mabuti nang habang maaga ay patigilin na siya. Para tuluyang makaiwas, agad naman akong tumayo. "Oh, mag-walk out ka?" Pilosopong tanong niya habang nakangiti. Tinarayan ko siya. "Masama bang pumuntang banyo?" Natawa naman siya kaya iniwan ko na lang siya mag-isa doon. Nakakainis talaga siya minsan. Busy ako sa paghuhugas ng kamay sa banyo nang lumabas mula sa cubicle ang isang babae. "Of course! He loves me. Look at this, Andres gave it to me last night," rinig ko na sabi nito sa kausap niya na kalalabas lang rin sa cubicle. "OMG! A real diamond? Ikaw na!" Napailing pa ang kaibigan ng babae nang makita ang diamond na nasa bracelet nito. "I just told him that I wanted this last week,then last night, he bought it for me," maarteng sambit nito. Ang sakit sa tainga ng boses niya. Masyadong maarte! Nang matapos ako at agad kong pinatuyo ang kamay ko. Ngayon ko lang napansin ang mukha ng babaeng nagsasalita kanina. I know her! Siya yung babaeng higad na girlfriend ni Andres! Anong ginagawa ng isang cheap na babae na to sa coffeeshop na to? Mukha namang hindi niya ako nakilala. Dahil siguro nakatalikod ako. Mas mabuti na yun dahil ayoko rin namang siyang makausap. Ayokong isipin ng mga tao na kilala ko ang katulad niya. Umalis na rin ako dahil hindi ko na matiis ang boses niya. Ang sakit sa tainga. Pabalik na ko sa table. Nakita ko si Koko na busy naman sa laptop na nasa harap niya. She looks stressed. Kaya naman nang makarating ako ay hindi niya agad napansin. "You look so stressed," pagbungad ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "One of my investors, he backed out." Napatango na lang ako. Actually hindi siya ang may hawak ng buong Morgan Corp. Isa sa founder noon si Kim. Pero hindi niya maiwasang hindi ma-stress sa usapang negosyo. Akmang kukuhain ko na ang phone ko nang mapansin kong wala ito sa table. Nappikita na lang ako nang ma-realize kong naiwan ko iyon sa banyo. Ayoko pa namang bumalik sa banyo dahil for sure nandon pa rin ang babaeng iyon. "I forgot my phone." Nakita ko kasing nagtataka si Koko na nakatingin sa akin nang tumayo ako. Shit sa dami ng pwedeng makalimutan yung phone ko pa talaga! I don't have a choice kung hindi ang bumlik at kuhain ang phone ko sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD