Chapter 85 Bella's POV "Sana lumiwanag na ang mundo mo ngayon na pinapalitan ko na itong mga abubot mo rito sa kama mo..." ang sinabi ko rito habang abala sa paghugot ng bedsheet niya. Iba pala talaga ang mga kama ng mga mayayaman, 'no? Ang super kakapal! Kaya naman pati ang garter ng bedsheet, super kapit din. Nahirapan talaga ako sa pagtanggal kasi kasi parang may straps na nakakapit sa likuran ng kama at nakasipit sa mga dulo ng bedsheet. Ganoon pala ang sekreto sa hindi nakukusot na bed. May tagahila sa mga ends para unat na unat. Kung anu-anong napapansin ko na nagpapalala lang ng pagiging ignorante "Avuvot?" Kumunot ang noo nito. "Ang arte naman nang pagkakasabi mo. Abubot... Ilocano word iyon na natutunan ko lang lately sa kapitbahay ko. Mga anik-anik iyon na hindi mo na masyad

