Bella's POV Lately, lagi ko na lang naaalala ang papa ko. Kahit anong busy at pagod ko, lumilitaw ito kaya bigla-bigla ay napapatigil ako sa ginagawa ko. Bakit kaya ngayon ko itong nararanasan. Napapaginipan ko rin ito pero kapag nagigising ako, hindi ko na matandaan iyong mga nangyari at mga pag-usapan namin. Basta ang alam ko lang, siya ang napaginipan ko. Bakit kaya siya lang kung puwede namang dalawa sila ni Mama, hindi ba?" Ano kaya ang ibig sabihin niyon? May gusto pa kaya siyang sabihin sabihin sa akin? O baka naman kaya palagay ko lang iyon dahil namatay silang ang dami-dami ko pa ring mga katanungan. Tama, baka sa isip ko lang talaga ito... "Bella! Hoy, boo!" ang magkasunod na pagtawag sa aking iyon ni Kael ang nagpahiwalay sa akin sa mga naiisip ko. "Oh... " sambit ko na may

