Chapter 74 "Dahil baka mabuntis mo pa siya. Mahirap nang magkamali ka!" Iniiwas nito ang mga mata nang masabi na niya ang mga iyon. "Pinapasundan kita... Nalaman kong lagi mo siyang kasama sa mga appointments mo sa labas..." "Oo. I wouldn't deny that. Trabaho niya iyon bilang secretary ko, Mom... Pati pa naman iyon panggagalingan ng mga haka-haka ninyo?" "Haka-haka lang ba talaga namin? Oo, pormal ka rito. Trabaho kung trabaho pero nasa kompanya mo pa rin siya! Ngayon ko lang naisip na hindi ako dapat nakampante sa dalawang buwann niyang pagtatrabaho sa iyo..." "Wala kang napatunayan sa mga iyan kahit itanong mo sa mga tauhan mong binayaran mo para sundan ang bawat kilos ko," mariin kong sinabi rito. Baka tao rin niya ang tila spy na nakaparada sa malapit kila Bella, ganoon din sa hin

