Chapter 72 Kael's POV "Ba't ba ang tigas-tigas ng ulo mo, kuya? Magulang mo pa rin sila at kailangan mong makining sa kanila!" Napabitaw na ako nang tuluyan sa ini-scan kong mga papeles sa harapan ko sa dahil sa bahagyang pagtaas ng boses nito. I thought she's just telling her thoughts about our parents' mind set about my girlfriend pero mukhang may mas higit pa roon. Mukhang ayaw rin niya rito base sa dine-demand nitong gawin ako. Kung alam lang sana niya, hindi ako nakikipaglaro ng feelings sa girlfriend ko. Naglahong bigla ang malambing, maingay at kuwela kong kapatid sa pagbisita niyang ito sa akin. What happened? I don't have any idea too. Baka kung anu-ano na namang pinagsusumbong ni Mommy sa kaniya kaya nasulsulang pumunta rito at kausapin ako. "Hindi mo ako pinagtataasan ng bo

