Chapter 78 Kael's POV "What bothers you most, Uncle Dylan, sa ikinikilos ng mga magulang ko?" seryoso kong tanong dito, total ay narito na rin lang siya sa opisina ko. Sinadya niya ako rito, alam ko, kahit hindi pa ito nagsasalita simula nang pumasok siya rito. "Alam kong kahit papaano ay may napapansin ka sa kanila. Imposible ring hindi nagpupunta nang mas madalas si Mommy sa building ninyo, sa opisina ni Dad..." "Alam ko, pero naman ang karapatan kong makialam sa personal nilang problema o kung ano pa man iyang ibig mong tukuyin diyan, pamangkin..." Ang tagal niya kasing nakatayo at nagpapalinga-linga sa gitna ng opisina ko kaya tinanong ko na nang magising at tumigil na sa ginagawa. Madalas naman niyang gawin iyon tuwing narito siya pero ayaw ko sanang matagalan pa bago nito sabihin

