Chapter 80 Kael's POV "Masyado kang maaga para magdesisyon... Ihanap-hanap mo ang mga desisyon mo sa buhay, Kael. Masyado ka lang nagpapadala sa mga sinasabi ng mga magulang mo. Para saan ba itong ginagawa nila kundi para din naman sa inyong magkapatid at sa pamilya natin? Kailangan ka nila... Hahanapin at hahanapin ko rin nila..." "Napupuno na rin ako, uncle... Wala namang may gusto na may piliin ako, eh. Kung mayroon man, alam kong hindi ako iyon. Ang simple lang naman ng gusto ko, eh... Iyong tigilan nila si Bella... Bakit ganoon sila sa tao, eh, wala naman itong ginagawang masama sa kanila... Hindi ko na rin sila maintindihan... Bakit ngayon lang sila nagkaganiyan, hindi ba? Bakit hindi pa noon, eh, mas malala ako dati..." "Dahil noon ay alam nilang naglalaro ka lang... Ngayon, iba

