Kael's POV "Ah... Yes? Who is this speaking?" bungad ko rito. "Hello, sir... Good day po sa inyo... I just wanna infom you na kanina pa po may pabalik-balik na babae rito sa lobby... Kanina pa po niya kayo tinatanong... Since we are not giving information po sa mga residents namin dito, hindi po namin siya na-entertain kaagad... Marami po kasing nag-i-inquire kanina, eh... Nabagot na po siguro kaya nakailang balik at alis po... Sa telepono ka po namin kanina pa kino-contact, sir, pero naka-off po yata kasi... Mabuti na lang po at nahanap ko itong information booklet ninyo sa opisina namin kanina kaya heto at natawagan ko na kayo..." "Oh..." Tumayo ako nang maisip na baka si Bella na nga iyon. "Yeah... Baka nga nag-malfunction na iyong telepono rito dahil hindi naman nagagamit..." "Yes

