Chapter 83 Dylan's POV Umuwi ako sa mansion para i-meet ang mga parents ko. Bilang bunso, hindi ko kinaliligtaan ang umuwi lalong-lalo na kung request nila. Tumawag ang Mama kanina, sinasabi niyang gusto niya raw akong makita ngayon. Kahit nasa kalagitaan ako ng trabaho ko, itigil ko para sa kaniya. Bumaba ako papunta sa parking lot at sumakay na agad sa sasakyan. Paharurot kong binagtas ang daan papunta sa kahabaan ng Edsa. Nang makarating sa tapat ng mansion, bumukas naman kaagad ang gate kaya hindi na ako na-hussle pa na bumaba at tumawag ng magbubukas sa akin. Ipinasok ko ang sasakyan ko at dumiretso na sa parking area. I hate the feeling of thinking over my parents getting older as I reach my dreams in life. Nasa pamilya ko na ang lahat pero tila nakukulangan akon tuwing hindi ko

