PROLOGUE
Limang taon si Kimberly Yana Mendoza ng magdisisyong magtrabaho sa Canada ang daddy nya. Naiwan silang dalawa ng mommy nya na isang teacher Sa Pilipinas. Shes an only child. Hindi na nagbuntis ulit ang mommy nya dahil maselan ito at maaring ikamatay pa kung susubok ulit.
Makalipas lamang ang dalawang taon ay sinundo na sila nito para dalhin sa Canada at doon na manirahan. Binenta ng kanyang mga magulang ang lahat ng pag aari nila sa Pinas dahil wala naman silang kakilalang kamag anak na mapag iiwanan.
Parehas na ulila na ang kanyang mga magulang. Laking bahay ampunan ang mga ito na nagsariling sikap upang mapagtapos ang sarili sa pag aaral.
Dahil sa sipag at tyaga ng mga magulang ay nabigyan sya ng magandang buhay. Lahat ng gusto nya ay binibigay ng mga ito ngunit dapat ang kapalit ay matataas na grado sa school. Lumaki syang sagana sa pagmamahal ng mga magulang.
They always have family trips around the world every holidays. Her parents is a role model of a happy couple for her.
Isang taon bago sya magtapos ng kolehiyo ay umalis ang mga ito papuntang Las Vegas para dun magcelebrate ng 25th wedding anniversary. Pangarap kasi ng mga ito ang magbakasyon don. Hindi sya nakasama dahil naging abala sya sa school at sa kanyang partime job. Sobrang saya pa nila na nagbibiruan habang nag aalmusal sa araw ng flight ng mga ito.
Pero isang masamang balita ang natanggap nya pagka gising nya kinabukasan. Ang sinakyang eroplano ng mga magulang nya ay bumagsak bago pa ito makarating sa pupuntahan.
Halos hindi sya makahinga habang nakikinig sa taong tumawag sa kanya. Hindi sya makapaniwala na wala na ang pinakamamahal nyang mga magulang.
Isang linggo ang lumipas at naiuwi ang mga labi ng magulang nya sa Canada. Wala syang magawa kundi umiyak ng umiyak. Hindi sya maka usap ng mga kakilala nila dahil hindi pa sya handang pag usapan na wala na nga ang mga magulang. Mabuti nalang at laging nasa tabi nya sa Bela, ang bestfriend nya. Ito ang tumulong at umalalay sa kanya sa panahong ramdam nyang nag iisa lang sya. Hindi sya nito iniwan, nag leave din ito sa trabaho para lang may lagi syang kasama.
Hanggang sa mailibing ang mga labi ng magulang nya ay sinamahan sya nitong tumira sa bahay nila. Para nya na itong kapatid. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Shes half Pilipino half Russian. Napunta ito sa Canada dahil tinataguan nito ang mga magulang na gusto itong ipakasal sa ka business partner ng mga ito.
Nagkakilala sila ng magpunta sila sa isang pagtitipon ng mga pinoy sa canada. Simula noon ay naging malapit na magkaibigan na sila. Hindi nga daw sila mapaghiwalay sabi ng mommy nya. Magkasama silang nagtatrabaho sa coffee shop. Ayaw kasi nitong gamitin ang natapos na kurso dahil baka madali daw itong ma trace ng mga magulang.
"Beshy, kumain ka na. Nag aalala na ko sayo eh. Halos hindi ka na nga natutulog nung lamay tapos madalang ka pa kumain."
"Beshy bakit ganun? Kung sino pa yung mabubuting tao sila pa ang kinuha ng maaga. Bakit sila mommy and daddy pa. Pano na ko?"
"Magpakatatag ka beshy, hindi matutuwa sila tito and tita na makita kang ganyan. Diba nga gusto nilang laging masaya ka. Tsaka malapit na ang graduation mo, diba nangako ka sa kanila na magtatapos ka with flying colors."
"Pero wala na sila. Parang nawawalan nadin ako ng gana sa buhay."
"Beshy, hindi porke wala na sila ay titigil ka na sa buhay. Kahit hindi mo na sila kasama, dyan sa puso mo di naman sila mawawala. Life must go on. Tuparin mo ang pangarap nila sayo."
Napaisip sya sa sinabi nito. Naalala nya ang mga panahong sinasabi ng mommy at daddy nya na dapat magtapos sya ng pag aaral upang magkaroon sya ng magandang trabaho. Na balang araw pag may asawa na sya ay di lang sya aasa dito dahil parehas silang kikilos para makamit ang masaganang buhay.
"Thank you so much beshy. Mabuti nalang nandito ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."
"Syempre naman, bestfriend tayo eh. Halos dito na nga ko lagi kahit dati pa."
"Why not dito ka na lang din tumira, tutal ako lang naman ang nandito."
"Ano, kasi beshy kailangan ko munang umalis."
"Huh? Bakit? San ka pupunta?"
"Sabi kasi sakin ni yaya mukhang may idea na daw ang mga magulang ko kung nasan ako, kaya kailangan ko munang magpunta sa ibang bansa."
"San naman yun?"
"Baka sa Prague muna ako. Pansamantala lang naman para lang masiguro ko na mailigaw ko kung sino man yung naghahanap sakin,"
"Bakit ngayon pa........ Promise me tatawag ka lagi ah."
"Ofcourse! Ganun ka din ah."
"Syempre naman. Pagkagraduate ko pupuntahan kita don."
"Sure yan ah, doon ka nalang din maghanap ng trabaho."
"Oo para magkasama pa din tayo."
Mabilis na lumipas ang isang taon at nakapagtapos na sya sa kursong BSBA in Marketing.
Kasabay ng graduation nya ay ang first death anniversary ng mga magulang nya. Shes there class Magna c*m Laude. Isa sa mga teacher nya ang tumayong guardian nya. Her heartfelt speech is dedicated to her parents. Hindi nakadalo si Bela dahil nagkasakit ito. Pagkatapos ng program nila ay dumiretso sya sa seminteryo at inalay ang medalya sa puntod ng mga magulang.
"Mom, Dad, atlast graduate na po ako. Ako po yung Magna c*m Laude namin, para po sa inyo tong medal ko. Alam ko pong proud na proud po kayo sakin. Miss na miss ko na po kayo. Mahal na mahal ko po kayo. Kung nasan po kayo sana po ay masaya kayo. Huwag nyo na po akong alalahanin. Sya nga po pala, balak ko pong magpunta sa Prague at sumunod kay Bela. Sana po gabayan nyo ko palagi. Dadalaw dalawin ko pa din naman po kayo dito. Gusto ko lang po magsimula ng bagong buhay sa ibang bansa. Sana po maintindihan nyo.
Agad nyang inayos ang lahat ng papeles nya para pumunta sa Prague at makasunod na sya kay Bela.
Dalawang buwan matapos ang graduation nya ay umalis sya ng Canada upang magsimula ng bagong buhay sa Prague.