"Callynn, magiging ayos ka lang ba rito kapag iniwan na kita?" tanong ni Macarius sa kaniya habang inaayos nito ang mga gamit na dadalhin nito sa trabaho. "Ako na lang ang maghuhugas ng mga kaldero mamaya pag-uwi ko para hindi ka mapasma." "Kaya ko naman hugasan ang mga 'yan, eh," tukoy niya sa mga gamit na pinaglutuan niya. Anim na putahe ang niluto niya ngayon at naka-display na rin ang mga iyon sa tindahan na ginawa nito. "Hindi na. Ipunin mo lang ang mga hugasin tapos ako nang maghuhugas mamaya pag-uwi ko," giit nito pero umiling-iling siya. Sigurado kasi siya na ito ang mapapasma sa kanilang dalawa kapag ito pa ang naghugas. "Hayaan mo lang ang mga 'yan at ako nang bahala." "Bahala ka," pagpayag niya kunwari para makapasok na ito. Kagabi ay kinausap niya ito at pinaliwanagan na

