"Wow! Sobrang ganda!" bulalas ni Callynn nang matapos nila ni Macarius ang magiging tindahan nila. Wala pa itong bubong pero ayon kay Macarius ay madali na lang iyon basta ang importante ay may dingding na ito. Bukas daw ay bibili sila ng yero, mga lamesa at upuan. "Macky, ang ganda!" aniya habang matamis na nakangiti dahil nilagyan din ito ni Macarius ng mga patungan para raw mayroon siyang papatungan ng mga paninda kung gusto niyang magtinda ng mga sari-sari. "Masaya ka ba?" "Oo naman!" "Ako rin. Maaga akong gigising bukas para bumili ng yero, mga lamesa at upuan. Sa susunod na araw puwede ka ng magsimula kung gusto mo. Ay, bibili rin pala ako ng lalagyan mo ng mga ulam tapos mga malalaking kaldero. Ano pa ba?" "Sasama ako sa iyo dahil baka sobra-sobra ang hingiin nilang bayad mu

