“Ano ‘yang bitbit mo?” tanong niya kay Macarius habang naglalakad sila nito pauwi galing sa bahay ng kaibigan nitong mambubudol. “Pagkain ba ‘yan?” Tumango ito sabay ngiti. “Binigay nila sa akin ‘to. Litson daw ang laman nito para naman daw matikman ko. Hindi ko pa ‘to natikman, eh. Ikaw ba? Nakatikim ka na ba ng ganito?” “Sino’ng hayop ang nagbigay sa iyo niyan?” “Si Jed.” “‘Yong may-ari ng hardware?” “Oo. Ang bait nila, ‘no? Pag-uwi natin sa bahay kainin agad natin ‘to. Kanina kasi hindi ako kumain dahil wala ka.” “Talaga bang kaibigan mo ang mga iyon, Macarius?” “Oo, bakit?” “Hindi mo ba alam na mga demonyo sila?” “H-ha? Anong ibig mong sabihin? M-may mga sungay ba sila?” sunod-sunod nitong tanong na may kasamang pag-uusisa. Huminto pa ito sa paglalakad para titigan ang mukha

