Episode 11

1904 Words

"Ang likot mo namang matulog, Macarius!" bulyaw niya dahil ilang beses na siya nitong nasisiko sa mukha dahil sa kalikutan nito. "Magkakapasa ako sa ginagawa mo, eh!" Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na bumangon. "A-ano'ng ginagawa ko rito? B-bakit magkatabi tayong natulog? May nangyari ba kagabi?" sunod-sunod nitong tanong habang takot na pinapasadahan nito ang sarili. Sa halip na sagutin ito ay tinalikuran niya lang ito dahil inaantok pa siya. "Callynn, magsalita ka. May nangyari ba?" "Wala." "Eh, bakit magkatabi tayo ngayon dito sa sofa?" "Hindi ko alam." "Bakit hindi mo alam?" Marahas siyang bumangon at sinabunutan ang sarili dahilan para mapaatras ito. "B-bakit? Nagtatanong lang naman ako, eh." "Mukha bang may nangyari sa ating dalawa? Ang dami mong puwedeng isipin 'yon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD