PAGPAPATULOY

4872 Words
Nabuhayan ako ng loob when she talked about Ashley, and the way she curiously asked things about us. I can sense a little bit of jealousy, I swear! So I gave in... hinayaan ko siyang isipin ang gusto niyang isipin regarding the real score between me and the girl she just mentioned. I wanted to see her reactions. Little did she know na sa bawat impormasyong nakukuha niya ay higit pa roon ang kasagutang ibinibigay niya sa akin. At hindi nga ako nabigo. I get what I wanted that night. I'm sorry Ash if I'll drag your name into this, but if it's the only way upang maipalabas ang pinakatago-tago niyang damdamin, then we'll talk about you, by all means... Papaliwanag ko na lang sa'yo lahat pagkatapos. "Sinabi mo pa! I'll introduce her to you, one day." I locked gaze with her, holding it for a second, again wanting to caught her off guard. Then I saw her eyes go widened. "Seryoso?" tila hindi siya makapaniwala, masyado bang nakakagulat 'yong sinabi ko? "Oo naman! ayaw mo ba?" I casually responded. "Hindi naman sa gano'n, baka lang kasi maging awkward, alam mo na... although hindi man tayo naging official no'n, but still... in the eyes of many, we shared something beyond friendship." Of course I am fully aware of that! gustong-gusto kong sabihin, but it won't help for now. "So?" I smirked. I am literally enjoying this talk, kaya pahabain pa natin ang usapan. "Okay lang ba sa kanya?" she hesitantly asked. Well, it'll be a big deal if we're only romantically together, but we're certainly not. Gustong-gusto kong isagot, but then again... that's not my goal for the time being, kaya iba ang sinabi ko. "Of course! Ba't naman magiging hindi?" giving her the assurance she needed to hear this time. "She must be..." she trailed off in the midst, searching for the right words, perhaps? "very understanding also." as she continues. "Well, sa totoo lang gusto ka rin talaga niyang ma meet in person." I say it bluntly, kasi totoo naman talaga 'yon. Ashley really wanted to meet her for such a long time. Hindi nga lang nagkaro'n ng chance. "T-talaga?" she startled, almost in shock. I just nodded in response. And she never threw questions again. She spaced out for a little while, hindi ko nga lang alam kung ano'ng iniisip niya. Am I doing it right? or is it still, the other way around? Hindi kaya na sa kagustuhan kong mapalabas ang totoo niyang nararamdaman ay mas nasasaktan ko na naman siya? Am I instilling too much wrong info in her head? Baka mahirapan na akong bawiin ang lahat sa huli. I guess I have to take on some damage control. Binuksan ko 'yong bote ng wine, making sure she'll get to hear those splashes as she surely did. I pour on some on each of our glasses when I finally caught her attention, I then offer a toast with her. "To..." sadya akong tumigil, giving her the moment. "To the success of our movie..." dugtong niya. So this is just all about the movie huh? or she's playing safe again? "To our renewed friendship... and to the start of something better than the last..." makahulugan kong sinabi habang kinikindatan siya. I just do hope, she'll get it right this time. s**t! para akong teenager nito, pinipigilan kong matawa sa sarili, but it's best for now, I think? then we clicked our glasses. "Can you hold my hand? please..." kasabay ng nangungusap na mga mata ay taimtim kong idinadalangin na sana pagbigyan ako ng nasa itaas ngayon. Just one more time, one more chance to get this close with her again. She seems hesitant at first, pero maya maya lang ay humawak na rin siya sa akin. Medyo nanlalamig pa 'yong kamay ko sa sobrang kaba na pilit kong nilalabanan. What the heck! I am the one who initiated and yet ako itong kinakabahan ngayon. Mukhang mas relax pa yata siya kesa sa akin. Eh kung sabihin ko na lang kaya ang nangyari sa'min kagabi? naisip ko. Would it make us even? O baka naman tuluyan niya na akong iwanan dito? Baka pa hindi na niya tapusin ang shoot. NO! I won't let it happen, so I shrugged the thoughts. It'll be best to just keep it as a secret for now. Malalaman niya rin ang lahat sa tamang panahon. Ilang sandali pa kaming nagpalakad-lakad sa may dalampasigan habang magkahawak ang mga kamay. Gan'to pala 'yong feeling? 'yong parang gustong magwala ng mga alaga ko sa tiyan. Yong parang lumulundag ang aking puso na animo'y gustong kumawala sa aking dibdib. Hay... feels like it's my first time once again. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Pinagsalikop ko ang aming mga palad habang nagpatuloy kami sa pakikiramdaman. Trying my best not to get caught by this love trap. Pero huli na yata para gawin ko 'yon, kasi muli na naman akong nahulog ng di ko namamalayan. And I guess I fall hard, even harder than the last time. But I can't afford to have another rejections from anyone. I won't take any defeat regarding matters of the heart from now on. I didn't just resist temptation for nothing. I did that to preserve my best self. Upang maging karapat-dapat ako sa babaeng susunod kong mamahalin. I just didn't realized sooner na sa kanya parin ako muling iibig. However, I also don't want to indulged myself in an unrequited love once more. Been there... done that. So I promise myself not to go through that same process again. Gusto ko mahalin rin ako ng taong mamahalin ko. Yong pagmamahal na walang pag-aalinlangan, 'yong pagmamahal na handang lumaban. I won't settle for someone who's not yet ready to embrace the future with me, kahit gaano ko pa siya kamahal. But I am definitely having the time of my life now, so might as well take advantage on it... in a good way. "Imagine life kung hindi ako bumitaw no'n? baka tayo na siguro..." pambabasag ko sa katahimikan. How bold of me to say the words, but I to have to take the risk. It's now or never... "Ano 'to? Trip down memory lane?" gumaan ang pakiramdam ko ng makita siyang tumatawa. "Ayan ka na naman... akala ko ba sasabayan mo ang trip ko?" I made it sounded like a joke to lighten the mood, hindi na ako puwedeng magkamali, at hindi niya rin puwedeng mahalata on how I slightly push things. Bakasakali... "May pa never mind, never mind ka pang nalalaman! I know what's on your mind hoy! at alam ko rin na hindi mo 'yon kayang gawin." May kung anong nagising sa pagkatao ko ng marinig ang mga salitang 'yon. Damn girl! she is really pushing me to the edge. Isn't she aware na nagiging hubby niya na ang sagarin ako? I lifted my weight as I come closer, hanggang sa tila hangin nalang ang puwedeng sumingit sa pagitan namin. I bend down, reaching for her ear. "Really? so, ano sa palagay mo ang nasa isip ko? at bakit mo alam? is it because iniisip mo rin ang mga bagay na'yon?" I playfully whispered that made her swallow hard. I smirked and she steps back. "Ba't ka umaatras? natatakot ka? asan na 'yong tapang mo kanina? at ano nga ulit 'yong alam mo?" kumunot ang aking noo. Gusto mo ng ganitong laro? then I'll be very glad to play along with you. But we will do it my way, this time. "Hindi ako takot!" giit niya. So feisty! but just her usual self. Hindi nagpapatalo. Muli akong humakbang hanggang sa halos magkadikit na naman kami. "Then bakit ka lumalayo? ano bang iniisip mong gagawin ko sa'yo?" I smirked again as I keep on teasing her, and I am definitely loving every bit seconds. The way her body reacts everytime I happen to pressed some sharp hidden buttons has given me so much pleasure. Pero hindi parin siya natitinag, patuloy na nakikipagtagisan sa akin. Mas lalo tuloy akong na ginaganahan. "Gusto mo ba talagang malaman ang iniisip ko RENZ LUCIO?" buong tapang niyang itinanong. Ngumiti ako bilang tugon. For some reasons ay naaaliw akong pagmasdan siya. I rolled my tongue on the insides of my mouth. "Na duwag ka! na hanggang salita ka lang naman talaga! na hindi mo kayang panindigan 'yong mga sinasabi mo!" she say it bluntly. Sobrang tapang lang, as what I have expected. Mariin ko siyang tinitigan as I flashes on another devious smile. Naaalala ko na naman ang mga naganap kagabi. Kung alam mo lang kung gaano ako naging matapang VANA MARIE. So brave enough to gather my sensibilities and put it back together after almost completely losing it with you. I seductively bite my lower lip as I came closer. Well, I don't really mind doing it again as long she's completely aware of her actions. She averted her eyes, hindi na yata nakayanan ang mga titig ko. At sa muli ay hindi ko na naman maipaliwanag ang damdaming sumasaklaw sa buo kong pagkatao habang ako'y papalapit ng papalapit sa kanya. Parang nilalamon ako ng sariling emosyon. Dinig na dinig ko ang kabog ng kanyang dibdib habang nag-aalburuto naman 'yong sa akin. Habang dahan-dahan siyang pumipikit. I wanted to brushed her lips with mine at ikulong siya ng matagal sa aking mga bisig. But then again, may kung anong puwersa na naman ang pumipigil sa akin. It won't hurt much if I'll just for wait for the shoot. Doon magagawa ko na ang lahat with her permission. My lips parted as I saw her twitched. She's a bit nervous, I guess. I run down a finger through every corners of her lips. Napasinghap siya sa ginawa ko. "Ang suwerte suwerte naman ng labing makakadampi nito," ibinulong ko habang nakapatong parin ang aking hintuturo sa kanyang mga labi. She's holding her breath for a sec as I slowly caressed her checks. "You will always be beautiful in my eyes Vee..." I gently whispered in a deep soft voice. Habang pigil hininga ko siyang pinagmamasdan. But of all the many things I wanted to do with her right now, I only ended up on kissing her forehead. Napaawang ang aking bibig when I saw her in tears. Anong nangyayari? Did I do something wrong again? "Bakit?" nagsimula na akong kabahan. "Wala, tears of joy lang 'to," pinunasan niya ang mga patak ng luha. I didn't get it... "Dahil hinalikan kita sa noo?" hindi ko talaga naiintindihan. Then she burst into laughter. "Oo! parang halik lolo lang! hahaha..." so, pinagtatawanan niya ako. Ang hirap niya talagang basahin kung minsan. "Ay! so Lolo ako gano'n?" I feel a little bit offended. "Bakit, di ba gano'n naman talaga kumiss 'yong mga lolo, sa noo." paliwanag niya ng hindi parin naaalis ang tawa. "Sandali lang, iba 'yong inaasahan mo no? akala mo siguro mo ki-kiss kita sa lips!" asar ko sa kanya out of nowhere. "Hindi ah! gago... sampalin kita diyan eh!" and I push some buttons again. "Sige, subukan mo... totohanin ko na talaga!" banta ko. She glared at me. "Joke lang... siyempre hindi ko gagawin 'yon! not unless..." I trailed off. Sasabihin ko ba? "UNLESS WHAT?" Ako naman ang natameme. Iniisip ang sa mga dapat kong sabihin. Iniiwasang huwag na muling magkamali. Hinawakan ko ang kanyang kamay as I bore my eyes into her. "Not unless... you will allow me to do so," dahan-dahan kong sinabi. Hoping she'll be able to comprehend. Tila nawalan ako ng pag-asa when she turned her back. Hanggang sa may nagdilang anghel ulit sa amin as the music played cupid once again. Now I started to think na kakampi ko 'yong nasa booth. Tawang tawa ako sa BGM namin. Sobrang timing lang, mukhang alam ko na yata kung sino ang may utak ng lahat ng ito. Okay direk, I got you! gaya ng napag usapan natin kanina. . . I'll do whatever it takes, to regain her trust and make her comfortable with me again. Nagpasya akong sabayan ng indak ang nasabing tugtog. Ang sarap lang sa pakiramdam na muling marinig ang aking first single at sumakto pa talaga ito sa nangyayari sa amin ngayon. I lifted my head as I execute some of the famous steps I've done before. I felt sudden goosebumps all over, as a voice within is telling me something strange. Pakiwari ko ay may ibang nagmamasid sa amin. Nagiging psychic na nga yata ako. Iginala ko pa ang mga mata sa paligid. f**k! nahagip ng mga mata ko ang isang bagay na naka attach sa poste. Sinasabi na nga ba! Bakit ba hindi ko ito kaagad na napansin? As far as I can remember, mga speakers lang naman ang inayos namin kahapon. Sino kayang naglagay nito? at sa paanong paraan? Gano'n na ba kalalim 'yong naging pag-uusap namin, upang hindi ko mapansin ang bagay na'yon? On the other hand, mas mabuti narin sigurong wala siyang alam. I don't want her to freak out. Baka lumala lang 'yong problema. "Alam mo bang kinikilig parin ako 'til now?" tutop niya ang kanyang bibig na animo'y gustong bawiin ang mga nabigkas na salita. That's the first the thing I've heard pagkatapos ng ginawa kong sayaw, and I couldn't help but smile. Words came out naturally, as it accidentally slipped out of her tongue. "Same here, kinikilig pa din ako up until now, sobrang pinag-isipan talaga 'yong kanta! feeling ko, ini-stalk ka muna ng writer bago niya natapos. Kasi ikaw na ikaw 'yong lyrics, ang hirap niya lang e-incorporate sa iba, because you simply own the song," wika ko sa isang mahabang paliwanag to make her feel at ease. "What's your favorite line then?" she curiously asked. "Yong part na sinayaw ko! you're the best girl I've ever seen... kapansin-pansin ang iyong mga tingin. yon, that's it!" walang kagatol-gatol kong sinabi. "So, is it true?" "Ang alin?" "That I'm the best girl you've ever seen." Now she's playing tricks on me again. "Ikaw ha! inaano mo na naman ako eh!" I chuckled. "Bakit, masama ba? tinatanong ko lang naman ah!" depensa niya sa sarili. "Halika nga dito," I pulled her closer into my arms. Holding her chin up as I look at her in a more passionate way. "Listen..." I deeply sigh as I hold her hand. "I want you to know that you will always have a special place in my heart and that you will always be m-my..." I stuttered. "my forever dream girl," her lips parted as she constantly blinked. "Saan man tayo makarating, saan man ako dalhin ng mga paa ko... at kahit may makilala man akong iba, mananatili ka na dito," napahawak ako sa aking dibdib. "Eh di magiging unfair ka sa susunod mong mamahalin niyan," she reasoned. "Ba't naman ako magiging unfair? siyempre kung darating man 'yong tao na 'yon, mamahalin ko siya ng buong puso at hindi ko siya bibigyan ng dahilan para magduda. Ang sinasabi ko lang naman is. . . may lugar ka na dito, " pointing to my chest again. "kasi naging part ka ng buhay ko, but it doesn't mean na. . . I will still continue to hold on with what happens in the past. Pero kung hindi 'yon maintindihan at matanggap ng sinasabi mong susunod kung mamahalin. . . then it only means, hindi niya talaga ako mahal, 'cause she can't accept something that has been a part of me." Pumikit ako at sandaling yumuko. Anong pinagsasabi ko? s**t! I'm giving her mixed signals again, pero bahala na... kailangan ko munang makasiguro. I waited for her to protest. I aim for it, pero iba ang sinabi niya. "Grabe namang paliwanag 'yon! pero tama ka, kasi ganon naman talaga ang dapat. Kapag mahal mo, tatanggapin mo 'yong nakaraan niya at ang mga taong naging bahagi no'n. So you can totally move on," as she agreed with my statement. So, tanggap niya na ang lahat ay bahagi na lamang ng nakaraan? Hindi man lang niya ako iko-confront? Bigla tuloy akong nainis, now I get to taste a dose of my own medicine. "Well said Vee! basta lagi mong tatandaan na I am forever grateful for that opportunity na makilala at makasama ka, regardless of what happened.... At kung bibigyan ako ng chance to go back. I'll definitely go through that same process again. Gagawin ko parin ang lahat ng ginawa ko," "As in lahat? Wala kang babaguhin ni isa?" isang makahulugang tingin ang ipinukol niya sa akin. "YUP! I won't change any single thing, as in. . . LAHAT!" Binitawan ko na siya pagkasabi no'n. "Pati 'yong pag give up mo sa akin?" she averted her eyes at itinutok iyon sa karagatan, habang nakasunod ang paningin ko. "Oo! because it made us who we are today, and has brought us to where we are right now," I delve into my pocket as my eyes wander across the sea. "Wala kang anumang regrets?" humalukipkip siya at muli akong sinulyapan. "Meron siyempre! but it doesn't make sense now. Come to think of it... kung sakali bang naging tayo noon ay tayo parin magpa hanggang ngayon? hindi kaya nauwi lang din 'yon sa wala? looking back of all those chaos our tandem has created. Sa sobrang gulo ng mga pangyayari noon, wala rin talaga 'yong magandang kahihinatnan. Kaya siguro nararapat lang na mangyari ang lahat ng nangyari." "Sabagay, may point ka do'n! it was really destined to happen talaga, to teach us a lesson, perhaps..." "Indeed! it has taught us life lessons, in order for us to realized things. Upang maitama ang mga pagkakamaling nagawa natin sa nakaraan. And with that being said. . . I want you to promise me one thing," humarap ako sa kanya. "ANO 'YON, RENZ?" lumingon narin siya sa akin. Ilang sandali pa at muli ko siyang nilapitan. "Palayain muna ang sarili mo sa lahat ng sakit, matuto kang muling magtiwala at alisin mo na ang lahat ng takot at pangamba diyan sa puso mo. Huwag mong hayaang mabuhay ka sa nakaraan, buksan mo ang 'yong puso at i welcome ang panibagong pag-ibig na darating because you truly deserve it," madamdamin kong sinabi. "And how will I do that kung paulit ulit pa rin akong nasasaktan?" "It is, what it is Vee! Ang sakit ay kaakibat ng pagmamahal. And we're hurting because we're capable to feel those emotions. Kaya ka nasasaktan, kasi nagmamahal ka, package deal 'yon! Besides hindi mo naman malalasap ang totoong kaligayahan kung hindi mo mararanasang mabigo at masaktan. Kaya 'yong sinasabi mong pain? it will be all worth it in the end. Kapag natutunan mong magmahal ng totoo. Kaya bakit mo ipagkakait sa sarili ang pagkakataong muling magmahal at mahalin din pabalik? Paano mo mahahanap ang taong para sa'yo kung natatakot kang sumugal? Walang kasiguraduhan ang lahat Vee, lalong lalo na ang pag-ibig, 'yong taong nagmamahal sa'yo ngayon, ay maari ding maging dahilan ng kasawian mo bukas, kaya kailangan mong maging matapang, maging bukas ang isip sa mga posibilibidad, pero 'wag na 'wag kang tumigil magmahal dahil do'n ka lang magiging tunay na masaya." "I get it! alam ko naman 'yon, hindi ko rin naman talaga sinarado 'yong puso ko totally. Naging maingat lang siguro... dahil sa takot na muli akong masaktan, pero naiintindihan ko na ngayon. Tama ka, I should have learn to move on. . . and take a chance in love, again..." "I'm so happy hear that, dahil gaya ng nasabi ko, deserve na deserve mong mahalin at maging masaya sa piling ng taong pipiliin mo in the future. At sana pagkatapos ng lahat ng 'to. . . kapag nagkita tayong muli," which is sisiguraduhin kong mangyari. "Sana kapwa na natin natagpuan ang tunay na pagmamahal at kapwa na tayo may lakas na loob na ipaglaban kung ano at sino man ang gusto nating ipaglaban." Sana kaya mo na kong ipaglaban when that time comes, gusto ko sanang idagdag, but I'd rather keep it to myself. It's too early for my plans. "Sana nga. . . because I also wish the same thing for you! Sana matagpuan mo na rin ang tunay na pagmamahal, sana maging masaya ka sa piling ng taong nakalaan para sa'yo. At sana rin 'wag kang mapagod magmahal, wag kang magsawang iparamdam ang pagmamahal mo sa taong pinag-aalayan mo nito. Wag kang basta-basta sumuko na lang," isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Tinitigan ko siya, pilit na inaarok ang tinatago niyang damdamin thru her eyes. But she's back at it again, rebuilding the walls to seclude herself. Hindi ko na naman siya mabasa. Nakaramdam ako ng takot. When will she be able to completely lay all her guards down? I feel so guilty seeing her like this, cause I know I am partly to blame. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sariling yakapin siya. I hugged her so tight na para bang ayaw na ayaw ko na siyang pakawalan. Not giving her the chance to escape. Hanggang sa nagkusa narin siyang yumakap sa akin. Does it still hurts Vee?” hinaplos ko ang kanyang buhok habang nakasubsob siya sa akin. “I would be lying kung sasabihin kong hindi na, but not that much anymore... it has started to fade a long time ago. It's just that some wounds were triggered to show off... no'ng muli nating napag-usapan. But it's okay, naiintindihan ko na ang lahat.” “Glad to hear that, ako rin mas gumaan na ‘yong pakiramdam ko ngayon, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib." Isang yakap ang tila nagpakawala sa lahat ng takot at pangamba ko sa buhay, like I am at my safest zone. Isang pakiramdam na ako lang ang tanging nakakaintindi. Ipinikit ko ang mga mata at hinayaan ang sariling namnamin ang bawat sandali as I found no objections on her part. Kapwa namin ipinikit ang mga mata at hinayaan ang mga sarili sa ganong kalagayan. Hindi ko na naman maipaliwanag ang damdaming bumabalot sa puso ko ng mga sandaling 'yon. Totoo ba ang lahat ng ito? na magkayakap kaming dalawa? at bakit hindi man lang siya tumututol sa ginagawa ko? Does it mean that we're exactly on the same page? Nararamdaman din ba niya ang nararamdaman ko ngayon? Muling sumilay ang mga ngiti sa aking labi pagka-isip no'n. Parang tanga lang... after exchanging those lines, na sana kapwa na namin mahanap ang para sa isa't isa, na bubuksan namin ang mga sarili para sa iba, eto kami ngayon... Are we making a fool out of ourselves?Why can't we just give ourselves a chance? and pick we're we left off... posible kayang mag work na ang lahat this time? Pero teka lang, ang hirap yatang i apply sa sitwasyon namin ngayon ang mga nabitawang salita kani-kanina lang. Baka kasi nalito lang siya, baka naman she's just being nice to rebuild rapport. Baka it's also her way of saying na okay na sila, na hindi na siya naiilang sa akin, na ready na siyang ipagpatuloy ang nasimulang project. Oo nga! isa pa, di ba I asked for her to cooperate? at isipin na parang WORKSHOP lang ang lahat? kaya pinagbibigyan lang siguro niya ako. Napahawak ako sa batok at sandaling pumikit. . Hindi ko mapigilang di mainis sa sarili. I am definitely back to square one again. Mas dumadami pa yata ang mga tanong na naglalaro sa utak ko. Mga tanong na walang konkretong kasagutan, dahil wala rin naman akong sapat na lakas ng loob upang alamin ang buong katutuhanan. Well, maybe soon... but not soon enough, at baka magkaroon lang ng round 2 ang kabiguan ko. Kaya tama na muna ang mga naging revelations about the past. It's too overwhelming if I'll engaged myself into something deeper. What matters most is we're able to start in a clean slate. We have settled the issues at handa na kaming harapin ang isang bagong kabanata ng kanya kanyang buhay. Nagawa na naming palayain ang mga sarili sa lahat ng sakit, takot at pangamba, sa mga panghihinayang at pagsisisi na ilang taon ding namayani sa dibdib ng bawat isa sa amin. But then again, malaya na nga ba talaga kami? hindi ko maiwasang itanong sa sarili. Pagkatapos magkaliwanagan. magkapatawaran at kapwa nagdesisyon na magiging bukas sa posibilidad ng isang panibagong pag-ibig na darating. Eto kami ngayon, kayakap ang isa't isa na para bang wala ng gustong bumitaw. Pero bakit? and why do I really have this feeling na parang... wala naman talagang nagbago sa pakiramdam nilang dalawa. O baka naman ako lang ang nakakaranas no'n? baka sarili ko lang ang naririnig? Baka this is just all for a show. For a while I thought na natuldukan na ang lahat. Na nasagot na ang mga naiwang tanong noon, pero mukhang mas lalo lamang itong nadagdagan, mas lalo lamang gumugulo ang mga pangyayari. Ayaw ko sanang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya, pero biglang tumunog ang aking phone. I just ignore it at first, napaka wrong timing naman kasi ng tumawag, ngayon pa talaga? kung kelan dalang dala na ako sa moment. Maya maya ay nag-angat na ng ulo si Vee at bumitaw na rin sa pagkakayakap sa akin, yet I choose to stay in such position. I hold her still... never letting her go. "Nagri ring 'yong phone mo, ayaw mo bang sagutin?" she raised her brows. Nagkibit ako ng balikat. "Sagutin mo na kasi, baka importante 'yan," she reminded me. Ngumiti ako at pagkatapos ay dinukot ang phone sa aking bulsa. Nataranta ako when I found out that it was from Direk Jo. "Excuse me, I have to take this call." pinakawalan ko na siya pagkasabi no'n, at pagkatapos ay tumalikod. "Hello direk. . ." "Hello... good job Renz, you made it!" "Po? ano pong ibig niyong sabihin?" Medyo nalito ako sa naging pahayag niya. "The way I see it, mukhang okay na kayo! at alam ko rin na you already found out my little secret. . . na nakamonitor ako sa inyo." Tawa lang ang isinagot ko sa kanya. So this is all about that little thing that captures huge areas. "But don't you worry dahil wala naman akong narinig, at hindi lahat na capture ng camera, iilan lang siguro, particularly 'yong mga last scenes, just enough for me to say na okay na kayo," tila nabunutan ako ng tinik, for a while I thought na naka film ang lahat. "I got you direk, but I also need some..." he shot me off... kaya hindi ko na naipagpatuloy. "Look Renz. . . I know that you have a lot of questions in your head right now, and I assure you na isa-isa ko siyang sasagutin sa tamang panahon. Just not tonight okay? dahil may iba tayong priority. Now listen carefully 'cause I want you to do something, again!" "Okay po direk, go on. . . " as I listened carefully. "Gagawin na natin 'yong eksena tonight!" I swallowed hard, tila nabilaukan ako sa narinig. "WHAAT?" my eyes go widened, never did I thought na magiging totoo 'yong biro ko kay Vee kani-kanina lang. "Yes! you've heard it right," pagkaklaro niya. "Nga...ngayon na talaga direk? as in. . . i re-resume natin ang shoot tonight? in this place?" Parang di parin ako makapaniwala, ang labo talaga ni direk! gumagawa na naman ng mga bagay na wala sa original plan. "Do I need to say it again LUCIO? hindi mo ba narinig?" in a high pitch tone. "Narinig naman po," I rubbed my temple, I don't think it's a good idea for now. Pero wala akong magawa kundi sundin siya. "Yon naman pala! so what's the problem?" "Actually direk, wala naman po talagang problema sa'kin... pero di ako sure if okay lang din kay Vana, baka kasi... di pa siya ready, 'lam niyo na. . ." I trailed off. "Puwes, gawan mo ng paraan, there's no room for excuses now 'cause I won't take no for an answer! naka set-up na ang lahat sa pagbalik ninyo! I"m giving you 30 minutes to relay those words to her, then proceed to the main area ASAP" Napakamot ako sa ulo. "Okay po direk! sabi niyo eh!" padabog kong sinabi. Ako talaga ang gagawa ng paraan? Wala na ba talagang ibang gagawin ang mga tao dito kundi sorpresahin ako ? buti sana kung 'yong ibang klase ng sorpresa! 'yon bang sorpresang may galak sa puso? 'yong tipong mapapalundag ako sa tuwa? Pero iba yata ang ibig sabihin ng sorpresa nila dito, at di ko na mabilang kung ilang beses nila 'yong ipinaranas sa akin while I'm doing this project. Bumuntong hininga ako at muling hinarap si Vana na ngayon ay mukhang malalim ang iniisip. Nagpasya na akong kaagad siyang kausapin pagkatapos ibaba ang phone. Nagdadalawang isip pa ako noong una, trying to find the perfect words to say... Paano ko ba sisimulan 'to? Naglakas loob din ako kalaunan. "Hey! are you okay?" muli kong pagbubukas sa usapan. "Yeah!" she nodded and plastered a smile while uttering those words. "Si direk nga pala 'yong kausap ko sa phone," pinilit kong ngumiti. "I know, narinig ko kaya kayo," Napaawang ang aking bibig. "Na-narinig mo?"Pati 'yong. . ." I started to panicked, I don't know how she'll take this. Ako yata ang aatakehin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD