SCENE-25

4406 Words
"Hey! are you okay?" muli kong pagbubukas sa usapan. "Yeah!" she nodded and wore a smile while uttering those words. "Si direk nga pala 'yong kausap ko sa phone," pinilit kong ngumiti. "I know, narinig ko kaya kayo." Napaawang ang aking bibig. "Na-narinig mo?"Pati 'yong. . ." I started to panicked, I don't know how she'll take this. Ako yata ang aatakehin nito. "Pati 'yong, e re-resume natin ang shoot. Tonight. Loud and clear!" Napalunok ako. "So, pa...no na?" I stuttered a bit. "Anong pa'no na?" mukhang nalito yata siya sa naging tanong ko. "I mean... payag ka ba?" tila nahihiya ko pang tanong. Now it feels awkward again. "Oo naman! di ba sinabi ko na kanina? ready na ako, just give me a few minutes to prepare." walang kagatol-gatol niyang sinabi. "Okay lang ba talaga sa'yo?" I'm still not convinced, feeling ko napipilitan lang siya. "Oo sabi, ba't ikaw yata ang parang kinakabahan?" makahulugan niyang tanong. I glared at her, "I wasn't just expecting lang," paliwanag ko. "Actually mas mabuti nga 'yong ganito, habang nasa mood pa tayo! baka kasi... mag-iba na ang ihip ng hangin tomorrow. We'll never know. . ." as she teases me. I chuckled. "Sabagay, per 'wag naman sana... wala namang ganyanan," tumawa siya bilang tugon. "By the way, you've memorized your lines na naman no?" dugtong ko. "Malamang! naka ilang takes na kaya tayo, ikaw ba... kabisado mo pa 'yong sa'yo?" ibinalik niya 'yong tanong sa akin. "Siguro naman, at kung may makalimutan, bahala na, mag a-adlib nalang siguro," ngumiwi ako. Ngumiti siya sa narinig. "Natututo ka na talaga, puwedeng puwede ka ng tumanggap ng iba pang projects after after this one." I shrugged. "Hindi na siguro! para kasing mas gusto kung i-explore ang mundo sa likod ng camera ngayon, para maiba naman," tugon ko. "So, iba naman trip mo ngayon?" sa himig na tila nagtataka. "No, hindi siya basta basta trip lang, basta, I just found something interesting about it." "I see... good luck then! so, okay na? balik na tayo do'n?" "Wait lang... I forgot, sabi nga pala ni direk, we should be in character na, the moment we step out of this area." "Really?" she raised her brows high habang nakapamewang ang kaliwang kamay. "So anong magiging set-up? sasalubungin nalang tayo ng mga ilaw at camera pagdating natin do'n? ta's take na agad?" "Ewan ko," napakamot ako sa batok. "Pero posible ba 'yon? ikaw kaya ang mas may alam sa ganitong mga bagay compared sa'kin. May na experience ka na bang ganito noon?" "Ibig mo bang sabihin ay 'yong on the spot takes?" "Uh huh!" "Hindi pa, kasi dapat prepared 'yong mga artist before sumalang, para walang masayang na scene. But in our case. . . ang dami na yatang nasayang na eksena, kaya siguro minadali na, ibang klase din talaga si direk no? and I must say na saludo ako sa kanya, hindi siya nauubusan ng ideas, ang dami-dami niyang back-up plans na tanging siya lang ang nakakaalam," "Sinabi mo pa! nakaka inis na minsan, nakaka pressure, pero alam naman natin that he's just doing his job para sa ikagaganda ng proyekto, at aminin din natin na. . . it's not really easy to be on his shoe. Imagine karga-karga niya 'yong concerned ng buong production team? eh, sa'ting dalawa pa nga lang sobrang stress na siya, tas idagdag pa 'yong iba." "Oo nga! kaya magpakabait na talaga tayo!" At sabay kaming nagtawanan as we take a walk. Approaching the venue ay may sumalubong na dalawang tao sa amin. "Sandali. . . mukhang may sumasalubong sa atin, nakita mo ba 'yon?" Sabay turo ko sa mga ito. "Oo nga no? inutusan siguro ni Direk." "I guess so. . ." I shrugged. Ilang sandali pa ay nagpang-abot rin kami ng mga taong tinutukoy niya. Bumulong 'yong isa sa kanila sa akin. "Pano ba 'yan? magkahiwalay 'yong mga tents natin. So, I guess we'll part ways for the meantime..." paglalahad ko kay Vana. "Ah, okay. . . so, pa'no? I'll go ahead na," she casually responded and turn her back on me. I simply nodded, ngunit bago paman siya tumalikod at aalis na sana nang bigla akong humabol. "Sandali Vee," muli siyang lumingon. "Gusto ko lang sana ulit mag thank you for spending time with me and for simply listening. For being so... basta lam mo na'yon! Tnx again!" "Wala 'yon! ano ka ba? besides... you also did the same thing for me naman, so patas lang tayo," ngumiti siya. "Kahit na, you just don't know kung gaano mo ako napasaya tonight!" giit ko. Sandaling siyang natigilan at biglang naging seryoso ang anyo. "Wala naman akong ginawa ah! Baka kung anong isipin nila." Sabay sulyap sa dalawa pang taong nando'n na waring kinikilig sa mga nakita at naririnig mula sa amin. "Eh, di isipin nila kung anong gusto nilang isipin!" I chuckled. "ANOOOO? kainis ka naman eh!" "Hahaha. . . joke lang! mababait' 'yan sila, hindi nila tayo ilalaglag." kinindatan ko pa ang dalawa pagkasabi no'n, hanggang sa nakitawa narin sila sa amin. "Dahil wala naman talagang ilalaglag! umayos ka, ano ba?" Mukhang naiinis ko na siya. "Oo na! eto na. . . aayos na! bye Vee, see yah later," pagtatapos ko sa usapan. Yayakapin ko na sana siya ng bigla siyang nagprotesta. "Oppss! mukhang namimihasa ka na ah?" Iniharang niya ang kanang braso sa gitna namin. "Beso lang. . . 'eto naman oh! Ikaw nga inaano mo ako kanina." "Ano?" nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "Wala! Joke lang, sige na... punta kana do'n at hinihintay ka na ni direk," natawa ako sa naging reaksiyon niya, ngunit may naramdaman ring konting hiya sa sarili. But then, pinagbigyan niya rin ako kalauanan. Sandaling nagdikit ang mga katawan namin. Haaay! this feels like surreal. Pampakalma, pampalakas ng loob. An assurance na magiging okay ang lahat mamaya. Maghihiwalay na sana kami ng magpakita si Direk. Isang pagkatamis-tamis na ngiti ang isinalubong niya sa amin. Mukhang masayang masaya siya sa nakikita ngayon. "Bakit Direk?" di ko mapigilang itanong. "Wala, I'm just so glad with what I saw, mukhang effective 'yong pinagawa ko sa inyo kahapon, huh! I mean... look at the two of you now? such an undeniable chemistry!" Nagkatinginan kami. "Well, thanks to you Direk! you're such a big part of this whole scenario, isa pa... ang kulit din kasi talaga nito eh! wala tuloy akong choice," si Vana na ang sumagot no'n, kasabay ng konting irap sa mukha. "Bakit, ako lang ba? ikaw din kaya?" depensa ko. "Pero ikaw 'yong pinaka..." pumagitna na si direk sa usapan bago pa man nadugtungan ni Vana ang gusto niyang sabihin. "Guys, guys... baka kung sa'n na naman mapunta 'yan ha? mabuti pa, fix yourself now and then go over the script again, magrorolyo na ang camera in a bit." "Sabi ko nga Direk, ito kasi eh..." giit ni Vana. "Oh, ano na naman? Kasalanan ko na naman?" buwelta ko. Di mapigilan ni direk na hindi matawa sa nasaksihang kulitan namin, and maybe, it somehow uplift him. Pero hindi parin siya nakakampante. Hinila niya kami sa isang tabi at kinausap ng masinsinan, before we parted ways. Nagtungo na ako sa naka assign na tent sa akin after that conversation. Minadali nila akong ayusan doon, as I go over the script again. Itinuon ko ang mga mata sa papel na aking hawak-hawak. OUTDOOR... May bandang tumutugtog sa gitna ng entablado paharap sa iilang mga manunuod. In between cuts ay magsasalita ang vocalist ng nasabing banda. Vocalist "Our next set is dedicated to all the guys out there who chose to love and continue to love in spite of... sa mga taong patuloy na umaasa at naniniwala, na kahit lumipas man ang maraming taon ay patuloy na kumakapit, samahan niyo kaming balikan ang mga alaala ng nagdaang pag-ibig at baka sakaling mabigyan namin kayo ng karagdagang lakas ng loob para magpatuloy. Sa mga taong hindi napapagod magmahal, para po sa inyo ito. . . and then a familiar song will play... Hm! talaga lang ha? I rolled my tongue in the insides of my mouth. Di ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa nabasa. But then I continue to scan the pages. Papasok si RAIN (female protagonist and VANA'S character) in the middle of the crowd at makikihalubilo sa mga taong nando'n habang tumutugtog ang banda. Makakabunggo niya si MAE, isa pang karakter sa kuwento at bestfriend ni RAIN. Nasa late twenties ang edad, maiksi ang buhok, balingkinitan ang katawan, morena at may pagka exotic ang beauty, gandang bet na bet raw ng mga foreigner. They will engaged into a light conversation later. MAE "San ka ba galing? ba't bigla bigla ka na lang nawawala?" (nandidilat 'yong mga mata ni Mae, waring nanunumbat) RAIN "Nag C.R. lang ako saglit," (bahagya siyang nag-ayos ng damit) MAE "Ows! di nga? Kala ko pa naman kinidnap kana!" (umismid siya) RAIN "Totoo nga, hindi na ako nakapagpaalam pa sa'yo kanina, 'coz you're busy entertaining someone. Isa pa, sino namang kikidnap sakin?" MAE "Malay natin, dami kayang boys dito, ayan oh! tumingin tingin ka sa paligid." (she pointed on some of the guys out there) RAIN "Yeah you're right! madami nga sila, but I'm not interested, kaya hindi ako magpapakidnap ng basta basta nalang, no?" MAE "Bakit? dahil ba do'n sa lalakeng na meet mo 2 years ago? eh ni hindi mo nga naging jowa 'yon, no? Ano ba! move on, move on din teh! masyado na tayong napag-iiwanan." RAIN "Hmp! nagsalita ang may jowa." MAE "Kaya nga eh! pero at least ako open, nag e-entertain, eh ikaw?" RAIN "Ano?" (she raised her voice) MAE "Wala, forever stuck in the middle of I don't know where... Alam mo? naiintriga na talaga ako sa lalakeng 'yon? gano'n ba talaga siya kagwapo para hindi mo siya makalimutan?" RAIN "Bakit, itsura lang ba talaga ang batayan ng lahat? may pinagsamahan kaya kami no'n. We've enjoyed each other's company even just for a while." (lumungkot ang kanyang anyo) MAE (Napamulagat ang mga mata) "So, hindi nga siya kagwapuhan? so what do you like about him ba talaga? magkuwento ka naman!" (Niyugyog niya ang braso ni Rain) RAIN "Ano ba! we're here para mag-enjoy, para makinig ng music at hindi para magdaldalan lang, at para din sa ikatatahimik mo, I'll answer the question... pasado naman 'yong itsura niya sa standard ng society. But let it be, wag na nating ungkatin pa ang nakaraan, let's just enjoy the evening, okay?" MAE "Okay, pero alam ko na! hanap nalang tayo ng AFAM mamaya." RAIN "Anong AFAM?" ( She raised her brows high) MAE "My goodness! don't tell me, hindi mo alam kung ano 'yong AFAM" (Sinapo niya ang noo) RAIN (Napaismid ng konti) "Siyempre alam ko! it's just that, naguguluhan na talaga ako sa'yo, panay illusions ka parin sa mga puti, pero ba't ine-entertain mo 'yong guy kanina? eh obvious naman na Pinoy siya no!" MAE (She giggled at bahagyang tinampal si Rain ) "Ano ka ba? Oo I'm so fascinated with them, with white doods I mean. But it doesn't mean na... I don't have an eye for cute guys na, ayaw ko kayang mapagkamalan na suplada." RAIN "Excuses! excuses... ang sabihin mo, malandi ka talaga, hahaha..." MAE "Di bale ng malandi teh, (nakapamewang) kesa ma deads ng hindi nakakarating sa... you know what I mean... hindi kagaya ng iba dyan, never been into something." RAIN "Akala mo lang 'yon," (halos pabulong niyang sinabi) I stop in there as I gulped a little. Seryoso? ito talaga 'yong magiging dialogue niya? Di bale na nga, muli akong nagpatuloy. MAE "Aaaay! (hinila hila niya ang braso ni Rain pagkasabi no'n) magkuwento ka na dali... hindi talaga tayo babalik ng Manila, hanggat wala kang sinasabi sa'kin." RAIN "Sige, pag-iisipan ko. (sumimangot si Mae) "Mamaya, pagkatapos ng set nila" (Pagpapatuloy ni Rain habang ang mga mata't nakatutok sa entablado) MAE "Gusto ko yon, pero sino bang bet mo diyan? huh! 'yong kumakanta ba o 'yong nasa likuran?" RAIN "Hmmm, (kunwari'y nag-iisip) "Both I think!" (she giggles) MAE "Malandi ka rin eh, pa simple nga lang, hahahaa..." RAIN "Slight lang, nakakahawa ka kasi, hahahaa..." MAE "Eh di tayo na ang malalandi, besides we're single and so we're entitled to flirt someone, basta ba don lang tayo sa mga walang sabit. Pero pakinggan mo 'yong kinakanta nila teh, bagay na bagay sa mga hopeless romantic na tulad mo, hahah... RAIN "Oo nga, mukhang ako yata ang pinaparinggan nila" Ang landi landi... naisip ko pagkatapos mabasa ang nasa script. Pero gano'n yata talaga, it adds spices to the story. Nagpatuloy pa ako. Kahit hindi naman ito ang magiging linya ko mamaya, at hindi ako kasali sa unang eksena, importante parin na aralin ko ang lahat. In that way ay malalaman ko ang pinanggagalingan ng bawat karakter. So I would be able to give such real emotions. Muli kong itinuon ang mga mata sa script. Sandaling katahimikan, mag e-emote si Rain dahil maaalala niya ang mga sandaling magkasama sila ng lalakeng laman ng kanyang puso. Pipikit siya, magpapakawala ng isang buntong hininga at ibubulong sa sarili ang mga salitang ito. RAIN "Sana makita ko ulit siya, pangako hindi na ako magho hold back, pangako magiging matapang na ako this time." (Sasabayan ni Mae ang pag mo moment ni Rain, aalalayan niya ang dalaga dahil tila unti unti na itong nilulunod ng sariling emosyon. Kahit wala man itong sinasabi ngayon ay ramdam niya ang lungkot sa puso nito. Isasandal ni Rain ang ulo nito sa balikat ng kanyang bestfriend habang ninanamnam ang bawat lyrics ng kanta.) Ilang minuto pa at narinig ko ng nagsalita si direk, then music fills in the air. ♫♫♫Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan? Kung hindi ikaw ay hindi na lang Pipilitin pang umasa para sating dalawa♫♫♫ Malinaw na malinaw sa pandinig ko ang lahat ng 'yon. Hudyat na nagsimula ng gumiling ang mga camera. The first scene is for the ladies at papasok ako sa kalagitnaan. A few minutes later ay pinalabas na ako ni direk. Iginala ko ang mga mata. Bahagyang nag-iba na ang bihis ng paligid, tinanggal 'yong nakasalampak na carpet kanina, ang tanging makikita na lamang ay ang mga wine at food tables sa gilid, and as expected marami ng ilaw ang nakatutok sa gitna nito. May mga iilang tao din na nakatayo doon. ♫♫♫Giniginaw at hindi makagalaw Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw Kung di rin tayo sa huli Aawatin ang sarili na umibig pang muli Kung di rin tayo sa huli Aawatin ba ang puso kong ibigin kang muli?♫♫♫ Now its' my time to act. OUTDOOR: Kinaladkad si BENJ ng isang kaibigang nag-imbita sa kanya sa nasabing resort, si ROY. (BENJ, that's me, and that's my character in the story) and ROY is my best friend, nasa late twenties din, moreno and also good looking, di nga lang kasing gwapo ko. (that's according to the script) pero ang galing pumorma at mabulaklak ang bibig kapag nagsasalita na! kaya naka ilang girlfriends narin ito. Papasok ang dalawa sa kabilang side at makikigulo sa nagkukumpulang mga tao. Excited na exited na sila, sabi kasi ng receptionist kanina ay may tutugtog daw na banda tonight at may party pang magaganap. No'ng nasa gitna na sila ay biglang nadismaya si Benj dahil hindi naman pang party 'yong music, nakakunot ang noo nito habang nagtatanong kay Roy. BENJ "Akala ko ba magpa party tayo?" (Napakamot siya sa ulo) ROY "Magpa party nga!" BENJ "Eh, ba't banyan ang music?" ROY (Panandaliang nakinig si Roy) "Oo nga no! bakit nga ba? Baka may nag request lang siguro, pang ano lang 'yan... pampa balance ng vibe sa paligid. Baka yong next set sayawan na siguro! tsaka ayaw mo no'n? mare-relax muna tayo ng konti, magkakaroon ka pa ng time to warm-up." ROY "Sabagay, pero... (napapikit siya saglit) "'yong music talaga eh!" ROY "Bakit ba? ano bang meron sa kanta na 'yan?" BENJ "Just listen to it. " (napabuntong hininga siya sa puntong 'yon.) ♫♫♫ ♫♫♫ ♫♫♫ Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala ng papalit sayo? Nasan ka man... Sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon♫♫♫ ♫♫♫ ROY "WTF! yan 'yong kinanta mo noon di ba? no'ng minsan kang nalasing sa isang bar dahil broken hearted ka, tas inagawan mo ng mic yong singer, hahaha..." BENJ "Exactly! (humaba 'yong nguso niya) pero correction lang , hindi ko siya inagawan ng mic, huh! kusa niyang ibinigay yon sa'kin 'yon, kaya nagmagandang loob na ako na tanggapin, hahaha..." ROY "Kasi, nasasapawan mo na siya sa kaingayan mo!" BENJ "Gago! anong magagawa ko? nadala ako eh!" ROY "Ano kaya kung? hmmm... naiisip mo ba 'yong naiisip ko?" (Nagtaas baba ang kanyang kilay) BENJ "Hindi! ayoko, wag mo akong pagtripan" ROY "Sige na for fun lang naman eh! BENJ "For fun mong mukha mo! yoko sabi!" (Hinatak siya ni Roy papalapit sa stage, hanggang sa mapunta na sila sa harapan.) ♫♫♫Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman Kahit matapos ang magpakailan pa man Ako'y maghihintay sa ngalan ng pagibig♫♫♫ Ipinikit nila ang mga mata at iginalaw-galaw ang katawan habang sinasabayan ang banda sa pagkanta. Maya maya ay nakisali na rin ang lahat ng taong nando'n sa area, including Mae and Rain. Pero ilang saglit pa at kapwa hindi na nakayanan ng dalawa (Benj and Rain) ang naging dulot ng kantang 'yon sa mga puso nila. Sa dami ba naman kasi ng puwedeng kantahin? yon pa talaga? parang nanadya lang... They've both decided to leave the place then while the music plays on the air. Nagmamadali silang makalabas sa gitna ng nagkukumpulang mga tao ng hindi nahahalata ng mga kaibigan. Benj is on the right side while Rain is on the opposite area. Maya maya ay nalagpasan na nila ang crowd, pareho silang tumigil at hihinga ng malalim. Kapwa nila sasabayan ang kanta hanggang sa makuha ang atensiyon ng bawat isa. Isang dahilan upang kapwa hanapin nila hanapin ang pinanggagalingan ng pamilyar na boses. ♫♫♫ ♫♫♫ ♫♫♫ Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti Isang umagang di ka nagbalik Gumising ka at ng makita mo Ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik♫♫♫ Pumuwesto ako at inihanda ang sarili. In 4... 3... 2... 1... Lingon! as Direk Jo instructed us. Bumungad sa mga mata ko ang isang pamilyar na mukha, a petite lady in a and sexy black bikini na pinatungan ng isang white cover up. BENJ "R-Rain, is that you? (Tila hindi makapaniwala ang binata sa nakikita niya ng mga oras na 'yon.) Bahagyang nag-init ang aking pakiramdam ng mapagmasdang mabuti ang kabuuan ng babaeng kaharap ko ngayon. Ano ba tong pinasuot nila kay Vana? at bakit siya pumayag sa gaitong attire? Are you seducing me girl? you're so freaking hot! wag mo talaga akong sisisihin sa kung ano man ang magagawa ko tonight. Mga katagang nanatili na lamang sa aking isipan. I'm trying my best to compose myself here. Pilit na nilalabanan ang sarili upang huwag madala sa kakaibang sensasyon na bumabalot sa buo kong pagkatao. Pero sa muli ay ipinagkakanulo na naman ako ng sarili. Para akong nakalutang ng ilang sandali, hanggang sa... "CUT! Ano ba RENZ? Babalik na naman ba tayo sa simula?" singhal ni Direk. "Sorry Direk, one more take please," pakiusap ko. "Okey, take two tayo, Vana be on character now, baka ikaw naman 'yong mawala sa linya, ayusin niyo!" "ACTION!!!" huling salitang narinig ko before I gathered back all my senses. Magtatagpo ang mga mata namin at makikita sa mga reaksiyon ang pananabik para sa bawat isa, ayon sa script. RAIN "B-Benj?" Maririnig parin ang background music sa paligid. ♫♫♫Hanggang kailan pa ba magtitiis? Nalunod na sa kaiisip Huling kapiling ka'y sa aking panaginip Ikaw mula noon Ikaw hanggang ngayon♫♫♫ Pansin ko ang mapanuri niyang mga mata. Tinitigan niya rin ko, gaya ng pagkatitig ko sa kanya. Pagkatapos naming magsawa sa kabuuang anyo ng bawat isa ay nagsimula na kaming maglakad hanggang sa magtagpo kami sa gitna at magyakapan. Nag-iiyakan sa sobrang galak ng mga puso. Hindi man ako sanay, matagal man akong nawala sa lime light, but for some reasons, ay nag-uumapaw ang damdamin ko ngayon. Such over flowing emotions pours on. At that moment ay alam na alam ko sa sarili na hindi na lamang ako umaarte. It was indeed pure. BENJ "I thought I will never see you again. (tumingala siya at pumikit) "Thank you!" bulong niya sa kalangitan. RAIN "Ako rin, hindi ko inakala na mangyayari pa ito, nagkakatotoo pala talaga ang isang hiling kapag isinasapuso mo siya." BENJ "Talaga? hiniling mo to? akala ko ba..." (Tila hindi siya makapaniwala sa narinig) RAIN "I'm sorry kung naduwag ako dati, natakot akong makipagsapalaran sa mundo mo." BENJ "Ssssh... It's not your fault, (he holds her hand tightly) pareho tayong nagdesisyon no'n, we just choose what we think was best for us at that time. I'm sorry din dahil hindi ko ipinaglaban ang pagmamahal ko sa'yo, sorry dahil tinanggap ko na lang ang lahat." Pinahiran ko ang luha sa mga mata niya habang nakayuko. Pilit na inaabot ng mga daliri ko ang kanyang mukha. Maya maya ay dahan dahan ko itong iniangat at tinitigan ng ilang segundo. Marahan kong hinaplos ang makinis nitong balat, mula sa noo, mata, ilong, pisngi, hanggang sa napunta sa mga labi niyang kulay rosas. s**t! mauubusan na yata ako ng hininga sa ginagawa. Nagiging totoo na yata ang mga eksena namin ngayon. Pumikit si Vana at hinayaan niya akong mag dominate ng eksena. Sa isip ko, this is it! mangyayari na ang matagal na panahon kong pinangarap, di bale ng scripted, at least magkakaroon na ako ng chance to be this intimate with her. I'm sorry sa gagawin ko Vee, pero ang hirap na talagang magpigil. I'm sorry dahil hindi nalang ito para sa ikakaganda ng pelikula. I'm sorry dahil magpapakatotoo na ako sa sarili this time. At wala na nga akong inaksaya na panahon, isinagawa ko ang dapat isagawa. I close my eyes and gently kissed her, that somehow created a certain spark around. Libo-libong boltahe na naman ang kumawala sa buo kong katawan. Ngunit ibang-iba siya sa naramdaman ko noong minsan namin itong ginawa under the influence of alcohol. It's more passionate now, 'yong tila nag-uusap kami sa isang lengguwahe ng pag-ibig na parehong nag-iibigan lang ang makakaintindi. Hindi na naman ako makapaniwala sa mga nangyayari. Sa muli ay hindi ko na naman kayang ipaliwanag ang nararamdaman. Samo't saring emosyon ang lumulukob sa damdamin ko na waring nagpapabagal ng aking sistema. What the f**k just happened to me? para akong teenager na nakaranas ng first kiss no'ng high school sa sobrang kilig. Natawa ako at bahagyang pinagsabihan ang sarili. Umayos ka Renz, huwag ipahalata ang kilig at maraming nakamasid sa paligid. Nagtagal pa ang halik na'yon ng ilang segundo dahil tila kapwa na kami nadadala sa eksena. But what bother's me most is hindi man lang sumigaw ng cut si direk! or baka wala lang siguro akong narinig? I really don't know, bahala na, mukhang nag e-enjoy din naman yata sila sa panonood sa amin. Ilang sandali pa ay nagkusa narin kaming maghiwalay ng maalalang nasa gitna pala kami ng shoot. Our gaze locked after. Nag-uusap ang dalawa naming mga mata. I almost forgot our last lines. BENJ "I love you" Dinampian ko ng halik ang isa niyang kamay as I intently look at her in the eyes BENJ "I will always love you, I have never loved anyone the way I love you... lagi mo 'yong tatandaan." Halos maiyak na ako pagkasabi no'n that leave her speechless for a while. Hindi ko nga lang masabi kung ano ang iniisip niya ng mga oras na'yon. Bahagya iyang napalunok before she throws her line. RAIN "I have loved you, and there were even times that I convinced myself na kalimutan ka na lang, na kalimutan ko na ang mga nangyari noon, but I just end up betraying myself, kasi ang totoo... I do still love you, I love you now, and I will love you forever! ikaw lang at wala ng iba pa. Napaawang ang aking bibig. Binitiwan ko siya pagkarinig no'n, ngunit nanatiling nakatutok ang mga mata ko sa kanya. I wanted to ask something. Gusto kung sabihin na parang wala na script ang mga pinagsasabi namin. Pero hindi ko nagawa, dahil naduduwag na naman ako "as usual" so I settled for those words. Marahil ay sapat na ang lahat ng iyon sa ngayon. Ngunit sa di mapigilang bugso ng damdamin ay muli ko siyang dinampian ng halik, isang simpleng dampi na naging mapusok na kalaunan. Titigil lamang ako kapag umayaw na siya, at kapag sumigaw narin ng "CUT" si Direk Jo. Pero sana... sana lang ay maiintindihan ako ni direk ngayon, afterall siya naman ang nagsuggest na gawin ko ang lahat to win her back. Dama kong medyo nabigla siya noong una, she didn't saw it coming, perhaps. Nasanay siyang nakalatag ang lahat before doing a scene. But on the other hand, she's also aware na binigyan kami ng freedom ni Direk to act naturally for that specific scene. To bare our self and give our all, sa ikagaganda ng pelikula. I admit to be hesitant at first, pero di ko mawari kung anong pumasok sa isipan ko't ginawa ko iyon. Siguro ay masyado akong nakampante with her positive response sa nauna naming eksena. Hanggang sa ang kapusukan ko ang naghari sa akin. And maybe luck is on my side now, kasi wala akong naramdamang protesta galing sa babaeng kaeksena ko ngayon. Nagulat lang siguro siya at first, but she eventually allowed me to play the role. "CUT!!!" umaalingawngaw ang boses ni Direk Jo sa ere na muling gumising sa aming kamalayan. Halos abot tenga ang kanyang ngiti. Walang mapagsisidlan ang kaligayahang nadarama ng mga tao roon. Mababakas sa mga mukha nila ang kakaibang sigla at galak sa puso. What have we done for them to act this way? naitanong ko sa sarili. Bahagya akong yumuko when I realized things habang naka angkla ang isa kong kamay sa bewang ni Vana. "Sa wakas, naitawid din natin with flying colors! Thank you guys for a job well done, especially to the lovely couple," tinapunan kami ng mapanuksong tingin ni Direk. "But we're not yet done, meron pa tayong kailangang tawirin, after this scene... magiging madali na ang lahat." pagtatapos niya. "Noted po Direk," sabay naming binigkas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD