A CONVERSATION

4992 Words
Pero bakit gano'n? ba't parang may mali? and why do I have this feeling of loneliness? of emptiness na hindi ko maibulalas kahit kanino. At kung meron mang sigurado sa nararamdaman ko ngayon, 'yon ay ang katutuhanang mami-miss ko siya. How I hate this feeling, kaya siguro nga, tama lang... tama lang na idaan sa biro ang lahat! para less complications, less pain. "May problema ba?" isang katanungang bumasag sa aming katahimikan. "Yes?" ang tanging naisagot ko sa kanya no'ng mag-angat ako ng mukha. "Ano yon?" Seryoso siyang nakatitig a akin. "Ang alin?" nalilito kong itinanong "Tinatanong ko kung may problema ka, ta's sabi mo Yes!" "Hindi, ano... uh! tinatanong ko rin kung ano 'yong tinatanong mo sa'kin," muli akong yumuko at pinaglaruan ang steak na nasa aking pinggan gamit ang tinidor. "I see... nagtatanungan pala tayo dito," bahagya siyang tumawa at nagpatuloy sa pagkain. "Sorry..." I utter the word. "So, ano nga? I mean... bigla ka kasing natahimik, is there something bothering you?" usisa pa niya. "No! no... may bigla lang sumagi sa isipan ko kanina." I forced a smile on him. "Pwede ko bang malaman kung ano 'yon? kung pwede lang naman..." he emphasized the last words. "Wala! nothing serious, 'wag mo ng isipin." "Okay..." "Ano na nga ulit 'yong pinag-usapan natin kanina? prior to this topic I mean," tanong ko sa kanya. "Actually nakalimutan ko na rin eh!" sagot niya habang napakamot sa batok, at muli kaming nagtawanan. "Renz, can I ask you something personal?" "Yup, sure! go on..." "Hindi sa nag e-eavesdrop ako ha? it just happened na... I got to overhear some of your conversations over the phone." "Uh, huh..." tanging nasagot niya habang patango-tango lang. "Para kasing... hindi ko na yata napapansin na nag-uusap kayo ni... what was her name again? 'yong laging tumatawag sa'yo?" He flashed on a devious smile. Kailangan niya ba talagang gawin 'yon? cause it hits differently. "Narinig mo pala? Well, ayaw lang siguro niyang maka istorbo sa shoot and maybe Ashley, that's her name by the way... is also busy with her own stuffs, kaya gano'n..." Walang kagatol-gatol niyang sinabi bago ngumuya ng pagkain. "Ashley? sorry, pero... parang iba yata 'yong na mention mong pangalan, I'm talking about the person na madalas mong kausap sa phone no'ng medyo hindi pa tayo okay," paglilinaw ko. Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "Siya nga! wala naman akong ibang kausap uh! And by the way, I call her Swettie, maybe that's what you've heard." "Uh! okay, isang tao lang pala sila? akala ko kasi iba ang tinutukoy mo. So, matagal na kayong magkakilala?" I continue with some questions. "No!" Sumandal siya backrest ng upuan at pinunasan ang bibig. "Actually we just met a few months ago, no'ng bumalik ako dito sa Pinas. Pero... alam mo 'yong meron kaagad kaming connection? it just feel so strange na para bang ang tagal na naming magkakilala. Sabagay, nangyayari naman talaga 'yon di ba?" pagkatapos ay mariin niya akong tinitigan. Napasinghap ako. "The way you talk about her, she seemed to be very special." "She is..." tumango pa siya pagkasabi no'n, "She's an inspiration! not just for me, but also for the people around her." "Hmmm... Gano'n ba? And maybe interesting too?" "Sinabi mo pa! I'll introduce her to you, one day." My eyes widened. "Seryoso?" "Oo naman! ayaw mo ba?" "Hindi naman sa gano'n, baka lang kasi maging awkward, alam mo na... although hindi man tayo naging official no'n, but still... in the eyes of many, we shared something beyond friendship." "So?" he smirked. "Okay lang ba sa kanya?" "Of course! Ba't naman hindi?" paninigurado niya. "She must be... very understanding also." " Well, sa totoo lang gusto ka rin talaga niyang ma meet in person." "T-talaga?" tila hindi ako makapaniwala. Tumango siya in response. And after what I've heard, parang nahiya narin akong magtanong ng tungkol sa babaeng pinag-uusapan namin. Sapat na siguro ang mga narinig ko, enough for me to say that Renz has totally moved on from the past. But it took me a while to absorb things, parang may kung ano na namang kurot ang gumuhit sa kaibuturan ng aking puso. Until I heard a splash, nang mag-angat ako ng tingin ay binuksan niya na ang bote ng wine. He pour on some on each of our glasses, then offer a toast. "To..." sadya siyang tumigil, binigyang daan akong magsalita. "To the success of our movie..." dugtong ko. "To our renewed friendship and to the start of something better than the last..." makahulugan niyang sinabi habang kumikindat. Sheet! Nagkibit ako ng balikat, ngunit tila bigla akong nawala sa sarili. I was a bit lost, that signature winked that drives everyone crazy before, in addition to his swag moves. Now his back at it again! then we clicked glasses. "How about you?" ibinalik niya ang tanong sa akin, after the drink. "What about me?" nilapag ko ang wine glass sa table. "Alam mo, ang dami na nating napagkuwentuhan, but there are still a lot of in between's na hindi na natin napag-usapan." "Like?" "Like... like after what happened to us... after we cut off ties... Is there? 'wag na nga lang! parang nahiya na akong magtanong eh!" aniya. "Are you trying to ask if nagkaro'n din ako ng special someone no'ng mga panahong 'yon?" He just shrugged his shoulder as a response. "Well, for the record wala akong nakarelasyon na sinuman, kasi natatakot na akong makipag commit, natatakot na akong muling masaktan." manaka-naka ko siyang tinitingnan, again avoiding his gazes, habang seryoso siyang nakatitig. "I know! but having someone special doesn't necessarily mean or doesn't refer to a guy you're romantically inclined with." "So, anong ibig mong sabihin?" "Ang ibig kong sabihin ay... just anybody from the opposite s*x who's close to your heart now, maybe a friend, a confidante? basta! that one person who makes you smile, who inspires you to be better each day, someone who let you see the world in a different perspective." "Lalim no'n ah! wait lang... puwede bang i absorb ko muna lahat?" I chuckled. "Come on! napaka simple lang ng tanong ko! and yet di mo makuhang sagutin." "Hindi ko kasi alam kung anong isasagot do'n." "Which means?" "Which means... 'wag na nalang nating pag-usapan, kasi..." I trailed off so he butted in. "Kasi ano? kasi, 'til now, wala ka pa ring nahanap na kapalit ko? gano'n ba'yon?" lakas loob niyang sinabi. "Excuse me? Kapal mo!" naibulalas ko. "Joke lang! joke lang..." at tumawa siya. "Umayos ka!" "Joke nga lang eh! but seriously, ano nga? teka, mas sisimplehan ko na lang 'yong tanong ha? Is there someone na nagpapasaya sa'yo ngayon?" "Nagpapasaya? Oo! madami actually!" Ngumiti siya. "Wow! pero, sabagay, totoo naman din, ikaw ba naman ang maging si Miss "VM" I'm sure marami talagang pipila, mapasaya ka lang..." yumuko siya at pinaglaruan ang bunganga ng baso. "In a way! siguro..." I took it as a compliment. "Ano'ng in a way?" nag-angat siya ng mukha. "Kasi... minsan hindi ko na ma point out kung ano ang totoong intentions nila, am I really that special? or ginagawa lang nila 'yon just because they want something more from me? eh pa'no kung hindi ko na ma met 'yong expectations nila sa'kin? will they still be there for me? parang nakakatakot lang isipin, kaya minsan hindi ko na alam ang tamang pag handle ng mga bagay bagay." I sigh. "Teka muna! wait lang... natatakot din pala ang mga kagaya mo? Kasi, sa pagkakaalam ko at sa pagkakaintindi ko... everything turned out just right for you! I mean... look at you now? you have achieved your dreams, sobrang successful mo na! You're one of the country's most well loved celebrities, you have nothing to worry about! You should be happy!" "I am..." "Talaga ba? ba't parang labas sa ilong? parang iba din 'yong nakikita ko, this is not the girl whom I used to know." "Nag drama lang ng konti, nag-iba na kaagad? hindi ba pwedeng nagre-release lang ng konting bad vibes? para matanggal na sa katawan..." "I won't buy that! Iba kasi 'yong pakiramdam ko eh! Parang ang dami daming nakatagong emosyon diyan sa loob mo." "So, psychic ka na pala ngayon?" "Hindi! sabihin nalang natin na... pinagdaanan ko na rin yan before, kaya I know one, when I see one. Wala kang maitatago! " "Ewan!" I shrugged. "Maybe I was just so overwhelmed with how things work over the past years. Yes! I am beyond grateful on how people treat me, but somehow I felt the pressure na nakapatong sa balikat ko! I mean... I am thankful sa lahat ng 'yon, pero feeling ko kasi... may obligasyon ako sa bawat isa sa kanila, to the point na I feel guilty whenever I disappoint them. There's no room for mistakes, kaya minsan di ko na rin alam kung saan ilulugar ang sarili." Tumawa siya pagkarinig no'n. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" "Wala naman, it's just that biglang nag flash back 'yong naging usapan natin kahapon. As I remember di ba nakipagtalo ka pa sa'kin? no'ng sinabi ko ang mga dahilan on why I left the country for good? ta's 'eto ka ngayon sharing something similar to it." "Alam ko, medyo nahawaan mo nga yata ako slightly! but as far as I remember din, I didn't say anything against sa naging desisyon mo noon, including the reasons on why you left. All I'm saying kahapon is that... you should take full responsibility sa mga desisyon mo sa buhay and be man up to acknowledge all your faults. Wala kang ibang sisisihin kasi ikaw ang nagdesisyon no'n para sa sarili mo. Kahit pa sabihin na malaking factor 'yong mga pangyayaring naidulot ng mga tao sa paligid mo, at the end of the day! it is still you, that has the final say." I look away. "Yes Maam! gets ko 'yon! ang sinasabi ko lang din naman, is... naiintindihan kita! kasi medyo mahirap 'yang pinagdadaanan mo ngayon! Being lost and being stocked in the middle of..." Hindi na niya itinuloy ang mga sinabi, bagkos ay tinapos ito ng isang buntung hininga. "In the middle of nowhere..." I completed his statement. "Mismo! alam mo 'yang nowhere na 'yan? ang dami dami ng naliligaw diyan! ang nakakatakot pa...is hindi naman talaga natin alam where that specific place is. Ni hindi nga natin namamalayan na napunta na pala tayo do'n! We will just woke up one day and found ourselves trapped in it." "Sandali, kunin ko lang 'yong life saver ko huh?" "Bakit?" "Palalim na kasi tayo ng palalim, baka malunod ako..." "Don't worry I won't let you get drowned, and if I couldn't help it, eh di sasabayan na lang kita. Magpakalunod tayong dalawa." Isa na namang makahulugang pahayag. I glared at him. Bakit ba lagi niya na lang ginugulo ang isipan ko. Such a jerk. "Hahaha..." tumawa siya no'ng mapansing nagseryoso ako. "But kidding aside..." muli niyang pagbubukas sa usapan. "Gaya nga ng sinabi ko kanina, I completely understand your thoughts and your feelings, kahit hindi mo pa sabihin. But just a piece of advice from someone who've been through the best and the worst, in and outside this business of course! hinay hinay lang ha? take it slowly and rest if you may, don't push yourself too hard, because you might end up hating the things you've love the most!" "Yan ba 'yong nangyari sa'yo?" "Hmmm... sort of!" "Sige nga! as someone who've been through life, in and outside showbiz gaya ng sabi mo, what's the best advice you could give to someone like me?" "Wala! just be yourself enjoy life and live it to the fullest!" "Wow! bagong bago 'yon uh! Parang ngayon ko lang yata narinig!" tugon ko. "I know it's cliche, but it suits you! e- enjoy mo lang ang buhay 'wag kang padadala sa lahat ng pressure sa paligid mo! at 'wag mong hayaang idikta ng iba ang magiging kaligayahan mo, dapat ikaw mismo ang makahanap no'n! at once na mahanap mo na siya... keep it in your heart and never ever let it go. At 'pag dumating 'yong araw kung kelan ubos na ubos ka na! at gusto mo ng sumuko, buksan mo lang siya at do'n ka humugot ng lakas upang magpatuloy. Makikita mo, muling magliliwanag ang lahat." his eyes sparkle while uttering those words. Punong-puno siya ng emosyon ngayon. "I'll take it! thank you." "Saan?" "Sa pa words of wisdom mo! this is what I've been missing all along, 'yong mga ganitong usapan natin, kasi I get to share my own thoughts and show the other aside of me, 'yong madalas kung itinatago sa public." "Wow! what can I say? I'm flattered, siguro nakakahawa lang talaga 'yong kadaldalan ko minsan, kaya napapakuwento ka din. Anyway, I just want you to know that I've enjoyed every moment na kasama ka at masayang masaya ako kasi... nakakapag-usap na tayo ng ganito ngayon. I mean... I'm so glad na nasira na 'yong wall between us, at feeling ko... mas magiging close tayo ngayon kesa sa dati." "Really?" I raised my brow high. "Oo! bakit? ikaw ba hindi gano'n 'yong tingin mo?" "Gano'n din..." "Yon naman pala eh! So, tayo na?" "Anong tayo na? pinagsasabi mo diyan?" biro ko. "Ta... okay, I get it! What I'm saying is... tayo na, let's go, that's it!" paglilinaw ko. "Ayusin mo kasi para hindi ako nalilito!" I chuckled again. "Pero saan? I mean sa'n tayo pupunta?" "Eh di do'n sa location, di ba may shoot tayo ngayon? kanina pa naghihintay sina Direk sa'tin." "Seryoso? we'll resume the shoot now? Ba't di mo kaagad sinabi?" nag-alala akong bigla. "Joke! bukas pa raw sabi ni direk, pero magtatrabaho na tayo ngayon." "Ano'ng trabaho? ano'ng gagawin natin?" "Magwa-warm up..." taas baba ang kilay niya. "Anong warm-up? gago ka talaga! di ba love scene 'yong kukunan? pa'no pagwa-warm up do'n?" "Warm-up, 'yong mag-uusap muna tayo ng masinsinan para mas maging comfortable tayo sa isa't isa, like some sort of a workshop?" Napaismid ako, "sabi mo eh!" "Ikaw, kung anu-ano iniisip mo huh? nagdududa na talaga ako sa'yo..." asar niya. "GAGO! loko loko ka talaga no! halika na nga at ng matapos na'to." "Ouch!" humawak siya dibdib, "Ayan ka na naman sa tatapusin, dahan-dahanin mo naman..." umasta siyang nasasaktan. "Babatukan na talaga kita..." naiinis na ako ngunit tumawa lang siya. "JOKE! lika na... at para mas maging ready pa tayo, I feel muna natin 'yong pagiging lovers para mas makatutuhanan mamaya," as he explains. Ilang sandali pa at tumayo na siya, yumuko sa aking harapan, sabay lahad ng kanang kamay. "Can you hold my hand? please..." kasabay ng nangungusap na mga mata. I was about to hold my breath, nagsimula na namang maghuramentado ang aking sistema. Ayan ka na naman . . dinadaan mo na naman ako sa mga malalandi mong tingin, naibulong ko sa sarili. Keep your s**t together girl, wag kang padadala, ngayon lang 'to... because you'll separate ways again, after ng movie. Medyo nag ho-hold back pa ako at first, pero maya maya ay sinakyan ko na rin ang trip niya. I stood up and took his hand. Workshop daw eh! eh di workshop. Later on ay binaybay na namin ang malawak na dalampasigan while holding each other's hand. Na para bang... kaming dalawa lang ang nasa lugar na'yon. I felt sudden butterfly in my stomach, nagwawala na naman ang mga alaga ko. Nagpatuloy ako sa pakikiramdam habang pinipigilan ang sariling huwag mahulog sa isa na namang panibagong patibong ng sinasabi nilang PAG-IBIG. "Imagine life kung hindi ako bumitaw no'n? baka tayo na siguro..." pambabasag niya sa katahimikan. "Ano 'to? Trip down memory lane?" natatawang kong tanong . "Ayan ka na naman... akala ko ba sasabayan mo ang trip ko?" "Sinabi ko ba 'yon?" "Oo! Kaya pakisagot ng tanong ko please..." waring nakikiusap ngunit sa tono ng isang pag-uutos, kaya't napailing na lang ako. Do we really need to do this? di kaya kami magmumukhang tanga nito? pero sumagot narin ako kalaunan. "Siguro... kung hindi ka bumitaw, pero bumitaw ka!" singhal ko. "IKaw kasi eh!" sumimangot siya. "Bakit ako?" kumunot ang aking noo. "Binigyan mo man lang sana ako ng kahit konting pa hint no'n, kaso wala talaga akong makita..." umiling iling siya. "Ganon ka ba kamanhid? kung 'yong ibang tao nga may na notice, then how come na ikaw wala? or wala ba talaga? baka naman nagiging defensive ka lang!" buwelta ko. "And why will I do that?" tumigil kami sa paglalakad. "To protect yourself! para. . . hindi masyadong masakit, pag-nabigo." "Seriously? hmm! walang gano'n Vee! dahil pare pareho lang 'yong sakit! there's no halfway, dapat alam mo 'yon." pagdidiin niya. "Oo nga pala! sorry. . . I forgot, beterana nga pala ako when it comes to heartaches and pains. I should have known better." I said in a sarcastic way. Medyo nagulat siya. "Ano 'yooon? magsusumbatan na naman ba tayo? magbibilangan sa kung sino ang mas nakasakit at mas nasaktan?" "Of course not! Binawi ko ang aking kamay na kasalukuyan niyang hawak. "Okay na nga tayo di ba? ikaw lang naman 'yong nagre-remind sa'kin about sa sakit sakit na'yan!" buwelta ko. "Huh? ako ba? sorry na... it was just a slip of the tongue." sa puntong 'yon ay tumalikod siya sa akin. "Bakit ba kasi napunta do'n 'yong usapan natin? I'm just expressing some thoughts lang naman, at hindi naman siguro masamang isipin ko kung ano kaya ang nangyari if I didn't walk away? It wasn't my intention to talk about the pains of yesterday, it's just that hindi 'yon maiiwasan everytime we talk about us. Kaya sana, 'wag mo ng gawing big dea..." muli siyang humarap. On that part, pero di na niya natapos ang mga binabalak pang sabihin, because of my reaction. Hindi niya alam na habang emote na emote siya ay tumatawa naman ako behind his back. Wala lang... trip ko lang, maldita din talaga ako minsan. "Hahaha... IZZAPRANK!!!" "Bwisiiiiiit! alalang alala pa naman ako, kasi ayokong magtampo ka na naman! tas pinagti-tripan mo lang pala ako? nakakarami ka na ha!" "Sorry... " I raise for a peace sign. "ang rupok mo talaga ano?" "Well at least... hindi matigas 'yong puso ko," depensa niya sa sarili. "Di gaya ng sa akin?" "Ay! wala akong sinasabi..." Iiling iling siya habang binibigkas ang mga salitang 'yon, trying his best not to offend me this time. "At Oo! guilty ako for that, pero hindi ko naman 'yon ina-apply sa lahat! 'yong karupukan ko I mean... siguro sa mga iilang tao lang, sa mga malalapit sa puso ko." he smiled. "So, kasali ako do'n?" lakas loob kong itinanong. "Tinatanong pa ba 'yon?" napakamot siya sa batok. "Gusto ko lang marinig..." arte ko. "Pabebe... " pabulong niyang binigkas. "ANO? paki ulit nga!" kahit dinig na dinig ko naman. "Wala! I was just talking about sa naudlot na topic kanina, do'n sa... kung bakit wala akong napansin no'n? well, maybe because I was just being blinded by the fact na... sinabi mong we'll be better of as friends na lang, and perhaps nakatatak na ang mga katagang 'yon sa utak ko! kaya kahit... okay, sabihin na natin na may konti naman siguro akong napansin... I still didn't assume, kasi never mo namang binawi ang lahat ng mga sinabi mo before." "Kung talagang nakatatak na 'yon sa utak mo, eh di sana... no'ng una palang lumayo ka na sa'kin, from that day na sinabi ko 'yon!pero di mo ginawa! instead ay mas lalo mo lang ipinaramdam na importante ako sa'yo." "Kasi... kahit gano'n yong sinabi mo, deep inside ay umaasa parin ako na magbabago ang isip mo one day, once na mapatunayan ko that I'm sincere." "Yon naman pala! so anong nangyari?" "Wala eh! hindi ko napanindigan or should I say nagpakarupok na naman ako! Nakakapagod na rin kasi minsan, siyempre tao lang din naman ako, I need someone to comfort me sometimes, I need someone by my side... 'yong nayayakap ko, at hindi hanggang sa imagination ko lang." "Gano'n ba? Sana pala sinabihan mo ako no'n, para... napadalhan kita ng...malaking pillow." "Nagpapatawa ka?" "Effective ba?" "Kanina ka pa huh! nakakarami ka na, 'pag ako... hmm!" banta niya. "Bakit? babawian mo ako?" "Basta!" "Ano nga kasi? nagbabanta ka eh!" "Hindi ako nagbabanta, wag mo na lang akong kulitin masyado... baka hindi ako makapag pigil." "Pigil saan? anong binabalak mo?" "Wala nga! never mind..." "May pa never mind, never mind ka pang nalalaman! I know what's on your mind hoy!, at alam ko rin na hindi mo 'yon kayang gawin." hamon ko sa kanya. Isang simpleng hamon na tila gumising sa kanyang p*********i. Though it wasn't my intention, I still know I crossed some lines. He immediately shifted his weight at lumapit pa sa akin hanggang sa tila hangin nalang ang puwedeng sumingit sa pagitan namin. Bahagya siyang yumuko pagkatapos, then he whispered something to my ear. "Really? so, ano sa palagay mo ang nasa isip ko? at bakit mo alam? is it because iniisip mo rin ang mga bagay na'yon?" as he concluded. Napalunok akong bigla, kinakabahan sa mga nangyayari, hanggang sa bahagya na akong napaatras sa kinatatayuan. "Ba't ka umaatras? natatakot ka? asan na 'yong tapang mo kanina? at ano nga ulit 'yong alam mo?" kumunot ang kanyang noo. I think I push his button, nasagad ko yata. "Hindi ako takot!" matapang kong sinabi. Humakbang siya hanggang sa halos magkadikit na naman kami. "Then bakit ka lumalayo? ano bang iniisip mong gagawin ko sa'yo?" He smirked while he keeps on teasing me, and he's definitely enjoying every bit of it. Kitang kita ko 'yon sa itsura niya. As if may na se-sense siyang something sa reaction ko. My body is starting to betray me at hindi ko 'yon kayang pigilan.Pero nagpatuloy parin ako sa pagtatapang-tapangan. Hindi ako patitinag sa kanya. No way! Kaya naisipan ko din na makipaglaro, hinahamon niya ang katatagan ko?, eh di magkasubukan na kami once and for all! Matira ang matibay, at kung maging marupok man ako in the end! so be it... wala na akong magagawa do'n, bahala na kung ano ang magiging kasunod. "Gusto mo ba talagang malaman ang iniisip ko RENZ LUCIO?" Ngumiti lamang siya bilang tugon, natuwa pa yata sa bigkas ko ng buo niyang pangalan. "Na duwag ka! na hanggang salita ka lang naman talaga! na hindi mo kayang panindigan 'yong mga sinasabi mo!" there I say it bluntly, bahala na kung pa'no niya tatanggapin. Mariin niya akong tinitigan as he flashes another devious smile and seductively bites his lower lip. Habang palapit ng palapit ang aming mga mukha ay hindi ko na naman maipaliwanag ang damdaming sumasaklaw sa buo kong pagkatao. Tila nilalamon na ako ng sariling emosyon, sa bawat sulyap niya sa aking labi, kaya't nagpasya na lang akong pumikit. Hindi ko na nakayanan ang kakaibang titig niya sa akin, para akong unti-unting nalulusaw. Damang dama ko pa ang kabog ng kanyang dibdib at nalalanghap ang kanyang hininga. Maya maya ay may kung anong malamig na bagay ang dumampi sa aking mga labi, napasinghap ako. But I know... it was not his lips. "Ang suwerte suwerte naman ng labing makakadampi nito." Narinig kong ibinulong niya, habang nakapatong ang kanyang hintuturo sa aking mga labi. How I wish that it was his lips who touched those part. Pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "You will always be beautiful in my eyes Vee..." he gently whispered in a deep soft voice. At naghatid 'yon ng kakaibang kiliti sa aking puso, sadyang hindi ko na maipaliwanag ang kakaibang nadarama ng mga sandaling 'yon! Parang biglang tumigil ang t***k ng aking puso at sa pakiwari ko'y tila huminto ang takbo ng oras. Konting konti nalang bibigay na talaga ako. Ganito sana kami noon kung naging malinaw lang ang lahat sa simula, kung hindi ako nabuhay sa takot at kung hindi niya ako sinukuan. Hindi ko mapigilang muling malungkot, ramdam ko na ngayon na may puwang parin ako sa puso niya. Pero alam ko rin na may nagbago na dito... at hindi ako puwedeng basta basta na lang ulit pumasok sa kasalukuyan niyang buhay. I couldn't help the tears that has started to shed in my eyes, at sa di mabilang na pagkakataon ay muli na naman niyang naramdaman ang sakit. Bakit kailangan naming muling magkita kung ganito rin lang ang kahahantungan ng lahat? ano ba talaga ang gustong iparating ng universe sa aming dalawa? Bakit paulit ulit kaming pinagtatagpo para lamang sa wala? Maya maya ay kinintilan niya ako ng isang halik sa noo. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman sa ginawa niyang 'yon, at hindi ko rin mapigilang hindi matawa sa mga nangyayari. Anak ng . . . sa noo talaga? though I know that it's a sign of respect, but it's not what I am expecting. I opened her eyes and saw his face na nakatitig parin s akin. "Bakit?" nag-aalala niyang tanong when he saw my tears falling. "Wala, tears of joy lang 'to." Sagot ko as I wiped it with my bare hands. "Dahil hinalikan kita sa noo?" I burst into laughter. Is that some kind of a joke? pero sige mas mabuti nga 'yon para hindi niya masyadong mahalata. "Oo! parang halik lolo lang! hahaha..." pinilit kong nilabanan ang lungkot. "Ay! so Lolo ako gano'n?" "Bakit, di ba gano'n naman talaga kumiss 'yong mga lolo, sa noo." "Well, tama ka rin naman do'n, but at some point mali rin, kasi puwede rin 'yong... sandali lang, iba 'yong inaasahan mo no? akala mo siguro mo ki-kiss kita sa lips!" asar niya pa sa akin. "Hindi ah! gago... sampalin kita diyan eh!" "Sige, subukan mo... totohanin ko na talaga! I glared at him. "Joke lang... siyempre hindi ko gagawin 'yon! not unless..." he trailed off. "UNLESS WHAT?" Hindi na muna siya sumagot, sa halip ay muli niyang hinawakan ang aking kamay as he looked into my eyes "Not unless... you will allow me to do so." SHEEET... eto na naman po siya! "At bakit ko naman 'yon gagawin?" "Dahil kailangan 'yon sa movie! di ba yon ang eksena natin dapat? kaso. . . hindi natin magawa ng maayos! pero bakit nga ba?" "Ewan ko sa'yo! ba't ako ang tinatanong mo? ikaw kaya ang sumagot sa tanong na 'yan!" "Galit ka?" "Hindi, naiinis lang. . ." "Saan? Sa akin?" "Sa mga pangyayari. . . sa mga kapalpakang nagawa." "Sa shoot ng film?" "Sa lahat! at lalong lalo na do'n!" "Gets kita! ako rin naman eh! ang awkward awkward lang kasi. . . did you know na sinubukan kung ipatanggal 'yon sa eksena?" "Talaga? pero bakit?" "Well, siguro dahil na anticipate ko na kung anong kahahantungan, at hindi nga ako nagkamali." "Sorry. . ." "For what?" "For making you feel awkward as well..." "It's not your fault, normal lang naman siguro 'yong nafe-feel natin. Hindi pa kasi tayo gano'n ka comfortable ulit sa isa't isa." "Thanks kung gano'n!" "Wala 'yon! wag mo ng isipin, besides, wala parin naman tayong takas di ba? We still have to do the scene dahil kailangan daw talaga 'yon sa pelikula." "Oo nga! gano'n kasi talaga pag may element ng love story, sinasamahan ng mga romantic scene." "Napansin ko nga rin... pero, tatanungin kita ngayon, okay lang ba talaga sa'yo, to do it with me? I mean... hindi ka na ba maasiwa?" "Magsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi ako naasiwa. Pero kung sasabihin ko bang ayoko, may magagawa tayo?" "Meron naman siguro, if we will continue to insist. . .'yon nga lang, baka may mga masasakripisyo na, at baka maiba na din 'yong script, then ma extend ng ma extend 'yong shoot." "Okay lang sa'kin." "Talaga?" he seem so exited. "Yeah!" I nodded again and smiled. "So, does it mean na. . .ready ka na?" "Oo sabi! after that conversation of ours, alam kung kaya ko na siyang gawin, this time." "So, this is it!" "Anong this is it?" "Gagawin na natin." "Ngayon? dito? teka lang. . ." nataranta ako, wag naman sanang agad-agad! Tumawa siya. "Ba't ka tumatawa? pinagloloko mo ba ako?" "Sinusubukan ko lang kung talagang ready ka na!" "Wag naman dito..." "Bakit, san mo ba gusto?" "Anong sa'n ko gusto? ayos-ayusin mo 'yong tanong ha? hindi ka na nakakatuwa..." "Sorry. . . ang cute mo kasi, pag na te-tense." aniya. "Excuse me! hindi ako na te-tense! gusto ko lang nasa ayos ang lahat, 'yong makapag ready man lang muna ako kahit mga ilang minuto lang." mataray kong sinabi. "Okay noted!" "Anong noted?" "Lahat na lang ba kailangan ng explanation? hindi na nga lang ako magsasalita." "Eh di 'wag!" sabay talikod ko sa kanya. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa aming dalawa, hanggang sa akma na sana akong aalis nang biglang... ♫♫♫Teka muna miss wag ka munang umalis... Sulitin natin ang mga nakaw na sandali♫♫♫ Sinong nagpatugtug? parang sinasadya lang ah... Gustuhin ko mang magmatigas ay unti-unti ring nalusaw ang inis ko. Especially when he performed in front of me. Such nostalgic feelings, bumubuhos ang alaala ng mga nagdaang panahon. At maya-maya lang ay napalitan na ng konting tawa ang aking naramramdamang inis kanina. Kung bakit ba kasi ako rumurupok sa isang sayaw lang ni Renz? di na talaga ako natuto. But I still want to see and hear more... 'yong pinaka theme song namin na pinatugtug rin kalaunan. ♫♫♫ Look at you girl, ang ganda ganda mo The way you smile, makes me high parang.... na'to na... nararamdaman♫♫♫ Until I just found myself imitating his moves. All's well, that ends well! ilang minuto lang din at natapos na rin 'yong music. Muli siyang lumapit sa akin. "Natatandaan mo pa ba 'yong kantang 'yon?" "The last one?" "Uh, huh..." "Who would forget that?" "I mean, yong mga pangyayari noon na related sa kantang 'yon!" "Yong DC mo, is that what you're referring to?" me asking for some clarifications. He nodded, "and all the things related to it.." "Alam mo bang kinikilig parin ako 'til now?" natutop ko ang aking bibig, ba't ko sinabi 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD