Nang magmulat ako ng mata ay bumungad sa'kin ang kulay kremang kisame. Kumurap-kurap ako saglit, the last time I checked... puti ang ceiling ng tinutuluyan kong silid. Bahagyang kumunot ang aking noo sa nakita. Ba't bigla yatang nag-iba ang kulay ng silid ko ngayon? Iginala ko ang mga mata sa paligid, the whole place were fully decorated with light brown mahogany wood panels, maliban nalang sa puting wall na nasa aking harapan. May malaking TV din na naka sabit sa sinasabi kong dingding. I slightly rubbed my eyes and scanned the place again, before I realized na ako ay nasa loob ng di kilalang silid. But how did I make it here? muling kumunot ang aking noo. Kaninong silid ba itong napasukan ko? and much worst is... nasa kaninong kama ako natulog?
Sheeet! Tinampal ko ang aking noo. What did I do this time? muli akong pumikit trying so hard to recall each moment. The last thing I remember is... humiga ako, wait a minute... humiga ako, pero hindi dito, humiga ako sa lap ni... nino? ni Renz? My jaw drops at the thoughts of it. O.M.G.! Ginawa ko talaga 'yon? Tinakpan ko ng dalawang palad ang aking mukha at umiling-iling. Why did I do that? nakaramdam ako ng hiya sa sarili. At ngayon pa talaga ako nahiya? Ano na lang ang iisipin niya? Kung bakit ko ba kasi nilaklak lahat ng inabot nilang alak sa akin? pero... okay pa naman ako no'ng lumabas at tumabi sa kanya ah! di ko rin talaga maintindihan kung bakit bigla nalang akong nalasing kalaunan. Yes! I hate to admit it, but I really got drunk! at hindi ko na matandaan lahat ng ginawa ko kagabi. Kagabi? wait a minute again... umaga na ba? muli kong pinaikot ang tingin sa paligid. Sana lang ay hindi naging gano'n katindi ang pagkakalat ko.
I turn to my right side, may isang bed tray na nakalagay doon na may lamang pagkain at inumin na hindi ko na inusisa kung anong klase. Sa kabilang side naman ako tumingin pagkatapos. May nakita akong katamtamang laki na closet, sa tabi nito ay naroon din ang isang bakanteng upuan at study table. Pinaikot ko pa ang paningin, naghahanap ng bagay na hindi ko matukoy sa isang salita.
Nakahinga ako ng maluwag when I found out that I am all alone in this room. Pero sandali lang... may ibang bagay na pumasok sa aking isipan. Hinawi ko ang puting kumot na nakabalot sa aking katawan at pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. I am now wearing an over sized tee shirt with still my undies on. What the...? sino'ng nagbihis sa akin? at nasa'n 'yong damit na suot ko kagabi? Am I really that drunk at wala man lang akong maalala? Pinakiramdaman ko ang sarili at kinapa-kapa ang maseselang bahagi ng aking katawan. Wala naman akong naramdamang kakaiba, kaya hindi naman siguro ako pinagsamantalahan. Wala namang masakit maliban sa... Ouch! hinilot ko ng bahagya ang aking noo, sakit ng ulo ko! at medyo nahihilo pa ako ng konti. Now this is what you get from too much drinking! kaya tiisin mo ang hang-over, I scolded myself.
But the thoughts of sleeping in a strangers bed and being undressed by a certain someone I don't know makes me shiver. Kaya nagpasya narin akong bumangon kalaunan at inikot ang buong silid, napatigil ako sandali habang nag-iisip. Nakahalukipkip habang kagat kagat ko ang aking kanang hintuturo at palakad lakad sa harap ng isang queen sized bed.
Is this Renz's room? kasi siya 'yong huling nakausap ko, bago kinain ng alak ang buo kong sistema, that I tend to forget what exactly had happened last night. But then again, paano ko masasabi na siya ang huling nakausap at nakasama ko kagabi? kung wala man lang akong maalala? What if he just left me lying in those corners? posible niya bang magawa niya ba sa'kin 'yon? Bahagya akong nalungkot as I let out a deep sigh.
Pero baka naman ako ang nagpaalis sa kanya? panibagong tanong ang naibato ko sa sarili. Tapos, tapos nakatulog ako do'n sa nabuwal na punong kahoy na ginawang malaking upuan? tapos may isang resort guest na nakakita sa akin at dinala niya ako dito? And I am imagining things now, Gosh! mas lalo yatang nakakahiya 'yon. Sana lang mabait ka kung sino kaman, sana wag mong ipagkalat ang kung anumang ginawa ko kagabi. Patay ako kay Mamo Pat nito...
Nagpasya akong maghalungkat pa ng mga gamit doon, hoping na may makita akong sign sa kung sino mang poncio pilato ang naka check-in dito, but I found no traces at all. Instead ay nakita ko ang aking damit ng buksan ko ang closet at mukha na itong malinis. I can also smell the fabcon on it, kaya mas lalo lamang akong naguluhan. Who took care of me last night? I examined the toilet and bath, pero wala talaga akong mahanap na ebedensiya, kaya tumindig na ako sa may bintana. Hinawi ko ng bahagya ang kurtina upang pagmasdan ang tanawin sa labas. Tanaw na tanaw ko sa kinaroroonan ang nag-aagawang kulay ng ginto, kahel at medyo abong nakapinta sa langit. May nababanaag nadin akong liwanag. Hudyat na papasikat na ang haring araw, hudyat na... kailangan ko ng umalis sa silid na ito, sa silid na hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari.
I have to move out now or I might get into trouble again, baka pagmulan pa ito ng panibagong issue tungkol sa akin. I rolled my eyes thinking about those things. Those certain point of my showbiz career na hindi ako tinatantanan ng mga issue. Gosh! I'm sick and tired of those at ayoko ng madagdagan pa or mauulit pa iyon. Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng kwarto for the last time. "Kung sino kaman...thank you for letting me stay here last night. I had a good rest in spite of... galing mo sigurong mag-alaga ng lasing, kaya kahit na nagpiyesta siguro ang dalawang mata mo sa kabuuan ko, hahaha...Hindi ko mapigilang matawa habang nagsasalita. Ba't ko ba naisip 'yon? kani kanina lang, napa-paranoid na ako sa kakaisip ng mga posibleng nangyari kagabi, bilis ko namang mag switch. Marahil siguro ay dahil wala naman akong ngunit nararamdamang kakaiba sa sarili. Maliban nalang sa konting presensiya ng alak sa aking katawan. I slightly rubbed my temple, I think I need another dose of sleep again.
Dali-dali akong nagbihis, inilapag ko sa kama ang hinubad kong shirt at lumabas na ng pinto pagkatapos. Nakita ko sa may pinto ang numerong 203 bago ako nagpasyang tamalikod. This may sounds cringe, pero nasisiguro kung hindi ito ang silid ni Renz, kasi sa third floor kami lahat naka check-in. Mas naging malinaw sa akin ang lahat. I really do have slept in a totally strangers bed. Ano bang ginawa ko? sapo ang aking noo. May naririnig pa akong konting ingay sa kung saan, hindi yata natutulog ang mga tao rito, or baka naman maaga lang silang nagising.
I tiptoed, ngunit mas nilakihan ko pa ang paghakbang, ingat na ingat na walang makapansin sa akin. Then I finally reached my room in just a while. I immediately jump on my bed, mamaya ko na iisipin ang lahat. I perfectly need a total rest for now, kasi mukhang naaalog na naman ang utak ko.
Nagising ako mga bandang 3:45 ng hapon, as my clock speaks... Nagmamadali akong bumangon, uminom ng nakasanayang tea at pagkatapos ay nag-ayos ng sarili. Sumasagi parin sa isipan ko ang lahat, but I have to calm myself, wala naman siguro akong ginawang masama at wala naman siguro akong naapakang tao, so I neglected the thoughts in my head. I guess I needed a diversion then, kaya lalabas na muna ako ng silid. I never had the chance to witness the sunrise kanina, kaya hindi ako papayag na hindi masilayan ang paglubog nito ngayon.
I opened the closet at medyo natagalan pa ako sa pagpili ng damit na isusuot, hanggang sa bigla kong naisipang mag swimming. Actually, kahapon ko pa talaga siya gustong gawin, pero hindi ko magawa dahil sa trabaho. And so... dali-dali kong hinablot ang 2 piece red bikini na naka hang along with some other clothes. I had already seen these stuffs yesterday, hindi ko lang masyadong napagtoonan ng pansin cause I was still busy. It was really intentionally made for me daw, for my convenience according to Direk. Kasi nga... wala naman talaga sa original plan ang resort na ito, kaya I wasn't able to fix my own clothing. Buti nalang talaga at magaling mag mix and match ang aking stylist, naka pair na ang mga outfit from the head to toe, and all I needed to do is to choose which one fits my mood.
Kinuha ko na rin ang isang white cover up na hanggang kalahati ng legs ko ang haba. Nagdagdag narin ako ng shades at pagkatapos ay lumabas na ng silid. Naglakad lakad ako sa may baybayin to breathe some fresh sea air, until makaramdam ako ng bahagyang gutom. I haven't taken any meal except for that cup of tea. Nagtatalo ang aking utak sa mga gusto kong gawin. As much as I wanted to eat, pero ayaw ko rin namang palampasin ang pagkakataong mapagmasdan ang ganda ng kalikasan sa ganitong mga oras.
Tamang tama naman at may dumaang waiter na may dala dalang complementary food and drinks intended for the resorts guest. Kumuha ako ng tig-isa, just enough to support my hungry stomach, babawi na lamang siguro ako ng kain sa dinner mamaya. I then settle myself on a sun lounger na malapit sa dagat. Inubos ko ang sandwhich sa isang kamay, then I slowly sip the drinks after. Mas lalo yatang sumasarap ang lasa ng iniinom ko habang minamasdan ang paligid at sa muli ay di ko na naman mapigilang mamangha sa natatanging ganda nito.
Pagkatapos maubos ang inumin ay agad akong tumayo, inilapag ko ang walang lamang baso kasama ang manipis na damit na kanina'y nakabalot sa aking katawan, including my shades at saka lumusong sa tubig. Ang sarap-sarap lang sa pakiramdam ng unti unting paghampas ng mga di-kalakihang alon sa aking paanan. Waring kinikiliti nito ang mga binti ko at ilang sandali pa ay tuluyan na nga akong nagpadala sa munti nitong panyaya.
Hinayaan ko ang sariling iduyan ng mga likha nitong galaw, "Ahhhhh" ang lamig lamig ng tubig na ngayon ay yumayapos sa buo kong katawan at siyang nagdudulot ng kakaibang gaan sa aking pakiramdam. Ilang sandali pa akong nagpakasasa roon, matagal tagal ko na ring hindi nagagawa ito, kaya sinusulit ko ang bawat pagkakataong makaulayaw ang isang piling bahagi ng karagatan.
lang sandali pa akong nagmasid masid sa buong paligid, habang nakalublob ang aking katawan sa tubig. May mga iilang tao ring nandoon, marahil kagaya ko ay nag-aabang din ng sunset. Gosh! I almost forgot, 'yon nga pala ang dahilan kaya ako lumabas ngayon. I need to witness the sunset on a right angle, kaya kailangan ko ng umahon. Ilang sandali lang at nag-uunahan na ang mga paa ko sa paghakbang hanggang sa unti-unti na akong nakaahon mula sa tubig. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok at patak ng maalat na tubig dagat na bahagyang pumupuwing sa aking mga mata. Natatakpan ko na ng dalawang palad ang aking mukha sa sobrang paghahawi ko dito.
I eventually lifted my eyes no'ng luminaw na ang aking paningin as I saw someone standing on a slight distant. Nakaharap ang katawan niya sa malawak na karagatan. Did he noticed my existence? ako ba ang tinatanaw niya? I can't really tell, but for some reason ay dumadagundong ang aking dibdib. Lapitan ko kaya siya? naisip ko. But how will I approach him? anong sasabihin ko sa kanya? Hi Renz, ikaw ba 'yong huling naka-usap ko kagabi? o may inentertain pa ako na iba? Sheet! magmumukha naman akong guilty no'n, so I neglected the idea. Paano kaya kung ganito nalang... Hi Renz, have you booked another room from this resort, aside sa na booked na ng management for each one of us? Have you gone to room 203? Oh No! Ano na naman ba 'tong naiisip ko? Why can't I ignore such possibilities... na baka siya naman talaga ang nagdala sa'kin sa silid na iyon. Wala naman kasi akong ibang maalala.
Sa sobrang abala sa pag-iisip ay hindi ko na namalayan na dinadala na ako ng aking mga paa papalapit sa kanya. Tila may sariling utak ang mga ito, but it's probably the best thing to do, I guess? I need to know every single details ng mga pangyayari last night at sa kanya ako magsisimula, kasi siya ang huli kong naaalala. Patay malisya akong nagpunas ng basang buhok gamit ang kulay puting towel na nakita ko sa naiwang sun lounger kanina. Ni request ko ito sa nagse-serve na staff, since I forgot to grab one sa closet.
Magsasalita na sana ako when I noticed that he's closing his eyes, while he settles on a wooden beach chair. Nakasandal ang likod niya sa backrest ng upuan,, nakapatong ang kanang kamay sa kanyang noo, habang ang mga paa ay nakalapat sa buhanginan, at kung natutulog o nag-iisip siya? ay hindi ko masabi. I stood in there for a while at malaya siyang pinagmasdan. He's wearing a short sleeve hawaiian polo na unbottoned sa may bandang itaas at white khaki shorts na bumakat sa kanyang very toned legs.
So, am I gonna stand here forever? naitanong ko sa sarili. "H-hi..." marahan kung bigkas, umaasang hindi ako nakakaabala.
He immediately lifted his eyes, ibinaba ang kamay at inangat ang sarili mula sa pagkakasandal. "I was about to roam around the area, when I... noticed you, so I've decided na lapitan ka, sana lang hindi ako nakakaistorbo," pa simple kung sinabi habang patuloy sa pagpupunas ng buhok at iba pang bahagi ng aking katawan. A practical way of avoiding his gaze, nang hindi niya masyadong nahahalata ang aking kaba. How bold of me to do this in front of him, but we're here at the beach, kaya normal lang naman siguro ang ginagawa ko ngayon. I just do hope na okay lang din sa kanya. Pero... sandali lang, kanina pa ako nagsasalita ah! but I haven't got his attention. Narinig niya nga ako, ngunit tila hindi yata nakikita. Ano bang iniisip ng taong 'to? naiinis na ako huh! I rolled my eyes.
"Hey! Are you okay?" nilakasan ko ang aking boses at inilapit ang aking katawan sa kanya, bahagya pa akong yumuko, hanggang sa halos magkadikit na ang aming mukha.
"Huh? O-of course I'm okay!" finally, may mga salita na ring lumabas sa kanyang bibig. I raised my brows and step back. I'm not just convinced, pero hahayaan ko na lang siya sa gusto niyang sabihin. Maya-maya pa ay pinaikot ko ang aking paningin, hanggang sa napansin ko ang isang romantic dinner set-up sa tabi niya. At ilang sandali lang ay may nag se-serve narin ng mga pagkain at inumin. Muling tumaas ang aking kilay habang iniisip kung para saan at kanino ang nakikita ko.
"Wow! nice set-up, may ka date ka?" tanong na may halong pang-aasar, pang-aasar na ginawa kong panangga laban sa kunting kirot at kaba na nararamdaman ko ngayon.
He Stared at me for a while, bago siya nagbitiw ng mga salita. "Meron, sana..." at nagkibit siya ng balikat.
"Bakit sana?" isa ko pang tanong, wanting to unlock my curiosity. Para kanino ba kasi ang lahat ng ito?
Bigla siyang tumayo. "Kasi... no'ng tinawagan ko siya ay tanging operator lang ang sumasagot, ang hindi ko alam eh, nag-eenjoy na pala siya sa dagat habang abala ako sa kakaisip kung paano siya ite-treat for a dinner." sunod-sunod niyang sinabi.
"What are you trying to say?" I didn't get the point. Ano bang pinagsasabi nito?
"What I'm trying to say is... 'asan ba phone mo? kanina pa kita tinatawagan." diritso niyang tanong habang nakakunot ang noo.
Nalaglag ang panga ko sa narinig, mas lalo ko siyang hindi naiintindihan ngayon. "Kanina mo pa ako ti-na-ta-wagan? But why?" kasabay ng tanong ay ang pag-aalburuto ng aking dibdib. So this is all for me? Pero bakit? and why can't he just get straight to the point? Bakit kailangan ko pang isa-isahin 'yong tanong?
"Didn't you hear me? I said I was preparing something for us, I'm gonna treat you for a dinner!" He blurted it out na ikinabigla ko. Ba't para siyang nanunumbat? "S-sana..." he continued in a low tone, no'ng nakitang muli akong nag-angat ng kilay.
"There you go with that "SANA" again, Bakit sana na naman?" himig na medyo naiinis na. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis sa aking nalaman.
"Bakit, pa'no ko ba siya dapat sabihin? when you don't even bother to answer my call..." What the heck! now he sounded like may obligasyon ako sa kanya.
"How can I answer your call? gayong hindi ko naman hawak ang phone ko! besides, you didn't even mentioned anything about this dinner, wala ka namang sinabi diba?" buwelta ko.
"Kailangan ba talaga sabihin ko lahat? hindi ba puwedeng naisipan ko lang siyang gawin ngayon, ta's eto na, SURPRISE!" iminuwestra niya ang dalawang kamay sa ere.
Pumikit ako ng mariin, about to loose my temper, but still considering his effort though... "Puwede naman, pero wag kang nanunumbat, and don't you dare try to make me feel guilty of not answering your call, dahil wala naman akong obligasyon sa'yo, at lalong hindi ko kasalanan that I'm a bit late sa dinner na hindi ko naman alam na mangyayari." I say it bluntly.
Siya naman ang napapikit, tila natauhan yata ang gago. "I-I'm sorry... " pagpapakumbaba niya. "Hindi naman ako nanunumbat, naiinis lang ako on why you're not answering any of my calls, kasi kanina pa kita hinahanap." paliwanag pa niya.
At ako naman si tanga! tinanggap kaagad. But it's okay, may kailangan akong malaman mula sa kanya kaya hindi ako puwedeng magmaldita. "Okay, apology accepted, just don't do it again, and about the phone... naiwan ko siya sa room sa sobrang excited kung mag swimming." Urghhh...kailangan ko ba talagang mag explain? humalukipkip ako at tumingala.
"Kaya pala, now I know..." in a sarcastic tone.
Akala ko ba nagso-sorry siya? ba't iba na naman ang tono niya ngayon? "Kaya pala ano?" as my brows furrowed.
"Kaya pala walang sumasagot... at kaya pala ganyan suot mo! mukhang pinaghandaan mo talagang i flex 'yong buo mong katawan sa lahat," he whispered the last few words.
Nagpanting ang tenga ko at pinagsalubong ang dalawa kong kilay.
"I've heard it! sigaw ko habang nakapamewang. "Bakit, what's wrong with my outfit ba, huh? alangan namang mag jeans ako sa dagat!" Hindi ko na naitago ang pagkainis sa kanya.
"Wala naman akong sinasabi ah!" sagot niya ng nakatalikod sa akin.
"Anong wala? dinig na dinig kaya kita! you... even say something about flexing my body in front of the public."hinablot ko siya, forcing him to look at me.
"Si...nabi ko ba 'yon?"
"Oo! and may I just remind you Renz, ganito na akong manamit ever since, nagpapakita nga ako ng skin kahit wala sa beach, ano pa ka kaya ngayong nandito ako? besides, I'm not doing this to catch someone's attention, I don't need to do that! kaya wala akong pakialam kung masama ang tingin mo sa suot ko. Problema mo na'yon!"
"Sorry... " napakamot siya sa batok. "I'm not saying na masama ang suot mo, it's just that... tumingin ka nga, ang dami daming mata sa paligid, kanina ka pa pinagpipiyestahan, hindi ka ba naaasiwa?"
Sa muli ay hindi ko malaman kung matatawa o maiinis ba ako sa mga naririnig mula sa kanya, pinandilatan ko siya ng mga mata bago nagsalita.
"Possessive jowa? tigil tigilan mo nga ako Renz! anong pinagpipiyestahan? hindi naman uh! ang sabihin mo ikaw ang naaasiwa sa suot ko. Hmmm... aminin mo na tu turn-on ka sa'kin, no?" Now I found a way to tease him again.
Sandali siyang natahimik, mukhang nag-iisip ng isasagot.
"Ano bang pinagsasabi mo? I'm just trying to protect you, alam mo naman na ang daming nagpapantasya sa'yo di ba? pero kung mamasamain mo lang 'yong mga sinasabi ko, fine! di na kita pakikialaman, just forget what I've said," padabog niyang sinabi.
At nakuha niya pa talagang baliktarin ang lahat, kaya hindi na lamang ako kumibo. Why does it always goes like this? when I thought I've dominated the scene, bigla nalang siyang makakabawi. Isang hirit pa niya at magwa-walk-out na ako. Napahalukipkip ako sa gitna ng tuwalyang ngayon ay nakaharang sa harapan ng aking dibdib.
"Okay... sorry, promise from now on wala ka ng maririnig na comment regarding your outfit, concern lang kasi talaga ako... puwede bang umupo na tayo?" pakiusap niya habang hinihila ang kabilang upuan, asking me to settle down there.
"Talaga? concern ka sa'kin?" tanong ko habang paupo na.
"Ano ba namang klaseng tanong yan? of course concerned ako sa'yo." he chuckled a bit.
"Bakit?" and I am starting this word war again.
"Anong bakit?"
"Bakit ka concerned?"
"Huh? because..." he trailed off. "Because I care..." sandali na naman siyang natigilan, at nagsimula na akong magdiwang.
"Because we're friends at ayaw ko lang na mabastos ka, that's it!" kaagad din siyang nakabawi.
"Friends? gano'n lang?" seryoso kong tanong. Tingnan ko lang kung hanggang saan aabot ang mga panangga niya.
But he just laugh instead. Nagngiting aso pa, ano na naman kaya ang iniisip niya?
"Bakit, ano bang gusto mong marinig?" Pilit pa siyang nakikipagtitigan sa akin habang binibitawan ang mga katagang 'yon.
"H-huh?" I stuttered a bit. Sheet! Am I going to loose again?
"Anong huh? It's not what you want to hear from me, right?" nagtaas baba ang kanyang kilay.
"And what are you trying to say? that I'm expecting to hear something beyond friendship?" kaagad kung tinakpan ang aking bibig, ba't ko sinabi 'yon?
"Owww, ikaw ang may sabi niyan, not me..." he chuckled again.
"And what makes you think na iniisip ko 'yon?"
"Ang alin?" nagmamaang-maangan pa siya.
"Alam mo, ang gulo mong kausap, magwa-walk out na talaga ako."
"Sandali... wag naman! sayang naman 'yong effort ko for this dinner."
"Bakit ikaw ba nagprepare nito? inutos mo lang naman 'to diba?"
"Ouch! FYI Miss Vee, may ambag ako dito, this is my idea at pinagpaguran ko rin ang pambayad sa mga taong nag prepare nito."
"So, utang na loob ko pa pala sa'yo 'to?"
"No, it's not what I meant."
"Pero 'yon ang pagkakaintindi ko, may sinabi ba ako na gawin mo 'to for me? wala naman diba? besides ba't ba tayo nandito? may pa candlelight kapang nalalaman, this thing is for romantic couples only and we aren't one of those."
"Alam ko! pero ano naman ngayon? who cares if we're not a romantic couple? may restrictions na ba sa ganitong mga bagay? wala naman diba? at isa pa, ba't kaba nagsusungit? kagabi lang ang ano mo..."
"Ano?"
"Wala!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tinuran niyang 'yon. Different thoughts ruled over my head. Anong nangyari kagabi? Anong alam niya? Hanggang saan ang nalaman niya?
"Ano nga sabi?" pangungulit ko.
"Wala! okay na tayo kagabi diba? naayos na natin ang dapat ayusin? ba't tinatarayan mo naman ako ngayon?"
I glared at him. Seryoso ba siya? naayos namin ang lahat kagabi? Saang banda do'n? at sa paanong paraan namin naayos? ba't konti lang 'yong naaalala ko? I need to dig more, kaya kailangan kong tibayan ang loob.
"Tanungin mo kaya sarili mo? alam mo, ang ganda ganda ng mood ko kanina eh, ta's sinira mo lang!"
"Sorry na please... promise I'll behave, wag ka ng magalit..." panunuyo niya sa akin.
"Ewan ko sa'yo!" sagot ko sabay tayo sa kinauupuan, wanting to dominate again, kahit deep inside ay umaasa akong pipigilan niya.
"Hoy, wag mo naman akong iwanan dito, di ka ba naaawa sa leading man mo? magmumukha akong ingot nito."
"Bahala ka!" pagmamatigas ko.
"Vana Marie! please..."
I walked away still... but I paused after a few steps. "Magbibihis lang ako! malamig na ang paligid, baka kung ano pang maisip mong gawin if nilamig ako sa harapan mo."
"Whaatzzz?" Hindi ko na siya nilingon, pero dinig na dinig ko ang mga tawa niya sa ere.
Ilang sandali lang ay bumalik din ako ng naka midi bohemian dress. Ngingiti-ngiti pa siya habang ako'y papalapit at magalang na tumayo.
"Whaat?" pagtataray ko.
"You look... great!" pinagmasdan niya ang kabuuan ko from head to toe.
"Okay ka na sa suot ko?"
"Yup! Pero ..."
"Pero ano?"
"Wala, never mind," ngumiti siya.
"Ano nga?"
"Ano kasi... wag kang magalit ha? Kailangan ba talagang ilabas 'yan?" sabay itinuro ng nguso niya ang aking harapan at nag-iwas ng tingin pagkatapos na wari'y nahihiya.
"Ang alin? ito?" I pointed my cleavage, "Anong magagawa ko, eh sa kusa siyang sumisilip!"
Tila nabilaukan siya sa narinig at napaubo ng konti.
"Besides, hindi ka pa ba sanay? I mean... come on, you've seen much much bolder and bigger than this, ngayon ka pa maasiwa?"
Bigla naman siyang napalunok ngayon. "Okay... wala na akong sinabi," at tumawa pagkatapos.
"Ano? magdi dinner ba tayo o i re-rate mo 'yong lang 'yong outfit ko?"
Humagalpak siya sa katatawa and I can't help but smile. Masyado akong nasanay na pinapatawa niya even before. How it feels so good to see him this way, na siya naman ang pinapatawa ko, kahit corny naman 'yong mga hirit ko minsan. Panandalian kaming nagkakatitigan, hanggang sa umagaw ng atensiyon ang kalangitan. Nag-iba ang kulay ng paligid, ang sinasabi nilang gintong bola'y tila nagsisimula ng sumisid. Sa kanluran na magsisilbi nitong pansamantalang kanlungan habang pumapaimbabaw ang dilim ng gabi. Kaagad nitong naagaw ang aking atensiyon.
"Ang ganda!" sambit ko habang pinagmamasdan ang bawat galaw nito.
"Sobra!" sagot niya ng nakatingin sa akin. Habang nakatoon ang atensiyon ko sa papalubog na araw ay di rin nakaligtas sa aking paningin ang bawat titig ng isang nilalang sa aking tabi..
"Hindi naman, sa tingin ko... tamang ganda lang," I smiled.
"Huh?" anong tamang ganda lang? sobrang ganda kaya! di mo ba nakikita?" nilingon niya ako.
"Ang alin?"
"Yong paglubog ng araw."
"Aaa... akala ko kasi 'yong ganda ko ang pinag-uusapan natin, sa'kin ka kasi nakatingin."
Bahagya siyang napa-ubo. Gotcha!
"N-napansin mo pala?" tila nahihiya niyang tanong.
"Medyo... So ano? why are you staring at me?" at muli akong nagkatinginan.
"Do I really need to answer that?"
"Siyempre!"
"Ano kasi... baka hindi mo magustuhan 'yong magiging sagot ko."
"Bakit nga?"
"Kasi... papunta sa'yo ang direksiyon ng araw, you're blocking the view! kaya natural lang na titingnan talaga kita! At pagkatapos ay tumawa siya ng tumawa.
Sheet again. "Oo nga naman!" hindi ko na nagawang magalit, may punto naman siya, kaya sinakyan ko na lang ang biro niyang iyon and then nag dinner na kami after.
Sa kalagitnaan ng nasabing hapunan ay napag-usapan namin ang mga posibleng maganap mamaya sa shoot. And yes! magtatrabaho na kami mamaya, signal nalang ni direk ang hinihintay namin.
"Ready ka na ba for tonight's shoot?" tangong niya sa akin.
I just nodded at pagkatapos ay ibinalik ang tanong sa kanya "How about you? Are you ready?"
"Honestly? Di ko alam, para kasing natatakot ako."
"Wow! nahiya naman ako! Ikaw pa ang natatakot, parang ako yata ang dapat."
"Natatakot ako for you."
"Bakit?"
"Baka kasi... madala ka sa eksena."
"GAGO! NABUANG!"
Tawang tawa siya sa naging sagot ko. Siguro ngayon lang ulit niya narinig ang mga katagang 'yon, it was a visayan expression na ginagamit ko kapag masyado ng intense 'yong pag jo-joke time.
"Tawang tawa?"
"Hindi, gusto ko lang maalis 'yong kaba na nafe-feel ko right now, I just can't help it!" he slightly giggled.
Umarko lang ang isang kilay ko bilang tugon sa sinasabi niya.
"Hindi moba ako tatanungin kung bakit?"
"Yoko nga! baka iba na naman isagot mo."
"Defensive..."
"Anong defensive do'n?"
"Ayaw mo lang marinig 'yong totoo, hindi mo matanggap sa sarili na..."
"Na ano?"
"Na... he trailed off.
"Hoy! Ano ba? Kanina pa kita kinakausap, tulala ka na naman!"
Bigla siyang natauhan pagkarinig no'n, "Huh? Sorry... may iniisip lang ako."
"Are you okay? Why are you always spacing out lately?" nag-aalala narin ako sa mga ikinikilos niya, in deep thoughts parati.
"Yeah, okay lang ako, kalma ka lang! wag masyadong ipahalata 'yong pag-aalala mo at baka masanay ako... hanap-hanapin pa kita."
"Ikaw talaga! Kahit kelan, puro ka nalang biro."
"Anong magagawa ko? Eh sa 'yan lang ang pupuwede kung gawin sa ngayon..."
"Anoo?" Naiinis na talaga ako, kanina pa siya nagpaparinig, bakit ba hindi nalang niya ako diritsuhin? Bakit ba dinadaan niya sa biro ang lahat? o baka naman masyado kong binibigyan ng malisya ang lahat? baka may nami miss lang siya na iba, at ako 'yong nandito kaya ako 'yong napagdiskitahan. Ewan! Naguguluhan na talaga ako, basta! Hindi na ako aasa pa, kasi alam ko naman na may iba ng nagpapasaya sa kanya. Pero... parang hindi ko na napansin na may kausap siya sa telepono, nasa'n na kaya si Swettie? May nangyari kaya sa kanila? Maybe I can ask him about it, if ever magkaro'n siya ng chance.
"Joke nga di ba?" maikli niyang paliwanag.
"Okay, I get it!" sagot ko at pagkatapos ay panandalianng natahimik, in a few days from now, mga ilang takes nalang at matatapos na ang entire film! and finally! finally... we can go back to our old lives. Kung magagawa namin ng maayos ang eksena. Then that realization hits me hard. We will depart again, soon... A part of me is saying that things will always get better, makakalimutan ko rin siya. Mawawawala din 'tong nararamdaman ko for him, just like what happened before.
Pero bakit gano'n? ba't parang may mali? and why do I have this feeling of loneliness? of emptiness na hindi ko maibulalas kahit kanino. At kung meron mang sigurado sa nararamdaman ko ngayon, 'yon ay ang katutuhanang mami-miss ko siya. How I hate this feeling, kaya siguro nga, tama lang... tama lang na idaan sa biro ang lahat! para less complications, less pain.