Samo't Saring Emosyon

4965 Words
At sa muli ay isang nakabibinging katahimikan ang namayani, it took a while for her to response. Sa tulong ng liwanag na tumatanglaw sa amin ay muli ko na namang naaninag ang lungkot sa kanyang mga mata kahit iniiwas niya pa ang mga ito sa akin. "Wala ng sumasagot, out of reach!" she parted her hands and open it wide as she shrugged her shoulders. "I tried for several times, pero..." umiling-iling siya, " wala na talaga... you probably had changed numbers by then..." as she continues, habang ngayon ay manaka-nakang sumusulyap sa akin. "I did!" tumango ako, "to start fresh..." I added in a weakening voice. "So, there was another attempt?" isa ko pang tanong habang nakatitig parin sa kanya sa kabila ng katotohanang hindi nagpipirmi ang kanyang mga paningin. "Yup! there was another one, the third and the last... hindi ko na isasama 'yong pang-apat kasi si Azir ang nag reach out sa'kin no'n. I spoke to him over the phone after another month, no'ng hindi na kita matawagan," aniya sa mahinahong boses. "At do'n mo na nalaman ang lahat? I guess I was already in China by that time," wika ko habang nakapamulsa ang kaliwang kamay at ang kanan ay bahagya kong iniipit sa aking kilikili. "No'ng muli kaming nag-usap?" tumingin siya sa akin. "Oo, you're already in China at..." "Wait, wait, wait..." I interrupted and signaled my hand for her to stop, bahagya ko ring ipinilig ang aking ulo. "No'ng muli kayong nag-usap? you mean to say... the third one happened when I was still here? kelan 'yon?" my eyes narrowed as I seriously asked. "As I was saying... tinawagan ko si Azir, no'ng hindi na kita makontak, pero hindi nagtagal 'yong pag-uusap namin 'cause he's in a hurry at may importante pa raw siyang bagay na aasikasuhin. But he promised he'll reach out soon... na tinupad niya naman a week after." paliwanag niya sa akin. I nodded again, "maybe he has prior commitments at that time, kasi kilala ko 'yon, di ka matatanggihan no'n! he remains a friend, despite the odds." I say it with conviction. She also nodded in response. "Siguro... o baka mas accurate na sabihin na may inasikaso siyang mas importanteng tao kesa sa akin, at that time." paglilinaw niya. "What do you mean?" I frowned. "And you did not answer the question by the way... kelan nga kayo unang nagka-usap ni Azir?" muli kong tanong. Mariin niya akong tinitigan at bumuntong hininga pagkatapos. "Early afternoon of September 21st, about three years ago... natatandaan mo pa naman siguro ang mga kaganapan sa araw na'yon di ba?" Of course! sa isip ko. "W-wait... 'yon ba ang araw na muli kayong nagkausap?" I curiously asked. Umiling siya, "that was the first one, you're not listening..." sa halos pabulong na mga salita as she rolled her eyeballs. My jaw dropped, I got the message pero may mga bagay sa loob ko na nagtatalo. "I want an explicit answer Vee, please don't be vague this time," mga salitang punong puno ng emosyon. Tinitigan niya akong muli habang hinahawi ang buhok at inilagay ang punpon nito sa kanan niyang balikat. "September 21st, about three years ago..." pumiyok siya. "I called Azir to get some info kasi hindi na nga kita makontak no'n. He entertained me, but that didn't last long either kasi may inasikaso siyang bagay na hindi pwedeng ipagpaliban, and then he promised to reach out soon, which he did! as what I've mentioned earlier. Pero hindi na ako nakapag usisa pa, kasi nga... nagmamadali siya." Muli siyang nag-iwas ng tingin, "Gosh... kanina pa ako nag e-explain, he still didn't get it," she murmured those lines habang nakahalukipkip at mukhang nayayamot na. Pinasadahan niya ng mga daliri ang kanyang buhok at tumalikod habang naiwan akong nakatulala. "f**k!" Nakapamewang ako gamit ang kaliwang kamay habang sapo ng kabila ang aking noo, mariin akong pumipikit pagkatapos. Now she's talking about the day I left Manila, 'yon ang mismong araw ng flight ko papuntang China. But things might have been different if I had known, kung nalaman ko lang ng mas maaga ang lahat. "f**k!" I can't help but let out another cursed. Kahit buo na ang desisyon ko na umalis sa araw na'yon, there's still a part of me that secretly wished na sana... sana dalhin siya ng mga paa niya papunta sa akin. Isang hiling na tanging ako lang ang siyang nakakaalam. Isang hiling na... s**t! ayoko ng isipin at masyado ng masakit sa dibdib. Tumalikod ako at gumawa ng ilang hakbang palayo at pabalik sa kinaroroonan niya as I grasped for some air. Sa pakiwari ko'y mauubusan na ako ng hininga sa sobrang paninikip ng aking dibdib. Tumingila ako at humugot ng isang malalim na buntong hininga. I am so overwhelmed by these facts that I can no longer contain my emotions, kung kanina ay nagawa ko pang labanan ang lahat, ngayon ay... I don't know! I really don't know anymore... It feels like I am slowly drowning inside at hindi ko alam kung paano pa ako muling makakaahon. Pinaglaruan ko ang mga butil ng buhangin sa aking paanan, idiniin ko pang lalo ang aking mga paa habang pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi ko naman alam kung saan pa huhugot, gayong unti-unti na naman akong nauubos. Parang kahapon lang ay naranasan ko ito and I couldn't understand why I had to go through this same feelings again. Bakit ba nagiging komplikado ang lahat ng bagay sa paligid ko? Ba't ba madali lang para sa iba, ngunit sadyang kay hirap no'ng sa akin? Lumingon ako makailang sandali, I almost forgot na kasama ko siya. Our gaze locked the moment I turn around, mukhang kanina niya pa ako pinagmamasdan at sa pakiwari ko'y inoobserbahan niya ang bawat kilos at galaw ko. "Y-you actually called that d-day?" I startled pero hindi man lang siya sumasagot, she looked away instead. "Does it mean na susundan mo ako sa airport kung sakaling nalaman mong aalis na ako n'on? P-pipigilan mo ba ako? Questions that I find it so hard to asked, pero naglakas loob rin akong gawin sa huli. "You have no idea Renz..." kasabay ng isang mapait na ngiti. "Pero... ano sa palagay mo ang nangyari if I had known it earlier?" she continued in an almost whispered voice habang blankong nakatingin sa malayuan. Mas lalo pa yatang bumibigat ang pakiramdam ko sa narinig habang ang mga mata ko'y nakatoon parin sa kanya. Hinilot-hilot ko ang aking batok at muling tumalikod, hirap paring mag sink-in sa utak ko ang mga pangyayari. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit wala man lang nakarating sa akin noon? my boys didn't even care to share the news with me, most especially Azir. He gotta have a lot of explaining to do and he better do it right! kundi ay malalagot talaga siya sa akin. My jaw clenched at the thoughts of it, feeling ko ay pinagkakaisahan ako ng mundo. Gano'n na ba ako kasama upang ipagkait sa akin ang pagkakataong maging masaya noon? wala na ba ako karapatang makaramdam ng gano'n? Bahagya akong napaluhod, itinukod ko ang mga palad sa magkabila kong hita at tumingala sa mga ulap. TADHANA, FATE! DESTINY... o kung sino kamang nagdidikta ng kapalaran isang tao. f**k you! suntukan nalang tayo, hindi 'yong ganito... inuubos mo ako, inuubos mo lahat ng lakas ko ng wala man lang akong kalaban laban. Ipinagkait mo ang natitirang pag-asa ko na maging maayos kami noon. "Aaaaaaaah!" idiniin ko ang dalawang palad sa magkabilang gilid ng aking ulo as I screamed out in front of the sea, umaasang tangayin ng alon ang lahat nag paghihirap ko ngayon. I didn't realized this will hurt so much though, sana pala ay hindi na ako nag-usisa pa. Luming linga ako sa gilid at ilang beses na pumulot ng bato, inihagis ko mga iyon sa dagat. Paulit-ulit hanggang sa mapagod ang aking katawan at mamanhid ang aking puso. I've never been this hurt...akala ko pinakamasakit na 'yong nangyaring pag neglect niya sa akin noon. Tang'na! mas masakit pala 'yong katotohanang hinanap niya ako...hinanap niya ako, but I'm nowhere to be found. Muli akong tumayo at patakbong umikot-ikot sa isang bahagi ng dalampasigan, nilagpasan ko ang mga matang kanina pa nakasunod sa akin. I have to blow off some steam kundi ay mababaliw na ako ng tuluyan. Hindi ko na namamalayan kung ilang sandali akong nagpa-ikot ikot sa lugar na'yon hanggang sa sigaw na niya ang nagpahinto sa akin. "RENZ!" napalingon ako sa direksiyon niya. "Will you stop what your doin? ako 'yong nahihilo sa ginagawa mo!" sapo ng dalawang kamay niya ang kanyang ulo at bigla akong natauhan sa nakita. She seem so upset now. "Eh, di mahilo ka, para dalawa na tayo..." wala sa loob kong sinabi. "What did you say?" her brows furrowed while asking, buti nalang at hindi niya masyadong narinig ang lahat. "Sabi ko, S-Sorry... and may I suggest that it will be best if we'll leave now, balik na tayo sa kanila at masyado ng malamig 'yong hangin dito," again, I uttered some words out of nowhere ng hindi nag-iisip. "Seriously? babalik tayo do'n pagkatapos mo akong i provoke na mag open-up sa'yo? so were done here! nakuha mo na ba 'yong gusto mo'ng info? sapat naba ang lahat ng 'yon para sa'yo?" marahas niyang tanong habang nakapamewang. Hindi ako umimik, pilit ko paring pinoproseso ang lahat sa aking utak, inaalala ang mga pangyayari ng nakalipas na panahon. "Honestly? hindi ko alam, hindi ko na alam!" I raised my voice habang sapo ang noo. "Ano bang ikinagagalit mo?" she leveled my temper. "Hindi ako galit!' depensa ko sa matigas na tono. "Then why are you raising your voice on me?" isa pang sigaw mula sa kanya. "Sorry... I'm just so damn frustrated," paliwanag ko sa mahinahong boses habang bagsak ang balikat. "At ako ang pinagbubuntunan mo?" nakataas parin ang tono ng boses niya. "No! it's not that, nagkataon lang na... ikaw 'yong kausap ko ngayon, again I'm sorry! I really am. It wasn't my intention to raise my voice on you, I just couldn't control my own emotions, " paliwanag ko. "You know what? siguro nga tama ka, balik nalang tayo do'n, wala rin namang magandang kinahitnatnan 'yong pag-uusap natin." Tumalikod na siya pagkatapos, at gaya ng nangyari kanina, she was about to go when I immediately grabbed her arm. "I said, I'm sorry... I lose control, will you please forgive me?" pakiusap ko. But she just glared at me at kalauanan ay dumako ang paningin sa bahagi ng kanyang braso na mahigpit kong hinahawakan ko ngayon. Tila nakakapaso ang kanyang mga tingin kaya't kaagad ko siyang binitawan. Nagmamadali siyang lumakad pagkatapos at nagmamadali rin ako sa paghabol sa kanya. "Ano, iiwas ka na naman? iiwanan mo na naman ako? akala ko ba we have agreed to settle things right now... ba't gan'to?" nilakihan ko pa ang bawat hakbang. "Are you seriously asking me that? pagkatapos mong mag suggest na bumalik na lang tayo do'n!" as she points a finger towards the said direction. Napalunok ako sa narinig. "And may I just remind you, kasi mukhang nakalimutan mo yata... ikaw 'yong nang-iwan Renz!" sabay turo sa akin, "at hindi ako..." dagdag pa niya. My jaw dropped as I lost for words, I couldn't say anything, nararamdaman ko na ang sobra niyang pagkairita sa akin. Bakit ko ba kasi nasabi 'yon? Nagpatuloy pa siya sa paglalakad, mukhang buo na ang desisyon na talikuran ako. "V-Vee, just one last chance, please..." I pleaded with downcast eyes. Panandalian siyang tumigil. "A chance for what?" isang simpleng tanong na tila kay hirap sagutin, the kind that once again made my thoughts stuck in the middle of nowhere. Kasi ano nga ba'ng chance ang hinihingi ko? Para saan ba ang lahat ng ginagawa ko? Does it still has something to do with our work? o di kaya'y nagiging personal na ito para sa akin? I was totally lost for a while at sa muling pagbalik ng aking kamalayan ay tuluyan na siyang nawala sa aking mga paningin. "s**t!" at talagang iniwan niya nga ako. Ilang hakbang pa ang ginawa ko upang hanapin siya, nagpalinga-linga ako sa paligid, umaasang nasa isang tabi lang siya, ngunit kahit na anino niya ay hindi ko na mahagilap. Sinipa ko ang ilang butil ng buhangin na aking tinatapakan sa sobra kong pagkadismaya. "So, you're trying to get even? FINE!" I waive my right hand up in the air habang sumisigaw. "We're even now! Oo, ako 'yong nang-iwan, ako 'yong umalis noon! pero... tang'na! daig ko pa 'yong sampung beses na iniwan sa nararamdaman ko ngayon..." muli akong napaluhod sa sobrang panlulumo. Tinakpan ko ng dalawang palad ang aking mukha at dahan dahang yumuko habang bumubulong sa hangin. "Kung ito ay parte parin ng kabayaran sa lahat ng maling nagawa ko sa nakaraan ay buong puso kung tatanggapin, kahit ang sakit sakit na, kahit sobrang sakit na...ngunit pakiusap, ito na sana 'yong huli... baka di ko na kasi kayanin," taos-puso kung hiniling habang subsob ang ulo sa magkadikit kong mga hita. Ilang sandali pa akong nanatili sa gano'ng posisyon hanggang sa nag-angat rin ako ng mukha kalaunan. Nagpasya akong maglakad-lakad nf konti and then my eyes darted to an uprooted tree na nakabulagta sa may di kalayuan. Marahil ay nabuwal ang punong 'yon noong may dumaang malakas na bagyo. But instead of getting it out of the people's sight, kagaya ng madalas na ginagawa sa mga clearing operations after a storm has passed, the management turned it into a piece of art instead. Inukit ng bahagya ang gitnang bahagi no'n to create a certain space for someone to settle in, while still preserving it's natural form. Nagpasya akong lumapit pa roon upang tingnan ito sa malapitan. I can't help but get stunned with the thing in front of me, as I slowly ran down my fingers through it's unique structure, nagpaikot-ikot pa ako sa bagay na iyon. I scanned each corner, binusisi ko lahat down to the most intricate details. May mga iilang carvings pa pala silang ginawa na hindi mo mahahalata sa malayuan. Pinakintab din ng bahagya ang kabuuang anyo nito to enhance it's beauty. I am truly amazed by how it became a part of one's great masterpiece. Isang bagay na nagpamulat sa akin, now I've come to realized na kahit gaano paman kasama at kahirap 'yong sitwasyon natin sa ngayon... there will always be an opportunity to start again. A chance to become a better version our selves, kailangan lang siguro nating muling matutunang maniwala at magtiwala. Pero kakayanin ko pa ba? Magagawa ko pa kaya? I really don't know! but then again...kailangan kung subukan, hindi dahil sa wala akong choice, kundi dahil 'yon ang pinakanararapat kung gawin sa ngayon. Marami parin akong hindi naiintindihan, a lot of questions were still left hanging in the air, at hindi ko alam kung kelan ito mabibigyan ng tamang kasagutan. Pero muli akong aasa na mauunawaan ko rin ang lahat sa huli. Napasinghap ako at nagpasyang umupo. I feel a slight calmness deep within as I settle myself... alam kung hindi magiging madali at mahaba haba pa ang daang tatahakin ko, but I know I'll eventually get there, sooner or later. Besides medyo malayo layo narin ang inabot ng paglalakbay ko, ngayon pa ba ako susuko? Napasinghot ako habang nakamasid sa kalawakan when I heard loud music. Inikot ko ang aking paningin upang malaman ang pinanggagalingan ng nasabing tunog, only to realized that I am just a few meters away from the production team. Gano'n na ba ka intense 'yong mga naging kaganapan kanina? at hindi ko na namalayan na unti unti na pala kaming bumabalik sa base? "Talaga nga naman!" naibulalas ko. But on the other hand, sa kabilang side naman kasi kami dumaan after kaming ipinagtabuyan ni direk and so I didn't notice this thing. I might just be stuck sitting here for hours if I only saw this first. Baka hindi ko na binaybay 'yong malawak na dalampasigan kasi mananatili nalang ako dito. Di ko na sana malayang napagmasdan 'yong kagandahan ng paligid, di ko na sana naramdaman 'yong matinding yapos ng hangin sa aking katawan at hindi na sana ako nabigyan ng chance na muli siyang makausap. Di ko na sana na nagawa ang mga bagay ginawa ko kanina at hindi ko sana naramdaman ang lahat ng 'yon. Kahit gano'n ka tindi 'yong naramdaman kung sakit at kahit hindi ko na alam kung paano pa siya mawawala. But yes! I'd rather go through that roller coaster ride of emotions over and over again, just to be able to spend some time with her. Kahit awayin niya pa ako, okay lang... Bahagya akong natawa sa sarili, look at the things you've done to me Vee... napailing ako. Am I being a masochist now? nababaliw na nga yata talaga ako. Pero kung siya naman 'yong magiging dahilan? so be it... Mas pumaimbabaw pa 'yong tunog ng musika sa ere. Nilingon ko ang bahagi ng resort kung saan sila nagtitipon-tipon. Marahil ay nagkakasiyahan na sila sa mga oras na'to, at siguro ay nakikisali narin si Vee sa kanila. Well, good for her! mahimasmasan man lang ng kahit konti 'yong pagkainis niya sa akin kanina. Gusto ko nang iangat ang mga paa at dalhin ang sarili papunta sa kanila, gusto kong sumali sa ginagawa nilang kasayahan ngayon, yet I opted not to. Might as well spend some more time alone and rather keep my s**t together, bago ako muling humarap sa kanila at sa kanya. Pinagsalikop ko ang mga palad sa gitna ng aking mukha at marahang inipit ang tungkil ng aking ilong habang pumipikit. Bahagya rin akong yumuko, I also spread my legs apart at itinukod ang dalawang siko sa magkabila kong hita. Kung ano-anong bagay parin ang pumapasok sa aking isipan, hanggang sa naramdaman ko ng may tumatabi sa akin. I opened my eyes wide and turn to my right side and there I saw her sitting right beside me. She's now holding a small bottle of beer at may isa pa siyang inilapag sa gitna namin, which I assumed na para sa akin. She signaled for a toast nang hindi man lang kumikibo, kaya kaagad kong dinampot 'yong boteng inilapag niya, and then we clicked bottles after. Pagkatapos no'n ay nag-uunahan na kami sa paglagok na animo'y nagpapaligsahan sa kung sino ang unang makakaubos. "You're back!" panimula ko. "I'm sorry?" nakataas ang isa niyang kilay. "I said you're back! pero ba't ka nandito? ba't mo ako nilalapitan ngayon? di ba... iniwan mo na ako kanina?" paisa isa kung tanong. "Ayaw mo?" nakakunot ang kanyang noo. Kaagad akong sumagot, "siyempre gusto! I just didn't expected you to join me again." I explained further. "Una sa lahat," inangat niya ang kanang hintuturo, "hindi ako bumalik..." pagpapatuloy niya. "Cause this is not the exact place where I left off a while ago. Pangalawa, I didn't came here to join you, I just can't stand with the crowd, ang iingay ng mga tao do'n. I thought I will find my peace here...kaya ako nandito ngayon, huli na ng malaman kung nandito karin pala," umirap siya pagkatapos while I nodded with a bitter smile, her words strikes me once again. "But if you want to join me? ikaw ang bahala... this is a public place after all," she shrugged at muling ininom ang laman ng bote. And I am the one who's trying to join her now? gayong siya naman ang lumapit sa akin. Tss! mga babae talaga...when did will they ever learn to swallow even just a bit of their pride? at aminin sa sarili na gumagawa naman talaga sila ng certain moves minsan. Gaya nalang ng sinabi niya sa akin kanina... pero, mukhang nakalimutan niya na yata. Kaya ano pa nga bang magagawa ko? kundi pagbigyan siya! besides, all I ever wanted is to have another chance with her. "So, am I having this chance now?" I simply glance at her side, umaasang tingnan niya rin ako pabalik. She glared at me for a second, pero kaagad din siyang nagbawi ng tingin before she turns to speak. "Alamin mo muna kung anong chance ang ibig mong sabihin, bago mo siya hilingin... higit sa lahat siguraduhin mong kaya mo itong panindigan hanggang sa huli." s**t! napapikit ako at ipinilig ng konti ang aking ulo, and there she goes again! leaving me speechless with her words... wala na yata akong tamang sinabi at hindi na yata siya mauubusan. I swallowed hard and let out a deep sigh bago muling nagpatuloy. "Sorry..." as I say it again, for the nth time simula pa kanina. "Until when will you say sorry?" "Until you'll realized how sincere I am." "And how will you intend to do that? ang paulit ulit 'yong bigkasin sa harap ko?" "Siguro..." I shrugged. "Kapag ba... paulit ulit mo siyang sinasabi ay magmumukha na siyang totoo? Magagawa bang itama ng mga piling salita ang isang pagkakamali ng nakaraan? Sapat na ba'ng bigkasin lang ang mga katagang patawad? Magtatapos na ba ang lahat sa isang simpleng SORRY?" sunod sunod niyang tanong. Sunod sunod na tanong na hindi ko naman magawang sagutin. Muli niyang ininom ang natitirang laman ng bote, paubos na 'yong sa kanya habang nangangalahati pa 'yong sa akin. She turned the empty bottle up side down pagkatapos ubusin ang natitirang laman nito at kaagad na tumayo. "Were are you going?" sabay hila ko sa kanyang palapulsuhan. "I'll just get another drink, gusto mo rin?" tanong na tila may gustong patunayan. "Another one huh! maglalasing ka ba?" mas diniinan ko pa ang pagkakahawak sa kanya. "Ano ba!" pilit niyang kinakalas ang kamay ko. "Wala akong balak maglasing, gusto ko lang uminom! besides, we're having a party... so I have every right to drink." "Is that so?" "Teka nga sandali..." napaatras siya. "Ba't mo ba ako pinipigilan? nag-aalala ka na malasing ako? o baka naman... ayaw mo lang akong paalilsin? hmmm... natatakot ka bang mawala ako?" And she's teasing me now. Umismid siya, "di ka nga natakot no'n eh! bigla ka na lang naglaho na parang...bula! So don't you ever pull that act on me again, kasi hindi na 'yan oobra sa akin." she comes close as she directly points a finger to my face, ngunit kasabay no'n ay natapilok siya. She's a bit tipsy I understand, but not to the point of almost getting stumbled, buti nalang at kaagad ko naman siyang nasalo. I just wonder what will happen to her? kung wala ako dito ngayon. Pilit ko siyang inaalalayan kahit umaayaw siya sa tulong ko, until I just found myself embracing her too much upang hindi na maulit ang nangyari sa kanya. Ilang sandali pa at muli ko na kaming nakaupo, kinuha ko and dala dala niyang balabal na dala dala niya kanina at inilatag ko 'yon sa bakanteng space sa aking tabi, pagkatapos ay dahan dahan ko siyang inilapag doon. I tightened my hold just to make it sure na maayos ang pagkakahiga niya. I was too occupied when she asked me something stupid. "Are you hitting on me?" pumupungay na ang kanyang mga mata. f**k! pinasadahan ko ng tingin ang buo niyang mukha, she's not just tipsy, mukhang lasing na yata. How come I didn't realized it sooner? Kaya pala kung ano-ano na ang lumalabas sa kanyang bibig. "What?" I slightly loosen my grip then, no'ng mag sink-in sa utak ko ang naturang tanong, ngunit di ko rin naman siya tuluyang mabitawan. Gusto ko na sanang dumistansiya at ilayo ang sarili upang hindi na siya makapag-isip pa ng hindi maganda, 'cause the last thing that I would want to happen... is ang isipin niyang I am making sexually advances on her, so might as well just distant myself now. Ngunit di ko rin siya puwedeng pabayaan ng basta basta na lang, definitely not at her current state. Kaya pikit mata ko na lang pakikinggan ang lahat. Though I can't deny the fact that I am and I will forever be attracted to her, kasi sino nga ba naman ang hindi? but I still can't do such things. Well, not unless... gustuhin din niya. f**k! She's really driving me crazy! di ko na alam kung anong dapat kong gawin. "Renz..." siya, habang nakapikit. "Hmmm?" "Nahihilo ako...I need a pillow," napahawak siya sa ulo. "Likot mo kasi! kaya mas tumitindi 'yong epekto ng alak sa katawan mo," I scolded her slightly habang umuusad ako papalapit sa kanya. "Are you mad at me? kasi naglalasing ako?" para siyang isang bata na nagtatanong. "No... and I don't have a pillow by the way, but if you want... I can offer my lap," I blurted it out, bahala na kung anong isipin niya. "Okay..." What? napamulagat ako, did she just say that? after all her accusations kanina? okay lang na humiga siya sa lap ko ngayon? Napakamot ako sa batok, ako naman ang tila nagdadalawang-isip, pa'no kung... di bale na nga, bahala na! Itinukod niya ang siko at inangat ang kanyang likod, I then positioned myself sa may bandang ulo niya, pinagtabi ko ang aking dalawang hita upang gawin niyang unan, then she settled her self after. "Thank you.." she grabbed my right hand at tumalikod na sa akin. Muli akong napangiti, how my heart melts by these simple acts. Dumungaw ako sa kanya at mariin ko siyang tinitigan as she quietly sleeps on my lap, Is she even real? marahan kung tinapik ang aking mukha, then I sigh after. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa nangyayaring ito? this is far beyond the things that I used to imagined before. Hiling ko lang naman na makausap siya, na magkaliwanagan at magkapatawaran kami. Siyempre nagpapasalamat ako, but this is just so overwhelming for me. Nakakatakot at the same time, kasi paano kung masanay ako? paano kung hahanap-hanapin ko ulit siya? paano kung mahihirapan na naman akong mag adjust pagkatapos? Napapikit ako ng ilang saglit. "Anong iniisip mo?" pagmulat ko ay nakatingin na siya sa akin at ilang sandali kaming nagkatitigan. "Renz... Renz! ba't di ka na sumasagot?" she tickles my face with her finger. Ang kulit din ng babaeng 'to! "Yes?" sumagot na ako kalaunan. "Nahihilo ako... it's been years since I got totally drunk! I don't know how to handle myself anymore. Okay pa naman ako kanina, ba't parang umiikot na ang paligid ko ngayon?" "That's because ngayon pa lang nag subside 'yong alcohol sa katawan mo, mahangin pa dito! kaya ka nahihilo. You wanted to get inside na? hatid na kita so you can rest well." "Later... when I'm a bit sober, 'yong kaya ko ng maglakad ng maayos," she chuckled. "Nandito naman ako eh! I'll assist you, I won't let you fall..." "Talaga? eh pa'no kung ma fall karin?" "Huh?' bahagya akong natawa sa narinig. "Never mind...basta dito lang muna ako ha? pahiram muna ng mga legs mo? I slightly nodded in response at muli siyang tumalikod. "This feels like forever..." aniya habang muling pumipikit at tamlikod. My jaw dropped for a second. f**k! Gan'to ba talaga siya pag nalalasing? Does she even aware how much she emotionally tortures me right now? o baka naman sinasadya niya ang lahat ng 'to? kasi alam niyang nahihirapan na ako. I run down my fingers through her hair as I closely watched her pretty face. "I have no idea if you're half or totally sleep right now, or baka umaasta ka lang na tulog, kasi ang hirap mo paring basahin up until now. I hate to ask this, I'm afraid to ask this actually, hindi na ako umaasang sasagot kapa, ngunit itatanong ko narin for my peace of mind. "Oo, hinanap mo ako noon at sobrang saya ko siguro if I had known it earlier. But knowing you and the things you did before, doesn't simply mean na papayag ka na for a possible commitment with me, right? kasi hindi ka naman basta basta nagdedesisyon ng gano'n gano'n nalang. Pero... ba't mo nga ba ako hinanap noon? What made you decide to do it? I need to know every single detail upang maunawaan ko ang lahat and how I wish you'll soon find the courage to bare all." Napasinghot ako at napailing. Kung sana ay hindi ako nagpadala ng matinding emosyon kanina, marahil ay nagkaroon na ng kasagutan ang lahat. Kahit puno ng pangamba ay lakas loob kong hinawakan ang kanyang mukha. I slowly caress her soft skin. Mas lalo pa yata siyang gumanda ngayong nalasing, mas na highlight pa 'yong kanyang foreign features gawa ng mamula mula niyang pisngi. A true beauty in it's real sense, the kind that could sweep off anyone's feet. At minsan akong naging kabilang sa mga taong 'yon. Kaso nga lang... hindi ko siya napanindigan. Nadala ako ng mga di kaaya-ayang pangyayari and so I failed her...not just once but a lot of times siguro. "I'm so sorry I left," I sincerely utter the words. "Sorry kasi sumuko ako. Sorry dahil hindi na ako nakapaghintay pa. Sorry kasi...wala ako no'ng mga panahong dapat nandiyan ako para sa'yo. I can't imagine how you suffered the consequences, but do know that I also suffered in silence. Hindi na ako lumaban pa, hindi ko na ipinilit kasi wala akong makitang magandang kahihinatnan sa dulo. Sorry for being such a coward and for not being the man you wanted me to be. But know, that my intentions were pure back then. At kung meron mang totoo sa lahat ng nakita mo at nakita nila, 'yon ay ang pagmamahal na idiniklara ko sa buong mundo. Sabihin na nila ang lahat against me, they can call me names and could even accused me of something, but they can never question my feelings. Kasi hanggang sa huli ay ipaglalaban ko 'yon, kahit 'yon nalang ang matitira sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD