Though I aim for popularity and fame before, pero kayang kaya ko itong bitawan anytime if it come's between us. Mas pipiliin kita if I had to... but it was just for me of course! kasi alam ko namang walang kahihitnan ang lahat ng ito. Tanggap ko naman na imposibleng mangyari ang gusto ko, sinubukan ko lang naman, kasi baka sakali.... but I should put an end to this one.
Mga bagay na gusto kong iparating, mga salitang hindi ko kayang bigkasin sa ngayon, but hopefully one day I will be able to. Nevertheless I will stand by my decision. I wanted to be totally free from this roller coaster ride of emotions, and I can't do that if I'll forever stay, so I guess my quest has now officially ended.
A bitter smile appeared on my lips, ignoring the fact that cameras may captured it. Maya maya ay tumunog ang aking phone with an incoming call, I delve into my pocket at kinapa ang bagay na nasa loob no'n. I saw Sofie's name on the screen the moment I take a look at it while tilting my body sideways. Kaagad ko din iyong ibinalik sa aking bulsa, ngayon ay dadagdag pa ito sa mga alalahanin ko. I glanced at my watch, it's past 8:00 in the evening and I've promised to see her right after this event. Pero kaya ko pa bang humarap sa kanya at this state? now that I am bothered by some thoughts of that same person again? Paano ko sasabihin ang lahat? pumikit ako ng mariin, trying to clear my head at muling humarap sa camera pagkatapos, still wearing my best smile in spite of... Nahawa na yata ako sa kanila.
Lumingon ako sa huling pagkakataon while slowly heading to the exit door. Kausap niya 'yong isa sa mga big bosses na sinasabi nilang interesado sa kanya. I saw a man dressed in an expensive midnight blue suit as I scanned the person beside her. Clean cut hair, maputi, tsinito, matangos ang ilong at may dimples sa isang bahagi ng mukha na animo'y tinusok ng karayom. Lumilitaw 'yon every time he smiles, at parang di na yata naaalis ang ngiti sa kanyang mga labi simula no'ng nagka-usap na sila. Ilang sandaling nagpalinga linga si Vee, tipong may hinahanap, and how I wish na sana ako 'yon. Na ako nalang sana 'yong hinahanap ng mga mata niya...but how could it be possible? kung hindi man lang niya ako nagawang sulyapan ng kahit isang beses simula pa kanina. Kaagad din namang napunta sa tsinitong 'yon ang kanyang atensiyon, may ibinulong ito sa kanya that made her laugh a little. Seems like they are enjoying each other's company now and I simply hate it. My jaw clenched, Damn it! alam kong wala akong karapatan, pero wala rin akong kakayahang pigilan ang nararamdaman ko ngayon. I just can't stand seeing them this close, baka kung ano pa ang magawa ko, kaya't nagpasya akong kaagad ng umalis sa naturang lugar. I have served my purpose after all.
All the memories of that particular night clearly flashes through my head in an instant. Para 'yong palabas na paulit-ulit na nag re- rewind sa aking isipan, until I've memorized every detail. Lahat ng eksena at lahat ng emosyon ay paulit-ulit na bumabalik sa aking alaala. Pinagsalikop ko ang mga kamay at diniinan ang pagkahawak sa aking batok as I spread my elbows apart. Pumikit ako at tumingala sa mga ulap, nagbabaka sakaling mahanap ko roon ang kasagutan sa mga tanong na di ko kayang isantinig. Hanggang sa boses niya na ang muling nagpabaling sa aking atensiyon.
"And then I waited for days, weeks, months even... until news of you and that certain someone ruled over the internet." malungkot niyang sinabi.
Napaawang ang aking bibig, I wanted to say something ngunit walang anumang salita ang namutawi sa aking labi, bagkos ay hinayaan ko lamang siya na magpatuloy.
"Pero di ako kaagad naniwala 'cause I know how showbiz works... and so I've decided na gumawa na lang ng move for us to reconnect. I wanted to hear the truth straight from you and not just from anyone. I'm so tired of hearing those bunch of assumptions regarding your status at sa dami dami ng naglilipanang impormasyon ay hindi ko na alam kung sino at ano ang dapat kong paniwalaan. And I also wanted to see you, I wanna see you, so bad..." yumuko siya na waring nahihiya, while I still froze.
"S-sabi ko... wala naman sigurong masama if I'll be the one to reach out di ba?" muli niya akong tiningnan. "Kasi nagawa mo na naman 'yong part mo ng ilang beses, perhaps it's about time to do mine. But to my surprise! bumalik ka na pala ng China without my knowledge. Ang tanga tanga lang, kasi habang nagpaplano ako ng gano'n, ay may pinaplano karin palang iba! and what makes it even worst is you actually planned the exact opposite thing at naisagawa mo ang lahat sa panahong iniisip ko pa lang kung paano maisasakatuparan 'yong sa'kin. Ba't gano'n? kung kelan handa na sana ako, saka ka naman tuluyang sumuko..." Mababakas ang kakaibang lungkot sa kanyang mukha habang binibitawan ang mga salitang 'yon at tila namumula narin ang kanyang mga mata. She let her guards down in front of me now, setting all her inhibitions aside at para na naman akong sinasaksak ng paulit-ulit sa aking dibdib.
Nanlumo ako sa narinig. "A-I'm sorry, hindi ko alam..." ang tanging nasabi ko. Kung alam ko lang na may pinagdadaanan din siya ng mag panahong 'yon, at kung alam ko lang sana ang binabalak niyang gawin noon... I could have just stayed, I could have just stayed! paulit-ulit 'yong nagre-replay sa aking utak. Ang bigat bigat sa loob na nakikita kong sobra siyang nasasaktan, pero wala na akong magagawa dahil nangyari na ang mga nangyari, at hindi ko rin kasalanan na minsan na naman kaming pinaglaruan ng sinasabi nilang tadhana. Pero kasalanan nga ba talaga ng tadhana? hindi ba sabi, na ang mga tao naman daw ang gumagawa ng sarili nitong tadhana? kung gano'n sino ang dapat sisisihin? siya na medyo huli na bago nagpasyang lumaban? o ako na mas piniling sumuko na lamang?
I lifted my feet for a walk to brace myself for a much deeper conversation with her later. Kailangan ko munang huminga, parang hindi ko na kinakaya ang mga nalalaman ngayon. I pick up a light stone at itinapon ko iyon sa dagat, kasabay ng pagbuhos ng samo't saring emosyong nakapaloob sa puso ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, but then again... does it still make sense? Magagawa ko pa bang ibalik ang lahat sa dati? Bumuntong hininga ako habang nakapamewang.
Bakit gano'n? bakit may mga pangyayari sa buhay na sadyang kay hirap maintindihan? at bakit may mga tanong na magpahanggang ngayon ay wala pa rin tamang kasagutan? Sana gano'n nalang kabilis maghilom ang mga sugat na nilikha ng kahapon, at sana gano'n lang din kadaling mapawi ang lahat ng sakit na naidulot nito. Pero alam kong ito'y imposible, dahil may kanya kanyang panahon ang lahat ng bagay, at may mga bagay na kusang nililimot ng panahon. Kaya hahayaan ko na lamang ang bukas na siyang maglalahad ng mga mangyayari sa hinaharap. Malabo man sa ngayon, pero baka may matatanaw din akong liwanag. For the meantime ay muli akong kakapit sa panibagong pagkakataong ibinigay ng tadhana. That f*****g fate na hindi ko alam kung kakampi ko ba o kaaway? I don't really give a damn! basta sa ngayon ay susulitin ko ang bawat segundo na kapiling ang babaeng minsan kong pinaghugutan ng lakas noon at bahala na ang bukas.
Ilang sandali pa akong nagpalakad lakad sa may dalampasigan habang manaka-nakang sinisipa ang mga butil ng buhangin sa aking paanan to let go of my frustrations... while she just stay there, in a particular place along the shore, nakaharap sa dagat at mariing niyayapos ang mga paa habang nakapangalumbaba gamit ang mga tuhod. Her eyes roam around the area, sandaling titingala, bahagyang yuyuko, dadako sa magkabilang gilid at minsa'y nahuhuli kong nakatingin sa akin. Huminto ako sa kanyang harapan at muli ko siyang pinagmasdan for the nth time. Nilalaro ng aking mga daliri ang pang-ibaba kong labi habang ang isa ko pang kamay ay nanatili sa aking bewang. How can I fix this? Could it still be possible? Would it still be possible? kaya pa ba naming ibalik ang lahat sa dati? mga tanong na naglalaro sa aking isipan.
Nagpasya akong muling umupo sa tapat niya, pinagsalikop ko ang aking kamay sa ibabaw ng aking kanang tuhod at pumangalumbaba rin, habang ang isa ko pang paa ay nakalatag ng tuwid sa may buhangin. Nagpakiramdaman kami ng ilang minuto, hanggang sa katahimikan na ang namayani sa pagitan naming dalawa. Tila nauubusan na rin ako ng mga salita, anong nangyari sa sinasabi ko kani-kanina lang? na sisiguraduhin kong this will gonna be one of the best moments of our lives. Ba't nagkaganito? akala ko pa naman na magiging okay na ang lahat, na unti-unti ng magbabalik ang lahat sa dati, sa kung saan kami unang nagsimula.
Naglakas loob na akong kausapin siya maka ilang sandali, mukhang nahimasmasan narin siya kahit paano, ngunit mababanaag parin ang lungkot sa kanyang mga mata, nakatingin siya sa malayo at waring nasa gitna ng kawalan.
"C-can I ask you something?" sumulyap siya sa akin pagkarinig no'n and I took it as a positive sign kaya ako nagpatuloy. "May gusto ka pa bang sabihin sa'kin? may dapat pa ba akong malaman? Are you ready to talk about the things we haven't discussed before? and I mean lahat... all of your your expectations, including your hang-ups, your frustrations, pati 'yong mga bagay na inakala mong hindi ko na deserve pang malaman. I would gladly hear it out, kahit na ano paman 'yon, kahit murahin mo pa ko, okay lang...tatanggapin ko, as long as that's what's inside your heart." Madamdamin kong sinabi.
"Yong...'yong sinasabi mong you tried to each out? in what way? Paano at kelan mo siya ginawa? since that night of the launching." I raised the question kasi pakiramdam ko ay wala siyang sapat na lakas ng loob upang kusang sabihin sa akin ang lahat. I have to emotionally dig her up, in order to squeeze the details.
Sumulyap siya sa akin, "I don't specifically remember exact dates, but a month or so, I guess? I dialed your number and..." her voice trailed away as she averted her eyes.
"And...?" I wanted her to continue.
"Babae 'yong sumagot."
"Ano'ng sinabi niya?" napapikit ako at yumuko, at babae pa talaga 'yong sumagot? great, just great! 'wag lang sana niya akong tanungin kung sino 'yon, kasi wala talaga akong maisasagot na maayos. I can't even guess kung ano'ng araw 'yon.
"Wala..."
"Wala?" muli akong nag-angat ng paningin, naningkit ang aking mata sa pagtatanong.
"Wala, kasi binaba ko na 'yong tawag."
"Dahil ba sa babae 'yong sumagot?" tinitigan niya lang ako.
"I just wonder what goes through your head at that time, iniisip mo siguro na hindi na talaga ako nauubusan, that I do have spare one's always on the line." I may sounded too defensive, but who cares? kung matagal niya narin naman akong hinusgahan.
"Wala akong sinasabing gano'n, baka mismong sarili mo ang 'yong naririnig," aniya sa matigas na tono.
"See? that's what you're trying to imply all the time..." bahagyang tumaas ang aking boses.
"All the time? really Renz!" umismid siya at biglang tumayo. "So sinasabi mo na parang wala lang 'yong pag accept ko sa apology mo dati? na hindi sincere 'yong pagpapatawad ko, kasi gano'n naman pala ang tingin ko sa'yo? eh di pinutol ko na sana ang ugnayan natin nong una pa lang! at higit sa lahat... sana hindi na kita binigyan ng second chance nong minsan kang nagkamali sa akin." as she points a finger to herself habang nakadungaw sa akin.
Tumayo narin ako kalaunan. "Second chance? huh! seriously Vana Marie? binigyan mo ba talaga ako no'n? feeling ko kasi... sarili mo ang binigyan mo ng second chance and not me," depensa ko.
"Anong ibig mong sabihin?" kumunot ang kanyang noo.
"Ginawa mo 'yon para sa sarili mo at nagkataon lang na ako 'yong involve. You only gave yourself a chance to listen and to weigh things, pero according parin sa naka set na standard ng society for you," I pointed it out.
"And now your saying na wala akong sariling desisyon? na mas mahalaga sa'kin ang opinion ng iba? gano'n ba yon ha! Renz? Am I really that stupid sa paningin mo?" At sa muli ay nabuhay na naman ang tensiyon sa pagitan namin. Hindi na ba kami puwedeng mag-usap ng masinsinan? Can't we at least be civil to each other? but then again, if this is what it takes upang mapalabas ko ang pinakatago-tago niyang damdamin, so be it... I'll provoke her even more.
"What I'm trying to say is... Oo! pinatawad mo nga ako," pagpapatuloy ko, "pero never na 'yong nabura sa utak mo. Dahil simula sa araw na 'yon... wala na akong ibang ginawa kundi i prove yong sarili ko sa'yo, at sa mga taong nakapaligid sa'tin. Araw araw nalang akong nakikipag compete sa hindi ko malaman kung kanino. Konting pagkakamali ko lang ay muli na naman akong babatuhin ng masasakit na salita at ibabalik 'yong mga maling nagawa ko sa nakaraan. The fact na nagkamali ako dati, doesn't mean na wala na akong karapatang magbago, pero ang damot damot ng mundong ginagalawan mo, ng mundong minsan akong naging bahagi."
Nagsalubong ang kanyang kilay. "For the record lang, hindi kita hinusgahan no'n, kahit naguguluhan ako, I never said anything against you in public! at lalong hindi ko kasalanan kung naging gano'n ang tingin ng mga tao sa'yo. Hindi rin natin 'yon pwedeng i-impose sa kanila, the least we can do, is to prove na worthy tayo for their trust and respect! at hindi 'yon nakukuha overnight... it's a process that takes a lot of time. And may I just remind you na hindi lang ikaw ang nakaranas ng gano'n, I also have my own fair share of those bad publicity. Di mo pa naman siguro nakakalimutan ang mga ibinabato sa'kin noon di ba? like the worst thing you could ever hear from somebody's mouth. Ang masakit pa, they're not just coming from the bashers alone... dahil kahit fans mo, at fans nating dalawa ay may nasasabi rin if we can't live with their expectations. But I didn't take it against them, kasi celebrities tayo, and celebrities do seek for peoples validation, thus we are rightfully subjected to criticisms. Parte 'yon ng trabaho natin at wala tayong magagawa but deal with it kung gusto nating manatili. And in case you have forgotten, gusto ko lang ipaalala na mas marami parin ang nagmamahal sa'yo noon in spite of... mga taong handang handa kang ipaglaban at all cost. Mga taong sobrang nalungkot no'ng umalis ka, sana lang hindi mo nakakalimutan 'yon."
"Of course I didn't! at thankful ako do'n, I just didn't handle it properly, I couldn't handle the situation. Kasi kahit na sinasabi nila 'yon, may mga demands parin sila na hindi ko kayang e fulfill at that time. Masyado akong na burnt-out with the turn of events sa career at sa personal life ko. I just got so exhausted by the fact na kailangan kong magpasaya ng ibang tao kahit durog na durog na ako sa loob, and it somehow squeezes my whole being," muli akong nanlumo habang napaawang ang kanyang bibig.
"Alam mo ba 'yong pakiramdam ng ubos na ubos ka na, pero pinipiga ka parin? hanggang sa wala ng natitira pa sa'yo, and so you left with no other choice but to stop, because how can you be able to give a something you've already lost?" I look at her with a sad expression. "The least you could do is step back, re route at hanapin ang sarili upang maibalik ang bagay na nawala. I'm sorry kung hindi na ako nakapagpaalam pa noon, I just don't feel the need to... a-akala ko kasi, you won't get affected by my absence, besides our friendship has long ended even before the day I left for China. Things haven't been the same after that interview... though we didn't seriously talk about it, we both know that everything has changed since then."."
"Tama ka, nagbago nga ang lahat simula no'n... because you distance yourself away from me. Kasi iniisip mo na I got seriously offended by your sudden confessions, despite the fact na naayos naman natin 'yon kaagad."
"Naayos ba talaga natin? bakit iba ang naging pakiramdam ko pagkatapos? Realization hits me right after that confrontation, naisip ko na kailangan ko ng isarado ang isang chapter ng buhay ko na kasama ka. Kasi hindi ako makakausad hangga't nabubuhay ako sa anino mo. Ramdam ko rin na medyo naiirita ka na sa mga pangyayari, and it has caused you a lot of troubles, bagay na iniiwasan kong mangyari noon, yet I always ended up on doing the worst. So I a step back... upang tuluyan na tayong makawala sa isa't isa.
Muli siyang napatitig sa akin, nagtatanong ang mga mata, tipong naghihintay ng sapat na paliwanag. "I thought we have settled those things a long time ago, akala ko naiintitindihan mo na ayaw ko lang naman na muling magkawatak-watak at mag-away ang mga fans because of that issue, and then mag a-argue na naman sa kung sino ang mas may kasalanan sa ating dalawa, kaya ayaw ko ng pag-usapan pa." Umiling-iling siya pagkasabi no'n at kitang kita ko ang sobra niyang pagkadismaya.
"I prefer not to talk about it, kasi okay na... ta's magugulo na naman ulit, but I didn't push you away, ikaw ang nag decide no'n for yourself," as she gently reminded me.
"In a way, Oo! kasi wala namang nag impose na gawin ko 'yon. again it was solely a decision of mine, but simply because you're giving me mixed signals, parang okay na parang hindi! sobrang nakakalito lang."
"Mali lang siguro interpretation mo."
"Perhaps! pero 'yon ang naging dating sa'kin." I shrugged my shoulder and paused for a while, then took a deep breath bago nagpatuloy. "You said you believe me, pero.... sa'ng banda mo ako pinaniwalaan? and how could you say so? when you can't even trust me at all! You keep on guarding your heart and suppressed your feelings, dahil natatakot ka na baka muli na namang maulit ang mga nangyari sa nakaraan."
"So alam mo? nararamdaman mo! kasi hindi mo masasabi 'yan ngayon if you didn't feel me at all. Hindi man naging malinaw sa'yo ang lahat, though I never utter the words you wanted to hear... but subconsciously a voice within is telling you not to back off... kasi posible, you just have to wait...but you chose to stay away instead."
"At kasalanan ko 'yon? kasalanan ko kung bakit mali ang pagkakabasa ko sa'yo? kasalanan ko kasi...nakinig lang naman ako sa mga sinabi mo. I am at fault 'cause I didn't realized sooner na ang ibig palang sabihin ng mga salitang we're be better off as friends... ay maghintay lang ako, kasi baka mag-iba ang isip mo balang araw at maramdaman mong higit pa ko sa isang kaibigan."
"So sinisisi mo rin ako? kasi hindi ko nilinaw? Kasi hindi mo naiintindihan that every single woman deserves an assurance? Kalabisan ba kung gustohin namin ng proof of how sincere you are? na hindi kayo basta-basta bibitaw if things gets worst? Is it really too much to asked?" buwelta niya sa'kin.
"Hindi, pero bigyan niyo rin sana kami ng kahit konting pag-asa, hindi 'yong nanatili kayong isang puzzle na kinakailangan naming i solve," paliwanag ko.
"Are we having sexes battles now?" as she raised one of her brows.
"Hindi rin, hindi naman kasi ako nakikipag-away dito. I was just trying to explain kung ano ang totoong nangyari noon. Oo! bumitaw ako, lumayo ako... because I thought it was the best thing to do, but believe it or not, it wasn't really easy back then, hindi naman kasi madaling iwanan ang mga bagay na nakasananyan mo na. It was a one step forward and 2 steps backward decision. Pero gaya ng nasabi ko kanina... sa huli ay nanaig 'yong kagustuhan kong mapalaya ka ng tuluyan, para sa ikatatahimik mo at ng mga taong nakapaligid sa'yo na hindi boto sa'kin since day one. Kaya kahit masakit, tinganggap ko ang lahat... kasi 'yon ang nararapat. I did everything to forget you, I diverted my attention sa ibang bagay para mawala kana sa sistema ko. Until I met Sofie, I thought na siya na 'yong magiging kasagutan, naging masaya naman kami for a time, kahit ang daming critics na lumabas even before we admit what we had. Palaban din siya, kaya akala ko magtutuloy-tuloy na 'yon. But not until that particular night, ang gabing nagpabago ng lahat ng desisyon ko sa buhay."
"So the rumors are true? there's a certain girl involved."
I simply nodded in response. I have to come clean at bahala na siya sa gusto niyang isipin, wala narin namang mawawala sa akin.
"All this time akala ko ako 'yong dahilan? Silly!" she sarcastically laugh."Kaya mo ba sinabi that I'm a part though... kasi hindi ako nag-iisa, may iba pa pala, just the usual RL," umiling-iling siya.
"Susumbatan mo na naman ba ako?"
"No! hindi ko nga 'yan ginawa noon, ngayon pa kaya?"
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin ng tungkol do'n?"
"Para ano? para .... never mind."
"Masasaktan ba kita if ever na magkukuwento ako ng tungkol sa kanya?"
"No! why would I?" umirap siya.
"Wala, naisip ko lang," nagkibit ako ng balikat. "But for the record, hindi talaga official na naging kami. Yes, we get along so well, we do hang-out privately and we have this certain connection na kami lang din ang nakakaintindi, pero hindi siya naging sapat na dahilan for us to commit," paglilinaw ko.
Nagtaas siya ng kilay, "as what I've expected! wala na bang bago?" She utter the words while crossing her arms across her chest, then she shrugged her left shoulder. And she's pissed now, but how can I blame her? kung totoo naman 'yong sinasabi niya, gasgas na gasgas na 'yong mga linya ko. I couldn't blame myself either, kasi 'yon talaga ang naging set-up namin ni Sofie, nilinaw ko ang lahat sa kanya from the very start of our deal. Pero hindi ako naghuhugas ng kamay, I will never do that! kasi gaya ng sinabi ko sa simula... I will always chose to hold responsible for every given circumstance of my life. Kaya nga no'ng ma realize ko ang isang bagay noon, I immediately put an end to what we had.
Inihakbang niya ang mga paa at nilagpasan ako, marahan siyang naglakad palapit ng palapit sa mga alon na ngayon ay nag-uunahang humalik sa dalampasigan. Nakiramdam ako sa paligid, medyo kumakalma na 'yong ihip ng hangin, animo'y binabalanse nito ang nag-uumapaw na mga damdaming kapwa naming sinisikil ngayon. Ipinilig ko ang aking ulo at pagkatapos ay nakapamulsa siyang sinundan. I turn to stop and settle beside her. Humarap din kami sa isa't isa kalaunan at sa muling pagtatama ng aming mga paningin ay nagtatanong na ang kanyang mga mata. Pakiwari ko'y naguguluhan siya sa mga naririnig mula sa'kin, then she finally speaks up.
"Yong nangyari sa inyo ni Sofie no'n, was it another version of our story back then?"
"In a way siguro... pero hindi rin, 'cause ours was totally different."
"Pa'no mo nasabi?"
"Kasi...Well, ikaw naman 'yong umayaw in our case, pero 'yong sa'min... feeling ko, things would have been different if I just officially asked her to be my girl. At the back of my mind I certainly knew na 'yon lang ang hinihintay niya, pero hindi ko ginawa, hindi dahil ayaw ko, but it's because hindi ko lang talaga siya kayang gawin. Nagi-guilty nga ako, kasi kahit pa sabihin na klaro naman 'yong usapan namin from the start pa lang, the fact remains na... nasaktan ko pa rin siya. Pero at least naging honest ako sa kanya. Pero 'yon na nga... I got totally lost after the launching, bumalik lahat ng frustrations at hang-up's ko sa buhay no'ng makita kita, hanggang sa nagkapatong patong-patong na lahat. 'Yong feeling na parang sasabog na ako anytime soon? hindi ko na naiintindihan ang sarili, kaya ako umalis, hoping that I could find a much better place for me, and regain back my old self."
"Do you love her? or... did you ever loved her?" our gaze locked at that moment as I stay focus on her almond shape eyes na ngayon ay malayang nakatitig sa akin.
I became speechless then, paano ko 'yon sasagutin ng hindi siya nao-offend? Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga. "If loving someone simply means... caring for that person, attending to all her needs and trying your best to make her happy as much as possible... then, I probably have loved her. Pero kung ang tininukoy mo ay ang bumuo ng mga pangarap kasama siya at piliing ipaglaban siya sa kahit na anong paraan... bigo ako sa aspetong 'yon, kaya siguro ay hindi, hindi sapat ang ginawa ko upang sabihing mahal ko siya."
"Ang simple nang tanong, pero ba't parang ang hirap no'ng sagot? Why do you always like to complicate things?" pumikit siya habang hinahawi ang iilang hibla ng buhok sa kanyang mukha.
"I did not, as a matter of fact... I even expounded my answer. Besides, gano'n naman talaga ang pagmamahal, LOVE itself... will always be complicated." muli kami nagkatinginan pagkatapos.
"How did you ended things by the way?" I thought she's not interested, but she's throwing another question now.
"I initiated it, kasi deserve niya ang pagmamahal na kanya lang, na walang kahati, which is di ko kayang ibigay, kaya ako na 'yong bumitaw. But then again, I carried the guilt all along, feeling ko ang sama sama kung tao."
"Sorry to hear that, but again it was your decision, kasi 'yon ang naramdaman mo, and perhaps 'yon ang inakala mong tamang gawin no'ng mga panahong 'yon. But still.. you can't hide the fact na may nasaktan ka na naman. Is it within your nature to always hurt the one you love?"
Napangiwi ako at pinaglaruan ang aking dila sa loob ng aking bibig. Now I am to blame again! hindi na ba matatpos 'to? hanggang kailan niya ako planong sumbatan? kumunot ang aking noo at tumalikod pagkatapos for I am about to loose my temper.
"She maybe tolerated you, pero hindi parin niya deserve 'yon. Sana hindi niyo nalang sinimulan in the first place. At siguro nga may kasalanan din ako, I'm probably giving you mixed signals... but still, it's not my fault na sumuko ka, because you could have just waited for a little bit longer. Sana mas inintindi mo pa 'yong sitwasyon 'cause you certainly knew what I've been through... at sana lang din nagkaro'n kapa ng sapat na lakas ng loob to ask the question after a long time, no'ng naging okay na tayo. But instead ay naghanap ka ng iba." seryoso niyang pahayag.
And we were talking about this again, all this time akala ko pa naman na naipaliwanag ko na ang lahat ng tungkol do'n, hindi pa pala. But she ask for it, kaya pagbibigyan ko siya, siguro nga hindi pa sapat ang naging paliwanag ko noon, at marahil ay 'yon din ang dahilan kung bakit hirap parin siyang magtiwala. Muli akong lumingon.
"Bakit, kung sakali bang tinanong kita no'n, sasagutin mo ako?" bahagya kong pinilig ko ang aking ulo.
"Siguro... baka, malay mo!" Nagkibit balikat siya.
"See? ni hindi ka nga sure sa naging sagot mo ngayon, how much more noon?"
"It's because, wala naman talagang tamang kasagutan sa tanong na'yon, not unless personal mo siyang ma encounter. It was never raised in our case, kaya pano ko 'yon sasagutin? Like paano magiging tayo? gayong hindi ka naman nanligaw,"
"What the f**k!" I can't help but cursed. "Are you seriously asking me that? kasi nga... binasted mo ako, bago ko paman 'yon gawin! nakalimutan mo naba?" napahawak ako sa noo.
"I didn't! na friendzone kita on the early stage of our friendship, pero binasted? ibang usapan na 'yon!"
"Gano'n din 'yon, pinaganda mo lang, the bottom line is... you rejected me! and it hurts."
"Is that so?"
Tango lang ang isinagot ko, sandali siyang napayuko at naging seryoso na naman pagkatapos.
"In that case, sorry! sa lahat ng sakit na naidulot ko... at sorry dahil inalis ko ang karapatan mong makaramdam no'n, masyado akong naka focus sa mga dahilan kung bakit naging failed 'yong relationships ko dati. I lived in fear of might getting hurt again, kaya hirap akong magtiwala. I tend to forget that we're all humans who's capable of receiving and inflicting pain."
Muli akong natahimik, I didn't expect those lines from her, gayong kani kanina lang ay nakikipag sagutan siya sa akin, bakit tila nagpapakumbaba siya ngayon?
"Wala 'yon, hindi mo kasalanan, at naiintindihan ko kung bakit ka may trust issues. I'm sorry for what I said earlier. I just really need to get it all out of my chest. Pero uulitin ko, hindi mo kasalanan at wala akong anumang hinanakit sa'yo! Hindi ko lang mapigilan ang sarili na mainis sa mga nangyari."
She smiled a bit. "Tanong ko lang...ba't mo nga ulit binaba 'yong phone?" pagtutuloy ko sa naudlot naming topic kanina.
"Because I heard laughter and clinking of glasses, mukhang nagkakasayahan kayo, and I don't wanna intrude." diritso niyang sagot.
"So, hindi dahil don' sa babae?"
"Nope! hindi naman ako gano'n kababaw," she chucled.
I breathed a sigh of relief. "O-okay... and when was the second attempt? it did happened of course, kasi finally ay nalaman mo na I was out of the country for good."
"Months after that, two and a few days I think?"
"I see... ano'ng nangyari no'n?"
At sa muli ay isang nakabibinging katahimikan ang namayani.