Past Issues

4821 Words
"Oo naman! Sorry for being makulit, na miss ko lang 'yong mga ganitong bonding moments natin before."and then she smiled. I became speechless for a while as I gasp for some air. Gustong-gusto ko nang lumundag sa sobrang tuwa. Hindi ko man masyadong pinapahalata, but euphoric feelings gets in the way of my system at this very moment. Did she seriously utter the words? that she misses those times? Eto na ba'yon? Is this the answer to my prayers? ang bilis naman... pero hindi ako nagrereklamo ha? di ko lang talaga ini expect na ganito kabilis. But I might as well grab this chance, for it might not happen again. A small smile plastered on my face later, hindi ko na kayang itago ang nararamdaman. "Sarap namang pakinggan ng mga salitang 'yon! Aaaa!" tumingala ako upang itago ang kilig. "So na miss mo ako? talaga?" bungad ko the moment my eyes revisited hers.. I wanted to hear those lines over and over again. "Yong moment sabi ko!" sagot niya habang nakataas ang isang kilay, then she chuckled. "Yon din yon! kasama ako sa moment na 'yon! so, na miss mo nga ako?" pang-aasar ko pa. "Bahala ka nga! take whatever resonates." pagkatapos ay tumawa na siya ng malakas. "Aminin mo na kasi, wag ka ng mahiya, tayo lang namang dalawa ang nandito!" at pinaninindigan ko na nga ang pang-aasar sa kanya habang nakahalukipkip ang aking mga kamay, kasabay ng isang mahinang tawa. "Naku! tigil tigilan mo ako Renz ha! pag ako nainis babato ko talaga 'to sa'yo!" hawak hawak niya ang tsinelas habang nagsasalita. She's so mean, pero kaya niya ba talagang gawin 'yon sa akin? "Ow! Violence... okay, ceasefire! sorry Maam, di na po mauulit." dumistansiya na ako pagkasabi no'n. "Ba't ka lumalayo?" nagtatanong naman siya ngayon, labo talaga ng babaeng 'to. "Baka kasi totohanin mo at matamaan 'yong face ko, malaki-laki pa naman ang nagastos ko dito! sayang naman pag nagkataon," sabay haplos ko sa aking pisngi. "Gago!" naibulalas niya. "Hahaha...Kung ikaw ay masaya tumawa ka! Hahaha..." napakanta ako out of nowhere. "So, masaya ka na niyan?" tanong niya. "Siyempre! Bakit ikaw ba hindi?" "Slight lang!" at sabay kaming nagtawanan. "Ang daya naman, puwedeng umupo diyan?" inginuso ko ang bakanteng space sa kanyang tabi. "Saan?" patay malisay niyang tanong. "Diyan sa tabi mo." "Bakit?" "Gusto lang kitang pagmasdan ng malapitan." I blurted it out. "Di ba kanina mo pa 'yon ginagawa?" Napalunok ako at muli na namang natawa kalaunan. Oo nga naman! kanina ko pa 'yon ginagawa, I just didn't realized na nahalata niya pala. Bahala na nga, sumalampak ako sa may buhanginan kagaya ng ginawa niya. Ipinuwesto ko ang sarili sa kanyang tabi hanggang sa nagkadikit na ang aming mga braso. Animo'y libo libong boltahe ang lumukob sa buo kong katawan kalaunan. Hindi ko maipaliwanag ang damdaming nakapaloob sa puso ko sa bawat pagsagi ko sa kanyang balat, ang tanging alam ko lang is masaya ako, at mukhang masaya din naman siya. Never did it crossed my mind na muling mauulit ang ganitong pagkakataon... that I'll be literally rubbing elbows with her once again. Ang tanging hiling ko lang naman ay maging okay kami at mawala na ang ilangan sa isa't isa, but what we're having right now is far beyond the things I could ever imagined. Kung kelan tinanggap ko na sa sarili na imposible na talagang mangyari ang lahat ng ito, saka pa kami nabigyan ng ganitong chance.. An awesome night at the beach, underneath the shadow of the moonlight. And who cares if we aren't lovers? ang importante ay magkasama kaming dalawa ngayon. kaya susulitin ko ang bawat minuto at sisiguraduhin kong this will gonna be one the best moments of our lives, on top of our shared moments before. Isang magandang alaala na masaya naming babalik-balikan kapag lumipas na ang panahon. Sana lang ay gano'n din ang epekto nito sa kanya. Panandalian akong natahimik, as I engaged myself into some private moment silently. Ninanamnam ko ang bawat sandali while slowly grasping for words in order to break the silence that envelopes us for a while. Naging tahimik na din kasi siya at hindi ko na maarok ang tumatakbo sa isipan nito, ngunit sa isang banda ay parang nag mo-moment din siya kagaya ko, and so I started talking to then. I lifted my head and caught a glimpsed of the sky. "Ang ganda ng buwan no? sobrang liwanag lang, tingnan mo siya..." paanyaya ko. Tumingala naman siya at pinagmasdan ito, habang nagpatuloy pa ako sa mga sinasabi. "Andiyan lang siya sa itaas at kung tutuusin ay ang layo layo na niya sa atin, pero naaabot parin tayo ng sinag nito. Nagsisilbi siyang ilaw sa madilim nating gabi. Perhaps a gentle reminder for us to realize that there's no such thing as complete darkness, because there will always be light, in any forms. Kailangan lang natin siyang mahanap... sa paligid, sa mga bagay, sa ibang tao, higit sa lahat sa ating mga sarili, sa kaibuturan ng ating mga puso." I partially glanced at her na ngayon ay nakangiti narin. "At bakit kaya gano'n?" Muli akong nag-angat ng paningin papunta sa direksiyon ng bagay na tinutukoy ko. "Kapag pinagmamasdan mo siya ay parang nakakaramdam ka ng kakaibang galak at sigla sa puso, " ngumiti ako habang nakatutok parin sa bagay na iyon. "Ngunit kabiguan din ang hatid niya sa tuwing nanaisin mong siya'y masilayan sa hindi pa itinakdang panahon," bahagya akong nalungkot pagkasabi no'n. "It does symbolizes hope, but failures as well, nevertheless it teaches us the art of satisfaction. Natututunan mong makontento, hindi mo inaalintana ang katotohunang hanggang tanaw lang naman ang puwede mong gawin sa kanya. Natututonan mo ring tanggapin na hindi naman siya parating nandiyan, dahil may mga gabi na kinakailangan niyang magkubli sa isang bahagi. Gano'n paman ay paulit ulit mo pa ring inaabangan ang kanyang muling paglitaw, upang masilayan ang kakaiba niyang ganda, and then sasaya ka na namang muli, even just for a time... at okay ka na do'n, sapat na para sa'yo ang mga gano'ng bagay." Sandali akong tumigil, bumuntong hininga at saka napatuloy while she just opted to listen. "Parang sa buhay lang natin... may mga tao, bagay at pangyayari na nagdudulot sa'tin ng sobrang kaligayahan na kailangan din nating bitawan eventually, not because we want to, but because hinihingi ng pagkakataon at wala tayong magagawa kundi ang tuluyan silang pakawalan. And then there comes a time na bigla nalang ulit tayong napapasaya ng mga alaala nila, at pag sinuwerte pa, we might be given the chance to have another close encounter with them. But still won't change a thing! dahil nagsusumigaw parin ang katutuhanan na hanggang do'n nalang ang papel nila sa buhay natin. Abot tanaw pero hindi abot kamay! And so natututo tayong makontento at maging masaya sa sariling pamamaraan, sa kung hanggang saan lang ang puwede, at kung ano lang ang nararapat." Muli kong ibinalik ang paningin sa kanya. Mariin niya akong tinitigan at ngumisi pagkatapos. "Ang lalim non ah! ganyan ba ang epekto ng bilog na buwan sa'yo?" waring siya naman nang-aasar ngayon. "Siguro," nagkibit ako ng balikat. "Kasi totoo naman talaga 'yon, may mga kanya kanya tayong gano'n sa buhay, and I'm sure na meron ka din! right?" tanong ko. She nodded in response. "By the way, going back to our topic, sa'n na nga ulit tayo?" pag-iiba ko sa usapan. "Do'n sa inaway kita!" "Hindi, tapos na tayo sa part na'yon, nagkabati na nga tayo! remember?" "Ah, Oo! do'n na pala tayo sa... concerned ka sa nararamdan ko, kaya muli kang nang... ghost." she almost whispered the last word. My brows furrowed. What? nang... GHOST ako? Inangat ko ang sarili upang tumayo at sandaling nagpalakad lakad sa maikling bahaging 'yon ng dalampasigan. I just can't believe I heard her saying those words. Seryoso ba siya? kalauan ay muli akong pumuwesto at umupo sa kanyang harapan. "Joke!" she raised fingers again for a peace sign, sabay pina-ikot ang eyeballs. "Kanina ka pa ha! ikaw, magtapat ka nga sa'kin, masama ba loob mo dahil bigla na lamang akong umalis no'n?" di ko mapigilang itanong. But she just gave me a stern look at pagkatapos ay nagbaba ng paningin, ngunit walang anumang salita ang lumabas sa kanyang bibig. "Ayan ka naman eh, ginagawa mo na naman akong manghuhula, pwede bang magsalita ka naman? for once..." malumanay pero may diin na bigkas. She lifted her head at bahagya akong sinulyapan. "A-ano bang gusto mong marinig?" she stuttered a bit and look away. "Kung anong nararamdaman mo at kung anong nilalaman niyan!" I point a finger across her chest on a distant, habang pilit na hinuhuli ang kanyang mga paningin. "Bakit pa?" tila nagmamatigas na naman siya. "Anong bakit pa? para magkaintindihan tayo! hindi 'yong ganito, para na naman akong nangangapa sa dilim." "Hindi na mahalaga 'yon! tapos na 'yon, nakapag move na tayo, kaya there's no need na balik balikan pa ang nakaraan! by the way just forget about the question, hindi na ako interesado sa sagot mo," tumayo siya at akma na sanang aalis, but I immediately grabbed her arms to stop her from doing so. "Please Vee.... let's end this game," pakiusap ko, habang hinahabol ang bawat hakbang niya. "Hindi na tayo mga bata, at kung inaakala mo na nakapag move on na tayo...puwes, nagkakamali ka! Well, maybe for a time, kasi 'yon din ang inakala ko no'n, but the truth is we haven't really moved on, not at all! ang dami dami nating unresolved issues that still needs to be settled, kaya magsalita ka naman, hindi yong palagi ka na lang umiiwas. Makikinig naman ako eh, that'll be a promise." She stood there for a bit seconds, still in silence. Until seconds becomes a minute... at hindi ko na yata kakayanin kapag nagtagal pa ito hanggang sa ang minuto ay umabot pa ng oras. Pero wala akong magawa, she seems so fragile now, natatakot ako na sa kagustuhan kong magkaroon ng closure ay mas lalo pang lumaki ang gap sa pagitan naming dalawa. So I settle myself by just watching her. Mariin siyang pumikit at dahan-dahang yumuko, until she breaks down and cry. Isinubsob niya ang mukha sa kanyang mga palad habang iiling-iling. I got panicked after seeing her in that state, parang hinihiwa 'yong dibdib ko sa nakikita. "Ssshh.... bakit?" pag-aalo ko sa kanya habang nakaupo ng paluhod. "Ang sabi ko mag-uusap lang tayo, ba't ka umiiyak? ayoko ng nakikita kang ganyan." I try to hold her but she just push me away that made me slightly lose my balance. Naitukod ko ang isang kamay sa buhanginan. Nagmamadali naman siyang tumayo, wanting to get rid of me, perhaps? Ipinagpag niya ang damit upang matanggal ang mga butil ng buhangin na dumikit dito at gano'n din ang ginawa ko. "Bakit, bawal ba? eh sa gusto kong umiyak! besides, ano naman ngayon sayo? wala ka namang pakialam sa nararamdaman ko di ba?" tumataas na ang boses niya ngayon at matalim akong tinitigan. I step back. "Ganyan ba talaga tingin mo sa'kin? na wala akong pakialam sa nararamdaman mo?" mas lalo lamang bumigat ang pakiramdam ko sa narinig mula sa kanya. "Wala ka naman talagang pakialam di ba? Kasi kung meron, you could have just say a word or even texted me bago ka umalis no'n!" she say it bluntly. Napaawang ang aking bibig as my brows furrowed once again. Ano 'to? ba't mukhang kasalanan ko na naman? di ba siya naman ang nagdesisyon na mas nakabubuting maging friends nalang kami? ba't parang nanunumbat siya ngayon? Ang labo talaga ng babaeng 'to! and so I needed to defend myself, kasi wala ng ibang gagawa no'n for me. "Sinasabi na nga ba!" tumalikod ako habang sapo ang noo at nakapamewang. "So, masama nga loob mo nga ang sa nangyari?" muli akong humarap at iiling-iling habang sinasabi 'yon. "So, inaasahan mo talaga na magpapaalam ako no'n? But why? could you please give me one good damn reason kung bakit ko kinakailangang gawin ang mga bagay na 'yon? I mean... why does it sounded like I am obliged to do so, gayo'ng wala namang namamagitan sa'tin di ba? we were just friends and there's nothing more than that! dialogue mo 'yon, remember? Dialogue mo 'yon no'ng mga panahong kapwa pa natin alam ang ibig sabihin nang salitang 'yon." Pagpapaalala ko sa kanya. "Yeah, right! we were just friends for a certain period. Noong pinaparamdam mo pa sa'kin that I am special, that I can always count on you. Kaya sa kabila ng lahat ay patuloy akong umasa... na hindi mo ako susukuan, na hihintayin mo ang tamang panahon. Kasi gano'n naman talaga ang dapat, kapag mahal mo maghihintay ka, kapag mahal mo you'll do whatever it takes just to prove your love to that person, di ba?" "So, you're saying na ako ang sumuko?" as I point a finger to myself. "Ang unfair mo naman..." nalaglag ang balikat ko habang nagsasalita, tila nawalan na ako ng lakas. Tumalikod ako at muling pinagsalikop ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng aking ulo. Unti-unti ko na namang naramdaman 'yong sakit. Yong sakit na dulot ng sugat ng kahapon na minsan kung inakalang naghilom na. Muli akong lumingon maka ilang sandali. "Wag mo naman sanang ipasa lahat ng guilt sa kin," isang pakiusap ang namutawi sa aking labi. "Alam mo naman kung anong pinagdaanan ko di ba? sinalo ko lahat..." napasinghot ako. "Tiniis ko lahat ng pangmamaliit at pang-iinsulto nila sa pagkatao ko, I even swallow my pride just to prove my sincerity. And as far as I'm concerned, ginawa ko 'yong best ko para lang maging worthy, para lang mag fit-in sa sinasabi nilang lalake na karapatdapat sa'yo! Isa pa, ano namang alam ko sa nararamdaman mo? gayong never mo naman akong pinapasok diyan sa puso mo, sa halip ay pauli-ulit ninyong ipinapamukha sakin that I will never be good enough for you!" "Of course not! hindi totoo 'yon! I was there no'ng mga panahong tinatapunan ka nila ng hates. Hindi man ako naging visible sa social media, pero alam mo na I'm one of those people who always believed in you, who lifted you up at your lowest moments. Kaya paano mo nasasabi ang mga bagay na 'yan? Hindi ako gano'n Renz, kahit kelan hindi ko nagawang magmaliit ng isang tao, at lalong hindi ako naging mapagmataas. If there were instances na masyado akong naging matigas sa pakiramdam mo, it's because I needed to protect myself." "Protect yourself from what? and from whom? from me? eh, di inamin mo na rin!" "Hindi mo ako naiintindihan Renz, hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng ilang beses ng pinaasa, at sinaktan, hindi mo alam ang sakit at takot na dulot ng paulit ulit na mabigo." "Bakit? dahil ako 'yong madalas na nananakit? Gano'n ba 'yon Vana Marie?" "Hindi ba Renz?" "Tss! Siguro, at one point... Oo! kasi alam ko naman na ang dami kung nasaktan before, I never denied the fact na naging gago ako dati, pero hindi ibig sabihin na nagbunyi ako dahil do'n. Kasi sa totoo lang... ako naman 'yong naging talo sa huli. I carry that reputation along with me for quite a while, I suffer the consequences while others have moved on. Kaya kung sakit din lang? mas doble 'yong naramdaman ko Marie. Lahat ng klase ng sakit naranasan ko na, kaya I definitely know how it feels to be deeply hurt...at minsan ko na rin 'yong naramdaman sa'yo. Minsan na akong umasa na magkakaroon ng tayo kahit alam kung medyo malabo. Ilang ulit din akong sumugal at nagbakasakali na pumabor sa'kin ang direksiyon ng hangin one day, na hindi naman nangyari kaya I am so familiar with that damn feelings. Pinagdaanan ko rin 'yong sakit na sinasabi mo, ang tanging pagkakaiba lang natin is hinayaan mong lamunin ka ng sakit na'yon... while I do the opposite thing, mas pinili kung tanggapin at mag move-on na lamang... hanggang sa kinaya ko na ulit." "Kaya kaba lumayo noon? para kalimutan ako?" isa pang tanong ang ibinato niya sa akin. "Maybe... not totally, but a part though..." "A part though? Anong klaseng sagot 'yon?" "An honest answer Vee! cause that decision is solely mine. It's my choice at walang kinalaman ang ibang tao sa naging desisyon ko na 'yon, regardless off... because it's not my thing to blame someone for my misery, maybe I just really feel the need to do it at that time." "You just feel the need to do it? Ganyan kaba talaga kabilis sumuko? Lahat ba sa'yo may time frame? Was there ever a point in your life na lumagpas ka sa self imposed boundaries or so-called deadline mo?" "What are you trying to imply? na binitiwan kita ng gano'n gano'n nalang? na basta-basta nalang akong sumuko without putting up a fight?" "Hindi ba?" "You're..." Inaangat ko ang isang kamay sa ere. "You're unbelievable!" muli akong umiling, pakiwari ko'y wala ng patutungahan ang usapan naming ito. "That's because you're being unreasonable too..." "Ako pa talaga ang unreasonable ngayon?" "Sino ba ang umalis ng hindi nagpapaalam?" "At bakit ako magpapaalam sa'yo? para saan? para muli mong ipamukha sa akin kung ano lang ako sa buhay mo? at paano ko gagawin yon? gayong hindi mo naman ako binigyan ng karapatan." Halos maubusan na ako ng boses pagkasabi no'n. She puts on a serious face bago sumagot. "Kung 'yon ang tingin mo sa mga pangyayari, wala na akong magagawa do'n, siguro nga taman ka! ako naman 'yong unang umayaw sa atin, but I have valid reasons for doing it, reasons na hindi lahat nakakaintindi. Pero hindi ako lumayo ah! alam mo 'yon, I stayed even as a friend in spite of... but deep within I was silently hoping na sana hindi karin bumitaw, umaasa na sana nandiyan ka parin, kapag pwede na... kapag kaya ko na ulit. Nakakalungkot lang isipin na wala ka na sa panahong 'yon. Na hindi man lang tayo nabigyan ng chance na magkausap no'n bago ka bumalik ng China. Na hindi mo man lang inisip na magpaalam." "Bakit, may magbabago ba kung sakaling ginawa ko 'yon? pipigilan mo ba ako?" "Ewan ko, siguro..." she shrugged her shoulders. "See? ni hindi mo nga masagot ng diretso..." I let out a sarcastic laugh. "Wala naman kasing tamang kasagutan para do'n, but at least nakapagpaalam tayo ng maayos sa isa't isa. Kahit do'n man lang sa huli nating pagkikita bago ka umalis, maybe then... things might have been different." Siguro nga tama siya, it could have been different, naisip ko... pero maari ding mas worst pa ang nangyari, baka nga mas lalo pang nagkagulo ang lahat. Maybe those things were really bound to happen for the perfect reason, I let out a deep sigh bago muling nagsalita. "When was that again? the last time we saw each other..." "So, hindi mo na naaalala? Talagang binura mo na ako sa sistema mo ano?" bahagya pa siyang tumawa. Sandali akong tumahimik before I plastered a smile. "Sinusubukan ko lang kung natatandaan mo pa..." "How could I forget that night? that one corporate event sa QC, ang huling gabi na nakita kita bago ka tuluyang nawala sa paningin ko," pagpapatuloy niya. "I was very down and I just needed someone to comfort me at that time but the show must go on and so I needed to keep up with the rest of the artists. Alam mo bang gustong gusto kitang lapitan at kausapin no'n?" tinitigan niya ako bago nagpatuloy. "Pero...kinain ako ng pride ko, kasi dinedma mo lang naman ako, remember? ni hindi mo nga ako nagawang tingnan, as if I never existed in your eyes. Pero sabi ko baka may pinagdadaanan ka rin kagaya ko, kaya okay lang, marami pa naman sigurong next time." "V-VEE..." ang tanging nasambit ko, never did I thought na pareho kaming may pinagdadaanan no'ng gabing 'yon." Launching 'yon ng isang wellness product na parehas naming ini-endorse along with some other celebrities and online personalities. Sa akin 'yong pambungad na performance, kaya maaga akong nakapagpahinga. Samantalang almost end part na 'yong sa kanya, she's a big star siyempre, kaya save the best for last daw. She look so damn gorgeous in her sexy little black dress that was paired with stilettos of the same color. Kasalukuyan siyang kumakanta while I joined the others sa isang long table na naka reserved for us. Napapagitnaan ako ng mga big bosses ng kompanya na siyang nagmamay-ari ng product na ini-endorse namin. We were constantly chatting habang ninanakawan ko ng tingin ang babaeng nasa stage ng hindi niya nahahalata. Hindi kagandahan 'yong boses niya kagaya no'ng sa mga well renowned singers, but she can definitely pull off a number just to entertain the whole crowd. Masaya naman 'yong theme ng kanta, pero hindi ko naiintindahan kung bakit ako nalulungkot habang nakamasid sa kanya. Especially when I was able to witness how the crowd applauded her. A bouquet of flowers was being handed over to her after that performance. Mas lalo ko lang napagtanto ang laki ng agwat namin in terms of our social status. Kahit pa sabihin na may narating narin naman ako kahit papa'no, that I am a self made man... I am still nothing compared to her. Siguro nga tama 'yong mga haters ko, that I only gained my popularity because of our tandem. Hinila niya lang naman ako paitaas, at pwedeng-pwede niya ring akong hilahin pababa the moment she will decide to say something against me. Nakakalungkot lang kasi hind man lang nila binigyan ng credits ang lahat ng hirap at pagod ko sa nakaraan. I've been working my ass since forever, just to be able to get here, pero hindi nila nakikita 'yon. Kasi para sa karamihan, walang Renz Lucio kung walang Vana Marie. Pumikit ako at hinilot ang aking sentido as I imagined how cruel this world is... ibang-iba sa ini-imagine kung mundo noon, ang mundong matagal kung pinangarap na pasukin balang araw. Isang mundong nababalot ng hiwaga, ng kamangha-manghang bagay, ng nag-uumapaw na karangyaan at walang kupas na katanyagan. I often wondered what it feels to be a part of their world. Ngunit kakaibang mundo ang nasaksihan ko the moment I indulged myself in. Isang mundo na puno ng gamitan at pagbabalat-kayo ang bumungad sa akin. Isang kakaibang laro ang aking nasalihan... na kung saan ay walang natatalo, pero wala ring nananalo, ngunit may nananatili... palakasan ng loob at patibayan ng dibdib ang siyang sukatan ng tunay na laban dito at walang puwang ang pansariling kagustuhan. Pero kaya ko pa bang sumabay sa tugtuging matagal ng nakasanayan? kaya ko pa bang magpanggap? Kaya ko pa bang maging masaya upang muling makapagpasaya ng iba? I don't think so... Muli kung iminulat ang paningin at itinuon ito sa kanyang direksiyon. Pinagkakaguluhan na naman siya ng mga press at nasa entablado narin 'yong mga big bosses ng kompanya. Light flashes through each corners while they sort to different poses. How ironic that we were on the same room, yet we didn't even exchange single glances, not even at once. Nagnanakaw lang ako ng tingin sa sandaling malingat siya at hindi ko na alam kung ginagawa niya rin 'yon pabalik. Hindi narin kami masyadong kinukulit ng press unlike before, marahil ay na brief na sila to avoid certain topics pertaining our real deal... o pupwede rin namang nagsawa na sila sa kakatanong at nawalan na ng interest sa binuo nilang tandem na sila-sila rin yata ang bumuwag. Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa paligid and I saw nothing but big smiles, hindi ko nga lang ma point out kung alin ang totoo at alin ang hindi. Tama ba itong napasukan ko? hindi kaya ako'y naliligaw lamang? I can't help but begin to ask those questions now. I can't believe that I am one of them, that I allowed myself to be surrounded by this kind of people. Mga taong ang tatamis ng ngiti sa harapan, ngunit tinitira ako ng matindi kapag nakatalikod na, kumaway at nag-hi pa 'yong iilan sa akin kanina. How in the world did they able to do that? Habang pinagmamasdan ko ang kumpol nila ay mas lalo ko lamang napagtanto na hindi ito ang mundo para sa akin. At habang pinagmamasdan ko siya ay mas lalo ko lamang napatunayan na hindi ako ang tamang tao para sa kanya, at hindi siya ang tamang tao para sa akin. "Are they still an item?" my gaze turns to the table next to us, tatlong tao ang naka upo roon. Isang matabang lalake, isang matipunong baklang kalbo at isang babaeng bakla. I'm sorry for the term, pero wala talaga akong mahanap na best words to describe them. "I don't think so... kasi kanina pa sila hindi nag-uusap, ni hindi man lang nagbatian," sagot no'ng babaeng bakla na naka tube midi dress at may malaking hikaw sa tenga. "Well, buti nalang! kasi sa totoo lang... hindi talaga sila bagay, she's too good for him. For all we know ginagamit lang siya no'ng guy for publicity." saad pa no'ng isa habang umiirap. "Oo nga, I agree! besides nakuha na niya ang gusto niya, he's now a household name, kaya there's no need to pretend that he's still into her..." yong mataba naman ang muling nagsalita. Nagtangis ang aking bagang, kinuyom ko ang aking kamao at saglit na yumuko habang nakapikit. And here I am thinking na baka nagsawa na sila, pero heto at may naririnig na naman ulit ako. I regain back my composure in just a little while, saglit kong naisip kung ako ba talaga yong pinag-uusapan nila? they didn't even mentioned names, baka naman napa-praning lang ako, gawa ng mga frustrations ko sa buhay. I try to ignore it at first, ngunit para iyong punyal na isinaksak sa puso ko as sudden realization hits me in. Hindi ko na kayang magpatuloy pa, for I could no longer find the reasons to do so... much more, hindi ko na kakayanin pang muling ma incorporate sa kanyang pangalan. Sawang na sawa na ako sa walang katapusang issue. I am sick and tired of proving myself to her, as well as to the people around us. Kaya magbabago na ang lahat simula sa araw na'to. I'll give up everything in order to regain back my inner peace, even if it means totally leaving this industry. "Renz, they're asking if it's okay to take a pose on the stage with you," somebody from the management tapped my shoulder, hindi ko man lang namalayan na ilang sandali na pala akong nakatulala. "Yeah, sure!" kaagad akong sumagot at dali-daling tumayo. Despite all my grudges, alam ko parin naman na may totoong nagmamahal sa akin sa loob ng industriyang ito and I will always be grateful to each one of them. Isa sila sa mga dahilan kung bakit ko nagawang magpatuloy. Dahan dahan akong naglakad patungong stage habang muli ko siyang ninanakawan ng tingin as my lips twisted. I need to step back now, pero heto't palapit ako ng palapit sa kinaroroonan niya, pero huwag naman sanang mangyari na pagtabihin kami mamaya. Sana hindi ngayong may nabuo ng desisyon sa utak ko. We were on that same frame after a little while, kagaya na lang ng inaasahan kong mangyari, pero nasa magkabiling gilid kami at pumagitna sa amin ang iba pang artist. Marahil ay nahalata ng mga organizer ang tensiyon na namamagitan sa aming dalawa, and so hindi na kami pinagtabi pa. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos. Our world is getting smaller and smaller now a days, hindi naman lingid sa amin na kapwa iniiwasan ng kanya kanyang management na muli kaming magka issue, kaya mas nakabubuting mag kanya kanya na muna kami for now. But for some reasons ay palagi na lamang nagkukrus ang aming mga landas, ang mas lalo pang nakakainis ay nangyayari ito sa panahong okay na, natanggap ko na, ta's magugulo na namang muli ang aking puso't isipan. Hindi na maganda 'to, kung ang tuluyang paglayo ang siyang tanging daan upang tuluyan ka ng makalimutan ay gagawin ko. I want to be completely healed, to be free from all of the pain, at magiging imposible 'yon kung patuloy parin kitang nakikita, kung patuloy akong magiging bahagi ng mundong ginagalawan mo. Kailangan kung muling buuin ang sarili ng ako lang... ng malayo sa anino mo. Baka sakali maramdaman ko ang tunay na panalo, at balang araw masasabi ko sa lahat na that I was true to my words then, and it was not just for the fame alone, nagkataon lang na sa'yo tumibok ang puso ko. Though I aim for popularity and fame before, pero kayang kaya ko itong bitawan anytime if it come's between us. Mas pipiliin kita if I had to... but it was just for me of course! kasi alam ko namang walang kahihitnan ang lahat ng ito. Tanggap ko naman na imposibleng mangyari ang gusto ko, sinubukan ko lang naman, kasi baka sakali.... but I should put an end to this one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD