Restart

4991 Words
I lifted my feet for a another walk, dahan dahan akong naglakad palapit ng palapit sa imaheng nakakuha ng atensiyon ko kani-kanina lang. ♫Magandang dilag, puso ko'y 'yong nabihag Wala ng ninanais, ligaya kang labis oh... ♫♫♫ Habang lumilinaw sa pandinig ko ang musika ay mas lalo ko ring naaaninag ang itsura ng taong sumasayaw. That height, that built and that swag moves... it's none other than him. Umaabot sa kinatatayuan niya ang sinag ng ilaw na nanggagaling sa isa sa mga fire fit na nakapuwesto sa isang banda ng dalampasigan. Isama pa ang ningning na nanggagaling sa kalawakan, and though it doesn't directly hits his bare face, naging sapat na ang liwanag no'n upang mapansin ko siya. I stared at him on a distant, pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Bagay na bagay sa kanya ang soot na white unbuttoned polo at khaki short, he's also wearing an undershirt of the same shade at beach sandal na hindi ko masyadong naaaninag ang kulay. Inilapat niya ang kanang kamay sa may bandang kaliwang dibdib, habang ang isa pa ay nasa kanang bahagi ng kanyang tiyan, sabay paulit-ulit na bahagyang niyuyogyog ang balikat. Lumiliyad at nagpagiwang-giwang din siya gamit ang dibdib at balakang matapos no'n. Kasabay ng bawat pag-ikot at pagtaas ng dalawa niyang kamay ay ang paglilipad-lipad din ng suot niyang polo. I just can't help but smile at the view, he truly has an undeniable talent. Kabisadong kabisado parin niya ang lahat ng steps, well... gano'n naman yata talaga, may mga bagay na mahirap ng tanggalin sa ating sistema, lalo na kapag nakasanayan mo na ito. Ganitong ganito 'yong mga galawan niya dati... wala paring kupas, wala paring pagbabago. He still has that signature swag moves which almost made everyone got crazy over him. Kasi ewan ko ba! Oo gwapo siya, alam ko 'yon! pero sa totoo lang... marami pa namang mas magagandang lalake kesa sa kanya, especially inside this industry. Marami ding talented artist, and there are those na sinalo na yata ang lahat ng talent na pwedeng ipagmalaki sa mundo. But nothing really compares to him and to what he does. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maipaliwanag kung ano ba'ng meron sa kanya. Maybe the safest way to say is...may mga tao lang talaga na nagtataglay ng kakaibang karisma, 'yong tipong konting kibot lang...konting salita, konting galawan, wala na...nahuhulog kana ng di mo namamalayan, just exactly what happened when the two of us met. Napasinghot ako, hinilot ko ang aking sintido habang nakapikit as some memories flashes through my head. Bitter sweet memories na inakala kung nakalimutan ko na, mga alaalang muling nagbalik sa isipan ko the very moment we interacted again. It started out just another day...♫♫♫ I took a shower and I went on my way♫♫♫ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Wait a minute, what was that song again? "Aaaaa!" Nag face palm ako to seclude myself, upang takpan ang aking bibig. Gusto kong sumigaw ng malaya, but I don't want to catch his attention, ayokong malaman niya na pinapanood ko siya ngayon. Nanatili akong nakakubli sa isang puno ng niyog, wala naman kasi akong ibang mapagtaguan dito. The music keeps on playing as he gracefully executed each steps, mas mahaba pa ito compared sa DC's na ginagawa niya dati, kasi buong kanta na 'yong pinapatugtog. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ And I was dying inside to hold you I couldn't believe what I felt for you Dying inside I was dying inside But I couldn't bring myself to touch you♫♫♫ "Sheeet! Oo na, tama kana! I am dying inside now..." ginusot ko ang aking buhok at kasabay ng bawat pag-indak niya ay ang unti unti ding pagbuhos ng damdaming nakapaloob sa puso ko. I needed to let it out, kung hindi ay mananatili akong nakakulong sa isang bahagi ng nakaraan na inakala kung matagal ko ng nakalimutan. I hold my breathe for a while and let out a deep sigh after. One hello change my life...♫♫♫ "Oo, that certain hello definitely changed my life... kasi simula nang makilala kita ay nagbago na ang lahat," nagpakawala ako ng isang mapait na ngiti kasabay no'n. "Natuto akong muling magtiwala, higit sa lahat ang muling magmahal. Pero gago ka! anong ginawa mo? iniwan mo ako sa ere. Iniwan mo ako sa panahong kailangan kita, iniwan mo ako ng wala man lang paalam. At ano nga ulit 'yong sinabi mo sa interview mo noon? You did what more than any other traditional courtship does? Na nag declare ka ng pagmamahal without expecting anything in return? The hell with your kind! Hindi ko kailangan ang pagmamahal mo! How dare you say those things gayo'ng hindi mo naman pala 'yon kayang panindigan. Konting pagsubok lang...sumuko ka na, at ang bilis mo pang makahanap ng kapalit. Oo, inaamin ko na umayaw ako sa simula, pero hinding hindi ako bumitaw. Nagawa ko lang naman 'yon kasi natatakot akong muling masaktan, pero tan 'na do'n din ang naging bagsak ko sa huli. I'm sorry I hate to curse, magagalit na naman PRM ko nito, but just this one, di ko lang kayang pigilan sa ngayon." Pinahid ko ang mga butil ng luha na naglandas sa aking pisngi using my bare hands at inayos ang sarili. "Those things were all in the past now, nagtagumpay ako kasi nakayanan kong labanan ang sakit. Nagawa kong isantabi ang lahat, Nagulo lang naman ulit no'ng muli kang magpakita. But then again, nakayanan ko noon, kaya makakaya ko ulit ngayon." Para akong tanga na kinakausap ang isang tao na hindi naman ako naririnig, but it's the least I can do to ease the pain. I have to go over with it, kasi hindi nakatulong ang ginagawa kong pagka cover-up. Kailangan kung muling maramdaman 'yong sakit to be able to go through the right process of healing. Do'n lang ako tunay na magiging malaya. Muli ko siyang tinitigan, nagpatuloy pa siya sa pagsasayaw and he is so passionate about it. By the way I look at it, ay masasabi kung ramdam na ramdam niya ang bawat salita at ritmo na inilalahad ng musika. Napansin ko rin na nakapikit siya no'ng masinagan ng dumaang search light kanina, na marahil ay nanggagaling sa monitoring team ng resort. I just wonder kung ano ang nasa isip niya ng mga oras na'to? Naaalala rin kaya niya ang mga pangyayari na may kaugnayan sa kantang pinapatugtog ngayon? Well, at least naaalala niya parin. Wala narin naman kaming magagawa kundi alalahanin nalang ang lahat as it should better stay that way...hanggang sa alaala nalang. Things were totally different now, may kanya kanya na kaming buhay, however we could still start all over again, even only as friends. Napasinghap ako, trying to regain back my composure. "Enough with the drama's, nailabas mo na so leave it all behind. Harapin mo ang ngayon, at ang bukas na darating pa, nagawa mo na dati diba? kaya magagawa mo ulit, but this time do it sincerely, without the grudges, without the bitterness." Pinagsabihan ko ang aking sarili. Ilang sandali pa ay natapos din ang tugtog, napansin kong saglit siyang humihingal, napagod siguro sa kakasayaw, naging fast na kasi 'yong beat kalaunan. Nagmamadali akong umalis when I had the chance to escape, sinamantala ko ang pagkakataong nakatalikod siya. Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago tuluyang huminto at muling tumingin sa kawalan. Sa muli ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang nakaharap sa dagat. Tumingala ako kasama ng isang hiling. Sana magawa ko na ang nararapat kung gawin. Sana makaya ko siyang harapin ng maayos. Sana tuluyan ko ng makalimutan ang hindi magandang pangyayari noon. Muli kung itinuon ang paningin sa karagatan, searching for some peace. Habang tumatagal ay palamig na ng palamig ang samyo ng hangin as the cool breeze gently penetrates on my skin. Lumalakas na ang ihip nito, at bawat pagdampi ay sinasalubong ko ng yakap sa sarili, though it doesn't bother me still... Nanatili akong nakatayo sa lugar na'yon, enjoying my piece of solitude which I highly needed the most. I closed my eyes again and slowly breathe. I can hear the crash of the surf, the gusty sound of the wind and the rustling of the palm trees around. I can feel the wind all over me, idinuduyan nito ang maaalon kung buhok, hanggang sa may mga iilang hibla nang tumatakip sa aking mukha. Pati ang aking damit ay umaangat narin, umaabot na ang laylayan nito lagpas ng aking bewang, til it shows off my undies, buti nalang at naka two piece ako, just in case I have to get into the water. Sinubukan kong ibaba ang aking damit at nagdesisyong sumalampak sa buhanginan no'ng medyo ayaw na nitong makisama. I crossed my legs and open my palms wide habang nakapatong iyon sa magkabila kong hita. I lifted my head and close my eyes as I start to meditate. I have to cleansed my soul first in order to attract positive energies. Kailangan kung matutunang patawarin ang sarili bago muling makapagpawatad ng iba. I embraced all my strength and my weaknesses as well, lahat ng bahagi na pagkatao ko ay buong puso kung tinatanggap. I've been hurt too many times that I questioned every single person's intention. I accused each one of them for not being so sincere, just because they could not keep up with me. I was too occupied on raising my own standards according to what pleases me the most; that I tend to forget na mga tao rin sila, thus they have every right to feel different emotions and live with it for a time. Nasasaktan din sila, nagagalit, napapagod, nalulungkot, nadidismaya at higit sa lahat natututong sumuko. I also forget that I am one of them; thus I am not perfect. Though I claimed to be always at the losing end when it comes to heart matters; na palagi nalang akong nasasaktan. I also can't deny the fact na nakasakit din naman ako minsan, nakapagpababa ng self esteem ng iba at naging dahilan ng isang kabiguan. It's a part of everyone's journey after all... ang makasakit at masaktan. It was destined to happened to each one of us, kasi do'n tayo natututo, do'n tayo tumatatag. Kung bakit ngayon ko lang ito napagtanto? ay di ko rin alam, siguro kasi ay masyado akong nababalot ng hinanakit at sama ng loob sa mga naging karelasyon ko dati. But looking back at it now, masasabi kung nakatulong naman pala sila sa pagbuo ko sa sarili. It is because of those experiences kaya ako nandirito sa kinalalagyan ko ngayon, so I should be thankful instead. I am blessed with so much in life now, kaya sino ako para magreklamo? Sino ako para ipagkait ang pagkakataon sa iba? pagkakataong magbago at magsimula ng maayos away from all of the negativities. Kailangan ko ng magpatawad, kailangan ko ng pakawalan ang lahat ng sakit, higit sa lahat matutunang harapin ang mga taong naging dahilan nito. Kailangan ko ng maging malaya, dahil do'n lang ako tunay na magiging masaya at dito sa lugar na ito... dito ako magsisimula... Sobrang gaan ng pakiramdam ko pagkatapos, but for some reasons ay bigla rin akong kinabahan, may kung ano akong naramdaman sa kaibuturan ng aking puso. I have this strange feeling that someone might be staring at me now, hindi ko alam kung bakit at kung paano? basta, nararamdaman ko lang siya. I suddenly felt uneasy, yet I was able to maintain my composure... meditation do really helps a lot especially at times like this. May kung ano rin akong naamoy sa may bandang kaliwa ko, a mixture of some woody and minty scents na pamilyar na pamilyar sa akin. It belongs to someone I know! cause I can and I will never be able to forget that smell. So, he's probably with me now? isang tanong na nabuo sa isipan ko. Dumadagundong ang aking dibdib sa idea na 'yon. Ba't siya nandito? at paano niya ako nasundan? Wait...nasundan? Am I using the right term? So, nakita niya ako kanina? Posible, because he wouldn't dare to get this close, not unless may nakita siyang positive sign. Takot lang niyang mapahiyang muli after kung magtaray earlier. "Gosh! nakita niya ako, nakakahiyaaaaa..." naibulong ko. Parang gusto kong mangisay sa sobrang hiya, but then again... I stayed calm in spite. Isa pa, why would I be? when he also did the same, ini-stalk niya din naman ako di ba? so, we're even now. Pagpapakalma ko sa sarili hanggang sa may nabuo ulit akong plano. I think this is the right time for us to talk, masyado ng mahaba 'yong lumipas na panahon, masyado ng maraming nasayang na mga sandali. Besides, we really needed to fix our issues, at 'yon ang dahilan kung bakit kami nandirito ngayon. Kaya I'll grab this chance para ma settle na ang lahat between us. I hold my breathe for a while, as I slowly count to ten, One... Two... and so on... 'til I reached the last number. Bigla akong nagmulat sabay lingon sa direksiyong kinaroroonan ng amoy na kanina ko pa nasisinghot. At hindi nga ko nagkamali, there sits the person whom I expected to see. Gulat na gulat siya sa ginawa ko, just the same reaction when we first met after a long time. Bigla tuloy akong na guilty nang muling maalala 'yon, kaya naisipan kung tumawa to lighten up the mood. Besides, natatawa naman talaga ako, I just can't help it. But I slightly panic no'ng nakita kung namumutla na siya at nakaawang ang bibig ngunit wala man lang anumang salitang binibigkas. Tumayo ako at bahagyang lumapit sa kanya, "Sorry!" as I raised fingers for a peace sign. Napalunok siya sa narinig at muling napaawang ang bibig pagkatapos, kumurap kurap din habang unti-unting yumuyuko. "Urghh!" I rolled my eyes at his reaction. Seriously? Wala man lang ba siyang sasabihin? Nakaka offend na siya ha? Ano ako multo? at gano'n nalang 'yong pagkagulat niya? Pero naisip ko rin that he has every right to react that way, wala naman akong magagawa kung gano'n talaga ang naging epekto ng ginawa ko sa kanya. Maya-maya lang ay nag-angat siya ng ulo at tumingin sa akin, "Ikaw ha! mukhang nasasanay ka na sa panggugulat sa 'kin..." winika niya sa boses na may himig ng pagtatampo. "Sorry na nga! ano ba?" May katarayan kong sinabi, lumapit ako sabay hampas ng balikat niya. Kung bakit ko ginawa 'yon? ay hindi ko na alam, basta naisip ko lang siyang gawin, hoping to get his attention. "Did you really mean it?" tumingala siya at sumulyap sa akin as I stood there for a seconds. "Oo naman! nagdududa ka ba?" kasabay no'n ay nagdesisyon na akong muling umupo sa tabi niya, but not that close enough. "Medyo..." nagkibit balikat siya. "Seryoso?" I narrowed my eyes as I turn to him, "bahala ka nga..." umismid pa ako, nakakainis na siya ha! Ngumiti siya sabay sabing... "Joke lang! eto naman oh, o-okay na 'yon, tinatanggap ko na sorry mo..." he stuttered a bit. "Sorry din ha?" pagpapatuloy niya. "Sorry saan?" I lifted one of my brows high, sabay iwas ng tingin. Ano na naman kayang drama nito? naitanong ko sa sarili. "Dahil sinundan kita dito, at binulabog ko ang katahimikan mo...at para narin siguro sa lahat ng nangyari noon at ngayon, di ko na siguro kailangang isa isahin pa, basta sorry, 'lam mo na 'yon!" aniya sa may halong lungkot na boses. I just nodded, ngunit di ko man lang siya nagawang tingnan. "I know this sounds weird, cause I should have said this on our first meeting after... past two years I think?" muli ko siyang sinulyapan. "But since medyo awkward yong pagkikita na'yon, just allow me to say these words now. Kumusta? and how have you been?" isang mahabang tanong na nagpa-isip sa akin ng matagal. Nagtaas ako ng dalawang kilay bago sumagot. "Three! well, I'm good! but could be better... you know?" I shrugged my shoulder, "bout you? It's been a while..." natatawa ako sa sarili. Will he recognized those lines? Maaalala niya kayang mismong dialogue niya ang mga binibigkas ko ngayon? Of course I still do remember his usual statement. Ngumiti siya na sinalubong ko din ng isang ngiti at panadalian kaming nagkatitigan. So naalala niya, and yet wala man lang siyang naging comment. Nagbawi rin siya ng tingin kalaunan. "Never been better...I guess? lalo na ngayong nagkausap... never mind. " He waive his hand to cut if off... " Well, I could say na okay naman ang lahat. Naka align naman siguro ang mga pangyayari ayon sa gusto o plano ng universe, perhaps... nasabi niya na tila may pagdududa pa sa dulo. Sandaling katahimikan ulit ang namayani sa amin, muli kaming nagpakiramdaman, hanggang sa sabay naming binuksan ang kanya kanyang bibig. "Puwede ba..." ang nabigkas niya, at "Salama..." naman ang sa akin, pero parehas 'yong naputol, sapagkat nagkasabay kami sa pagsasalita, and so nauwi iyon sa bahagya naming tawanan. After exchanging a few words ay unti-unti narin kaming naging kampante sa isa't isa. Sinubukan pa niya akong patawanin when he mentioned something about sa muntik na siyang maospital because of what happened sa Story Con. Sa totoo lang natatawa naman talaga ako, but I chose to hide my reaction, 'coz I felt a sudden guilt, kagagawan ko kasi ang lahat ng 'yon at inulit ko pa ito kanina. Buti nalang iniba niya ang topic kalauan kaya naging at ease ulit ako. "... the pleasure is mine V-vee..." panghuling mga salita na tila nahihirapan siyang bigkasin. I became anxious then. VEE? ang tagal ko ring hindi narinig 'yon, kasi siya lang 'yong tumatawag sa akin ng gano'n, at tanging siya lang din 'yong pinapayagan ko. Hearing that sound makes me feel nostalgic, as it brings back so many memories. Mga alaalang panandalian kung nakalimutan, mga alaalang unti-unting bumabalik ngayon. Pero kailangan kung magpakatatag, kailangan kung tanggapin na hanggang sa alaala nalang ang lahat ng 'yon. Mariin ko siyang tinitigan, kailangan kong masanay sa presence niya. I slightly open my mouth as I grasp for some words at nagawa ko naman. I was able to deliver the perfect dialogue when I found the right words to say. Naging maayos ulit ang pag-uusap namin until I raised that question out of nowhere. "Kaya nga, tinatanong kita ngayon, kasi I got confused din, and curious as well, sa kung ano ba talaga ang . . . . ." Gosh! What was I'm thinking? umaandar na naman 'yong pagiging curious ko. Baka sabihin niya na masyado na akong nakikialam. I put on a serious face, yumuko at pinaglaruan ang mga buhangin sa aking paanan. Ibinaon ko ang mga paa doon pagkatapos naghubad ng tsinelas na inilagay ko sa aking tabi at nagdesisyon akong kalimutan na ang tanong. Ilang sandali din kaming hindi nagkibuan. Either he's trying to give me space or ibinibigay niya rin iyon sa sarili? that I cannot tell, basta nanatili kaming gano'n for a little while. "Bakit? What's wrong Vee?" sa wakas ay naglakas loob din siyang magtanong. Nag-angat ako ng ulo at tumingin sa kanya. "Baka kasi..." I sighed bago muling nagpatuloy. "Baka, I'm going beyond boundaries na. I mean... that's quite too personal. Sorry for the questions, how stupid of me for even trying to ask. Pero...gusto ko lang talagang marinig ang lahat sa bibig mo, p-pasensiya na..." muli akong yumuko pagkatapos no'n, tila nahihiya sa naging tanong. "Yeah, you're right! that's too personal, and so I tend to disclose those things to only a few people, just within my inner circle." sagot niya. Nagpanting ang tenga ko sa narinig, though I knew that I am no longer part of it, still... masakit paring pakinggan. "And sad to say, hindi na ako...kabilang sa circle na 'yo'n, right? " lakas loob ko ding itinanong, desididong makakuha ng mga inaasam kung sagot. "Hmm... hindi naman sa gano'n!" napakamot siya sa tungkil ng kanyang ilong. "It's just that, ayoko lang kasi na maging burden ulit ng iba, much more mag create ng kung ano na namang alalahanin sa puso at isipan ng mga tao. Besides, issue ko naman 'to, so why bother other people anyway?" as he explains further. Ngumuso ako at umirap pagkatapos, gaya ng palagi kong ginagawa if I was about to protest on something na alam kung mahihirapan akong ipanalo. "Pero... willing naman akong sabihin ang lahat sa'yo, 'yon ay kung gusto mo talaga... " taas baba 'yong kilay niya habang nakatingin sa akin, as if he's trying to figure out how serious am I. "But on one condition!" itinaas niya pa ang hintuturo pagkasabi no'n. "Seryoso? may condition talaga?" bahagyang kumunot ang aking noo, but I I'll take it this time. "So, what's the catch?" as I agreed. "Only if... sasagutin mo din ang mga katanungan ko," aniya. "As businessman talks...SEGURISTA!" I emphasized the last word. "Hm...Segurista agad?" bahagya siyang natawa. "Hindi ba puwedeng gusto lang kitang makausap ng masinsinan? like deep talks, gano'n. Isa pa, alangan namang ikaw lang ang magtatanong, ta's sasagot lang ako ng sasagot! Ano to, Talk show? Ikaw ang Host tas ako ang guest?" aniya na sinadya pang lakihan ang mga mata at nagpa kenkoy sa harap ko in order to make me feel at ease. And finally, bumigay din ako. I can't help but laugh, 'yong tawang kanina ko pa pinipigilan ay kusa ko ring pinakawalan. My contagious laugh, yes that's what people describes it... it fills in the air, at sobrang gaan sa pakiramdam pagkatapos. Yong tipong natanggal ang kung ano mang bagay na nakadagan sa dibdib ko sa loob ng mahabang panahon, at ngayon ay nakahinga na ako ng maluwag. Kasalukuyan akong tumatawa ng mapansin kung umuusad siya nag kaunti papalapit sa akin, but this time ay pumuwesto siya sa harapan at mariin niya akong tinitigan. "Ba't ganyan ka makatingin?" nagsimula na akong maasiwa sa ginagawa niya. "Wala... na miss ko lang ang mga tawang 'yan," bumuntong hininga siya. "Ows, talaga? binobola mo na naman yata ako eh!" pambabasag ko sa trip niya. Wag ako Renz, hindi na'yan uobra sa akin...idudugtong ko pa sana, yet I opted no to... "Until now, ganyan parin talaga ang tingin mo sa'kin? BOLERO?" kumunot ang kanyang noo at biglang naging seryoso ang anyo. "Masisi moba ako?" "Hindi, kaw naman yan eh! walang sino mang puwedeng magdikta sa kung ano man ang gusto mong isipin." "Yon naman pala! eh, di tapos ang usapan!" "Tapos agad? Hindi pa nga tayo nag-uumpisa tinatapos mo na? ang harsh mo talaga pagdating sa'kin." isang simpleng biro na may laman. Isang biro na hindi maganda ang naging dating sa akin. "Excuse me!" nagtaas ako ng boses. "JOKE lang! nagtataray ka naman eh!" muli siyang tumawa. "Gago!" nasabi ko. "Oo, alam ko! matagal na... mas matagal pa kesa huli nating pagkikita." Tumawa akong muli. "Pero kidding aside, totoo... na miss ko talaga 'yong mga tawa mo. Never ko kasing nakita 'yan sa set. Para kasing nasa on guarded moments ka parati, napaka aloof mo pa... to the point na, natatakot na akong lumapit sa'yo. Feeling ko kasi, you will shut me up anytime na gustuhin mo." What a statement! napaawang ang aking bibig. Never did I thought na naging gano'n na 'yong impression niya sa akin. "Really? gano'n na ba ako ka stiff?" tanong ko. Tumango lamang siya bilang confirmation. "Sorry ha? masyado lang siguro akong focus sa work. I just wanted everything to be perfect, kaya lagi akong in character even off cam. This is my life now, my world! kaya I will definitely give my all in every aspect, even if it means na... nagmumukha na akong suplada minsan." "It's okay, I understand," aniya sabay tango. "Thank you kung gano'n, pero sandali, iniiba mo 'yong usapan eh! puwede bang pakisagot ng naiwang tanong kanina?" "Ang alin? ano bang tinatanong mo kanina? nawala na kasi sa isip ko!" "Yong about sa nangyari three years ago! kung bakit ka umalis no'n? ng walang paalam..." Sinadya kong hinaan ang boses sa dulo, tila ba ayaw ko iparinig ang huli kong sinabi. Nagulat na naman siya at napakunot ang noo, hindi niya siguro inaasahang marinig 'yon. He spaced out after at hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. "So, we have a deal now!" "I guess, so!" "Hmmm, pa'no ko ba sisimulan?" nagsalita rin siya kalaunan. "Ang hirap kasing pagbuhol-buhulin ng mga pangyayari no'n, at sadyang nakalimutan ko na rin 'yong iba pang detalye." finally bumalik din siya tamang huwisyo. "Sige... tutulungan kitang mag recall." nasabi ko, cause I am very much interested to hear the details. "Simulan mo do'n sa guesting mo sa isang talk show noon, 'yong... tinambakan kita ng message after I watched it on TV." "Natatandaan mo pa pala 'yon?" as he smiled. "Siyempre naman! inaway kaya kita no'n! di ba?" pagpapaalala ko sa kanya. "Slight lang," he protested. "Besides, nagkabati rin naman tayo after, right?" ibinalik niya ang tanong sa akin. "Oo, nagkabati nga, pero sa phone lang." "Sa phone mo rin naman ako inaway no'n! Kaya okay lang na sa phone din tayo nagkabati." "Sabagay, ang kulit mo kasi eh! di mo ako tinantanan not unless magkabati tayo." "Kasi... ayaw kung nagagalit o nagtatampo ka sa'kin." "Ows! talaga?" "Oo naman! special friend kaya kita! kaya concerned ako sa nararamdaman mo." "Kaya ba... dinedma mo na ako after? hindi ka na nagparamdam, hindi ka na nag message...not even a single word, hanggang sa... ang dami ko ng nabalitaan na hindi na naconfirm kasi nga, lumipad ka na pabalik ng China." May lungkot sa boses ko na hindi ko alam kung nahahalata ba niya. Kasabay no'n ay nag-iwas ako ng tingin. Napahawak siya sa may batok, pumikit at bahagyang yumuko na waring nag-iisip. Pagkatapos ay muli siyang nag-angat ng ulo, sabay pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw nito, bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Magiging honest ako sa'yo Vee, ha? kasi eto naman talaga 'yong purpose kung bakit tayo nandito at nag-uusap ngayon. Kaya rin siguro ako nagkalakas ng loob na lapitan ka, it's simply because I wanted to settle things with you. Gusto kong pag-usapan 'yong mga bagay na inakala nating hindi naman talaga naging issue dati, but turned out to be the biggest talk of the town. Pero sana... you won't take it against me, kung ano man ang maririnig mo as we go along. Sana rin wag mo ng e-stress ang sarili, kasi 'yon ang pinaka ayaw kung mangyari." There he goes...mag o open-up naba siya? malalaman ko na ba? pero handa naba talaga akong marinig ang lahat ng sasabihin niya? Ba't ganito 'yong nararamdaman ko ngayon? Ba't ako nakaramdam ng konting takot sa mga posible kong malaman? "Haba naman ng intro mo, baka abutin tayo ng umaga dito!" pambabasag ko sa pagse-senti niya, a defense on my part. Sumimangot siya at hindi na umimik pa. Nainis ko yata. "Hoi! ano't natahimik ka diyan?" pangungulit ko. Umirap siya ng bahagya. "Binabasag mo 'yong moment ko eh! mag o-open up na sana..." I bit my lower lip, sabi na eh! nainis ko. "Sorry, ang dami mo kasing pasakalye, isa lang naman 'yong tinatanong ko, pero kung ano anu ng pinagsasabi mo!" as I explain my side. "So, kasalanan ko pa pala?" parang naiiyak niyang tanong. At bigla na naman akong humagalpak sa katatawa. "HAHAHAH..." bahala na, bahala na... isipin na niyang loka-loka ako, I don't really care! basta gusto kong tumawa period. Sinulyapan ko siya na napakamot sa kanyang batok. "Kung di lang talaga kita..." bulong niya sa kawalan. "May sinasabi ka?" kahit dinig na dinig ko naman. "Wala! never mind," aniya. "May sinasabi ka eh!" I insisted. Gusto ko lang marinig ulit, 'yong buo, 'yong klaro. "Tatanong ko lang sana kung interesado ka pa bang marinig ang mga kasagutan sa una mong tanong." "Oo naman! Sorry for being makulit, na miss ko lang 'yong mga ganitong bonding moments natin before." I smiled. Napangiti rin siya at mukhang nakahanap ng tamang tiyempo! "Sarap namang pakinggan ng mga salitang 'yon! Aaaa!" tumingala siya na tila ninanamnam ang bawat katagang binigkas ko. "So na miss mo ako? talaga?" Gusto kong muling matawa sa naging reaction niya. Para siyang isang teenager na kinikilig no'ng malamang crush din siya ni crush niya. Pero opinion ko lang 'yon, hindi ako sure, baka kasi...it was just a reflection of my own feelings. Ewan ko ba! nababaliw na yata ako. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Yong moment sabi ko!" "Yon di yon! kasama ako sa moment na 'yon! so, na miss mo nga ako?" siya naman ang nang-aasar ngayon. "Bahala ka nga! take whatever resonates." pagkatapos ay tinawanan ko siya. "Aminin mo na kasi, wag ka ng mahiya tayo lang namang dalawa ang nandito!" at pinaninindigan niya na nga ang pang-aasar sa akin habang nakahalukipkip ang dalawang kamay. "Naku! tigil tigilan mo ako Renz ha! pag ako nainis babato ko talaga 'to sa'yo!" hawak hawak ko ang aking tsinelas habang ako'y nagsasalita. It was a defense on my part again, hindi pa ako handa sa ganitong laban. "Ow! Violence! okay, ceasefire! sorry Maam, di na po mauulit." at dumistansiya siya ng bahagya pagkasabi no'n. "Ba't ka lumalayo?" naitanong ko no'ng mapansin ang ginagawa niya. "Baka kasi totohanin mo at matamaan 'yong face ko, malaki laki pa naman ang nagastos ko dito! sayang naman pag nagkataon." sabay hinihimas himas ang kanyang pisngi. "Gago!" "Hahaha...Kung ikaw ay masaya tumawa ka! Hahaha..." napakanta siya ng di sinasadya. "So, masaya ka na niyan?" tanong ko. "Siyempre! Bakit ikaw ba hindi?" sagot niya. "Slight lang!" at sabay kaming nagtawanan. "Ang daya naman, puwedeng umupo diyan?" inginuso niya ang bakangteng space sa tabi ko. "Saan?" patay malisay kung tanong. "Diyan sa tabi mo." "Bakit?" "Gusto lang kitang pagmasdan ng malapitan." "Di ba kanina mo pa 'yon ginagawa?" tanong ko na pinagtawanan lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD