Pagkakataon

3975 Words
Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata matapos ang huling tugtog. Yumuko ako saglit at itinukod ang aking mga kamay sa magkabila kong tuhod, as I let out a deep sigh. "Hoo! hiningal ako do'n uh!" Napangiti ako at inayos ang tali ng aking buhok maka maka ilang sandali, then I turn to the ocean and slowly inhale the salty scents of the air that surrounds me. Sa muli ay huminga ako ng malalim habang nakapamaywang. I feel more calmer now pagkatapos ng huli kong sayaw. Sa pakiwari ko ay may kung anong tinik ang nabunot mula sa kaibuturan ng aking puso. Iginala ko ang tingin sa paligid, and just before my very eyes ay namataan ko ang isang babaeng nagmamadaling lumakad papalayo sa kinatatayuan ko ngayon. Napaawang ang aking bibig nang di na naaalis ang paningin sa kanya. That familiar physique na sandali na namang nagpawala sa sarili kong katinuan... hanggang sa isang bagay ang biglang naglaro sa aking isipan. Kanina pa kaya niya ako pinagmamasdan? Sinamantala niya ba ang pagkakataong nakapikit ako? Did she seriously stalked on me? I slightly giggled, sana pala ay kanina ko pa iminulat ang aking mga mata. "Sayang!" I utter the words as I stomped my foot, kasabay pakawala ng isang malakas na suntok sa hangin. Hindi mawala wala ang ngiti sa aking labi habang naiisip 'yon. Lumulundag ang puso ko sa sobrang tuwa, until I just I found myself following her lead... patungo sa kung saan man siya gustong dalhin ng kanyang mga paa. Huminto siya sa may di kalayuan at kalaunan ay ipinako ang paningin sa malawak na karagatan. Nagpatuloy pa ako sa paglalakad, trying not to create untoward noises that might just scare her away. Hanggang sa nagpasya na akong tumigil when I saw some palm trees in the midst of the shore. I settle myself under a huge one and finally found my rest in there. Isinandal ko ng patagilid ang aking sarili sa katawan ng punong 'yon. Naka ekis pa ang aking mga paa, habang ako'y nakapamulsa, as I catch a glimpsed of the person on the side of the sea. "And who's stalking right now?" tanong ko sa sarili... "And so what? kung ako rin 'yon! So what, if I did it!" sinagot ko naman, nabubuwang na yata talaga ako! Bahala na nga... I intensely glared at the beautiful creations within my sight. Nagpakasasa ako sa napakagandang tanawin na ngayon ay nasa aking harapan. Ang kumikinang na kalangitan na animo'y napapalamutian ng iba't ibang uri ng mga brilyante, ang malawak na bahagi ng tubig na tila walang hangganan, at ang nilalang na nakatayo sa gitna ng kaaya-ayang tanawin. There she gracefully stood in a deep solitude, hindi inaalintana ang lamig ng hangin na ngayon ay yumayapos sa kanyang kabuoan. She's still pleasant to look at, even at her back view. Tinatangay ng hangin ang mahaba at medyo maalon niyang buhok na ngayon ay nakalugay na. Kinalas niya na ang tali na kanina ay humahawak sa punpon nito, and I should say na mas gusto ko ang ganitong style. I admire her even more the way she let it fall down, because silly thoughts ruled over my head now. I imagined myself caressing those silky strands, unti-unti ko ring hinahawi ang mga buhok na tumatakip sa makinis at maganda niyang mukha, while l locked gaze with her. Dahan-dahan kung iipunin ang bawat hibla no'n at ako na mismo ang muling magtatali nito. What the f**k! ano 'tong mga naiisip ko? But seriously... if given the chance, ay gagawin ko talaga! I would gladly tie it myself sa paraang hindi pa naiisip ng kahit na sino. Sa paraang...never mind! wag niyo nang alamin. The hell with me? Anong nangyayari sa akin? nababaliw na nga ako. Sinapo ko ang ulo gamit ang dalawang kamay, I have to get over with this things soon... for pete's sake! Pero paano? Paano kung nandito ako ngayon at taimtim na nagmamasid sa bawat galaw niya? I immediately shrugged the thoughts out of my head. Hindi na maganda 'to! pumikit ako ng mariin habang umiiling. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay huminga ako ng malalim bago muling nagmulat, at siyang tumambad sa akin ang dahan-dahan ding pag-angat ng suot niyang damit, mula sa kanyang paanan hanggang sa gitna ng kanyang mga hita. Bagay na hindi parin niya inaalintana, sa halip ay hinahayaan niyang paglaruan ng hangin ang sariling katawan. Bumabakat pa ang kanyang saplot sa mala hour glass niyang figure. Napalunok ako saglit as my eyes fixated on her bod."s**t! Ano 'tong nangyayari sa'kin?" naitanong ko sa sarili. Ngunit pasensiya sapagkat... ako'y tao lang na nadadarang at natutukso rin... basta 'lam niyo na 'yon. Tumingala ako sa mga ulap, sabay hawak sa aking batok, "Aaaah! Bakit ba lagi na lamang ganito?" Isa pang tanong na makailang beses ko ng ibinabato sa sarili. Muli kong ipinukol ang mga mata sa kanya, "Bakit ba hindi kita magawang alisin sa puso't isipan ko Vee? Bakit gan'to parin katindi 'yong epekto ng presence mo sa akin?" mga salitang ibinulong ko sa hangin, hoping that it will somehow directly reaches her heart and soul. Nagbabakasakali na sa muling pagdampi ng hangin sa aking katawan ay hatid na nito ang sagot sa mga katanungang patuloy na bumabagabag sa isipan ko. Posible naman 'yon di ba? Sana, sana... I could only do such thing... I blinked for a few times habang nakatoon parin sa kanya ang mga paningin. The air seems to be getting colder now, bawat hampas nito ay sinasalubong niya ng yapos sa sarili. Giniginaw na ba siya? I'm a little bit worried, kung bakit ba kasi ganito ang suot niya? hindi man lang ba niya inisip na magdala ng balabal or kung ano mang tawag do'n? basta anything that would cover her up. I feel the urged to come closer and warmth her body, but I don't have the courage to do so...of course! baka isang matinding sampal pa ang aabutin ko. Napasinghap ako habang patuloy na nakatitig sa kanya at bumubulong sa kawalan. Eto 'yong kinatatakutan ko dati eh! 'yong muling mag krus ang mga landas natin? kasi alam ko sa sarili na magiging marupok na naman ulit ako, pero kailangan kung pigilan dahil alam kung mali. Mali na muling umasa, mali na muling guluhin ka, mali na muling ipilit ang mga bagay na sa simula't sapol ay alam ko nang walang magandang patutunguhan. I should put an end to this foolishness... Pero kakayanin ko ba? kakayanin ko kaya? especially now that I needed to get close to you again... I even planned on doing something stupid earlier." I murmured those lines while looking away, hindi na nakakatulong itong ginagawa ko, pero ano nga ba ang dapat kung gawin? at sino ang magdidikta no'n? I think I am totally going insane. And as much as I wanted to walk away, tila wala narin akong lakas upang muling iangat ang mga paa sa isa pang paglalakbay... as if I drained every single forces within me, including my senses even. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon na mapagmasdan siyang mabuti without her knowledge. Kasabay ng dampi ng hangin ay kumunot ang aking noo sa mga sumunod na nangyari, walang tigil sa pag-angat ang kanyang damit hanggang sa... napamulagat ako sa nakita, umabot na ang laylaywan nito sa gitna ng kanyang katawan, 'til it shows off her white bikini. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Damn girl! Ilang beses ko bang kakailanganing magmura? I just can't help it! forever na yatang tatatak sa utak ko ang kanyang naging anyo. Kahit kelan napaka carefree talaga ng babaeng 'to. Isn't she aware na nasa tabi tabi lang 'yong mga kasamahan namin? Hasn't it cross her mind na posibleng may nagmamasid sa kanya ngayon? aside from me of course. "Tsss!" napailing ako, I simply hate the idea. I got suddenly pissed, hindi ko na alam kung dapat paba akong manatili dito. I am turn between staying? or simply walk away. And finally, nagdesisyon akong gawin na ang huli... after I found the strength to turn my back and made a few steps papalayo sa kanya. I was on my way to perfectly doing it right, ngunit may kung ano na namang puwersa ang humihila sa akin pabalik. Until I just found myself again na humahakbang palapit ng palapit sa isang taong pilit kung iniiwasan, sa isang taong pilit kung kinakalimutan. Napansin kong sumalampak siya sa may buhanginan, tumingala at akmang pipikit as if she's about to meditate. She crossed her legs, doing an indian sit and open her palms wide. Habang isinasagawa 'yon ay di man lang niya inaalintana ang pagdikit ng mga butil ng buhangin sa kanyang katawan. Just the same old Vee na nakilala ko noon, walang pake! at hindi maarte. Ibang iba sa mga role na madalas niyang ginagampanan on screen. Nararamdaman niya na kaya ang presence ko? I don't think so... pero hindi rin imposible. Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon at dali daling umupo sa isang tabi, mga dalawang dipang layo mula sa kanyang kinauupuan. This is it! wala ng bawian 'to! mangyari na ang mangyari... kausapin man niya ako o hindi, basta mananatili ako sa tabi niya. Nilingon ko siya at pinagmasdan ng mabuti sa malapitan, habang nakapangalumbaba at tukod ang siko sa aking hita. Sa muli ay nagpakasasa ako sa kagandahang abot tanaw ko na ngayon. Tinitigan ko siya ng mabuti, na para bang minimorize ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha. Well defined brows, thick and curly eye lashes, high check bone, slightly pout lower lip and perfectly shaped nose. Sinalo niya na yata ang lahat ng kagandahang isinabog ng panginoon. Napabuntong hininga ako... if perfection is only a thing, then I am staring at one of those now. Natulala na naman ako ng maka ilang sandali, tila nilulunod ng sarili kong emosyon. Sadyang di ko na kayang ikubli ang muling napukaw na paghanga sa aking dibdib. Nagpatuloy pa ako sa ginagawa, ngayon ay ginaya ko ang kanyang posisyon, habang parang baliw na nakangiting nakaharap sa nakatagilid niyang katawan. Nawala sa aking isipan na posible siyang magulat sa biglaan kung pagsulpot dito. It lasted for a few minutes, masyado akong naging kampante sa gano'ng eksena. It feels like I am in my safest zone, kaya't gano'n na lamang ang aking pagkagulat ng bigla siyang nagmulat ng mga mata, sabay lingon sa akin. What the f**k! hindi ko napaghandaan 'yon ah! I was definitely caught off guard. I didn't see it coming... at ang mas lalo kong di inaasahan ay ang bigla niyang paghagalpak sa katatawa. "Hahaha..." ang lakas ng tunog no'n, para bang aliw na aliw siya sa naging reaksiyon ko, samantalang para na naman akong nakakita ng multo, gaya nalang ng una naming pagkikita after a long time. 'Yong tipong umalis ang lahat ng naiwang dugo ko sa katawan. Sa muli ay hiniling ko na sana kainin nalang ako ng lupa. This girl is really driving me insane! Hindi ko na alam kung saan pa magsisimula, o kung paano ko ba sisimulan? I got tongue tied, that I swallowed every single words I must utter. Siya narin ang bumasag sa aming katahimikan no'ng mapansing tila nawawala na ako sa sarili, "Sorry!" as she raises her two finger for a peace sign, tanda ng paghingi niya ng dispensa sa nagawa. Napalunok ako, did she seriously utter the words? did she really mean it? napa-awang ang aking bibig, as if time freezes again. Kumurap kurap ako habang unti unting yumuyuko, pilit na pinoproseso sa aking utak ang lahat ng mga pangyayari. I need to say something now or... Nag-angat ako ng ulo at tumingin sa kanya."Ikaw ha! mukhang nasasanay ka na sa panggugulat sa 'kin..." winika ko sa boses na may himig ng pagtatampo, habang pilit ko paring nilalabanan ang pag-aalburuto ng aking dibdib. "Sorry na nga! ano ba?" May katarayan niyang sinabi, lumapit siya sa akin sabay hampas sa balikat ko. The hell with this girl! ganito naba siya kung mag sorry? parang napipilitan lang... sana pala ako nalang ang gumawa no'n, mas sincere pa siguro. But then again...hindi ako nagkalakas ng loob, and so she did what she has to... kaya aangal pa ba ako? gayong ginawa niya na ang isang bagay na dapat ko sanang ginawa noon paman. "Did you really mean it?" tumingala ako at sumulyap sa kanya, she stood up for a bit seconds. "Oo naman! nagdududa ka ba?" kasabay no'n ay muli siyang umupo sa aking tabi, but not close enough. "Medyo..." nagkibit ako ng balikat. "Seryoso?" her eyes narrowed as she faces me, "bahala ka nga..." umismid pa siya, and now we're even, mukhang naiinis ko narin siya. Ngumiti ako no'ng tila nahimasmasan na, "Joke lang! eto naman oh, o-okay na 'yon, tinatanggap ko na sorry mo..." natataranta kong sagot. "Sorry din ha?" pagpapatuloy ko. "Sorry saan?" she lifted one of her brows high, sabay iwas ng tingin. "Dahil sinundan kita dito, at binulabog ko ang katahimikan mo...at para narin siguro sa lahat ng nangyari noon at ngayon, di ko na siguro kailangang isa isahin pa, basta sorry, 'lam mo na 'yon!" may halo ng lungkot sa aking boses. Tumango lang siya bilang tugon, ngunit di man lang ako magawang tingnan ulit. But that's perfectly fine with me, mas mabuti na ito kesa forever kaming mag deadmahan. This is it! ang hinihintay ko na pagkakataon upang muli kaming magkausap ng masinsinan. Kaya susulitin ko ang bawat sandali, it's definitely now or never... nagpatuloy pa ako sa pagsasalita, "I know this sounds weird, cause I should have said this on our first meeting after... past two years I think?" muli ko siyang sinulyapan. "But since medyo awkward yong pagkikita na'yon, just allow me to say these words now. Kumusta? and how have you been?" Nagtaas siya ng dalawang kilay bago sumagot. "Three! well, I'm good! but could be better... you know?" she shrugged her shoulder, "bout you? It's been a while..." Sa pagkakataong 'yon ay nakuha niya narin akong tingnan na para bang natatawa, kasi naman dialogue ko 'ata 'yong mga binibigkas niya. So she still does remember me and my usual statement. Ngumiti ako na sinalubong din ng isang ngiti ng mga matang nakatutok sa akin at panadalian kaming nagkatitigan. But I immediately averted my eyes, sapagkat hindi pa yata kayang gawin 'yon ng matagal. Patay malisya akong sumagot. "Never been better...I guess? lalo na ngayong nagkausap... never mind. " I waive my hand to cut if off... " Well, I could say na okay naman ang lahat. Naka align naman siguro ang mga pangyayari ayon sa gusto o plano ng universe, perhaps... Tila may pagdududa pa sa dulo ng mga binanggit kong salita. Sandaling katahimikan ulit ang namayani sa amin, muli kaming nagpakiramdaman, hanggang sa sabay naming binuksan ang kanya kanyang bibig. "Puwede ba..." ang nabigkas ko, at "Salama..." naman ang sa kanya, pero parehas 'yong naputol, sapagkat nagkasabay kami sa pagsasalita, and so nauwi iyon sa bahagya naming tawanan. "You were saying..." pagbibigay ko ng espasyo sa naudlot niyang sinabi kanina. "No, no! it's okay, you can go on sa gusto mong sabihin," ayaw rin niyang magpatalo. "Okay lang talaga, you can continue, isa pa... di ba ladies first dapat?" I insisted, hindi pa naman siguro huli to act like a true gentlemen. "Naks! gentlemen..." pabiro niyang sinabi. "Palagi naman di ba?" Sagot ko, sabay kindat at pagkatapos ay nagpakawala ng isang nakakalokang ngiti, mga ngiting nagpalambot sa puso niya dati. I just don't know if it will still be effective now, though I am hoping for it. She shrugged her shoulders again. "Maybe..." pasimple niyang tugon. "Awww! not convinced, okay lang... wala tayong magagawa diyan, opinyon mo 'yan eh!" tila may pagtatampo kong pahayag. Sa muli ay tinapunan niya ako ng tingin at kaagad na binawi ang mga sinabi. "Just kidding! siyempre alam ko 'yon, kung hindi ba naman, eh di sana... di mo na tinanggap ang project." Kumunot ang aking noo, habang nagtatanong ang aking mga mata. I didn't get that...ano ba ang ibig niyang sabihin? "By the way, salamat nga pala ha?" pagpapatuloy pa niya. "Sa pagpayag mo na muli tayong magsama on screen, sa kabila ng ginawa naming pag surprise sa'yo. Alam ko namang nainis ka sa mga nangyari no'n sa Story Con, kasi nga wala kang kaalam-alam sa mga magaganap. I know that it had offended you in such a way... kaya again, I'm really really Sorry for being such a b***h!" What a strong word! BITCH...ikinagulat ko ang pagbigkas niya ng salitang'yon. "Woah! wala akong sinasabing gano'n ha? I could never say such a word!" nasabi ko. "Alam ko... besides, it's my own words and not yours... " umismid pa siya. "Hey! don't be so hard on yourself! Wala na'yon! okay na tayo do'n di ba? we have settled that issue even before we started to shoot." Sumimangot siya, "I know! and I am not being hard on myself, totoo 'yon... besides lahat naman tayo naging itchy bitchy for a certain period, di ba?" My eyes narrowed. "So, ako din...?" as I point a finger on myself. "Of course! gusto mo ipaalala ko sa'yo?" "No! thanks,hahaha..." "So, you don't want me to bring up those topics huh?" "Hindi naman sa gan'on, I just don't want to ruin this night. Isa pa...can we at least be friends again? before we dig into those not so good details?" "Bakit, hindi paba tayo friends sa lagay na'to?" aniya. "Hindi pa... getting there siguro," sagot ko. "Well, I guess you're right! so no objections from me," ang naging pahayag niya. "I told you..." pagmamayabang kong sinabi. "Whatever..." she smirked as she rolled her eyeballs. "Akala ko ba no objections? then why are you acting like that? parang magko contradict na naman 'yong mga opinion natin ngayon. Hindi ba pwedeng pagbigyan mo naman ako, for once?" I humbly asked. "Okay, but just this one... for once," finally she agreed. "Really?" tila may pagdududa kong tanong. "Alam mo ang labo mo talaga, you asked for it, at no'ng pinagbigyan kita, you questioned my sincerity?" "Joke lang... pagbigyan mo ulit ako, hahaha..." "Nakakarami kana uh!" "Hayaan mo na... matagal tagal din naman tayong walang communication, kaya sulitin na natin." "Sabagay, may point ka do'n, baka kasi matatagalan pa bago muling maulit ito, no? or baka nga hindi na." "Grabe naman! wala namang ganyanan... diring diri ka naba sa'kin kaya gusto mong makawala kaagad?" "Hoy! ikaw ang grabe, hindi ako gan'on uh! diring diri pinagsasabi mo diyan! diba nga sinabi ko kanina, na thankful ako at tinanggap mo ang project na'to, sa kabila ng ginawa namin." Para siyang batang nagmamaktol ngayon. "Totoo?" I sincerely asked na sinagot niya ng isang tango. "Salamat din kung gano'n, at kalimutan mo na 'yong nangyari, tapos na'yon, isa pa...nakayanan ko namang hindi maospital no'n." It was a slight joke, just the old me trying to win her again through my witticism. Bahagya ko siyang sinulyapan, hoping to see and hear her contagious laugh once more. "Muntik nga lang..." dagdag ko no'ng wala parin akong makitang positive reaction galing sa kanya. Inangat niya ang dalawang kamay to cover her face, hindi ko man naiintindihan kung bakit, pero enough na sa'kin ang lahat. Sapat na ang na witness ko ngayon, that I still have those certain effects on her. Baka may konting ilang pa siyang nararamdaman, baka masyado lang akong naging kampante, baka hindi pa siya handang tuluyang magbukas ng sarili. Nakiramdam muna ako bago muling nagpatuloy, "Sa totoo lang ako pa nga ang dapat magpasalamat sa inyo," muli kung ibinalik ang usapan sa naiwan naming topic kanina. "I don't even deserve to be part of the film, hindi ko kayo ka level, kasi sobrang taas na ng narating ninyo, lalo ka na! .and yet you still chose to work with me and with the team sa kabila ng nagagandahang offers sa'yo. Kaya naman it is such an overwhelming feeling to hear those words from an artist like you, so please allow me to say na... the pleasure is mine V-vee..." Tila nagdadalwang isip pa ako sa pagbigkas no'n at napansin ko na medyo naging balisa rin siya after she hears it. Am I still allowed to to call her by that name? I didn't even bother to ask, pero bahala na... Mariin siyang tumitig sa akin as she slightly open her mouth, tila nag-isip muna bago tuluyang nagbitiw ng mga salita."You're degrading yourself too much, wag gano'n! mas magaling ka pa kaya sa inaakala mo! and I also have my own reasons kung bakit ko ito tinanggap, reasons that's far beyond words to explain. Isa pa, sobra namang pagpupugay 'yon, I'm still the same person parin naman, like the one that you've met... not so long ago. Medyo sinuwerte lang ng kaunti or let's just say na... siguro ginawa ko lang talaga ng maayos ang trabaho ko and so I got rewarded. And probably if you have just stayed a little bit longer before... malayo na rin siguro ang narating ng showbiz career mo ngayon! for sure madami ka na ring naka pile na achievements. But... you gave up for unknown reasons, pero... bakit nga ba? I mean ano bang nangyari?" she asked in a serious tone. Sandali akong natigilan, napaawang ang aking bibig sa narinig. I didn't expect her to be that straight forward. "Nangyari saan?" nakakunot ang noo ko habang nagtatanong. "Kung bakit bigla kang umalis no'n?" diretsahan niyang tanong. "Hindi ko alam, basta I just woke up one day na hindi na ako masaya sa ginagawa ko." diretsahan ko ding sagot na tila ayaw niyang tanggapin by the way she looks at me now. "Yong totoo!" she smirked again sabay lingon sa kabilang direksiyon. 'Yon nga ang totoo!" natatawang kong sinabi. "Bakit, iba ba nakarating sa'yo?" dugtong ko. "I want an honest answer!" Naiirita na naman siya. "Ano bang honest sa'yo? Ano bang gusto mong marinig? na..." I paused for a while, nagdadalawang isip kung dapat ko pa bang bigkasin ang mga bagay na naglalaro sa utak ko. "That somebody broke my heart, kaya ako lumayo no'n?" there, I finally say it. "Di nga ba? Well, it's all over the net, at that time..." aniya. "Yeah! but purely speculations, nothing definite." paliwanag ko. "Kaya nga, tinatanong kita ngayon, kasi I got confused din, and curious as well, sa kung ano ba talaga ang . . . . ." Sa hindi ko maisip na dahilan ay bigla siyang huminto at hindi na nag-usisa pa. She puts on a serious face, yumuko at mas piniling paglaruan ang mga buhangin sa kanyang paanan. Ibinaon niya ang mga paa doon pagkatapos naghubad ng tsinelas na inilagay niya sa kanyang tabi. Ilang sandali din niya akong hindi kinikibo and so I started to panic, okay na eh! nag o-open up na siya, ba't bigla nalang... hindi pwede 'to! I need to say something "Bakit? What's wrong Vee?" lakas loob kong tinanong. Nag-angat siya ng ulo at tumingin sa akin. "Baka kasi..." bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "Baka, I'm going beyond boundaries na. I mean... that's quite too personal. Sorry for the questions, how stupid of me for even trying to ask. Pero...gusto ko lang talagang marinig ang lahat sa bibig mo, p-pasensiya na..." muli siyang yumuko pagkatapos no'n, waring nahihiya sa ginawa. Kumunot ang aking noo. Why do I get this feeling na para bang napaka big deal ng ginawa ko sa kanya? and why does she even bother to raise that question? Ano ba talaga ang gusto niyang malaman? Bakit gano'n nalang siya ka curios sa mga nangyari dati? Sa pagkakatanda ko, mutual naman 'yong naging desisyon namin na mag focus sa kanya kanyang career. She even initiated that stupid idea, at wala akong nagawa kundi ang umoo. Then why is she acting strange right now? Hindi narin ako kumibo, as some thoughts rummages through my head. Maging ako man ay naguguluhan narin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD