Ibinagsak ko ang aking katawan sa malabot na higaan at huminga ako ng malalim habang sapo ng kanang kamay ang aking noo. Sa wakas ay makakapag relax narin ako ng maayos after that long trip with them. Naging limitado kasi ang mga galawan ko kanina. Di ako makakilos ng maayos dahil sa presence ni Renz, masyado akong nako conscious.
Naiinis ako sa mga nagaganap sa set. Hindi ko na naiintindihan ang sarili, kung bakit ba ako nagkakaganito? kung bakit ang dami dami naming sablay na eksena. Naging smooth naman 'yong takbo ng shoot for a couple of days, no'ng light scenes pa lang ang kinukunan, nagawa namin ng maayos ang trabaho, na i-delever ng tama ang mga dialouge. Just that particular scene, "Ugh!" hinampas ko ang higaan at pumikit.
That one scene na sumubok sa katatagan ng mga damdamin namin, o baka ng damdamin ko lang? Well, I cannot speak for his side, kasi ang hirap din talaga niyang basahin sometimes. Kung defensive man ako ay mas lalo na siya! mas magaling pa siyang magtago ng totoong nararamdaman, mas kaya niyang kontrolin ang sariling emosyon. Nagagawa pa nga niyang magbiro after, na para bang walang nangyari.
Hindi pwede 'to! naisip ko. Hindi ako magpapatalo, kasi kung tutuusin ay mas beterana ako pagdating sa acting, mas marami na akong experiences compared to him. Pero ano't ako yata ang unang nawawala sa linya? or ako ba talaga? am I at fault here? I really don't know anymore! Tumayo ako at nagpalakad lakad sa harapan ng kama habang nakapamaywang.
This is the biggest challenge that I have ever encountered as far as my acting career is concerned, and it's totally all because of that guy! gusto ko na tuloy pagsisihan kung bakit ko tinanggap ang offer na'to! Pero bakit nga ba? what made her decide na gawin ang pelikula? Isang tanong na bumulong mula sa kawalan.
Well, aside sa napakaganda ng story nito, plus the fact na half of the proceeds will go to charity works! maybe the other reason is... gusto ko lang naman talagang magyabang! gusto kong patunayan sa mga tao, higit sa lahat sa sarili ko, that I am no longer affected with RENZ LUCIO'S presence. Na nakapag move on na ako sa kanya. Na kahit tumambling pa siya sa harapan ko ay hinding hindi na ulit ako madadala pa! not again... and if working with him is the only way to prove it, then why not do it?
Pero ba't ako nagkakaganito ngayon? huminto ako sa paglalakad as I let out a deep sigh once more. Nag face palm ako habang umiiling as I refused to believe na natalo ako. I lost the battle against my biggest opponent who also happens to be myself. I am emotionally tortured! 'kasi wala naman akong napatunayan, o kung meron man 'yon ay ang kabaliktaran sa inaasahan kong mangyayari. And though I denied it for a couple of times, ngayon ay aaminin ko na ang lahat sa sarili ko. I am not yet totally over with him, not at all! There's just something in him na nagpapabagal ng aking sistema, to the point na para bang nagma-malfunction ang buo kong katawan the moment na mapalapit ako sa kanya, kaya idinadaan ko ang lahat sa pagsusuplada, just to be able to suppressed the feeling.
Sumalampak ako sa sahig habang sapo ng kama ang aking baba. I am definitely having self battles again. Pero wala na akong magagawa dahil nasimulan ko na, so I have to bear with him, I have to find a way para maging maayos ang lahat. Isa pa career ko na at stake dito, baka sabihin pa ni direk na napaka unprofessional ko. NO WAY! hindi pwedeng mangyari 'yon, I will never allow such thing to happen. "Go get a grip girl! you need to do something..." pinagsabihan ko ang aking sarili.
Muli akong humiga, isinubsob ko ang aking mukha sa puting unan, habang nakaharap ang likod ko sa kisame. Sinubukan kong pumikit, baka kailangan ko lang na mag relax ng kahit ilang sandali, kailangan kong ikondisyon ang aking sarili. Tama! I still have an hour to prepare, kaya iidlip na muna ako saglit, to freshen up my mind and hopefully... okay na ang lahat sa paggising ko, or it has to be... and so I promise myself that everything will fall into places once na lumabas na ako ng silid na'to.
"You need to focus Vana Marie! ilang scenes nalang at matatapos na kayo! the more na ma de delay 'yong shoot, the longer the time na magkakasama kayo ni Renz, at the more ka ring mahihirapan, kaya umayos ka! keep your s**t together at tapusin mo na ang trabahong ito." Sa muli ay pinaalalahanan ko ang aking sarili. Tumihaya ako habang nanatiling nakapikit, hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.
"Hello..." I answered in a bedroom voice.
"Hello... si direk 'to kakagising mo lang ba?"
"Actually nagising po ako ng tawag ninyo," kinusot ko ang aking mata.
"Gano'n ba? well, sorry to wake you up but its almost 8:00 P.M. at hindi kapa nag di dinner."
"Haaa? ilang oras na po ba akong nakatulog direk?" bigla akong napabalikwas sa higaan.
"Mga around three hours na siguro."
"Naku! sorry po direk, sana ginising niyo po ako kanina."
"No, no it's okay, sinadya ko talagang wag kang istorbohin."
"Pasensya na po talaga!" nag-aalala kong sinabi.
"Okay lang, ano kaba! ipapahanda ko na 'yong dinner mo, labas ka nalang pagkatapos mo diyan, k?"
"Okay po, salamat po, I'll see you in a bit." Pagkatapos ay nagmamadali na akong maligo, nag ayos at nagpaganda ng sarili bago lumabas ng kwarto. "s**t! I can't believe I did sleep like that..." bulong ko sa sarili.
Naiwan akong mag-isa no'ng nagpaalam si direk upang pumunta ng Rest Room. Ang sarap sarap ng naging dinner ko, seafood supreme; baked salmon, lobster with french lemon butter sauce, calamaris, chili crab at garlic shrimp pasta. Meron ding panghimagas na Strawberry Cake from Baguio that were considered as one of my favorite treats. Mauubos ko kaya ang lahat ng ito?tawang tawa ako sa sarili, kung bakit ang takaw takaw ko, gabing gabi na and yet her I am enjoying my full meal.
Eh, may magagawa ba ako kung sadyang stress reliever ko ang food? 'yong tipong nawawala ang lahat ng inhibitions ko sa buhay kapag nasa harapan na ako ng pagkain. And everybody's asking if sa'n ba napupunta ang lahat ng kinakain ko? kasi never pa naman akong tumaba ng sobra. Ito na yata ang pinakamabigat na timbang ko ever since...pero bumagay naman daw sa akin, at mas sexy pa nga raw akong tingnan ngayon. Well, maybe because sadyang fast lang talaga 'yong metabolism ko, ang bilis lang ma digest ng food sa aking tiyan, kaya di ako masyadong tumataba. Kaya rin siguro gano'n nalang kalakas ang loob kong mag in take ng marami.
Nadatnan ako ni Direk na hinihimas ang tiyan sa sobrang kabusugan, tawang tawa siya sa ginagawa ko. "Hoi, ano 'yan! inubos mo ba lahat?" tinakpan ko ang aking bibig, I am suddenly ashamed. "Sorry po direk, di ko napigilan eh!" sagot ko na medyo nahihiya pa.
"Okay lang, nakakatuwa ka ngang tingnan actually, besides para naman talaga sa'yo lahat ng 'yan! mas malulungkot pa yata ako kung hindi mo kinain."
I smiled at him, "Thank you direk!"
"You're welcome!" sagot niya at muli siyang pumuwesto sa naiwang upuan opposite mine.
I scanned the room, ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng interior design nito. It was a Filipino themed restaurant that evokes elegance and sophistication. Ayon pa sa management the main dining hall, na kinaroroonan namin ngayon is actually inspired by azotea which is a part of traditional Filipino ancestral houses built during the Spanish colonial era or what we called bahay na bato. The iconic ceiling na madalas kong nakikita sa i********:. Swooping curved timber beams and painted wooden planks. Also hovering above our dining table is a custom-designed chandelier made of metallic branches and crystal butterflies that change colors when viewed at different angles. And of course, contemporary furniture pieces serves as the final touch to the Filipino style inspiration. A combination of leather-upholstered lounge chairs and rattan couches with tables that are suited for cocktails and rattan dining chairs with solihiya backrests at the main dining. This is how some life style magazines describes this place, and they indeed give justice to every written words.
What an elegant view, I truly appreciate every single detail na nakita ko. Pero nagtataka ako kung bakit kaming dalawa lang ni direk ang nandidito ngayon? Ginaya naman niya ako, pinaikot din ang mga mata sa paligid namin, sinusundan kung saan napapadpad ang aking mga paningin."May hinahanap karin?" tanong niya.
"Po?" sagot ko, maya maya ay bahagyang tumawa si direk. "Ay! alam mo ba? ganyang ganyan din 'yong ginawa ng lalakeng kausap ko kanina," diniinan pa talaga niya ang pagkasabi ng LALAKENG KAUSAP habang tatango tango siya. "Panay ang tingin sa paligid... 'yong tipong menomorize na yata bawat sulok ng area na'to! halatang may hinahanap, pero ayaw namang sabihin kung sino? kaya ayon... I just assumed! so sinabi ko nalang na tulog kapa..." nagkibit balikat siya.
Sumimangot ako, mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Bahagya akong nagpakita ng kaonting inis, but deep within ay nando'n 'yong certain amount of joy na nararamdaman ko dahil hinahanap daw ako ni Renz. Gosh! hinahanap niya ako! biglang lumundag ang aking puso. Nag blush pa nga yata ako kahit na ayaw kong ipahalata ang nararamdaman. Ang hindi ko namamalayan ay may sumilay ng tipid na ngiti sa aking mga labi na hindi nakaligtas sa matalas na paningin ni direk. Ngumiti din siya, ngunit ngiting may pang-aasar, tumitig siya sa akin. Isang mapanuring titig na waring inaarok at binabasa ang laman ng aking puso't kaluluwa. "I saw that smile..." aniya.
Bigla na naman akong na conscious, and so I averted my gaze. Sa isipan ko ay isang tanong ang namayani... Anong nangyayari kay direk? ang sungit sungit niya sa set kanina! ba't biglang naging iba ang trip niya ngayon? bigla ko tuloy naalala si Mamo Pat sa ginagawa niyang pag-aasar. Tila naramdaman naman niya na medyo uncomfortable na ako, kaya't nag decide siya na tumigil na sa pang-iinis, pagkatapos ay muli na naman siyang nagsalita.
"May gagawin pala na team building ang buong cast and crew ng production after this dinner, actually nauna na sila do'n kanina pa, pati 'yong mga tinawagan ko after I announce the pack-up thing, kaya susunod nalang tayo do'n later." paliwanag niya sa akin.
"Team building po? di po ba ginagawa 'yon usually sa umaga? 'yong may mga pa contest ta's group-group, di ba gano'n 'yon?"
Hindi maiwasan ni direk na hindi matawa sa tinuran kong iyon. "Naloka ako sa group-group mo! Hahaha... " he really does sounded like Mamo now, naisip ko.
"But it's not the usual team building, mag chi chill lang tayo mamaya, ang importante is magkaro'n tayo ng bonding moments all together in one specific place and time. And take note, bawal ang KJ do'n! gets?" pagpapatuloy pa niya.
"Huh?" nagulat ako sa narinig. "Ano po bang gagawin natin direk? parang bigla yata akong kinabahan."
"Wag kang kabahan, gaya nga ng sabi ko mag chi chill lang tayo, makikinig ng music, mag- iinternalize, basta lahat ng gagawin natin do'n ay may kinalaman sa trabaho, all for the good of the movie, di ba 'yon din naman ang gusto mo?"
I just nodded and smiled again, gaya ng palagi kong ginagawa if I agreed on something but couldn't find the perfect words to say. I promised myself na magiging maayos na ang lahat the moment I will step out of the room and so I will gladly cooperate. This is not the right time to deal with my personal issues and grudges. Nagpaalam ako sandali to fix myself once again at pumunta na kami ng venue pagkatapos.
Mga ilang hakbang pa ang ginawa namin bago nakarating doon, nasa may bandang likuran pa kasi ng hotel ang dagat, mga approximately 50 meters away dahil sa lawak ng nasabing resort. Tamang tama lang din para matunawan kami ng bahagya sa kinain kanina. Namangha ang mga mata ko the moment we arrived, like I was in a deep awe! never did I thought na ganito kagandang set-up ang madadatnan ko under the moonlight. May stage sa gitna, carpet sa harapan at naka ilaw na giant fire pit sa magkabilang side.
Binaling ko ang aking mukha sa kasama. "Magpa party po ba tayo direk?" halata ang exitement sa boses ko. Matagal tagal narin akong hindi pumaparty, tila nakalimutan ko na ang mga bagay na'yon. Aside sa palaging subsob sa trabaho, ay ayaw ko naring pumunta sa isang closed door venue, kung sa'n hindi ako makakahinga because of the usok and the amoy of the lasing people with all the kaingayan pa! Hahaha...natatawa na naman ako s sarili. Anong nangyari't bigla akong umastang parang isang nag-iinarteng socialite? Nang biglang may musikang pumaimbabaw sa ere, nagsimula na pala ang tugtugan.
♫♫♫Lahat ay nagulat nang buksan ang pinto
Sayaw ng mga tao'y biglang nahinto
Buhok mo'y Budji, talampaka'y Gucci
Suot mo'y gawa ni Pitoy
Di nanggaling kay Eloy
Ahh, hay!♫♫♫
Mukhang nagulat nga yata ang lahat sa pagdating namin at bigla kaming naging center of attraction. At ano nga ulit 'yong na mention sa kanta? talampaka'y GUCCI? Well, tamang tama at 'yan ang footwear ko, itinuro ko pa ito kay direk na siyang natatawa narin. Sinasadya ba o sadyang nagkataon lang? pero never mind inenjoy ko na lamang ang music.
♫♫♫Bongga ka, 'Day
Sige lang, sige lang, itaas ang kilay♫♫♫
Sumalampak ako sa carpet no'ng papatapos na ang kanta. Hanggang sa nag speech at nagbigay na ng instructions si direk. Kitang kita ko ang iba't ibang reaction ng mga tao sa paligid, ganon paman ay sumunod parin kami sa pinapagawa niya.
Enjoy akong naglalakad sa may dalampasigan habang bitbit ko ang mga sapin sa aking paa. Paroo't parito... pabalik balik lang, hanggang sa matagpuan ko ang sariling nakatayo sa isang bahagi na kung saan nagniniig ang buhanginan at dagat.
Hinayaan kong paglaruan ng alon ang makinis at maputi kong hubad na mga binti. Napakalamig ng tubig na waring kumikiliti sa buo kong kalamnan. Ganon paman ay tiniis ko ang ginaw na hatid nito, sapagkat mas nangingibabaw sa akin ang kaluwalhatiang nararamdaman ng mga oras na'yon. Minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon, ang makaulayaw ko ang buhanginan sa may dalampasigan, kasabay ng mga nakaw na halik ng dagat sa aking paanan.
Ilang sandali pa akong naglaro sa tubig, hanggang sa napagod ako at nagpasyang umupo sa may baybayin paharap sa napakalawak at ubod ng gandang biyaya ng langit. Muli kong isinuot ang sapin sa paa. Tumingala ako sa mga ulap, pinagmasdan ko ang bilog na buwan at ang sinag nitong tumatanglaw sa buong paligid. Nando'n din ang nagkikislapang mga bituin na waring nang-aakit sa bawat pares ng paningin na napapadpad sa bahaging 'yon ng kalangitan.
At ang hampas ng mga alon sa aking paanan, ay tila nagsusumamo upang siya'y aking bigyan din ng pansin. Ibinaba ko ang paningin at ibinaling sa isa pang napakagandang tanawin na nasa aking harapan. Ang mala sayaw na galaw ng alon ay tila nag-aanyaya upang ako'y umindak sa ritmo ng sarili nitong tugtugin. Sinabayan pa ng panaghoy ng hangin na nagsisilbing musika sa aking pandinig. Ang lahat ng iyon ay sadyang nagdudulot ng kakaibang gaan sa aking pakiramdam. Pumikit ako at ninamnam ang bawat sandaling kaulayaw ang ko ang natatanging ganda ng kalikasan.
Inhale, exhale... pauli ulit akong sumisinghap. The cool breeze gently touches my skin and gave me sudden chills, but instead of getting cold, ay mas lalo lamang nitong dinuduyan ang aking kaluluwa sa bawat pagdampi nito sa aking katawan. Pati ang buhok ko'y tila hinihele ng bawat pagsamyo nito.
Sadyang nag-iiba ang aking pakiramdam every time I am this close to nature, particularly sa dagat. It somehow cleanses my soul and uplifts my spirit. Nawawala ang lahat ng inhibitions at frustrations ko sa buhay, mistulang tinatangay ng hangin at inaanod ng alon ang lahat ng negatibong enerhiyang minsa'y bumabalot sa aking katawan.
Ang sarap lang mag muni muni kapag ikaw ay nasa ganitong lugar, at mag trip down memory lane kung sakaling feel mo, gaya nalang ng instructions ni direk sa amin. Balikan daw 'yong mga dati naming ginagawa right before filming this movie. Until that specific moment, na kung saan una naming narinig ang offer, and of course the mere reason kung bakit namin tinanggap ang naturang proyekto.
But there's no need for me to go over with it. There's no need to recall or to rewind those scenarios, kasi never naman 'yong nawala sa aking isipan. Kaya nga ako nandito ngayon at nakikipag cooperate sa kanila, kasi may pinaghuhugutan ako at ipaglalaban ko 'yon sa abot ng aking makakaya... even if it means of battling my own self.
One month after the success of my last project, and probably just a few days pagkatapos kong makabalik from the States, this opportunity knocked on my doorstep. I would say na kaagad akong excite pagkabasa sa script, sobrang relatable kasi no'ng character na gagampanan ko at ang ganda pa ng story line. Perfect sa nabangit kong concept no'n kay Mamo na something that will tackle life itself.
Plus the fact na it's also for a good cause, dahil part ng proceeds nito ay mapupunta sa isang Charity Institution na nag e-sponsor sa pagpapagamot ng mga batang Cancer Patients. Minsan na rin akong dinala ng isang tauhan ni Mr. CO sa lugar na iyon. At sa mga hindi nakakaalam, si Mr. CO ay isang certified Philanthropist ng bansa, na never ipinagyabang ang mga naging contributions sa society, kaya sino ba naman ako para tumanggi na maging part ng mga nasimulan niyang charity works?
Habag na habag ako sa mga batang nando'n! for how could life be so cruel to them? ang bata bata pa nila pero ninakaw na ng kanilang karamdaman ang mga oras at sandaling naglalaro at nag-eenjoy sana sila sa buhay. I realized how lucky and blessed I am, kasi although nakaranas din naman kami ng kahirapan, pero walang wala 'yon sa kalingkingan ng hirap at pasakit na dinaranas ng mga batang iyon. And perhaps that alone could already be enough reason para ako mapa Oo. Kasi for me... isang karangalan ang makatulong sa mga batang pilit na lumalaban at umaasang madudugtungan pa ang sariling buhay.
And with regards to having RENZ LUCIO in the picture! is a totally different story. Dahil hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit napunta sa kanya ang isa pang lead role. Not to discriminate... of course I am fully aware na napaka talented niyang tao, it's just that... medyo matagal na kasi niyang nawala sa limelight, at baka hindi narin siya komportableng mag portray ng role sa harap ng camera.
But then again, wala naman akong karapatang kwestyunin ang desisyon ng mga creators, dahil higit sa lahat sila ang mas may alam sa mga gano'ng bagay. And come to think of it! fit rin naman talaga sa kanya ang role. Parang in real life lang... minsan pa ngang sumagi sa isipan ko noon na baka this movie is really made for him at idinagdag nalang 'yong character ko to add life to the story. Well, whatever the reason is... ay hindi narin mahalaga for now, what matters most is pasok sa standard ko ang nasabing proyekto. Idagdag pa ang lahat ng effort at compromises na ginawa nila in order for me to say yes.
And going back sa pagpayag ko na muli kaming magsama on screen. Well, I have to admit na nag ho-hold back ako at first, kasi nga... ang tagal na naming walang communication, kumbaga we're back to being strangers now. Hindi ko na alam kung siya parin ba 'yong dating Renz na nakasama ko noon. Sa tagal ba naman ng panahong lumipas, tiyak kong may mga pagbabago na sa kanya. Pero dahil narin sa dare ni Mamo at ng mga taong nakapaligid sa amin, kaya ayon... na challenge ako na gawin ang pelikula with him.
Biruin niyo, just because of a certain dare ay pumayag akong muling makatrabaho si Renz? how pathetic! but still...ginawa ko parin, para lang patunayan sa lahat na wala na nga akong nakatagong pagtingin sa kanya. Para lang itong isang challenge na ginagawa ko sa mga vlog dati. Natatawa akong isipin, parang tanga lang! pero ganon talaga eh... minsan kailangan mong mag take ng risk at gumawa ng mga kakaibang desisyon just to prove something to someone and to yourself as well.
Kung alam lang ng mga tao ang ginawa kong preparations para sa muli naming pagkikita! Iba't ibang klase ng mind set training, paulit ulit na viewing sa mga videos niya, to be able to get used to his presence again. Pati yata posters niya ay kinakausap ko narin. Mukha naman siyang effective, kasi nagawa kong maging professional sa una naming pagkikita pagkatapos ng mahabang taon.
Although I must admit na may slight kaba parin naman akong naramdaman, hindi lang siguro nahalata, coz I really know to handle myself well. Tandang tanda ko pa ang naging itsura niya sa story con. Para siyang nakakita ng multo ng muli akong masilayan! little did he know ay dumadagundong din ang dibdib ko sa kaba no'n, kaya pinili kong unang lumingon sa direksiyong salungat sa kinarorooan niya upang hugutin ang lakas ng loob. Isa pa, kinontsaba ko lang naman ang buong team upang isikreto ang lahat sa kanya. I couldn't believe na pumayag sila sa mga kabaliwan ko, para lang ako mapa Oo. Hindi sa pagiging mean... I actually feel so sorry for Renz at that time, pero... gusto ko lang talaga na makita ang reaction niya sa muli naming pagkikita, sa panahong hindi niya inaasahan.
At 'yon lang ang hiningi kong sign. Pinirmahan ko ang kontrata after that event, kasi inakala ko na hindi na ako matitinag pa. I'm pretty sure na maitatawid ko ng maayos ang gagawing pelikula. Thankful din ako na sa kabila ng ipinakitang pagkagulat at bahagyang pagka-inis ni Renz sa mga nangyari, buong puso parin niyang tinanggap ang pagkakataong muli kaming magkatrabaho.
Marahil ay nabigla lang siguro siya, kaya wala man lang kibo noong una. Sabagay, kahit naman siguro ako ang malagay sa gano'ng sitwasyon ay gano'n rin ang aking mararamdaman. Baka nga mas malala pa ang ginawa ko, at baka hindi ko narin gugustuhing ituloy pa ang proyekto. Buti nalang at mukhang may mas mabigat na rason din si Renz kaya naayos ang lahat ng gusot.
Nagkaro'n din naman kami ng simple talks just before the camera started to roll. Nagsilbi itong warm-up bago namin sinimulan ang movie. But those were done in a professional way, at sa harap ng mga creators at head ng buong production team. Just purely business at never pa kaming nag reconnect on a personal level.
Nagka ilangan kami sa simula, pero naging at ease naman ang bawat isa habang tumatagal na. Isa pa, iilang eksena pa lang talaga ang kinukunan na magkasama kaming dalawa. Inuna muna 'yong mga individual scenes at sinadyang ihuli ang mga mabibigat na eksena. Specifically 'yong mga intimate part, marahil ay na anticipate narin ni Direk na hindi iyon magiging madali for the both of us. At nangyari nga ang lahat ng 'yon kalaunan. Nagkanda palpak palpak kami. "Urgh..." sinigaw ko iyon, mas maigi ng mailabas ko lahat.
Naiinis akong muling alalahanin ang mga kapalpakang nagawa sa set. Muli akong tumayo at nagpasyang maglakad lakad, just to release the pressure. It's about time to lay all those baggage down. Including all my hang ups from the past na bitbit-bitbit ko magpa hanggang ngayon. Iiwanan ko na ang lahat dito upang muling makapagsimula ng maayos at magaan.
Habang patuloy na naglalakad ay natatanaw ko ang isang anino ng taong sumasayaw di kalayuan sa akin. Sumasabay ito sa ritmo ng tutugin na maririnig sa ere. Itinutok ko ang atensiyon sa kanya. Parang pamilyar na pamilyar ang kanyang mga galawan. Pati 'yong tinutugtog na musika ay pamilyar din sa akin. Nagpasya pa akong humakbang papalapit sa kanya.