Decision

2816 Words
Napa iling ako, how can she pull such an act like this? bakit nila ako pinaglalaruan? "I need an explanation, Miss Jane!" I say it bluntly. "About what Mr. Salvador?" nagmamaang-maangan parin siya. Tiim bagang ko siyang tiningnan. "Bakit wala man lang nag inform sa'kin na si Vana Marie ang makakapareha ko?" Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. "Ow, I'm sorry for the inconvenience, pero hindi po pala kayo na inform Sir?" "Naglulukuhan ba tayo dito Miss Jane? Cause the last time I check, trabaho mo 'yon di ba? Ang magbigay ng detalye sa'kin? But as far as I can remember... parang wala ka namang nababanggit!" I just can't help but raise my voice on her. "Okay, wala nga po talaga akong nababanggit, and I'm so sorry for that, it was a negligence on my part I suppose... and maybe, hindi ko na naipaabot sa inyo, simply because... you didn't ask about it! Sir," may diin ang kanyang huling mga salita, ngunit may paggalang parin naman sa huli. "What?" muli akong umiling... "I can't believe this! so all this time kasalanan ko pa pala?" "Again, I'm really sorry if this comes as a complete surprise, though it was suppose to be like that. A surprise na inakala naming magugustuhan mo. And as far as I can remember din, you told us na hindi mo na pakikialaman ang script at ang magiging cast, di ppo ba? You even said that you will entrust the works sa mga taong naka assign na gumawa nito. Na hihintayin mo na lamang ang itinakdang araw para sa pagkikita ng buong cast, while you're busy doing your thing sa FHD PH." Naging marahan na siya sa pagpapaliwanag. "But Miss Jane... just because I say those words, doesn't mean na hindi niyo na ipapaalam sa'kin ang lahat! Karapatan ko pa ring malaman 'yon. And those things aren't suppose to be a surprise. Us, artists should know whom we'll gonna be working with. Para makapaghanda kami. You could just have given me a hint! at least," pagdedepensa ko sa sarili at magsasalita pa sana when she immediately cut me off. "But Mr. Salvador, Sir... Ano po ba talaga ang problema? dahil hindi kayo na inform kaagad? or dahil hindi niyo ine-expect na siya ang magiging partner ninyo?" "Both!" maikli kong sagot sa tanong niya. "Okay, so ano po ba ang gusto ninyong mangyari sa ngayon?" "Hindi ko alam, ewan ko!" I waive my hand. "Sa totoo lang, ay nalilito na rin ako," napahawak ako sa batok, habang nakapikit. "Hindi po puwede ang gano'n Sir, isipin niyo na lang... Miss Vana accepted the offer and agreed to work with us, probably because she saw something good in this project. Kasi kung tutuusin? puwede naman niya itong tanggihan, hindi ito magiging kawalan sa kanya, sa dami ba naman ng options na nakalatag in front of her? I mean... there are a lot of people out there na gustong gusto siyang makatrabaho and yet, she still chose to be with us." Napa isip ako ng ilang sandali, actually may point si Miss Jane do'n, pero naiinis parin talaga ako, hindi pa ako nakaka recover sa nangyari kahapon and so I needed to let go of my emotions. "So, are you trying to say that I should be grateful for the surprise? She's a big star, alam ko 'yon! but it doesn't mean na feelings niya lang ang iko consider ninyo! 'cause the last time I checked... I am also part of this project at ginawa niyo ang lahat in order for me to say yes!" I said in a sarcastic way. "No, no... of course we do consider your feelings, Sir! Naiintindihan ko po kayo, believe me... ang sinasabi ko lang naman is baka enough na po na reason 'yon para kumalma kayo." "Kumalma? paano ba kumalma? Naiintindihan niyo ba ang nangyayari Miss Jane? Paano ako kakalma, gayong nagmukha akong tanga sa event!" I am really losing my temper at bumahing ako ng maka ilang beses. "Achoo!" tinakpan ko ang aking bibig, pero naging sunod sunod ang bahing ko. "Achoo! S-sorry... I just can't help it, excuse me..." tumayo ako at nagpunta sa isang sulok. It's a cue that I needed to cool down. Sa hindi ko malamang dahilanan ay ganito talaga ang nangyayari sa akin every time I looses my temper. It's a sign that I am enraged and so I should calm myself. "I'm really sorry Sir, again...it was a negligence on our part, kasi inakala po namin na hindi ito magiging problema sa inyo, We assumed, me in particular... We thought that that you two are in good terms, thus inisip ko na baka matuwa pa kayo sa surpresa namin. But it turns out that I got the wrong impression. Kaya please Sir, do accept my sincerest apology. I promise na di na po talaga ito mauulit, you'll know every single detail from now on." I rub my temples with my two fingers at tila nahimasmasan ako maka ilang sandali. Kahit pa'no ay nakaramdam rin ng konting awa sa babaeng kausap ko. Baka nga naman masyado nang nagiging OA 'yong reaction ko. Kaya't di na lamang ako kumibo, habang pasulyap sulyap sa kanya. Maya maya ay may tinanong ulit siya sa akin. "Sir, wag niyo po sanang mamasamain, pero... nagtataka lang po ako kung bakit parang napaka big deal nito para sa inyo? hindi ko po kasi naiintindihan..." she seems confused. Kumunot ang noo ko sa tanong na'yon! parang bumalik ang aking pagka inis. "Ilang taon kana ba Miss Jane?" "Po? Ako po, 25 na po!" Ipinatong nito ang kanang kamay sa dibdib bilang pagtuturo sa sarili. Bumalik ako sa upuan makailang saglit. "Wala ka bang alam sa nangyari sa'min a few years back? hindi ka ba napadpad sa mundo ng SOCMED before? I mean...it's all over the net, 'yong naging story namin?" Tumawa muna siya bago sumagot. "Are we talking about LUCIANA Sir?" May alam naman pala siya eh, so there's no need for an explanation. Hinayaan ko na lamang siyang magsalita ng magsalita pagkatapos. "Di ba friends naman po kayo? Great friends pa nga sabi niyo sa mga interviews before, and as far as I remember na settle napo lahat ng issue sa inyong dalawa before you've decided to go back to China. Di ba dapat excited kayong makita at makatrabaho ang isa't isa ngayon? Not unless..." hindi na niya itinuloy. "Unless what Miss Jane?" "Unless...merong hindi nalaman 'yong mga fans. Sorry again Sir, but I'm just stating possible facts here..." The nerve of this girl! Mas nagiging prangka na siya ngayon, kagaya nalang ng Boss niya! at mukhang marami talaga siyang alam sa naging hstory namin. I didn't answer her directly, instead ay sinagot ko siya ng isa ring tanong. "Ba't ang dami mong alam? na witness mo ba 'yong mga pangyayari noong araw?" I raise my brows high. She slightly giggled at tila nag-isip ng isasagot. "To be very honest Sir, I'm such a fan po, actually kaming dalawa ng anak ni..." ngunit bigla niya itong tinigilan at hindi na dinugtungan ang tungkol sa bagay na 'yon. "Basta Sir, marami po kami no'n, kayo pong dalawa ni Miss Vana ang naging source of happiness namin, especially at those times of Pandemic." paglalahad niya. Pero kaninong anak kaya ang tinutukoy niya niya? panandaliang tanong na nabuo sa aking isipan, ngunit hindi na rin ako nag usisa pa, baka anak lang ng isang kakilala niya. Mas napukaw ang atensiyon ko sa mga ni reveal niyang experiences as a fan. Nagulat ako sa nalaman, that she is one of LUCIANA'S biggest supporters back in the days, at lalo pa siyang naging madaldal no'ng mapansing nakikinig ako. Hanggang sa tuluyan ng nawala ang formality sa pag-uusap namin. Sa hindi rin matukoy na dahilan ay unti unting naglaho ang pagka inis ko sa mga pangyayari. Masyado akong naaliw sa mga sinasabi niya. Sumagi na naman sa isipan ko 'yong mga panahong tunog na tunog ang pangalan naming dalawa ni Vee sa social media. Kung gaano kaingay ang mga fans dati at ang mga delusions nila involving the two of us. Kanya kanyang interpretations at kanya-kanyang expressions, ang dami pang nabuong mga terms at phrases na sila sila rin mismo ang may gawa, at sa di inaasahang pagkakataon, kung kelan lumipas na ang panahon, saka ko pa makakadaupang palad ang isa sa kanila. Natapos ang aming pag-uusap na may nabuong pagkakaibigan between me and Miss Jane. May itinatago palang kakulitan at kaingayan ang babaeng inakala kong tahimik at mataray sa unang pagkikita. First impression don't really last, and so umuwi ako ng bahay na malinaw ang pag-iisip at buo na ang desisyon na gagampanan ng maayos ang tungkulin, kasabay ng isang pakiusap na bigyan muna ako ng enough time to process things. I wanted to be in a good state bago namin simulan ang shooting ng pelikula. Naisip ko na tama si Miss Jane, huwag na naming gawing komplikado ang mga bagay bagay...bagkos ay magpasalamat na lamang sa maykapal at sa pagkakataong ibinigay ng tadhana. Pagkakataong makatulong dahil bahagi ng proceeds nito ay ido-donate nila sa mga Cancer patients na walang kakayahang ipagamot ang sarili. Kung bakit at kung paano nangyari ay hindi niya pa maipaliwanag sa ngayon, ang dami ko kasing nadidiskubre sa paglipas ng mga araw. It seems like inuunti unti nilang nire reveal ang mga bagay bagay sa akin. At kung hanggang kelan nila ako sosorpresahin ng ganito? ay hindi ko na masasabi. Basta natutunan ko nalang sumabay sa agos at daloy ng mga pangyayari. Buong puso ko ding niyakap ang pagkakataong na muling makapagpasaya ng mga tao. After all hindi naman lingid sa kaalaman ko na marami parin talaga ang mga fans ang nag-aabang sa muli naming pagsasama. Sinabi din ng bago kong kaibigan na sa akin raw mismo niya nakuha ang gano'ng klaseng state of mind. Na amaze ako at tila di makapaniwala na nagkaroon din pala ng impact sa life ng iba ang mga pinagsasasabi ko dati, Nagme-make sense pala ang mga katagang minsang lumabas sa aking bibig noong araw. Kaya naisip ko na wala akong karapatang magreklamo, and that I should be grateful enough...kasi kung tutuusin ako ang higit na makikinabang sa mga nangyayari ngayon at marahil ay sa mga susunod pa na mga araw. After I said yes ay isang paanyaya ang natanggap ko mula kay Mr. Co. a week before the scheduled signing of contract. May mahalagang bagay siyang nireveal sa akin, isang bagay na mas nagpabilis ng desisyon ko. Sinundo ako ni Miss Jane at sinamahan papunta sa kanya kinaumagahan ng sumunod na raw. Huminto ang sinasakyan namin sa isang magarang restaurant kung saan inakala kong doon na kami mag-uusap. Which didn't happen, dahil bago paman ako makababa ng sasakyan ay nag ring na ang phone ni Miss Jane. "Hello Sir, Yes we're here na po, kararating lang namin." "Lalabas na po kayo? Sige po! We'll just wait for you outside. Bye po Sir." Dinig na dinig ko ang boses nito habang may kinakausap sa kabilang linya, at pagkatapos ay bumaling siya sa akin maka-ilang minuto. "Si Mr. Co 'yong tumawag Renz, dito na lang daw tayo maghintay at palabas na siya," aniya. "So, hindi na tayo papasok do'n Jane?" tanong ko na sinagot niya ng isang simpleng iling. And yes we're on our first name basis now, after that long talk sa kanyang opisina. Maya-maya lang ay lumabas na si Mr. CO. Bumaba narin siya ng sasakyan at lumipat ito katabi ng driver's seat, that gave me the access to Mr. Co. Bago paman ako nakabati ay naunahan na niya ako, sadyang maagap yata siya. "Hello Renz, glad to see you again!" sabay tapik niya sa balikat ko. "Good afternoon po Sir, nice seeing you din po!" I nodded and smiled. Ngumiti din siya..."So, ano Renz? Ready ka na?" "S-Sa alin po?" tila nalilito kong tanong. "Ready ka na bang malaman ang kasagutan sa mga tanong mo noon?' "Po? Ano po bang ibig niyong sabihin?' "Remember the conversation we had over the phone? The one that I've told you na malalaman mo lang ang lahat if you will accept my offer. Well I guess, this is the right time to reveal my little secret, since you already said yes to me, although you asked for a little bit more time to go through the process. I presumed that this will motivate you more and might as well speed up your decision making. Kaya nandito ako ngayon, naisip kong sabihin na ang lahat before we will seal the deal. Magaganap naman 'yon, right Renz?" humilig siya ng konti pagkasabi no.n. I nodded, "Of course Sir!" I simply agreed, pero may mga bagay parin na naglalaro sa utak ko. Oo nga pala! bigla kong naalala. How could I forget about the deal? when I am so damn curious to know the details. Bigla akong na excite, sa wakas ay malaman ko narin ang lahat. Minutes after ay huminto na kami sa isang malaking Hospital na siya kong ipinagtataka. "What are we doing here? may charity work po ba kayo dito?" I raise the question base narin sa mga nalaman ko from Jane. "You'll get to know in a while..." isang pilit na ngiti ang kanyang pinakawalan. Sumakay kami ng elavator patungong 5th floor at pumasok sa isang ward na may mga batang iniinda ang malubhang sakit. Halos madurog ang puso ko by simply watching them. For how can life be so cruel with these little angels? yet you can still see hope beaming upon their eyes, despite the fact. We stayed there for a little while, nakipag-usap at nakipagkulitan kami sa kanila along with Jane, habang may kausap ang Boss niya sa telepono. Hanggang sa magpasya na si Mr. CO na umalis minutes after. Muli kaming sumakay sa elevator, and when I was about to push the button pababa, pinindot ni Miss Jane ang mas malaking numero paitaas. We we're now heading to the 10th floor, kung bakit? ay isa na namang malaking palaisipan para sa akin. Bumuntong hininga ako nang maalala ang mga sandaling iyon. I really need to sort things out. Hindi pwedeng mauwi ang lahat sa wala, just because of my selfish reasons. I cannot allow myself to screw up again, definitely not this time... Tumayo ako at nagpasyang maglakad-lakad sa may dalampasigan. Naka ilang hakbang pa ako sa may baybayin ng biglang makarinig ng isang pamilyar na kantang pinatugtog sa ere. ♫Magandang dilag, puso ko'y 'yong nabihag Wala ng ninanais, ligaya kang labis oh... ♫♫♫ Napakalakas naman ng tunog ng speaker at umabot pa ito sa kinaruruunan ko, parang sinadya lang. Natatawa ako sa sarili, sa mga naiisip ngayon. Di ko napigilang sumayaw, may bigla na namang nag flash back sa memory ko. Di ba ito 'yong DC na muling nagpabalik sa million views ko in just 24 hours, after it was being uploaded sa iba't ibang sites? Nagkagulo pa ang mga fans no'n, ang daming speculations as to whom it was dedicated to. Kanino nga ba talaga? napahawak ako sa may baba para alalahanin ang sandaling iyon! at minsan pang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Pero kung para kanino man 'yon ay tanging ako at ang taong pinag-alayan ko nito ang nakakaalam. Coz There are certain things in life na hindi na dapat pang i share pa sa public. Kaya hahayaan ko na lamang ang mga fans na manghula, afterall expert naman sila sa paglalaro ng puzzle at connect the dots di ba? Gusto nila 'yon kaya ibinigay ko. Nagpasya akong sabayan na ang tugtog, I just can't help it. I close my eyes while executing some steps, ninanamnam ko ang bawat lyrics ng nasabing kanta na sinundan ng isa pang pamilyar na musika. It's turning out just another day I took a shower and I went on my way♫♫♫ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ And I was dying inside to hold you I couldn't believe what I felt for you Dying inside I was dying inside But I couldn't bring myself to touch you♫♫♫ Napaisip ako kung sino ang nasa disc ng mga oras na'yon, pakiwari ko'y sinasadya talaga niya talagang patugtugin ang mga lahat ng 'yon. At kung 'yong nauna ay palaisipan sa kung para kanino? eto naman ay... well, sino ba naman ang hindi nakakaalam ng back story ng nasabing DC? at sino ba naman ang hindi nakakakilala sa masyadong malakas na nilalang na nag request nito? kasama yata ang kantang 'to sa National Anthem ng mga LUCIANA. Mukhang nagti-trip down memory lane ang DJ, which is perfectly fine with me. Pagbibigyan ko ang gusto niyang mangyari, besides miss ko narin naman talaga ang mga ganitong galawan. Nagpatuloy pa ako sa pag-indak at sa sobrang focus sa ginagawa ay hindi ko na namamalayan ang mga pares ng mata na malayang nakatitig sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD