Magdamag kong paulit-ulit na binasa ang sampung pahina ng nasabing proposal. Nakapaloob dito ang lahat ng detalye tungkol sa gagawing project. Mag i-invest si Mr. CO ng napakalaking halaga sa kompanya that automatically grant him a seat at the board.
Kasabay no'n ay ang planong full-out na pasukin ang lahat ng field sa entertainment industry. Hindi lang raw kami mag fo-focus sa sayaw, sa mga dance class at choreography sessions, but we will also venture on producing shows and concerts and later invest in making videos too. It will be a long-term goal na unti unti naming isasakatuparan... slowly but surely.
Maraming tauhan si Mr. Co na pupuwedeng mag assist upang lalong mapabilis ang proseso ng mga papeles. At sa lawak ng koneksiyon na meron siya ay pihadong magiging madali nalang ang lahat para sa amin. Besides, naayos ko na din naman 'yong iba pang mga detalye, so follow-up nalang ang kulang.
Na e-excite ako sa mga posibleng mangyari. I feel goose bumps all over me. Tapos na akong mag explore sa mga ginagawa ng isang artist in front of the camera, ngayon ay gusto ko namang maging bahagi ng mga tao sa likod nito. Aside sa pagiging CEO ay magiging producer na rin ako, as I am now one of the stockholders. Kasali 'yon sa deal na pinirmahan ko no'ng magdesisyon silang pabalikin ako ng bansa.
Pero bago mangyari ang lahat, kailangan ko munang gawin ang pelikula. Ito ang magiging kahuli hulihang project ni Mr. Co under his independent movie production before the upcoming partnership with FHD.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin talaga naiintindihan kung bakit ito ang naging bargain sa mga pangyayari. Kung hindi ko lang nakaharap si Mr. Co ay iisipin ko marahil na isa siyang obsessed fan, ayaw niya kasi akong tantanan. Pero no'ng magkaharap na kami ay ako pa yata 'yong namangha at humanga sa kanya.
Isa siyang napaka prominanteng negosyante ng bansa, na kagaya ko ay nahihirapang tumanggap ng isang "NO" for an answer. Maybe he's impressed by my principles, at marahil ay na challenge din sa ginawa kong pagtanggi sa kanya.
Nagpatuloy pa ako sa pagbabasa, naghahanap ng detalye about sa gagawing movie at kung paano ang magiging takbo ng story nito. Wala pa do'n ang full script, pero nakasaad sa isang bahagi no'n na ita-tackle ang pagbuo ng FHD PH bilang part ng journey ng gagampanan kong karakter. A some sort of promotion narin para sa company. Ginawa ito ni Mr. Co ng isang bagsakan nalang, siniguradong hinding hindi na ako makakatanggi pa.
Inilatag na sa akin ang lahat, at kung susuriing mabuti, it was made all in favor of my best interest. Kaya sino ba naman ako para tumanggi sa gano'n kagandang oportunidad? May isang bagay pa akong tinanong kay Mr. CO no'n sa telepono, at ang naging kasagutan niya ang mas lalo pang nagtulak sa akin upang sunggaban ang isang pambihirang pagkakataong ibinigay ng tadhana.
I didn't even bother to asked kung sino-sino ang magiging part ng nasabing pelikula. Di na 'yon big deal para sa'kin, kaya hindi paman natapos ang buong linggo ay tumawag na ako kay Miss Jane at hiniling na makita ang kabuuang detalye ng script na siya namang agad agad niyang ipinadala.
Ngunit bahagya akong nagulat pagkabasa no'n, sapagkat hindi ito ang iniisip kong concept ng pelikula. Sa pagkakaintindi ko kasi ay magiging solo project ko ito. But base sa nababasa kong script, ay may iba pang lead character na kukumpleto sa takbo ng estorya. Which only means na magiging equal ko sa lahat ng aspeto at hindi lang basta leading lady.
It will be a story between two people who strive hard to pursue their dreams and passion. The struggles and challenges that they've gone through, including the sacrifices they have made and a lot of circumstance that has intertwined their lives.
Bigat din ng magiging papel nito, at kanino naman kaya mapupunta ang nasabing role? Well, sabi nila it is still under negotiations, and so I did not stress myself enough on thinking sa kung sino ang magiging future movie partner ko. Basta, I accepted the offer wholeheartedly, regardless of... at kahit medyo naiba man ng konti sa ini-imagine kong concept noon, ay wala na rin akong ipinabago pa dito. Ipinagkakatiwala ko na ang mga bagay na 'yon sa mga taong mas nakakaalam.
Samantala ay itinuon kong muli ang sarili sa pagbuo ng FHD PH, habang pina finalize ng production team ang kabuuan ng iso-shoot naming pelikula. Hihintayin ko na lamang ang go signal nila upang maisakatuparan ang lahat.
Hanggang sa dumating ang araw ng Story Con kasabay ng final casting. This is it! ma re-reveal na ang pangalan ng mga artist na bubuo sa pelikulang gagawin namin. Higit sa lahat sa kung kanino ba mapupunta ang female lead role. I have a lot of artist in my mind, but then again...hindi ko na pinakialaman ang aspetong 'yon, cause I believe that they will only settle with the best. Ibibigay nila ang role sa taong karapat dapat na gumanap nito.
Naka faded denim jeans at black shirt ako na pinatungan ng isang grey coat. Itinali ang mahabang buhok at piniling wag ng mag sombrero. I din't even wear glasses, cause I tried to put contacts on for a change.
Sinamahan ako ni Mami sa venue at marami rami narin ang mga tao pagdating namin. May kanya kanya kaming reserved seat, kaagad ko namang nakita 'yong sa akin, while Mami Hein joins the crowd. Mga ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang pinakakahintay kong sandali, sa wakas ay makikilala ko narin ang magiging kapareha.
How could I ever forget that day? Nasa tamang usap lamang kami ng mga katabi ng biglang may nag-ingay, nandito na raw 'yong hinihintay namin at pagkatapos ay pumasok ang isang petite na babae.
Naka tattered black fitted jeans siya at pink sleeveless blouse na medyo nakalabas ang cleavage. Her hair was done in a half bun style, at may mga iilang hibla ang tumatakip sa isang bahagi ng kangyang mukha. I barely recognized her face as she turns to the opposite direction. But for some reason ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib. Silly thoughts ruled over my head, habang matiim ko siyang tinititigan. Her walk, No! Her grace, cannot be! Her moves and her style, parang pamilyar na pamilyar talaga sa'kin, eh! But I immediately shrugged the idea out of my head, kasabay ng isang iling.
"NO! it's not her... imposible!" pagkokontra ko sa sarili. Maliit masyado ang babaeng 'yon at ang nasa harapan ko ngayon ay medyo may laman, VOLUPTUOUS FIGURE as others would say. Kaya imposibleng maging siya 'to! although magka same height lang sila, at may konting pagkakahawig sa isang anggulo. Wait a sec... Hawig talaga? Namamalik lang siguro ako. And I'm sorry to say this Vee... pero, sa tingin ko ay mas sexy ang babaeng ito kung hubog rin lang ng katawan ang pag-uusapan.
Ilang sandali pa ay bumaling na siya sa direksiyon ko that made my heart beat stops in a minute. Napaawang ang aking bibig. My goodness! I think I froze for a while as I stare at the lady approaching our seats.
"WOOOH!" muntik ko ng maibulalas. I closed my eyes and tried to blink for a few times, thinking na baka namamalikmata nga talaga ako. Pero siya at siya parin ang nasisilayan nito, the moment I open my sight. Parang gusto ko na tuloy magpakurot sa katabi, just to be sure na totoo ang lahat ng nakikita ko ngayon at hindi ito isang panaginip lamang.
Ang babaeng biglang pumasok sa isipan ko kani kanina lang, ang babaeng minsa'y naging laman ng aking puso't kaluluwa, now standing right before my very own eyes.
Hindi parin ako makagalaw, at waring tumigil sa pagtakbo ang oras ng muli kong nasilayan ang kanyang kagandahan. Ang ganda ganda parin talaga niya...mas naging kaakit akit pa nga actually. Bumagay sa katawan niya ang bahagyang pagdagdag ng kanyang timbang. Bigla akong nawala sa sarili at animo'y na nag so-short circuit ang buo kong katawan. Ano ba 'tong ginagawa ni Mr. CO sa akin? What the hell is happening here? Pagkatapos sila akong suyuin at ibigay ang lahat para lang mapa Oo! bakit tila pinaparusahan nila ako ngayon? Bakit wala man lang bumabanggit na si Vana Marie ang makakapareha ko? nakapaghanda man lang sana ako sa muli naming pagkikita.
Our gaze locked for a few moments as she gave her warmth smile on me, then I averted my eyes. "Ahhhh..." there she goes again with that smile, that killer smile that has always blown my mind away. I am loosing my control, 'yong feeling na sumisigaw ka, ngunit wala namang lumalabas na mga salita sa bibig mo. Kasi tila may nakabara na kung anong bagay sa iyong lalamunan? That's exactly how I felt.
At sa sobrang tense ay hindi ko na matandaan kung ano ang response ko sa naging gestures niya towards me. But what bothers me the most is... Bakit hindi ko man lang siya nakitaan ng kaonting pagkagulat? parang normal lang ang naging reaction niya. Does it means... she's aware of my existence sa nasabing movie project? that I am included in the cast?
Ang unfair naman ng production team. Bumuntong hininga ako, all this time ay alam ni Vee, samantalang wala man lang nakarating sa akin? Bahagya akong nainis, hinilot ko ang aking sentido habang nakayuko. Is this some kind of a joke? pinagkakaisahan ba ako ng lahat?
Naging halo halo na ang emosyon na nakapaloob sa damdamin ko nang mga oras na'yon, kung puwede lang akong lamunin ng lupa ay nakiusap na ako dito. If there's one thing that I wanted to do at that moment is ang tumayo at talikuran silang lahat. Bagay na hindi ko puwedeng gawin...until I just found myself praying na sana tumakbo ng mabilis ang oras at matapos na ang nasabing pagtitipon.
I can't keep up with this anymore. Sa pakiwari ko'y nauubusan na ako ng hininga at naging blurred na ang lahat sa paligid. Magpahanda na kaya ako ng ambulance? naisip ko.
There were even questions na sinasalo nalang ni direk, marahil ay ramdam din niya ang aking kaba. Sabagay, aware din naman siya na hindi na ako sanay sa mga ganito, na nanibabago ulit ako. Hindi gaya ni Vee na sanay na sanay na sa mga ganitong pangyayari. She definitely knows how to handle herself in situations such as these. She knows how to play along with the press, samantalang hindi ako halos umiimik man lang. But I tried to compose myself as well, sa abot ng aking makakaya at nagawa ko pa ring tapusin ng maayos ang dinaluhang event. Nakahinga ako ng maluwag sa huli, pero may kailangan pa silang ipaliwanag sa akin.They better have good reasons to tell, they better do it right...or I might change my mind.
I find it hard to absorb things right now. The idea of working with her again doesn't really crossed my mind, not now and not in the days to come... hindi pa ako handang muling magkaroon ng interaction sa kanya, and yet inalagay nila ako sa ganitong posisyon without even seeking for my opinion. Now I am beginning to hate surprises.
Magdamag akong hindi pinatulog ng mga pangyayari. Kung kelan settled na ang lahat, kung kelan naipaabot ko na sa mga boss ng FHD Global na tuloy na tuloy na ang magiging expansion nito sa bansa, saka naman bubulaga ang ganitong bagay sa akin.
The day after ay nagpasya akong sumugod sa isang building na pag-aari ni Mr. CO, kaagad naman akong inasikaso ni Miss Jane at pinapasok sa kanyang office. Mukhang alam na niya ang pakay ko. May inutusan siyang mag serve ng coffee, then hinayaan muna akong umupo at pinaghintay pa ng ilang minuto habang may kinakausap pa siya sa telepono. Nakatayo siya sa isang tabi, malapit sa akin.
"Hello... yes po, he's here at the office now," panaka-naka niya akong sinusulyapan habang nagpatuloy sa pakikipag-usap.
"As expected po, medyo... hindi maganda ang mood," sinadya niyang hinaan ang sariling boses upang hindi ko marinig ang huling mga salita.
"Okay, I'll see what I can do for him."
"I'll try my best..."
"I'll just wait for further instructions, Bye!"
Ibinaba niya ang telepono pagkatapos at naka smile na humarap sa akin.
"Yes, Mr. Salvador, please take a seat," pointing on the vacant seat across her table, habang dahan-dahan narin siyang umuupo sa kanyang swivel chair. "Is there something I can do for you Sir?" she puts on an innocent act.
My brows furrowed then, mas lalo pa yata akong nainis ngayon.