Binilisan ko ang ginagawang paghahanda ng mga gamit na dadalhin sa biyahe. Pagkatapos maayos ang sarili ay sumakay na ako sa aking Force Blue Toyota Mirai, isa ito sa mga naipundar ko noon na sinadya kung iwanan dito, para narin may magamit si Cocoy at ang mga boys. Ilang sandali pa at sinimulan ko ng bagtasin ang daan patungo sa meet up place namin ni Mami Hein, mabilis ko din namang natunton ang nasabing lugar.
I immediately look for a vacant space sa may parking lot the moment I arrived. Ipinuwesto ko ang aking sasakyan sa mismong harapan ng building, I grab my glasses then I entered the premises at umakyat na patungong second floor.
Hinanap ko ang nasabing Coffee Shop, panay rin ang tingin ko sa paligid, hoping not to gather any attention from the crowd who seems to be in and out of the building. The last thing that I wouldn't want to happen, is ang muli akong pagkaguluhan ng mga tao. I'm not yet ready for some chaos again, hindi na ako sanay sa gano'ng mga eksena, matagal na nga naman akong nananahimik sa bansa ng mga taong singkit.
And finally, there it is! nakita ko rin ang hinahanap. Napapagitnaan ito ng isang Spa at ng isa pang Cafe sa kabilang side. Pumasok ako sa loob nito, tamang tama at wala pang masyadong tao roon. Marahil ay alam ni Mame Hein na walang masyadong tao dito at this hour, and so she chose this place for us to talk. Lumingon lingon muna ako sa paligid ngunit walang bakas ng anino niya roon, and so I've decided to make a call.
"Hello Mi, I'm here na..." Palinga linga parin ako, dahil baka nasa tabi tabi lang siya.
"Ah okay... nandiyan ka na? sorry ha, I will be late for a few minutes lang, katatapos lang kasi ng isa ko pang meeting with a client. Anyway I'm on the way na, so see you in a bit."
"Okay lang po Mi, just take your time.... hintayin nalang kita dito."
"Bye the way Renz, I've already made a reservation for us, so just approach someone nalang, okay?"
"Sige po Mi, I'll do that."
"Okay bye! see you later..." At naputol na ang aming pag-uusap.
Minutes after ay humahangos na dumating si Mami, dumiretso siya sa table kung saan ako naghihintay, marahil ay nasabi na ng staff kung saan ako nakaupo. Kaagad akong tumayo pagkakakita sa kanya, bumeso siya sa akin, at inilapag ang mga gamit sa isang bahagi ng mesa.
"Hi Mi..." as I greeted her.
"Hello Renz, pasensiya na talaga at pinaghintay kita." nag-aalala niyang sabi.
I just smiled at her. "Okay lang po Mi, wala pong problema at least nakapagmuni-muni pa ako ng ilang sandali."
Tinitigan niya ako. "Hmmm... muni muni talaga?" tanong na may nais ipahiwatig.
I laugh at her question. "Bakit Mi, may mali ba akong nasabi?"
Nagkibit balikat siya. "Wala naman, may naalala lang ako."
At nagtawanan na kami, as she occupy the seat opposite mine.
Saglit kaming nagkumustahan at maya maya ay tinawag ang waiter upang umorder. Tinanong niya kung kumusta na ang buhay ko ngayon. On how I was able to deal with the changes, at kung ano na ang update ng FHD Expansion.
Mukhang masaya naman siya sa aking naging kasagutan. I told her that I am well adjusted with the system, sinabi ko rin na nasa negotiation stage parin ang business, pero going smooth naman so far... and hopefully, ma fa-finalize na ito just before the year ends.
Kung saan saan pa umabot ang aming usapan at mahaba haba narin ang aming naging kwentuhan ng bigla kong naalala ang dahilan kung bakit ako naparito. Kung nakalimutan niya ba? o sadyang pinakalma niya muna ako, bago nagpasyang ilahad ang lahat. That I cannot really tell.
Nagpasya narin akong magtanong kalaunan. "Maiba tayo Mi... ano nga po pala 'yong gusto niyong i discuss sa'kin?"
"Oh! I'm sorry... napasarap 'ata kuwentuhan natin, nakalimutan ko tuloy," sagot niya after a long pause.
"A-ano kasi... paano ko ba i dedelever 'to sa'yo?"
Kinabahan na naman yata ako sa narinig. "Ano ba kasi 'yon Mi? mas pinatindi muna naman 'yong kaba ko eh!" I burst out.
"Kasi ano..." tila nagdadalawang isip pa siya, ngunit kalaunan ay nakahanap din ng lakas ng loob. "Di ba... may iniwan kang promise before you left the country?" malumanay niyang sabi.
"Aaaa!" tumingala ako, kasabay no'n ay pumikit at hinawakan ko ang aking batok. "Sabi na nga ba eh!" I was right all along.
"Ayaw mo yata, just forget about it nalang... anyway, wala pa namang definite schedule ang mga bagay na'yon, kung kelan ka lang naman magiging handa tsaka natin gagawin," tila nagtatampo niyang pahayag.
"No, hindi naman sa gano'n Mi, it's just that... pumasok kasi talaga siya sa utak ko, the moment I received your call." Bahagya narin akong tumawa to lighten up the mood. And as much as I don't want to bring up the topic, the last thing I would never do is make her upset, and so I've decided to lend an ear.
"Gano'n ba? advance ka talagang mag-isip no? So ano, itutuloy ko pa ba?" muli niyang tanong sa akin.
"Yeah! go on Mi... nandito narin lang naman tayo, might as well marinig ko na lahat."
And then she told me things that seems too good to be true! Meron daw isang producer na interesadong interesado sa akin, na last year pa nangungulit dahil may naiisip daw itong magandang project for me. She also told me that she had once turned down the offer, for the simple reason na nasa China ako at wala pang definite schedule ang pagbalik.
Gusto kong matawa sa narinig, Is this even true? at sino naman 'tong producer na'to? baka wala na siguro siyang magawa sa pera niya, kaya kung anu-ano na ang naiisip! At ako pa talaga ang kinukuha? Unbelievable! of all people...ako talaga? gayong alam naman ng lahat na ang tagal ko ng nag lie low sa showbiz.
Nagpatuloy pa si Mami sa pagkukuwento na lalo ko pang ikinagulat. "Alam mo ba kung anong sinabi niya after I neglected him? sabi ba naman na maghihintay raw siya, kasi feeling niya babalik ka pa ng bansa to pursue your passion, at aabangan raw talaga niya ang araw ng 'yong pagbabalik."
Napa awang ang aking bibig. I can hardly believe it. "Really?" ang tanging nasabi ko.Tumango naman siya bilang tugon. "Di ko nga rin maintindan actually, kasi para bang sure na sure talaga siya sa mga sinasabi niya. At 'yon na nga! he called me a week after the wedding, cause he knows that you're back. Pero sabi ko kakarating mo lang eh! baka kako bumalik ka kaagad ng China pag nalaman mo. Pakonsuwelo ko nalang sa kanya, is if ever na umabot ka ng Three months dito sa bansa, ay pag-uusapan na namin. Eh malay ko ba namang aabot ka nga! tapos ayon kinukulit na naman niya ako kagabi pa, kaya wala na akong choice kundi sabihin na sa'yo ang lahat."
I am absolutely trying hard enough to absorb each words, sasakit na yata ang ulo ko sa kakaisip. Wala akong mahanap na tamang dahilan on why he chooses me. "Anong project ba 'yon Mi? like my concept na ba siya?" I suddenly asked out of curiosity.
"It's one of your dream project! 'yong isang bagay sa bucket list mo noon na hindi pa nalalagyan ng check!"
At sa di maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kakaibang excitement, parang may biglang napukaw na damdamin sa kaloob-looban ko. Tanging isang bagay nalang ang wala pang check sa list na 'yon, cause I gave up and left everything in exchange of my inner peace.
"A dance movie?" wala na talaga akong ibang maisip kundi ang bagay na'yon.
She nodded.
"Oww!" My eyes go widened, and my body starts to shiver.
"So, would you consider doing it?" diritsahan niyang tanong.
Napapikit ako, as I rub the palm of my hands. Hinawakan ko ang aking noo pagkatapos at sandaling nag-isip.
"D-do I need to answer it now?" Tila naguguluhan kong tanong. Kung sana noong araw ko pa natanggap ang ganitong offer, buong puso ko talaga itong tatanggapin. At Oo, aaminin ko na never naman talaga itong nawala sa aking isipan, and that I am fired up again by such idea. Pero, iba na kasi ang sitwasyon ngayon, my priorities has changed through the years.
"Of course not! ang gusto niya lang namang malaman as of now is kung ico-consider mo, and if I'm not mistaken, your seems to be interested." Mukhang pursigidong pursigido talaga si Mami na kumbinsihin ako.
"So, would you like to go over with the proposal? para mapag-aralan mo narin," she added.
Saglit na naman akong nag-isip. "Ang hirap naman po nito..." I was holding my breath for a while kasi hindi ko na alam ang isasagot.
"Alam niyo naman po that I just stayed for the business di ba? at ang dami-dami ko pa pong kailangang ayusin for the company." Finally nahanap ko rin ang tamang salita.
"Oo, alam ko 'yon! at alam din naman niya, sa katunayan nga ipinapaabot niya sa'yo na willing siyang mag-adjust, sabi pa niya na it will be your project, papayagan ka niyang magkaro'n ng say, he will be open for some ideas and suggestions na manggagaling sa'yo," pangungumbinsi pa niya sa akin.
"Hirap namang tanggihan ng offer na yan Mi, para kasing naka set na lahat, at tanging sagot ko nalang ang kulang. Pero ba't niya ba ginagawa 'to? hindi naman ho ako gano'n kasikat para pagkaabalahan niya ng gano'n. I mean... mas marami pang deserving na personalities out there."
"Sa totoo lang...'yan din 'yong sinabi ko sa kanya no'n, pero di naman nakinig eh! nainis pa nga, sabi ba naman niya sa'kin na alam daw niya ginagawa niya."
"And what about him Mi? anong magiging say niya sa project? kung papayagan niya akong makialam sa lahat."
"Well, dahil siya ang producer, sa kanya manggagaling 'yong mga major decisions. And although bibigyan ka niya ng say... there were still certain aspects na siya parin ang masusunod at hindi puwedeng e disclose for now, not unless tatanggapin mo ang offer!"
"Grabe naman to Mi, mukhang magkakaro'n na naman ako ng mga sleepless nights nito!"
"Ang sabihin mo tayong dalawa, hindi lang ikaw baka nga mapasama pa pati si kuya Kem mo!"
"Sige Mi, gan'to nalang...sabihin mo sa kanya that I am considering it, and then usap nalang tayo after kung makabalik from Bukidnon."
"So, uuwi ka? mabuti naman at naisipan mong gawin 'yon."
"Actually Mi, nagpa-pack na ako ng gamit no'ng tumawag ka."
"I see..."
And there it goes... we both agreed to take it slowly, na bibigyan nila ako ng enough time to seriously think about it. Lumipad narin ako papuntang Bukidnon the day after, at pagkatapos ay hinayaang mag-enjoy ang sarili sa bakasyon.
Tuwang tuwa ang Mama at Ate ko, kasi muli na naman kaming nabuo after quite some time. Isinama ko narin si Cocoy sa pag-uwi para makompleto talaga kami. Ang laki laki na ng mga pamangkin ko at nagtataglay din sila ng iba't ibang klase ng talento, sadyang nasa dugo yata namin ang pagiging performer. Kung saan saan kami gumala, sinulit ang bawat araw na magkasama, kasi hindi namin alam kung kelan ulit kami muling magkakasama.
On the way to my last few days sa bakasyon ay nakatanggap ako ng email galing sa isang tao na inatasan kong mag monitor ng updates tungkol sa FHD. Mukhang may mabigat na problema kaming kakaharapin sa susunod na mga araw, and so I have to fly back to Manila ASAP.
Labag man sa kalooban ay mas pinili kong ayusin ang nasabing suliranin, kaya nagpa book ako ng flight right there and then at kaagad na bumalik. Nagdesisyon namang magpaiwan ang aking bunsong kapatid doon ng sa gayon ay hindi na masyadong malungkot si Mama.
On to my fifth month, ay kinukulit na ako ni Boss Xhu, mukhang naiinip narin ang board sa tagal ng progress ng nasabing negotiation kaya't binigyan na ako ng ultimatum ng mga ito.
Pigang piga na ang utak ko sa kakahanap ng solusyon, sumabay pa si Mami sa pangungulit and so I decided to turn down the offer.
Hindi puwedeng mahati ang atensiyon ko sa dalawang bagay, like I cannot serve two masters at the same time. Mas importante ang kompanya dahil pangalan at kredibilidad ko na ang nakataya dito. Wala na akong mukhang maihaharap sa board if ever I fail, not after nila akong pagkatiwalaan. Kaya hindi puwedeng mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko, I'll do whatever it takes in order to succeed.
Ngunit kakaibang stress naman ang naging dulot ng pagtanggi kung iyon kay Mami Hein. Tila ayaw na nitong kausapin ang producer, hindi niya malaman kung paano ipapaabot ang naging desisyon ko. Waring nanghihinayang siya sa ginawa kung pagtanggi sa ganon kagandang oportunidad. Ilang beses din siyang nagsinungaling don sa tao, umaasa na baka magbago pa ang isip ko one day. Hanggang sa dumating ang nakatakdang panahon upang magkaharap harap na kaming tatlo.
Hindi ko na matandaan kung paano niya ako na convince na pumunta sa dinner na 'yon, despite and in spite of the stress that I am going through. Basta, I just found myself na papasok sa isang fancy restaurant. Sinalubong ako ng isang staff do'n at iginiya towards the VIP room kung saan sila naghihintay sa akin. Hinatid pa ako sa mismong table bago tuluyang iniwan doon. Napaka special naman ng naging treatment nila sa akin. I didn't even say a single word, kasi mukhang kilalang kilala na nila ako the moment I showed up.
Tumayo si Mami pagkakita niya sa akin, kaagad niya akong nilapitan.
"Hello Renz, thanks for coming..." aniya.
"Hi Mi..."
Napansin kung may iba pala siyang kasama, isang lalake na sa tantiya ko'y nasa middle age na, at mukha itong executive ng isang malaking kompanya. He's in a dark blue suit, may kaputian, matangos ang ilong at medyo singkit ng konti ang mga mata. Nakatingin siya sa direksiyon ko.
"May kasama po pala kayo Mi..." I utter the words while turning my gaze to the person across her.
Nag smile lang siya at maya maya ay ipinakilala kami ni Mami Hein sa isa't isa.
"Mr. David Co, Sir... I would like you to meet Mr. Renz Lucio Salvador, CEO ng FHD Global that will soon launch FHD PH."
Kapwa kami naglahad ng kamay at kinamayan ang sa isa't isa.
"I heard so much about you, and I've already seen you in some gatherings, though we haven't fomally introduced yet."
"I see..." tanging nasambit ko, kasi hindi ko lubos maisip kung paano niya ako natatandaan, coz I hardly recognized him. He even sounded like he knows me too well.
"Nice to meet you po!" ang tanging naisip kong sabihin, and then I took the seat beside Mami Hein, kaharap ng panauhin. "Bye the way Renz, nag order na pala kami ng food kanina, okay lang ba?" she politely asked me.
"Okay lang po Mi, wala pong problema." sagot ko, habang hindi mawari kung para saan ang meeting na'to? at sino ang lalakeng kasama niya.
Mga limang minuto lang ay bumalik na ang taong nag assist sa akin kanina, kasama ang dalawa pang waiter na may dala dalang pagkain, mukhang ako lang yata ang hinihintay na dumating bago nila i serve ang lahat.
"Para sa'n nga po pala yong pag-uusapan natin ngayon Mi?" pa simple kung tanong when we're about to finished our meal.
It took a while bago siya sumagot, tila naghihintay muna siya ng signal sa lalake. "Shall we get started Sir?" tanong niya sa taong hindi pamilyar ang mukha sa akin."
"Let's get down to business Miss Hein..." he signaled after wiping his mouth with a table napkin. Hudyat upang muling magsalita si Mami.
Bumaling siya sa akin "Di ba matagal mo ng tinatanong sa'kin kung sino ba yong producer na interesadong interesado sa'yo?" tumango ako.
"Well, nasa harapan mo na siya ngayon," tumingin siya sa kay Mr. Co pagkasabi no'n.
Sandali akong natigilan at muli kong ibinalik ang tingin sa lalakeng nasa harapan namin. "Naku sorry po, ngayon ko lang po nalaman..." tumayo ako at yumuko tanda ng pagbibigay galang dito. "It's really an honor to meet you in person, Sir..."
But he just wave his hand to stop the gesture. "It's okay Mr. Salvador, we don't have to be so formal." sabi pa niya.
"I that case, Renz nalang po, you can call me by my first name, mas comfortable po ako do'n!"
"Okay Renz, Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa 'coz I believe that Miss Hein here... "sabay isa ng kamay pointing towards mg Mamidyrer, "have already discussed some details with you. So let's get straight to the point! I wanna know your decision regarding my offer."
I startled, napaka prangka naman ng taong to! ang tanging nasabi ko sa sarili ng mga oras na'yon, para tuloy akong natutuyuan ng laway, kaya dali-dali kung ininom ang tubig na nasa baso.
"A-ano po kasi... I don't know if na mention na ito ni Mami sa inyo, but... I am currently doing a business here in the country."
"Oo, alam ko!" sagot niya.
"So 'yon na nga po, it's not that hindi ako interested, as a matter of fact I got so overwhelmed by your precious offer. Pero... ano po kasi, priority ko talaga ang company for now, thus I want to focus my time on it. But please... don't get me wrong, uulitin ko sobra sobra po akong na flattered for choosing me over much better personalities. And as much as I want to unlock my curiosity on why you're doing such an act? I mean... why will you invest so much on me gayong hindi naman tayo magkakilala? which I believe na di niyo naman din sasabihin sa'kin, not unless I'll say yes! thankful parin po ako sa panahong inilaan ninyo para sa akin.. But I'm sorry, I guess I'll have to say NO."
Nag smile lang siya, "I think I like your honesty young man!"
"Thank you po!"
"By the way, if it won't be too much to ask, may I know the updates of the business deal? Correct me if I'm wrong, but as what I've heard, you're seems to be having trouble around," dagdag pa nitong tanong.
I nodded. "Honestly? medyo nagkakaproblema nga po kami sa ngayon kasi..." he butted in before I could even proceed.
"Kasi last minute ay nag back-out si Mr. Yap, for unknown reasons..."
My eyes broaden, dumbfounded by his knowledge. Pinaiimbistahan ba ako ng taong ito? Hanggang saan ba ang alam niya tungkol sa akin? I feel so strange of his actions.
I locked gaze with Mami Hein, as we both shared a confuse looks. Sa pagkakatanda ko, I just mentioned something about someone retracting the deal, but I never mentioned a name for confidentiality purposes, since we are still on the process of working it out.
"Pa'no niyo po nalaman Sir?" Nagtatakang tanong ni Mami.
"I have my ways Miss Hein... but let me put it this way, the people whom Renz is currently engaging with...are exactly the same persons I am doing businesses with for the past years.
I swallowed hard, absorbing each lines. Now is what they called COINCIDENCE.
"Now listen Renz..." he look at my direction. "for I will only say this once, and you may not be able to hear it again, so better hear me out now..." he say it bluntly.
"How about a win-win solution sa problema mo? I'll help you get another investor, maybe someone who's more capable than Mr. Yap! and then you accept my offer," seryoso niyang pahayag.
Nagulat na naman ako, ilang minuto palang akong nakaupo dito, but never fails to amazed me."P-po? at sino naman po 'yong someone na yon?" lakas loob kong itinanong.
Tiniitigan muna niya muna ako, bago siya sumagot. "AKO..." walang kagatol-gatol niyang sinabi.
And there he goes again! I am really starting to loose my mind here, like did I hear it right? "Seryoso po ba kayo?" paninigurado ko sa sinabi niya.
"Do I look like I'm not?" in a serious tone.
Tinawag niya ang dalawang tao sa kabilang table at inanyayahang maki join sa amin, dali dali naman silang lumapit.
"This is Atty. Gabriel Ardiente and beside him is Ms. Jane Segovia. Part sila ng private team ko, which only means that they are my most trusted personnel." Nag smile lang at bahagyang yumuko ang dalawa bilang tugon sa kanyang mga sinabi.
And then Miss Jane handed an envelope to me. "Excuse me po, Mr. Salvador, here's the business proposal. "Miss Hein..." kay Mami naman siya lumapit ngayon at nag-abot din ng same envelope dito, na ipinagtataka ni Mami, kasi sa pagkakaalam ko she already has a copy of it.
"It's the newly revised proposal at puwede niyo na po siyang i review later. Or if you wanted it done in a corporate way, we could also set an appointment at your convenience. Nandiyan na din po yong mga contact numbers namin ni Atty. Ardiente so please... feel free to call us if ever you might have some queries about it. Ipapahanda narin po namin ang contract right after you decided to agree. And rest assured na mag be-benifit po tayong lahat if we closed this deal." Maikli niyang pahayag sa amin.
Bahagya kong sinulyapan ang pinanggagalingan ng boses na 'yon. Isang simpleng babae na sa tantiya ko ay nasa mid twenties ang edad. Morena pero matingkad ang balat, at mga nasa around 5'3" ang height. Nakagayak siya ng pang opisina, nakapusod ang mahaba nitong itim na buhok at naka glasses din. Animo'y mahiyain siya sa unang tingin pero magaling naman pala itong magsalita. Sabagay hindi ordinaryong tao ang Boss nila kaya I'm pretty sure that they're also one of the best.
"And one more thing... "dagdag pa ng kasamahan nitong Atty. sa baritonong boses. Siya namang nagsasalita ngayon. "We'll give you the whole week to decide, then we'll be expecting some results after. Kami narin ang kakausap sa inyo, kasi my business trip si Mr. Co by that time."
Siya naman ang pinasadahan ko ng tingin, I examined his looks from head to toe. Siguro ay nasa early or mid forties na ang lalakeng nagsasalita ng mga sandaling 'yon. Naka ripped jeans at white polo lang ito, not the typical look of a legal council na minsan kong nakakasalamuha sa mga previous meetings ko in and outside the country. Hmmm... mukhang mas gusto ko ang style niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Mami bago siya nagpahabol ng isa pang mensahe. "Sana lang ay pag-isipan ninyo ito ng mabuti, because this is a once in a lifetime opportunity that shouldn't be pass. Thank you!"
Ano nga bang sasabihin ko? parang hindi parin ako makapaniwala sa lahat, at mas lalo pa yatang nadagdagan ang curiosity ko sa pagkato ni Mr. Co. Kung bakit gano'n nalang ito ka pursigido sa akin? Maya maya pa ay muli na naman itong nagsalita.
"So I guess that will be all for today, 'cause I still have some important matters to attend to." He rises up at kinamayan kaming dalawa ni Mami. "I'll go ahead... thank you for your time and nice meeting you Renz."
"The pleasure is mine po...Thank you!" sagot ko, habang tumatayo narin sa kinuupuan. Aalis na sana sila ngunit saglit na namnag napahinto at muling humarap sa akin. "By the way Renz, some thoughts might rummaging through your head now, pero isa lang ang masasabi ko sa lahat ng ito... this is something too personal for me, or I wouldn't be here. We're dealing beyond business... keep that in mind."
Nagkatinginan 'yong dalawa niyang kasama at pagkasabi no'n ay sama sama na silang umalis sa area. Samantalang naiwan kaming lutang na lutang parin. Napaka misteryoso naman kasi ni Mr. Co, mas dumami tuloy ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko ngayon.