We were under a luminous night sky, as the moon becomes visible on its waxing gibbous phase. It illuminates beyond the horizon, with glittering stars that seems to be dancing around.
Sa ilalim ng tanglaw nito ay abalang-abala ang lahat sa pag-aasikaso ng gagawing event ngayong gabi. Kanya kanya kami ng task, kanya kanya ng roles, joining hands in order to obtain a specific goal. At dahil narin sa team effort ilang minuto pa lang at nasa tamang bihis na ang paligid, just before the given time. Ngayon ay handa na kaming isakatuparan ang napagkasunduan kanina.
Masayang masaya sa ako sa naging naging outcome, as I have exerted too much effort for this act. Binusisi ko lahat, down to the last detail, dinaig ko pa yata ang floor director nito.
Sabagay I've been used to this kind before, minsan na din naman akong nakipag colab sa mga director ng concerts namin back in the days. But we were not doing it now, just to be clear... magpe-perform maybe, or depende sa magiging mood mamaya, at sa magiging energy narin ng mga kasamahan ko. Buti nalang talaga at may mga resident entertainers ang resort, well trained individuals that would gladly cater on the spot events such as these.
Di ko mapigilang ilabas ang ngiti. Sana lang talaga it will work this time, sana hindi masayang ang ibinuhos naming time and effort to get things done.
Sana din magustuhan niya ang lahat, because the ultimate goal is for her to loosen up and open herself once again. Susubukan kung basagin ang pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa, coz it seems na nagiging pasanin na kami ng buong grupo. Kung paano ko gagawin 'yon? hindi ko rin alam actually, bahala na... I'll just have to grab every chances left.
And speaking of her, ano na kaya ang nangyayari sa pag-uusap nila ni direk? kaagad akong umalis sa dining no'ng on the way na siya, as per Direk Jo's advice. Mas mabuti daw na hindi na kami magpang-abot do'n, para magkaroon din sila ng moment for a much deeper conversation, gaya nalang ng ginawa niya sa akin kanina. Ang hirap manghula kung ano na ang nangyayari, kaya nagpasya na akong tawagan si direk.
"HELLO... " nag ri ring lang, dial ulit.
"HELLO..." at may sumagot narin after.
"Hello Renz, oh kumusta diyan?" tinig 'yon ni direk.
"Hello po direk, are you still with her?"
"As we speak, No! I was about to go to the Rest Room when I got your call, at nasa dining area pa siya ngayon, babalik din ako do'n pagkatapos."
"Ganon po ba? anyway tumawag lang po ako to inform you na all is set na po, at magpa-party na kami later, Hahahah..." napalakas ang tawa ko do'n.
"Hahaha... mukhang enjoy na enjoy ah! sana lang mapanindigan mo 'yong tawa na 'yan hanggang mamaya." and he is definitely teasing me right now.
I got tongue tied for a moment, si direk talaga ang hilig mambasag ng trip, natameme tuloy ako.
"Hello Renz, nandiyan ka pa ba?" bakas ang pag-aalala sa tinig niya, yet I remained silent.
"Hoi! ano ba! it was suppose to be a joke, napaka sensitive mo naman..." lumabas na ang pagiging pusong babae ni direk, nataranta yata at nag-aalala na bigla niya akong ma offend.
"Yes direk, ok lang po, nasa linya pa po ako." Sumagot narin ako kalaunan.
"Okay, just set the mood, and then we'll follow after half an hour na siguro. Gusto ko na fired up na ang lahat bago kami pumasok sa eksena, para wala na siyang choice but to fit in."
"Sure direk, Noted po!"
"Sige I'll end this call na, tx kita if paparating na kami, okay?"
"Okay po, bye!"
Muli kong iginala ang mga mata sa paligid. May maliit na stage sa gitna kung saan matatagpuan ang higit sa tatlong tao na may hawak hawak na musical instruments. Nakaharap ang nasabing stage sa dagat at may convertible room sa likuran na gawa sa isang collapsible closed tent.
Sinadya itong ilagay do'n, just in case someone might needed some privacy later. May mga importanteng gamit din na nasa loob nito. Sa harapan ng stage ay may mga iilang carpet na nakalatag sa buhanginan, kung saan nakasalampak ang mga tao. Nakasindi ang ilaw ng giant fire pit na nasa magkabilang gilid, at meron ding maliliit sa may dalampasigan, just a few meters away from us.
At kagaya ng dinner set-up kanina, may nakahanda ring buffet table na punong-puno ng pagkain at inumin sa isang tabi.
Ilang sandali pa at nagsimula ng tumugtog ang banda. I engaged myself into some music then, habang naka-upo ako sa isang beach bench na naka puwesto katabi ng table.
I slowly danced with the music's beat without lifting my feet high. Tanging kamay at ulo ko lamang ang aking ginagalaw, habang nagkakasiyahan at nagsasayawan narin 'yong iba.
Panandalian akong tumigil the moment direk and Vana steps in. My eyes immediately fixed on her. Kitang-kita ko kung gaano siya namangha sa nasaksihan, like she was in a deep awe! at namamangha rin ako sa kanya. Malaya kong pinagmasdan ang kanyang kagandahan on a distance.
She was in an off shoulder maxi dress with floral prints design. Pinaghalong white, pink at blue ang kulay nito na lalong nagpatingkad sa kanyang balat. May mahaba rin itong slit sa gitna, at wait lang...parang mauubusan yata ako ng hininga sa nakikita.
Now I tend to loose my senses. She's showing too much cleavage. Does she even wear a bra? kasi halos kalahati yata ng kabuuan ng kanyang dibdib ay na e-expose na sa ngayon. 'Yong tipong isang hila mo lang ay lalabas na ang lahat ng kanyang itinatago. Why the need to show it off... gayong halatang-halata parin naman ang size nito, kahit balutin niya pa ng maayos ang sarili.
I simply don't understand her, umiling iling ako. But what do I expect? she's always been like this ever since, she's comfortable in such styles, in wearing those flirty clothes. Does she even aware how he tortures men by doing so? I got suddenly pissed.
Panandalian akong pumikit, habang hinihilot ang aking sentido. I am trying my best to get those things out of my head, I need to shake it off...at baka may masama pa akong masabi na lalong magpalala sa sitwasyon.
Muli akong dumilat makailang saglit. Magkasama parin sila ni direk, at iginiya siya nito sa harapan.
♫♫♫Lahat ay nagulat nang buksan ang pinto
Sayaw ng mga tao'y biglang nahinto
Buhok mo'y Budji, talampaka'y Gucci
Suot mo'y gawa ni Pitoy
Di nanggaling kay Eloy
Ahh, hay!♫♫♫
Talaga nga namang nagulat ang lahat sa pagdating nila, that they became the center of attraction. Well, bakit nga naman hindi? gayong kanina pa namin sila hinihintay na dumating.
Napalakas ang tawa ni Vee habang itinuturo ang talampakan at may sinasabi kay direk. Ano nga ulit 'yong na mention sa kanta? talampaka'y GUCCI? Well, if I'm not mistaken, 'yan siguro ang suot niyang footwear ngayon. Sinasadya ba o sadyang nagkataon lang? pero never mind... ang importante ay mukhang nag e-enjoy na siya. One point Lucio boy! Nagpatuloy pa ang tugtog.
♫♫♫Bongga ka, 'Day
Sige lang, sige lang, itaas ang kilay♫♫♫
Hala, hala, hala, hala♫♫♫
Ahhh!♫♫♫
At sinundan ito ng isa pa...
Ang kasiyahan ng tunay na pagmamahalan (hahaha)
Ay mararamdaman lalo na't kung nagsasayawan (hahaha)
Awiting bago ay naghihintay para isayaw mo
(hahaha awiting bago ay naghihintay upang isayaw mo)♫♫♫
Makisama mag-enjoy ka ngayon♫♫♫
Hmm... mukhang bet na niya ang OPM Retro Hits ng di ko maalala kung anong taon. Di masyadong rock, tamang tama lang to soothe the soul, ginalaw galaw pa niya ang ulo at sumabay sa ritmo.
Panahon natin ay nag-iiba kaya't sundin (hahaha)
Masasayang awitin nararapat na tangkilikin (hahaha)
Awiting bago ay naghihintay para isayaw mo♫♫♫
Nakakatuwa siyang pagmasdan, she's enjoying the night, pero hindi man lang niya ako tinitingnan, though I know that she is completely aware of my presence. Maya-maya pa ay inaya na siyang umupo ni direk. Nakasalampak na siya sa carpet, after ng song ends. Dali-dali ring sumampa si direk sa stage as everyone settles in.
"Hello.. hello... mic test..." si direk na tine-test ang mikroponong hawak-hawak. "A Great evening guys!" Pambungad niyang salita sa lahat. na kaagad namang sinagot din ng Good evening ng karamihan.
"I know that you are having the time of your life, but I'm sorry to cut it off... for just a little while," sandali siyang napalunok.
"Marahil ay nagtataka 'yong iba kung bakit tayo nandito ngayon..." pagpapatuloy pa niya. "Well, this is a sponsored event, at kung inaakala ninyong sagot ko 'to, puwes! nagkakamali kayo, kasi wala po akong gano'n kadaming pera, medyo expensive po dito!" tumawa siya, kasabay ng tawanan sa paligid.
"Although coming here is my idea, but still... hindi ito ma re-realized kung walang blessing galing sa management. I know that this week has been the hardest part for each one of us. At feeling ko, everyone deserves a break..."
Naging seryoso ang lahat sa pakikinig, walang anumang ingay ang maririnig sapaligid. Lahat ay nag a-agree by showing thumbs-up, at patango tango lang din sa ulo 'yong iba.
Nagpatuloy pa si direk. "Now listen guys, nakita niyo naman ang paligid di ba? it's a party vibe at Oo! magpa-party talaga tayo after..." Napamulagat ang karamihan, nagkatinginan pa 'yong iba.
"One to sawa pa kung gusto ninyo," si direk ulit. " But... before we do that, gusto ko munang magkaro'n tayo ng short meditation, ng alone time to reflect and examine things within ourselves. Look back... Isipin niyo 'yong mga dating ginagawa right before we started shooting, alalahanin niyo 'yong mga reasons behind this journey," he paused for a while at yumuko habang nakapikit.
"Alam ko na lahat tayo ay may kanya kanyang reason on why we're here now, on why we commit. This might just be another piece of work for some of you, but there are those who holds reasons beyond words to explain.
May mga taong mas mabigat ang dahilan sa likod ng mga pagganap. And I would like you to take it as a motivation upang lalong magpursige at pagbutihin ang trabaho." Muli siyang tumigil at pinaikot ang mga mata sa paligid, mukha namang attentive ang audience, and so he continues once again...
"Supposedly ginawa sana natin ito noon pa... bago nagsimulang gumiling ang mga camera, pero na overlook namin... 'coz we thought na pupwede naman sigurong 'wag nalang. But obviously, things didn't work out as planned, kasi nga nagkanda palpak palpak tayo. And I'm saying tayong lahat, because we work a team here, ang failure ng isa ay failure din ng marami, kung kaya't hindi natin pwedeng i blame for specific persons only. Kaya gagawin na natin 'tong activity na ito ngayon for a purpose. And I'll be expecting One hundred and One percent of your cooperation, so please... let go of your deepest emotions now, lay down all your baggage at iwan niyo na ang lahat dito sa lugar na ito. Now there's a certain space for everyone around... kaya bahala na kayong maghanap ng sarili ninyong puwesto.
Naglo-loading 'yong utak ng karamihan sa narinig, daming nagtataka, including those who were present sa brainstorming kanina.
Sa pagkakatanda namin wala namang naging ganitong usapan sa meeting, but there were those few na sumunod na lamang without hesitations. Maging ako man na nalilito sa mga pangyayari.
As per instruction ay bibigyan kami ng kanya-kanyang alone moment or me time to reflect, and then approach someone after, specifically 'yong mga taong makaka-eksena namin.
Sadyang napakataba talaga ng utak ni direk, ang dami dami niyang ideas na bigla bigla nalang sumusulpot sa kung saan, or bigla nga lang ba itong sumulpot? hindi kaya kasama ito sa PLAN B nila? naisip ko lang.
Matiim ko siyang tinitigan na may kunot sa akng noo, I think I deserve an explanation direk Jo. Sa loob loob ko ay ang mga katagang Wala ito sa naging usapan natin, bakit biglang nag-iba ang plano? Mas lalo lang yata akong na te-tense sa mga posibleng maganap. Nakuha naman ni direk ang ibig kong iparating kaya't muli siyang nagsalita.
"Guys... sandali lang, ako ang direktor niyo di ba?" tanong niya.
"Yes po direk, wala ng iba." sagot ng karamihan.
"And so, I am the captain of the ship!"
"Certainly direk!"
"And as your captain, meron lang akong isang request..."
"Go ahead direk, we're listening."
"Puwede ko bang hingin ang full trust and cooperation ninyo?"
"Of course direk!" dagdag pa nila.
"Then what are you guys waiting for? gawin niyo na ang pinapagawa ko, kung gusto niyo pang matuloy ang party."
"Pano po kayo direk?" tanong ng isang staff.
"Anon'ng pano ako?" napaisip siya sandali. "Ah... ibig mo bang sabihin ay kung kasali rin ako? In a way, Oo! pero I'll just stay here with the band and with some crew, dito na kami magme-meditate, balik nalang kayo dito if you're done with the activity." At nagpahabol pa ng ilang salita, "Now you know what to do... magsimula na tayo." sabay talikod sa amin.
Walang sinayang na sandali ang lahat at nag-uunahan na silang maglakad upang maghanap ng tamang lugar sa beach. Maging si Vee ay tumayo na rin sa kinauupuan at sumabay sa agos ng mga tao. Parang feel na feel niyang maglakad sa may dalampasigan ng mga gan'tong oras. Sabagay, sino nga ba naman ang may ayaw ng gano'ng scenario? kung puwede nga lang akong magtampisaw ginawa ko na, pero hindi pa puwede, at marami pa kaming gagawing trabaho, and so I settle myself by just eyeing the beautiful view.
Habang nagkakagulo ang lahat, ay mas pinili ko na munang mapag isa sa isang parte ng dalampasigan. Wala rin naman akong ibang option, kundi ang sumunod sa utos ni direk. Sinimulan kong paglakbayin ang aking isipan pabalik sa panahon kung kailan unang kumatok ang oportunidad na ito sa akin.
Isang offer na medyo nagdalawang isip akong tanggapin sa simula. Kasi wala na naman talaga akong planong bumalik pa ng showbiz. Kahit pa sabihin na mayro'n akong pangakong iniwan noon...hindi naman siguro ako pipilitin ni Mami Hein if I'd say No, sapagkat isa rin 'yon sa napag-usapan namin. Napahaba lang naman talaga ang stay ko dito because of the business, because of FHD Philippines. At isa din ito sa mga dahilan kung bakit nila ako napapayag. It all started with a call from my Mamidyer, si Mami Hein...