Nasa harap na ako ng dining table kasama ang iilang staff and crew, makalipas ang isa't kalahating oras. The resort's staff prepared a sumptuous dinner for all of us. Nakalatag ang iba't ibang pagkain sa isang malapad na buffet table at the center of the room, it was loaded with a lot of kinds, lahat na yata ng menu sa restaurant ng resort ay inihain na sa amin.
Ang heavy naman ng dinner na'to, tiyak na mahihirapan kaming mag digest after, but who would say No, to this? tsaka, ibang klase din talaga si direk! pagkatapos ng kapalpakan sa set ay nagawa pa silang e-treat ng ganito, sa'n ka pa!
Maya-maya ay tinawag ako ni direk at inanyayahang umupo sa tabi niya, just a few seat apart sa mga kasama, kaagad naman akong tumalima. We were in middle of the feast ng mapansin kong wala pa si Vee.
My eyes roam around each corner, dahil baka nasa tabi tabi lang siya at piniling mapag-isa, yet I see no one.
"May hinahanap ka?" si direk na tila inu-obserbahan ulit ang mga kilos ko.
"Po?" maikli kung sagot sa kanya.
"You're looking for her?" diretsahan niyang tanong.
Napaawang ang bibig ko. Walang maibulalas na salita, tanging ngiti ang aking naisagot.
"Mukhang napasarap yata ang tulog, kaya hindi ko na pinagising baka kasi napagod rin sa biyahe kanina, anyway nagpahanda naman ako ng separate dinner for her." Tumango lamang ako sa narinig.
"Ikaw kumusta?" pagpapatuloy ni direk.
"Okay naman po, sarap ng naging tulog ko sa biyahe, di ko nga namalayan na nakarating na pala tayo dito sa resort. Nakaligo narin po ako, kaya pati utak ko na refresh narin." tumawa pa ako ng bahagya pagkasabi no'n.
"That's good to hear, so I guess ready ka na sa mga sasabihin ko?" umpisang tanong ni Direk.
Wait lang, bigla akong napalunok,at kinabahan narin sa narinig. Ano ba talaga ang pinaplano ni direk? pero tumawa lang siya ng makita ang naging reaksiyon ko. Napahawak tuloy ako sa aking noo, parang nilalamig 'ata ako.
"Renz, mag kuwento ka nga sa'kin ng tungkol sa naging past ninyo, it doesn't need to be detailed, but just enough lang para maunawaan ko ang lahat, para malaman ko kung anong klaseng atake ang gagawin at ng maitawid na natin ng maayos 'yong medyo sensitive part ng story."
Minsan na akong nangako na hindi na ulit magsasalita tungkol sa bagay na 'yon, pero eto na naman ako at nagkukuwento ng tungkol do'n, sa kung paano nagsimula at kung paano natapos.
Sadyang kay sarap lang balikan ng mga alaala ng kahapong nagdaan, na kahit may kaakibat na pait sa dulo ay siyang nagdulot parin ng kakaibang saya sa aking puso. Isang kasiyahan na kailanman ay hindi kayang tumbasan ng anumang klase ng katanyagang minsan kong tinamasa noon. Na kung mabibigyan lamang ako ng pagkakataong maglakbay pabalik ay paulit-ulit ko paring tatahakin ang landas patungo roon upang muling matagpuan ang sarili sa gano'ng antas ng pakiramdam. Nagsimula akong magkwento.
Napatigil ako saglit upang tingnan ang naging reaksiyon ng kausap. Namamalikmata lang ba ako? o sadyang 'yon talaga ang naging epekto ng pakikinig ni direk sa mga pinagsasabi ko? para kasi itong kinikilig na naiiyak at the same time.
Bakit ba gano'n nalang katindi ang impact ng naging kuwento namin sa mga tao? Bakit ba ganito nalang palagi ang response nila? Gusto kung alalahanin ang mga araw na 'yon na may saya at sigla sa puso, pero nalulungkot lamang ako sapagkat tila may naidudulot din itong konting kirot sa damdamin ng sinumang makakarinig.
Sana pala ay nag focus na lamang ako do'n sa mga masasayang part. But that's not our story, kasi gaya nga ng naikuwento ko, isa 'yong masayang simula na nauwi sa di inaasahang pagtatapos, masaya na malungkot.
Nang biglang nagsalita ulit si direk. "Renz magtapat ka nga sa'kin, 'yong totoo ha! I want an honest answer."
"Ba-ba-bakit direk, ano pa bang totoo? kasasabi ko lang ng nangyari di ba? so that's it! wala na akong iba pang sasabihin." I got panic for unknown reasons.
He just laugh at me, "Oh, kalma! 'wag masyadong defensive, wala pang tanong!"
"Huh!" eto na naman po siya, tila nawawala sa sarili. Parang gusto ko ng isang batok mula sa ibang tao.
"Ano po bang gusto niyong itanong direk?" nakabawi rin ako kalaunan.
He gave me a stern look, at hinayaang makahinga ng kaunti, pagkatapos ay muling nagpakawala ng isang malupitang tanong.
"Are you seeing someone right now? Well, alam ko naman na you're not in a relationship, at least sure ako do'n! pero baka kasi may kausap ka na or kapalagayan ng loob, know what I mean?"
"Does it matter Direk?"
"Yeah! it does matter, kasi nakadepende sa magiging sagot mo ang susunod kung katanungan."
Napaawang ulit ang aking bibig. "Uh... Q & A pala ito!" naibulalas ko.
"Sort of... " as he shrugged his shoulder, "kaya sagutin mo na lang pwede?"
Umiling-iling muna ako bago nagsalita. "Well, I'm technically single as of the moment, uhmm..." I rolled my eyes, "kausap? meron! marami actually, and yes I go out sometimes... but not exclusively dating someone, pero open ako for possibilities, na baka sakaling may ma meet, gano'n!" kibit balikat kung sagot.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ni direk at naging seryoso ito after. "I'll go deeper Renz ha? 'wag mo sanang mamasamain, pero gusto ko lang talagang malaman kung kumusta na'yong feelings mo for Vana? I mean... ano bang pakiramdam mo ngayong na nagkita na ulit kayo at nagkatrabaho pa?"
Nasamid 'ata ako, parang gusto kung maubo! si direk talaga pag nagbitiw ng linya, ewan ko na lang! I was not prepared for that kind of question, parang kailangan ko munang i-absorb ang lahat sa utak ko, bago tuluyang ma process ang sagot.
Nahalata 'yon ni direk Jo. "I'm sorry if it's getting too personal na! pero trust me, makakatulong 'to for the project, kaya sagutin mo nalang please... you can trust me naman! and I'll promise na this will be between the two of us lang talaga." itinaas pa ni direk ang kanang kamay pagkasabi no'n.
Bumuwelo muna ako at humugot ng isang lakas ng loob sa kung saan. "Yong totoo direk?" I locked gaze with him. "Mukhang wala naman talagang nagbago eh..." panandalian akong tumahimik, napaawang ang bibig niya sa mga sinabi ko.
"Although there were those times na inakala kung okay na, na nawala na. Pero, no'ng makita ko ulit siya..." bumuntong hininga ako bago nagpatuloy. "Bigla kong na realize na... na akala ko lang pala 'yon? di ko nga alam kung dapat ba akong magpasalamat na dumating ang offer na'to! well at least, now I know where my heart stands." nagkibit ako ng balikat, kasabay ng isang mapait na ngiti.
"Renz!" Ang naibulalas ni Direk.
"Wait lang, hindi pa po ako tapos." Tumango siya at sumenyas upang ako ay magpatuloy.
"Pero... parang gusto ko ding magsisi on the other side, kung bakit ko ito tinanggap. Kasi naka move na ako eh! as in seriously!" tumingin ako sa kawalan. "Nagawa ko ng mabuhay ng malaya sa ibang bansa, nagawa kung i set aside ang totoong nilalaman nito." madamdamin kung pahayag habang hawak-hawak ang aking dibdib. "Hanggang sa... tuluyan na nga akong walang maramdaman one day. Nando'n na ako sa stage ng buhay na kung sa'n kaya ko ng pagtawanan ang lahat na mga nangyari sa nakaraan." Sandaling akong tumigil at nagpakawala ng isang payak na tawa, pagkatapos ay muling nagpatuloy.
"For a while, I thought nalampasan ko na ang bahaging 'yon, na napagtagumpayan ko na ang gano'ng klaseng hamon. And finally! nasabi ko narin sa sarili ko that I am completely over with those things from the past. Kasi totoo naman eh! matagal ko na 'yong naalis sa sistema ko. Matagal na akong nabuhay na malayo sa anino ng kahapon. I've learned to live life the way it should be. Pero heto na naman ako ngayon muli na namang nalilito, muling naglalakbay sa gitna ng kawalan. Parang unti-unti na namang bumabalik ang lahat sa dati, bumabalik ang dating pakiramdam, including my hang-ups and frustrations sa mga bagay na hindi pwedeng ipilit, bumabalik din!" muli akong nagpakawala ng isang malalim a buntong hininga.
Damang dama ni direk ang matindi kong emosyon ng mga oras na'yon. "Bakit nga ba hindi naging pwede?" maging siya man ay naguguluhan din sa mga nangyari noon.
"Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan, siguro... kasi ang dami ring nakikialam no'n, kayo ayon nagkagulo-gulo na!"
"Pero what if hindi pa pala 'yon ang ending ng story ninyo? What if mabigyan kayo ng chance to start over again? and see if it will gonna work this time." may kakaibang ningning sa mga mata niya, seems like he's up for something.
"Sunod sunod 'yon direk ha! pero ayoko ng isipin, mamaya niyan aasa na naman ako!" pabiro kung sagot.
"Eh, umaasa ka pa naman talaga di ba? at the back of your mind, nando'n parin 'yong mga sana... aminin mo!" he simply concluded.
"Hindi uh!" mariin kung tanggi sa naging pahayag niya.
"Tigil tigilan mo ako RENZLUCIO! ilang beses kaya kitang nahuling nakatingin sa kanya, na tila ba nangangarap ng gising!" giit niya.
"Sobra naman 'yon direk, hindi ba pwedeng nakatingin lang? besides, hindi lang naman siya ang tinitingnan ko ah! lahat kaya ng tao sa set." Naging defensive na ako sa part na'yon.
"Oo nga! marami kang tinitingnan, pero tanging sa kanya mo lang ipinupukol ang gano'ng klaseng uri ng tingin! I mean... you never look at anyone the way you look at her, at kahit ilang beses mo pang itanggi, ipinagkakanulo ka parin ng sarili mo!" biglang naging seryoso si Direk na animo'y handang ipaglaban ang mga binitiwang salita sa kahit saan mang korte.
Feeling ko namumutla na ako ng mga sandaling 'yon, guilting guilty sa naging pahayag niya. "Ganon na ba ako ka halata direk?" nahihiya kung tanong.
"If you'll ask me? Oo! kasi sadyang observant lang ako, I just don't know kung anong interpretation ng iba, at higit sa lahat kung anong take niya do'n, I can't even tell if napapansin niya rin ba! sa palagay ko kasi mukhang may pinagdadaanan din ang babaeng 'yon eh, lagi na lamang wala sa sarili lately, parang ikaw lang!"
"Direk naman!" protesta ko.
"Wag ka ng makipagtalo, alam kong magaling kang magsalita at maraming naka reserve diyan sa utak mo! pero hinding hindi ka uubra sa'kin, believe me I swear!" Nakapamewang na naman siya ngayon.
"Okay! you win this round." I raise my hand in total surrender, na ipinagtataka ng mga tao sa paligid namin.
"Now listen Renz, I need you to do something for me and also for yourself," as he points his finger on my chest.
"Yes po, ano po'yon?"
"Gusto mo pa siya di ba? then why not settle things with her now?"
WTF!!! pinandilatan ko siya ng mata.
"Seryoso ako Renz, besides established na naman kayo pareho, so hindi na ito makakasama for the both of your career, bagkus ay makakatulong pa ito for the movie."
"Pero direk, ayoko naman ng gano'n, baka isipin niya na... I'm just doing it for publicity again! kotang kota na ako do'n! I've had enough, baka di ko na kayanin pa."
"Bakit, ano bang pagkakaintindi mo sa sinasabi ko?"
"Na gagawin ko ulit yong mag ginawa ko dati! yong parang engot na ewan! yoko na, graduate na ako do'n!" umiling-iling pa ako.
Tumawa si direk sa tinuran ko. "Gotcha! straight from the horse's mouth, sinasabi na nga ba eh, iniisip mo rin 'yong mga bagay na'yon!" Wala na talaga akong kawala pa kay Direk, wala na akong maitatago pa sa kanya. Kabisadong kabisado na niya ang bawat galaw ko, kaya di na lamang ako umimik.
Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita,"Going back do'n sa sinasabi ko a while ago, No! you didn't get me, hindi yon ang pinupunto ko! exage na'yon eh! tanging ikaw nalang ang makakapag decide kung gusto mong paabutin pa sa gano'ng level, depende na'yon sa'yo. What I want you to do right now is suyuin mo ulit siya, start something new with her, like rebuild the friendship? start from there then bahala na kung saan mapunta. Pag-usapan niyo kung anong dapat pag-usapan, kasi sa palagay ko meron kayong unresolved issue before. There's a thing in the past na medyo hindi naging malinaw kaya siguro nauwi ang lahat sa wala!"
"Pero pa'no kung ayaw niya akong kausapin? nakita niyo naman di ba? lage na lamang galit, parang araw araw may dalaw!"
Tumawa si direk, "Ikaw ha? mamaya niyan isumbong kita, lagot ka!"
Napakamot ako sa batok "Wala namang ganyanan direk, akala ko ba this is just between the two of us lang?"
"Hahaha... Oo na, basta mangako ka sa'kin na you will do everything para bumalik 'yong dating Vana na kilala mo. Di mo ba nami miss 'yong mga nakakahawang tawa niya? at para matapos narin tayo! ilang days nalang ang natitira sa palugit, baka nakakalimutan mo? hindi lang ito tungkol sa team up ninyo ninyong dalawa, marami pang mas mabigat na dahilan sa likod ng pagbuo nito." muli niyang paalala sa akin.
I remained silent, nakayuko lang, at the back of my mind, naisip kung tama naman si direk. Meron pang mas mabigat na dahilan sa likod nito, kaya kailangang ma settle na ang lahat between me and her. So we can push through with the project narin. Pero pa'no ko nga ba gagawin 'yon? ang hirap naman ng pinapagawa ni direk para akong inutasan niyang tumulay sa alambre. Nangangailangan ng matinding concentration, ng tamang balanse kung hindi ay tuluyan na akong mahuhulog.
Sadyang mahirap kung iisipin, but I will take it as a challenge "OPERATION MISS VEE" nilagyan ko ng label sa utak ang gagawin at natatawa ako sa mga naiisip, ng may biglang nag pop-up na idea somewhere na siyang ri'ng naging dahilan upang muli kung ibalik ang tingin sa kausap.
"Can yo do me a favor direk?" seryoso kung tanong ko.
"Of course Renz! ano 'yon?" sagot nito.
"Puwedeng patulong? kailangan ko ang expertise ng mga staff to set a different mood. Something chill para ma relax ang utak ng lahat, 'yong tipong mawawala ang stress sa work at mag e enjoy kahit panandalian lamang, just to release the pressure."
"That'll be a good idea, actually it's also one of the reasons kung bakit tayo nandito ngayon, 'coz I want everyone to loosen up a bit, para kasing pressure na lang nagda drive sa iba to continue. I'm just so glad na were on the same page," naging panatag na ang itsura ni direk ng mga oras na'yon, tipong may nababanaag na itong pag-asa na magiging matagumpay ang aming nasimulan.
Bumaling ito sa iba pang nando'n. "Okay guys listen, brainstorming tayo pagkatapos ng dinner, or is it okay if gawin nalang natin dito while we're eating?"
May isang sumagot. "Okay lang direk, no probs, patapos narin naman kami."
Pinalinis niya ang kabilang dulo ng table at inilipat sa kabilang side ang mga pagkain, and so the brainstorming starts. Nag enjoy ako sa pakikinig at nag share rin ng sariling ideas. An hour after natapos rin kami and then disseminate, may pinauna na do'n sa venue to check the place. Nakipag cooperate din ang manager at iba pang resort personnel tungkol sa gagawin nila, buti nalang talaga kompleto ang amenities ng nasabing resort kaya mabilis naisagawa ang plano.
I glance at my watch, hours had passed, bilis ng takbo ng oras pero hindi parin lumalabas si Vee sa kanyang silid, kung kaya't ni remind ko nasi direk na hindi pa ito kumakain.
"Excuse me direk, but it's already past 7:00, tulog parin ba siya?"
"Ha? nako sorry, I forgot to wake her up, napasarap kasi kwentuhan natin." kinuha niya ang telepono sa bag niya tinawagan ang dalaga.
HELLO3x...
"Hello..." she answered in a bedroom voice.
"Hello... si direk 'to kakagising mo lang ba?"
"Actually, nagising po ako ng tawag ninyo."
"Gano'n ba? well, sorry to wake you up but its almost 8:00 P.M. at hindi kapa nag di dinner."
"Haaa? ilang oras na po ba akong nakatulog direk?" nag-aalala niyang tanong.
"Mga around three hours na siguro."
"Naku! sorry po direk, sana ginising niyo po ako kanina."
"No, no it's okay, sinadya ko talagang wag ka munang istorbohin."
"Pasensya na po talaga!"
"Okay lang, ano kaba! ipapahanda ko na 'yong dinner mo, labas ka nalang pagkatapos mo diyan, k?"
"Okay po, salamat po, I'll see you in a bit."
Dinig na dinig ko ang lahat ng 'yon, coz Direk Jo intentionally put her on the loud speaker. Umalis narin ako maka ilang minuto upang maghanda para sa susunod naming gagawin. Sana lang talaga maging maayos na ang lahat aftter this.