"Guys gising, we're here na!" sabi ni direk habang tinatapik ang aming mga balikat.
Kinusot ko ang aking mata at bahagyang humikab "uhmm..." inunat ko ang mga braso habang nakatalikod kay Vee.
Ang sarap sarap ng naging tulog ko sa biyahe.
"Sana all masarap ang tulog, sana all nakatulog!" pabulong na sabi ng babaeng katabi ko sa sasakyan, nagsalubong ang mga kilay niya at naniningkit pa ang mga mata.
Ano bang problema ng babeng ito? at tinotoyo na naman! Napahawak ako sa may batok, gusto na sana siyang sagutin, pero kakagising ko lang, kaya nagpasya akong tumahimik na lamang.
Nagmamadali niyang binuksan ang door sa may upuan namin na para bang atat na atat na siyang bumaba ng sasakyan. Maybe eagerly wanting to get rid of me. Sumunod narin kami sa kanya pagkatapos.
An artfully designed real rock formation with water falls that connects to the koi pond will greet you at the entrance. May mga tanim din ito sa gilid, at sabi nga ng karamihan, "such an instagramable spot"
Nakakamangha ang buong tanawin, with a very relaxing ambiance. Truly a place where you can find solitude.
Nasa isang malawak na resort kami somewhere in Batangas. Pagkababa ng lahat ay may lumapit ng staff na may dala dalang garland at isinabit yon sa aming mga leeg sabay hinugasan ang aming mga kamay tanda ng pag welcome sa mga guest.
Binigyan din kami ng tig-isang baso ng juice, habang naghihintay ng ilang minuto sa reception hall. Ilang sandali pa at na secure na namin ang aming keycards.
"Okay guys listen, let's freshen up and then met me at the dining area after an hour and a half." Direk Jo gave us the instructions.
"Okay po direk, see you then" sagot ni Vee at mabilis na itong lumakad towards her assigned room.
"Grabe talaga tong babae na'to! kala mo silang 2 lang ni direk Jo ang mga tao dito, wala man lang bye guys!" naibulong ko sa sarili at Iiling-iling habang sinusundan siya ng tingin.
"Pag ako..." di ko napigilang bigkasin.
"Pag ikaw... ano Renz? sige go on!" I suddenly heard someone in a serious tone.
Shit! I was caught off guard, at ni direk pa! "Haa? wa-wla po direk" idinaan ko na lang sa isang simpleng tawa ang pagkahuli niya sa akin. "Sige po, I'll go ahead na..." as I walk fast away from him, I'm not yet ready for his interrogation.
But I caught a glimpse of his mischievous grin before we parted ways, bago kami tuluyang pumasok sa kanya kanyang mga silid.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa malabot na kutson. Nakapatong ang kanan kung braso sa aking noo, panandaliang pumikit at akmang iidilip na sana. Though I had a good rest at the back of the car habang papunta rito, iba parin talaga kapag na s-stretch mo ng maayos ang buo mong katawan, kapag nakalapat ang likod mo sa tamang higaan.
I have an hour to ponder things, to clear my head, as it is now clouded with thoughts of her. Ang dami-daming tanong na bumabagabag sa aking isipan. Kung bakit ang init init ng dugo niya sa akin? As far as I can remember, maliban sa nagawa namin kanina, wala pa naman akong ginawang hindi maganda sa entire shoot ng film, at kung past namin ang pag-uusapan, malinaw naman ang naging ugnayan namin from the start palang. Di nga ba't siya ang may gusto na maging great friends na lamang kami? Dahil according to her, mas nakakabuti 'yon para sa kanya kanya naming career at that time.
Na kahit labag man sa kalooban ko, ay pinili ko na lamang tanggapin for the sake of it. kahit hindi natupad yong sinasabi niyang great friends. Ilang beses nga ba kaming sumalang sa mga interviews noon? Individually at minsan as a team din just to confirm the real status between the two of us. Minsan pa nga kaming nagkapikunan ng dahil do'n. But still, masyado naman yatang mababaw na dahilan yon para i trato niya ako ng ganito. Isa pa, nag explain naman ako on why I needed to say those things in that one interview. Tinganggap niya rin naman 'yon ng maayos. I don't really understand on why she's acting like ang laki ng atraso ko sa kanya.
"On one of your previous interviews, sinabi niyo na you were just friends and there's nothing more than that! sabi pa ni Vana na hindi ka naman daw talaga and I quote "nanligaw" and so nag-iwan ito ng matinding tanong sa utak ng mga fans, para san yong mga lives and DC'S mo showing your affection for her? and those lovely flowers?" I'm sorry Renz, I know this has been a long time issue, pero ako din kasi nalilito, and if it won't be too much to ask, pwede bang linawin mo ang lahat once and for all? para kasing hindi nagtutugma ang mga nangyari no'n. On your terms of course! kung ano lang ang puwede mong i share sa'min. But before you addresses to that, we'll have to pause for a short break, magbabalik po kami Pilipinas...please hold on." Sabi nong magandang host ng isang top rated magazine show kung saan nag guest ako to promote something.
And I was saved by the bell, coz I am not prepared for it, hindi ko inaasahan ang tanong na'yon. Hindi yon parte ng pino promote ko ngayon. I never thought she will raised such questions. Ang akala ko kasi matagal na 'yong natuldukan a long time ago. Bakit kailangan pa itong ulit-ulitin? Pero gano'n yata talaga, hanggat hindi namin nasasagot ng maayos, hanggat may nakikita silang inconsistency sa mga salita at galaw naming dalawa, hindi talaga kami tatantanan ng mga tao. Kung bakit ba kasi napaka curious ng mga ito when it comes to the two of us?
Pero marahil ay ito narin siguro ang tamang panahon to talk about it. They deserve to know the truth after all, isa pa matagal tagal narin naman 'yon, so baka pwede ng pag-usapan ngayon.
"Sa'n po ba ako magsisimula? medyo marami rami po kasi 'yong question." Nanlaki ang mga mata ng host, maybe she'll thought na mas pipiliin kung mag pass to avoid some critics. Like the usual thing na ginagawa ng mga celebrities para iwas issue.
Na excite tuloy siya at nagpatuloy pa sa pagsasalita "Ikaw, kung sa'n mo gustong simulan, kung sa'n ka mas comfortable."
Tumingin ako sa camera, sinigurong nakatutok iyon sa akin, at sinimulang ibahagi ang lahat.
.
"Okay po! before I proceed to some of the details, gusto ko lang pong linawin again, na... kung ano man po 'yong narinig at nakita ninyo sa'kin before, totoo po 'yon! what you see is what you get! 'yon po talaga ang nararamdaman ko at that time. Hindi ko na po iisa isahin yong mga pinagagagawa ko dati, because I do believe na never naman yong nawala sa isipan ng marami, right?"
Tumingin ako sa nasabing show host at tumango tango lang siya bilang tanda ng pagsang-ayon sa mga nasabi ko.
"And going back to the question about do'n sa panliligaw," muli akong tumutok sa camera.
"Yes! totoo po 'yong binitiwang statement ni Vana before, na wala naman pong nangyaring ligawan, kasi wala naman po talaga!" I paused for a while, then took a deep breath and continued with some juicy lines, according to what it means by the society.
"Kasi, I take courtship seriously! And I intend to do it in a very traditional way. I mean... with no offense sa mga younger generations ngayon, or sa mga nag-a-adopt ng mga recent ways ng panliligaw. Kanya-kanya naman kasi tayo ng preference, eh! But as for me, mas gusto ko paring daanan 'yong nakasanayang proseso ng panliligaw," napalunok ako.
"Well, Renz...I do believe that women out there, still prefers the traditional way. Am I right ladies?" as she faces the audience na naghihiyawan na.
"So 'yon nga po, as I am saying ang panliligaw for me, means... magpapakilala ka sa family ng napupusuan mo and then you'll let them know your purest intention. It's more than just the pampapakilig part na usual nilang nakikita on their screens, it's definitely deeper than that. And aside sa pagpaparamdam mo is nando'n 'yong mag e-effort ka para suyuin 'yong girl. On top of that, ang point ng panliligaw is for you to have an intimate relationship with her. So basically, tatanungin mo siya kung possible ba na maging kayo? Aasa ka at maghihintay ka ng kasagutan do'n sa tanong na'yon. Which I believe... hindi na po kami umabot sa point na 'yon."
I was about to say something more, but she butted in. "I'm sorry Renz, but I have to cut you first, so all the while hindi ka pala talaga nanligaw? So ano 'yong mga pagpapakilig mo no'n? Flirt flirt lang ba 'yon? Was it all for a show? Sorry for the term." Diretsahang niyang tanong.
Sounds rude! pinagpawisan akong bigla! But I just smiled and answered it in a manly manner. "No! Hindi po. I wasn't just flirting around with her, although it would appear kinda to some." Bahagya akong tumawa pagkasbi no'n.
"Ang gulo ko po! Sorry... so 'yon na nga! Hindi po ako nanligaw kung 'yong traditional way ang pagbabasehan. What I did was more than that, kasi nag declare ako ng pagmamahal without expecting anything in return. Di nga ba't ipinagsigawan ko pa 'yon sa buong mundo? at kung ano man 'yong mga pinagsasabi ko do'n sa live... is the same exact words na narinig niya sa mga private talks namin. And yes nag flirt ako! But in a good way, para lang magpapansin sa kanya. I send her flowers, gumawa ng mga DC's, nagpaparinig and all! merely just to catch her attention."
Nagsalita ulit 'yong host, at mas naging agresibo pa siyang magtanong "Yon naman pala! I mean... the way you say it is parang papunta na talaga don eh! sa courting stage, what happened after ba? ba't hindi natuloy? is it true na pinagbawalan kayo ng kanya kanyang management? or bigla ninyong na realize na hindi naman pala ganon kalalim yong feelings niyo sa isa't isa? Na nadala lang kayo ng momentum, with all those people trying to build a romantic world for the both of you." Ang kulit niya, sa isip-isip ko. Do I really need to answer? Pero sige, since na open up na naman niya, then why not spill the tea di ba? Para matapos narin.
"Kasi... paano ko ba sasabihin 'to... kasi, she suggested something more convenient for us, when I was about to do that. Sabi niya we'd be better off as friends, mas nakabubuti daw 'yon for our career at that time, and I admit na although medyo disappointed ako at first, kasi... okay, nag expect rin ako at one point, base sa nakikita ko at sa ipinaparamdam niya sa'kin. Well, sino bang hindi di ba?" at sumang-ayon naman siya sa sinabi ko by simple nodded at my statement.
"Pero again, gusto ko lang lilinawin ko lang na I didn't take it against her ha? Para lang klaro ang lahat 'cause I know that she has her own reasons at naiintindihan ko 'yon, hindi rin kasi gano'n kadaling..." sa muli ay panandalian akong tumahimik. "Basta, ang hirap lang i-explain. At yon na nga, kalaunan ay realize ko rin na tama pala siya all along, it was really the best thing for us to do at taht time. Kaya we've both decided to support each other nalang individually as an artist.
"I see, so na friendzone ka! it's not your fault naman pala! then why did you allow na i judge ka ng mga tao? na kesyo ginagamit mo lang yong isa for publicity, na hanggang pagpaparinig ka lang naman sa social media but the truth is di ka naman talaga sincere sa mga sinasabi mo, kung kani-kanino ka pa nali-link na mas lalo lamang nagpalala at nagpatingkad ng label nila sa'yo as WOMANIZER"
"Well, di ko rin naman sila masisisi, kasi yon ang impression nila sa'kin base narin siguro sa naging past ko. Naka set na'yon sa mga utak nila eh, at wala na akong magagawa para baguhin 'yon. So what's the point of arguing with them? kung alam ko rin naman na hindi sila makikinig, it will be a waste of time lang. Basta ang importante is alam ko kung ano 'yong totoo at alam niya rin. I don't have to prove anything to anyone, especially do'n sa mga taong hindi naman directly involve sa naging story namin. Isa lang pakiusap ko, sana i respect ng mga tao 'yong naging decision namin at sana rin tigilan na nila 'yong mga walang katapusang issue na 'yan kasi ok na naman eh! maayos na ang lahat, we're on speaking terms right now and we're still friends."
Marami pa kaming napag-usapan no'n, pero di ko na matandaan kung ano, tanging ang part lang about Vana ang namayani sa isipan ko. At sa pagkakatanda ko pa ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib pagkatapos no'n. At least malinaw na ang lahat, nasabi ko na ang dapat sabihin, at nasa mga tao na kung pa'no tatanggapin yong naging statement ko. Nangako din ako sa sarili na it will gonna be the last time that I will talk about the issue.
Ang hindi ko alam ay inis na inis na pala yong isa on other side ang dami kung natanggap na message from her pagkatapos 'yong maipalabas sa TV.
VANA:
[At para sa'n 'yong interview na 'yon?]
[Anong gusto mong palabasin?]
[Why the need to say it? akala ko ba ok na tayo?]
[We have settled that issue a long time ago, bakit na-uungkat na naman ngayon?]
[You could just have stick to our previous statement]
FUCK!!!!!!! ginalit ko 'ata, another kapalpakan segment Lucio, may mali ba akong nasabi sa interview? ang naitanong ko sa sarili. Nagpasya akong tawagan na siya.
Hello3x... (nag ri ring lang yong kabilang linya)
Hello2x... (pick-up the phone please!) wala pa ring sumasagot, an so I've decided to just leave a message.
ME:
[I'm sorry if I offended you, but please wala naman akong masamang intention sa mga sinabi ko]
[Pag-usapan natin 'to please, kapag nasa mood ka na]
[Na hot seat lang ako, and I needed to say those words, hindi naman kita nilaglag, I never said anything against you]
[Sinabi ko pa nga na tama ka, na tama yong desisyon mo na maging friends nalang tayo]
[I am speaking for myself lang naman, para matuldukan narin yong mga samot-saring issue na naglilipana parin up until now]
[Wala naman sigurong masama if I clear out my name di ba? sana maintindihan mo 'yon]
[I've been quiet for a long time, ngayon lang talaga ako nagsalita]
[Promise it will be the last time na magsasalita ako about the issue, rest assured na wala ka ng ibang maririnig sa'kin after nito]
[Pero kung ayaw mo talaga akong kausapin, ok lang din, take your time... maghihintay ako kung kelan ka ready, just like old times, again i'm sorry]
MESSAGE SENT...
Matagal bago siya nag reply no'n, pero na settle naman ang lahat after that, at sa pagkakaalam ko ay naintindihan naman niya ang pinupunto ko. Sadyang nabigla lang din siya no'ng mapanood ang interview, kasi hindi siya aware na sasabihin ko ang lahat ng 'yon. Actually ako rin naman eh! hindi ko inakalang gano'n yong mga tanong ng host, at mas lalong di ko inakalang sasagutin ko ng ganon katindi, as in no holds barred. Like it just comes out naturally sa bibig ko, probably it's because matagal-tagal ko na rin 'yong kinimkim sa sarili. I'm just probably waiting for the right time to outburst my emotions. Nagbigay narin siya ng statement pagkatapos supporting my statement at hiningi niya sa publiko na sana bigyan na ng tuldok ang isuue namin. At suportahan ang kanya-kanya naming proyekto.
And that was my last convo with Vana Marie... it was just a slight confrontation over the phone and never kaming nag-away, kasi hindi rin naman siya gano'n kababaw. We had exchanged different ideas and opinions over some matters back then, others even lead to slight arguments, na naayos din naman kaagad. Kaya alam na alam ko na malawak ang understanding niya sa mga bagay bagay at pangyayari sa paligid. Kaya di ko talaga maintindihan kung bakit siya nagkakaganito ngayon? To think na wala naman akong ginawa noon kundi sundin ang mga advice niya. I wonder what she's been through over the last years of loosing contacts?
Hinidi ko na rin matandaan exactly kung ano'ng nangyari pagkatapos no'n, kasi naging sobrang busy ko na sa iba't ibang engagements. Although nagkikita kami minsan sa mga social gatherings, pero never na kaming nag-usap since then. And as far as I can remember, sa isang corporate event sa QC ko siya huling nasulyapan.
Isang pangyayari na nagpabago ng mga desisyon ko sa buhay. Hindi narin kami nagkita after that night, hanggang sa nagdesisyon na nga akong iwan na ang showbiz at bumalik ng China. Kung hindi ko pa tinanggap ang project na'to, baka di na siguro kami nabigyan ng chance na muli pang makapag-usap.
Sana lang talaga maging maayos na ang lahat para matapos na ang movie at para ma schedule narin ang opening ng FHD Philippines. Ilang buwan na rin akong namalagi dito, kaya kailangan ko ng bumalik ng China para personally mailatag sa board ang naging outcome ng mission ko sa bansa. Nagdasal ako sandali at kumuha ng lakas ng loob sa pananampalataya, umaasa na sana maging okay na ang lahat, na sana sa paglabas ko ng silid na ito ay magsisimula na rin ang kaganapan at katuparan ng mga nasimulan kong tungkulin. Higit sa lahat na sana gumuho na 'yong pader na nakapagitan sa aming dalawa, so we can work together as a team para sa ikagaganda ng aming ginagawang pelikula.