Cut! Cuuut!!!!! umalingawngaw ang boses ni direk Jo sa ere.
He rises and walk towards us, na ngayon ay nakapamewang, at tila umuusok ang ilong sa galit. Hindi na nito mapigilan ang sarili dahil sa sunod-sunod na kapalpakang nangyayari sa set nitong mga huling araw. Kung kelan nasa last few scenes na kami, ano't hindi namin ma portray ng maayos ang mga papel na ginagampanan?
Tila dinadaga ang dibdib ng bawat isa sa amin. Ang hirap hirap naman kasi ng pinapagawa niyang eksena, buti sana kung walang intimate scene na magaganap, baka mas kaya pa! We were both holding back, kung bakit ba naman kasi isinama pa ito sa script? pupuwede naman sigurong tanggalin nalang. Pareho kaming walang kibo, na te-tense at kapwa pinipigilan ang sarili na mag react sa tinurang iyon ng direktor.
"Ano 'to? naka Twenty takes na tayo! Ba't di niyo parin makuha kuha 'yong eksena? Ano bang problema ninyong dalawa?" sunod na sunod na pabulyaw na tanong ni direk, habang nandidilat ang mga mata, at nagpatuloy pa ito sa pagsasalita.
"This is suppose to be a romantic scene!" nagpalakad lakad naman siya ngayon, "Nabasa niyo naman 'yong script, di ba?" at winagayway niya sa'min ang hawak hawak na papel. "This is the time na magkikita na 'yong mga karakter ninyo, after having been separated for a while! So, dapat sabik na sabik kayo sa isa't isa!" huminga muna siya ng malalim before he continued "I need to see the burning passion in your eyes..." nanggigigil siya habang sinasabi ang mga iyon. "The connection! The excitement na nagkita na ulit kayo sa wakas!" he opens his two palm at ipinuwesto iyon ilang pulgada ang distansiya sa magkabila niyang pisngi.
Tila nabilaukan yata ako sa narinig mula sa kanya, sa isip isip ko, Seryoso direk? Naiintindihan niyo po ba ang mga pinagsasabi niyo? Eh ni hindi ko nga magawang tingnan sa mga mata si Vee, Yup! that's what I call her, not Vana, not Marie, but Vee, at ako lang ang tumatawag sa kanya ng gano'n. Magpalit nalang kaya tayo ng puwesto direk? Gustong-gusto ko ng ibulalas ang mga salitang 'yon. If I only have the guts, kanina ko pa sana ginawa! pero hindi eh, I'm not in a position to do such thing, besides... tinanggap ko ang project na'to, and so, kailangan kung panindigan.
But the problem is... pa'no ko nga ba magagawa ng maayos ang lahat? Pa'no ko mapapabuti 'yong mga eksena kung 'yong partner ko ay parang aloof na aloof sa akin? Hindi ko tuloy maintindihan kung naiinis o nandidiri ba siya? naiilang kaya? o baka naman natatakot lang? pero para saan? Na baka mag take advantage ako? Hindi ako gano'n ah! kung puwede lang talagang alisin ang nasabing eksena, ginawa ko na! actually, ipinakiusap ko talaga siya, kaso it's really needed for the story daw, kaya kailangan naming sumunod sa utos.
Ang hirap naman ng ganito, hindi ko alam kung sa'n ilalagay ang aking sarili. Hindi ko mahanap ang tamang tiyempo, lalong hindi ko mabigkas ang tamang salita para maging at ease si Vee sa akin. Sadyang kay hirap arukin ng damdamin niya, mula noon hanggang ngayon ay patuloy parin akong nangangapa sa dilim.
"Hanggang kelan ka ba magiging ganito Vana Marie?" isang tanong sa isipan ko. Pakiwari ko'y mas lalo pa siyang naging matigas ngayon. Ninanakawan ko siya ng tingin paminsan minsan, at napakaganda parin talaga niya. MAs gumanda pa, actually. Pero, ano't may tila rehas na bumabalot sa buo niyang pagkatao? Napapikit ako, pilit na pinapakalma ang sarili, kailangan kung tanggapin ang galit at frustrations na inilabas ni direk.
"I'm sorry Direk..." isang tinig ang muling nagpamulat sa akin. I catch a glimpse of the person next to me. Nakayuko siya habang nakapikit at sa pakiwari ko'y sobrang frustrated din iya sa mga pangyayari. I felt a sudden guilt inside, I took the blame... kasi feeling ko nasa akin ang pagkakamali. Baka hindi ko naipakita ang tamang emosyon kaya nahihirapan din siyang magbigay.
"I'm sorry din po..." It was almost a whisper.
Nagpakawala ang aming direktor ng isang malalim na buntong hininga, nakapamewang gamit ang isang kamay at sapo ang noo sa kabila, habang nakapikit.
"Guys! May I have your attention please..." he say out loud makalipas ang ilang saglit at pinaikot ang mga mata sa paligid. "Pack-up na muna tayo for now and we'll re-schedule in the next..." he shrugged his shoulder and took a breath again, "I don't know...or we'd rather not resume," umiling-iling pa siya pagkatapos.
I was a bit shocked, tila hindi ako makapaniwala. "What?" tanging nasambit ko.
"Po?" si Vee na naguguluhan din.
Nilingon niya ako at panandalian kaming nagkatinginan na waring nag-uusap ang mga mata. "Prank ba'to?" isang linyang sabay naming binigkas kalaunan.
Nagulat si direk, "Ay! pwede naman pala kayong magkasundo kung gugustuhin ninyo! and yes you've heard it right! Pack-up! and re-shoot! kung kelan? hindi ko alam, kayong dalawa lang ang tanging makakasagot niyan!" muli niyang pambubulyaw sa amin.
"Sorry po ulit Direk..." magkasunod naming sinabi.
"No! I won't accept apologies, not unless you settle things between the two of you!" para kaming mga batang paslit na pinapagalitan. Gan'to ba siya ka intense sa lahat ng artist? kaagad niya kaming tinalikuran at naglakad patungo sa kanyang director's tent.
Nagkasundo kaming sundan siya without even saying the words, with just one look at the eye naiparating namin ang gustong iparating sa isa't isa. Maybe the eagerness to redeem ourselves gets in the way of us, kaya kaagad na nagtransmit ang mensahe sa mga utak namin.
Mas lalo pa kaming kinabahan no'ng unti unti ng nagsi-alisan ang iilang crew. This is not happening, this cannot be... Dali dali kaming pumasok sa tent at naghanap ng bakanteng upuan sa tabi ni direk to settle the issue. Nakasandal siya sa backrest ng upuan at nakapikit habang minamasahe ng isa sa mga staff ang kanyang ulo. May ibinulong ito sa kanya, maybe she's informing him about us, kaya sandali siyang dumilat, ngunit pumikit rin pabalik.
It took us a while, bago niya kami pinansin, I can sense that he was just trying to cool down a bit, bago siya nagpasyang muli kaming kausapin.
Sinenyasan niya na lumabas muna ang nasabing staff at bumaling siya sa direksiyon namin no'ng tila nahimasmasan na. "Listen guys... alam niyo naman kung ga'no ka importante ang project na'to di ba?" he sincerely ask, which we positively answered.
.
Magkakaharap na kaming tatlo ngayon, while we we're discussing the things that happened in the set just a while ago.
"I know that you have a thing in the past, it's an open book, anyway! I just don't know whart exactly happened a few years back. Hind ko rin naiintindihan kung sa'n nanggagaling 'yong awkwardness niyo sa isa't isa. I really don't care! Ang tanging concern ko lang is may hinahabol tayong deadline dito, so please...please be professional, for once!" he emphasized the last few words.
Habang tumatagal ay humuhupa narin ang galit niya, when he noticed that we we're all ears on him. "Maasahan ko ba na makikipag cooperate kayo sa'kin?" seryoso niyang itinanong sa amin. And we both nodded.
"Good to know, besides this is not just about the two of you, it's for a cause! so you should always remember the main reason kung bakit kayo, ako, lahat tayo napa Oo sa project na ito! You should set aside your differences first, pagkatapos nito ay wala ng makikialam pa sa inyo, you're free to do whatever you want then," pagkaklaro niya.
Hindi parin kami kumikibo, pilit na ina-absorb ang lahat ng mga pangaral ni direk. We should learn to focus, coz the last thing we would want to happen, is ang mag back-out siya at mauwi sa wala ang lahat ng pinagpaguran namin.
Tumunog ang phone ni direk in the midst of our conversation. Hindi man namin na identify ang caller, but we definitely knew that it was an important call.
"Excuse me, I have to take this one," aniya, bago tuluyang dumistansiya sa amin.
Napaka awkward ng mga sandaling na solo ko si Vee, kahit nagkasundo na ang mga actions namin kanina, ramdam ko parin ang pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa. Halatang na te-tense siya, kung kaya't nagpasya na akong basagin ang katahimikan na bumabalot sa paligid, afterall ako naman ang lalake, and so I have to initiate the first move.
"Ahmmm!" nakayuko parin siya at di man lang ako tinitingnan,
"Masyado bang nakakasilaw yong kagwapuhan ko at di mo man lang ako magawang tingnan?" it was a joke, I'm not just sure if it will be effective, bahala na...at least I tried.
Sumimangot lang siya, "hmmp..." at umirap pa.
Shit! hindi nag work, humirit pa kasi ako, ayan tuloy...ngayon na nga lang ako nag attempt, palpak pa! kung tumahimik nalang sana.
But NO! I have to be consistent this time around, kukulitin ko siya ng kukulitin, until she became comfortable with me again, if it's the only way to establish a good working relationship with her.
"Sorry..." I could hardly say it, pero kailangan kong panindigan, kahit natatakot sa posible niyang maging sagot.
"For what?" she glance at me, pero hindi rin nagtagal.
"Sa mga kapalpakan ko sa kanina," I simply answered.
"You don't have to..." she responded, "I am partly to blame din," as she continues.
"No, no... kasalanan ko talaga ang lahat." giit ko.
"Sabi ng kasalanan ko rin eh! di mo ba narinig?" she suddenly raised her voice on me.
"Na-narinig naman..." I remained calm.
"Yon naman pala eh! then why do insist na kasalanan mo lang? nagpapakabayani ka ba?"
"Hindi naman sa gano'n, I was just trying to be..."
"Trying to be what? to be humble? para ano? para ako 'yong magmukhang mapagmataas?"
"Whaat?" kumunot ang aking noo. "Sa'n mo naman nakuha ang idea na 'yan?"
"On some people's opinion? or should I say...sa mga nangyari noon?" she raises her brows then as she crosses arms on her chest.
Shit again! so this has a back story...
"Oh com'on..." nasabi ko.
"Oh com'on din..." dugtong niya.
Napailing ako, hindi ko na yata kayang tagalan ang ganitong usapan, imbes na magkaayos kami ay may mas lalo pa yatang nadagdagan 'yong inis niya.
Maya-maya lang ay bumalik na si direk, pinasadahan niya kami ng tingin at nahalatang kapwa di maipinta ang mga mukha namin.
"Sandali... are you two having a fight again?" nagsalubong ang dalawa niyang kilay.
Muli kaming nagkatinginan, "Hi-hindi po direk..." magkasabay naming sinabi.
"Sigurado kayo?"
"Opo!" ako na 'yong sumagot.
"Okay, sabi niyo eh! So I guess we're settled from here?"
"Ano pong ibig niyong sabihin direk?" si Vee naman ang nagtatanong.
"Renz, Vana... come with me please..."
" Sa'n po tayo pupunta direk? nagtataka kung tanong sa kanya.
"I thought pack-up na po tayo..." dagdag pa ni Vee.
Kumunot ang aking noo. Did she seriously utter the words? all this time, akala ko pa naman we shared the same goal, ang mabigyan ng isa pang chance to prove our worth, tapos sasabihin niya 'yon? ang labo talaga ng babaeng 'to. Buti nalang at pinalampas 'yon ni direk.
"Basta! we're off to somewhere! and please do me a favor, pagkatiwalaan niyo naman ako this time! and one more thing walang magdadala ng sariling sasakyan, we will ride on that car together." sabay turo ni direk sa nakaparadang SUV sa gilid.
Nanlaki ang mga mata ni Vee. "Ano 'to? ano bang pinaplano ni direk?" bulong niya na di ko sinasdayang marinig at sumimangot pa siya pagkasabi no'n.
"Pero direk... " magpoprotesta pa sana siya, pero di na niya naipagpatuloy.
"Wala ng pero, pero... it's now or never!" isa 'yong hudyat na final na ang desisyon ni direk Jo, at wala ng sinumang puwedeng kumontra! nauna narin itong lumakad papunta sa naka park na sasakyan.
Labag man sa kalooban ay napilitan na ring sumunod si Vee, samantalang nagtataka man ay gano'n din ang ginawa ko. Kapwa kami umupo sa passenger seat sa utos narin ng aming direktor, na piniling pumuwesto katabi ng driver, at maya maya lang ay nagsalita ito.
"Suit yourself guys, you can take a rest if you want to, gigisingin ko nalang kayo kapag nasa area na tayo." Siguro ay nararamdaman parin niya ang tensiyon sa pagitan naming dalawa, that's why he suggested it.
Bagay na lalo lamang nagpagulo sa aming isipan. Sa'n ba kasi niya kami balak dalhin? Sa tono ng kanyang mga salita , mukhang mahaba haba ang magiging biyahe namin. Pero wala rin naman kaming magagawa kundi abangan kung saan hihinto ang ang SUV na aming sinasakyan na ngayon ay bumabaybay na sa daan, patungo sa lugar na hindi namin alam kung saan.
And just as what I have thought earlier...naging mahaba nga ang biyahe na'yon, like it was the longest ride of our life. Pa'no ba naman kasi? wala na naman kaming kibuan sa isa't isa. Napahiya na ako kanina, kaya mas pinili kung tumahimik na lamang, habang nagmamatigas parin 'yong katabi ko, at tila nagdesisyong matulog or I baka magtulog-tulogan lang? I really don't know and I'd rather not care, at baka makatikim na naman ako.
Manaka-nakang sumusulyap si Vee sa rear view mirror bago siya pumikit. Ilang beses ding nagpang-abot ang aming mga paningin kanina, at mukhang nako-conscious pa yata siya. Pumikit na rin ako maka ilang saglit, mas mabuti pa yatang itulog ko na lang ang mga alalahanin.