Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Mamo Pat, ang aking manager while we we're having our lunch in One of the country's high end restaurants that offers that best Spanish cuisine, which I've been craving for lately.
The waiter served us some Oyster canapés as an appetizer, followed by Boeuf Bourguignon (Beef stew), Soupe a l'ognion (Onion soup), Ratatouille and Confit de canard in the main course.
I am "VANA" the "Sexy drama princess" of the Philippine showbiz industry. But I'm used to be called as "MARIE" by those that are closest to my heart.
"Congratulations dear, ang layo na talaga ng narating mo!" si Mamo habang unti unting sinusubo ang stew sa kanyang bibig.
"Natin! Mamo," as I corrected him.
"Oo nga!" he smiles, "natin! siyempre kasama ako do'n," sabay hawak niya sa dibdib as an acknowledgement of his contributions.
"Napaka hype pa rin ng reaction ng mga tao sa last project mo, they are still talking about it!" as he continues.
"Sabi nga nila... you've set the bar too high, ang hirap daw pantayan," dagdag pa niya.
Bakas na bakas sa mukha ni Mamo Pat ang kakaibang saya, which is valid, because I wouldn't be where I am today, if not for his help.
"Di ko nga rin po 'yon inaasahan Mamo. I'm just so overwhelmed sa naging response ng mga tao. To think na medyo hesitant pa akong gawin 'yon at first."
"Pero ginawa mo parin, kaya you deserve the compliments dear," as we click our glasses na may lamang wine.
At Oo, we were actually having a wine at this very hour. Things that we don't usually do. Ayaw na ayaw niya kasing nag i-intake ako ng drinks with alcohol content at this time of the day. Regardless of kahit ilang percentage lang ang meron sa inumin, "It has still alcohol though..." madalas niyang sabihin sa akin.
But since we're celebrating now, at wala na naman akong prior commitments after this, siya pa mismo ang nag initiate na gawin namin 'to.
"Do I really deserve those compliments Mamo? hindi ba naging exaggerated 'yong mga papuri nila sa akin?"
"Of course you deserve it! kasi magaling ka, at napakabuti pa ng puso mo," sagot niya habang patuloy na nakangiti.
I nodded at his statement. "Thanks for all the help Mamo, and for simply coming into my life. You're indeed my lucky charm, kasi nagsimula naman po lahat ng ito no'ng mapunta ako sa mga kamay niyo di ba? kung di niyo ako inilako sa mga producer eh di walang Vana ngayon?"
"Sandali... " muntik na siyang mabilaukan, "Anong inilako? ang pangit pakinggan! Ano ka kakanin? loka loka ka talaga! Hahaha..." di nito mapigilan ang sariling tumawa ng tumawa.
"Hahaha... actually matagal na po! ngayon niyo lang po ba nalaman?"
ang naging sagot ko.
"Matagal narin! actually, Hahaha... Ikaw talaga! may sarili ka pa ring lenggwahe until now!"
"Identity ko po 'yon Mamo, kaya hayaan niyo na! Hehe..." biro ko.
"Hehe... ka diyan! it's okay to throw such jokes sometimes, but please stay guarded at baka magalit si PRM.
"No need to worry Mamo, kasi naka instill na sa utak ko ang mga salita niya. Pero kidding aside, thank you talaga! from the bottom of my heart, you are such a blessing." madamdaming kung pahayag.
"Aww! I'm so touched!" napahawak ulit siya sa dibdib pagkasabi no'n. "Thank you dear at na appreciate mo lahat ng effort ko, but the credit is yours honey, ano namang magagawa ng sinasabi mong paglalako ko! hahaha... kung hindi mo pinagbutihan? you owe it to yourself, so claim it."
I just nodded and smiled again.
"And so what's next now?" tanong niya sa akin.
"What do you mean Mamo?" wanting for him to rephrase the question.
"What I'm trying to say is... Ano ng plano mo ngayon? Ano'ng gusto mong concept for your next possible project? Would I consider the new one? FYI... marami-rami narin 'yong nasa desk ko." as he informed me.
"Can I just take a moment for myself po muna? May naka schedule na po kasi kaming family trip pa US by next week, and then I'll go on a side trip somewhere ng ako lang mag-isa, Iiwanan ko sina Mama do'n after naming magliwaliw, ta's magkikita na lang ulit kami dito."
"Of course dear! you need to take a break, deserve na deserve mong magpahinga after a series of work," ang sabi niya sabay pakawala ulit ng isang napakatamis na ngiti.
"So ano? e ho-hold ko na muna 'yong mga naka line-up?" pagkaklaro niya.
"Parang ganon na nga po Mamo, and going back don sa tanong mo kanina, about sa kung ano ang gusto kong maging concept ng posible kung maging project? may naiisip na po ako ngayon."
"Yes dear, anong nasa isip mo? Come on, spit it out!"
"I want something na mag so-showcase ng pure acting talent ko, and not just focus on the bare skin scene," I say it in a serious tone.
Bahagyang tumaas ang kilay niya, like he' s trying to oppose.
"Are you trying to say na goodbye to sexy roles na? pero do'n ka nakilala at minahal ng public! besides, 'yon naman talaga ang ginusto mong maging image ever since di ba?" at isinantinig niya nga.
"No, no! Mamo, it's not what you think! hindi naman sa ayoko na ng sexy roles, it's just that gusto ko lang na may ma offer akong iba this time. I want a movie that will tackle life itself, 'yong makaka-relate ang lahat."
Paliwanag ko sa kanya, with a strange passion can be seen thru my eyes. As if may nabubuo na akong kwento sa utak habang patuloy na nagsasalita.
"Something na magpapakita ng struggle ng isang tao, on how she will overcome life's obstacles. Kung paano niya iba-balance at iko-consider ang mga pangyayari sa buhay. Sa'n siya huhugot, at kung hanggang sa'n siya dadalhin ng mga pangarap niya. Something like that..."
"Hmmm, sounds interesting! I get your point dear."
"Sana may mag offer ng gano'n no?"
"Meron yan for sure! kung wala man eh di i suggest natin! pero antay antay lang muna tayo for a while, oh ano pa? aside from that, what else would you want to do?' sabihin mo na para may idea ako kung ano ang puwede kung i accept."
"Hmm, gusto ko ring gumawa ng isang project for a cause," dagdag ko pa .
"Haaah?" tila namangha siya sa winika ko.
"Like what? like a benefit show?"
"Puwede, basta gusto ko 'yong something na paghihirapan ko! like something that l can put my heart and soul into. Ma e-entertain ko 'yong mga tao and at the same time makakatulong din po ako financially. Sa dinami dami ng blessings at opportunities na dumating sa'kin for the past years, I think it's payback time na naman po!"
I can see how he is amazed with me right now. For sure iisipin na naman niya na ako na yata ang pinapaka bait niyang alaga.
"Kung gaano kaaya-aya ang panlabas mong anyo, ay siya ring ikinaganda ng 'yong kalooban. Kaya naman napaka suwerte ng lalakeng makakabihag sa tila manhid at pihikan mong puso." Mga salitang madalas niyang binabangit sa akin.
"Nasa'n naba kasi ang lalakeng 'yon? bat ang tagal dumating?" madalas din niyang tinatanong, every time we'll cross that line.
Maging siya man ay naiinip narin para sa akin, but I'm not in a hurry, at lalong hindi minamadali ang mga gano'ng bagay.
Iilan-ilan na nga ba sila na nag attempt? marami-rami narin!
And although magiliw ako sa kanila, to the point na may mga nag assume pa nga... in the end, wala pa rin talaga akong mapili.
Then suddenly, may biglang nag pop-up sa utak ko.
On the contrary, mali siya at mali rin ako, kasi may natagpuan na ako noon, hindi nga lang nagkaroon ng katuparan. How could we forgot something that was publicized before? Gayong naging open book ang pangyayaring 'yon sa loob at labas ng mundong parehas naming ginagalawan ni Renz.
Now I am pondering past moments with him again. Pero, totoo kayang nakalimutan na ni Mamo ang makulay at magulo na bahaging yon ng buhay ko?
How could he forgot the tandem that goes viral sa panahon ng pandemic?
Ang dalawang pusong nagpakilig sa karamihan. Parang papunta na nga 'yon sa pagiging totohanan na! pero, ng dahil sa mga di inaasahang pangyayari, ayon! na-udlot ang nabuong pagtitinginan. Hahaha... natatawa at naiinis ako sa mga naalala.
Di nga ba't inaway pa si Mamo ng mga fans namin minsan? ang dami dami niyang bash na natanggap mula sa kanila. Coz they thought na siya 'yong villlain sa love story namin, which is di rin naman niya sila masisisi kasi nga may mga certain words at actions yata siyang na delever na medyo off sa pakiramdam nila. Kaya ayon! naging war freak 'yong iba! sabagay gano'n naman talaga ang mga fans, over protective sa kanilang mga iniidolo, possessive pa minsan.
Kaya he didn't take it against them, naiintindihan niya 'yon! that's part of show business, that's how it works... We have to deal with different characters having different mood swings on a daily basis, actually hindi lang naman sa mga fans, kundi sa lahat ng mga taong involve at apektado sa mga ganap ng isang artist.
And maybe some are just having a bad day lang talaga! kaya na mi misinterpret siya kung minsan. Anyway well adjusted na naman si Mamo sa sistema, kaya deadma nalang. Besides it won't really last long enough, it was just a phase na kailangang pagdaanan ng lahat.
"Uy! may tsismis nga pala ako sa'yo dear." pambasag niya sa malalim kung pag-iisip.
Pinandilatan ko siya ng mata in response, then I lifted my brows after. at Ba't di nalang naging columnist 'tong manager ko? daming hanash... bulong ko sa sarili.
"Tsismis talaga Mamo?"
"Oo! guess who I bumped into last week?"
Kumunot ang aking noo.
"Sino?"
"Si Miss Hein..." pabulong niyang sinabi.
I rolled my eyes on him, lagi na lamang nasisingit ang topic na'to this past few days. Ini-stalk ba niya ang mga tao sa paligid ni Renz?
"Kasama niya si ano..." he paused for a while, waring tintantiya muna ang reaksiyon ko.
Little did he knew na ma idea na naman talaga ako if who he is referring to.
"Si Renz Lucio! at may iba pa silang kasama na girl. He's in the country na pala?"
Sabi ko na eh! sooner or later mauuwi din kay Renz ang topic namin. But I remained quiet though, wala rin naman akong magandang sasabihin. So might as well, keep my mouth shut.
"Any violent reaction my dear?" tanong niya na may halong pang-aasar.
"Si Mamo talaga! anong violent reaction?" nakakunot ang noo ko habang sumagot.
"Wala lang, baka lang kasi..."
But I cut him off. gusto niya ng gan'tong topic? eh di pagbibigyan ko siya.
"Baka alam ko na nandito na siya? at kung sino 'yong babaeng kasama niya, nila?"
"Sorry, curios lang." he shrugged his shoulders.
"Ang alam ko lang po is um-attend siya ng wedding no'ng friend niyang into vlogging din! but that was almost Four months ago pa. I didn't know that he's still in the country pa pala, and about the girl, wala akong alam! baka jowa niya?siguro..." umismid pa ako ppagkasabi no'n, sabay kibit ng balikat.
"Inis ka girl?" pang-aasar niya pang lalo sa akin.
"Eeeeh... Mamoooooo! mukhang tinatablan na ako sa mga pinagsasabi niya.
"Joke!" Nag peace sign siya sa akin. "So all this time, alam mo na pala?" ayaw pa rin talaga niyang paawat.
"Nakita ko lang po sa SOCMED marami kasing lumabas na mga post about sa wedding, pero hindi ko siya ini-stalk ha? may nga nag tag lang sa'kin, yon lang 'yon." and now I am trying to be defensive.
"I see... oh tapos?" gusto niya pa yatang dagdagan ko pa ang kuwento.
"Anong oh tapos? eeehhh... bat ba kasi natin siya pinag-uusapan Mamo?"
This time hindi ko na talaga maitago ang pagka inis. Ano ba kasing nakain niya at bigla nalang siyang nag bring out ng ganitong topic? Dati naman, slight discussion lang.Ba't parang magiging full lenght na ito ngayon?
At hindi humirit pa siya.
"May itatanong lang ako pero wag kang magagalit ha? take it as a hypothetical question"
I remain still... waiting for him to pop-up the question.
"Would you consider doing a project with him? if ever na may mag offer?"
My eyes widened again, caught off guard.
What a question! Never did I imagine that he would dare to ask this question one day! Meron ba itong hindi sinasabi sa kanya? bakit ba bigla nalang itong naging interesado sa lalake? kung anu-ano tuloy naglalaro sa utak niya ngayon!
"At para sa'n po 'yong mga katanungan niyo Mamo? Meron po ba kayong gustong sabihin sa'kin?"
"Wala, again it was just a hypothetical question! wala namang masama kung sasagutin mo di ba?" giit niya sa huli.
"Honestly? hindi ko po alam, ewan! depende..."
Bigla 'ata siyang na excite sa sinabi ko. Bakit nga ba hindi? when he's definitely sure marami ang matutuwang mga fans. Na marami parin ang nag-aabang for a reunion.
"So, may chance? at ano naman 'yong depende?"
"Mamooo?"
"Sagutin mo nalang kasi! what will make you say yes?"
"If it's for a good cause po siguro, like the one that i'm saying just a while ago, ayan! sinagot ko na..."
Ngumiti siya at nagwikang...
"Okay, Noted!"
And there he goes again, uttering words na nagpapabilis ng t***k ng aking puso.
"Kinakabahan na talaga ako eh! meron po ba akong kailangang malaman Mamo? sabihin niyo na po kasi..." pangungulit ko sa kanya.
Pero umirap lang siya.
"Anong sasabihin ko? Stop it dear, enough with your worries, kasi I'm not doing anything behind your back... isa pa, hindi naman ako pwedeng tumanggap ng project without your consent di ba? ikaw parin ang may final say ng lahat, puro suggestions lang yong sakin."
"Promise po yan, ha? aasahan ko po 'yong mga salita ninyo."
"Relax lang, ano kaba? Why are you so tense? are you afraid na muling mag krus ang mga landas ninyo?"
"Of course not! Wala naman po akong atraso sa kanya. Bakit ako matatakot?"
"Yon naman pala! Then why are you so affected?"
"I am not!"
"Yes, You are!"
"Kasi naman eh! Ba't kailangan pang bumalik? Kung kelan..."
Di ki na napinagpatuloy pa ang dapat sanang sabihin.
"Aaaay! Ano 'yon? San nanggagaling ang hugot mong 'yon?"
"Wala Mamo, never mind."
"Hmmm... mukhang ako yata ang maraming hindi alam, Vana Marie!"
"Mamo...."
"Pero hindi na muna kita kukulitin for now, at may tamang oras para diyan! Hahayaan na muna kitang makapag-unwind for the mean time. Update mo nalang ako kung sa'n ka pupunta and then I'll see you after, okay?"
"Okay po! thank you po Mamo."
"Kanina ka pa na nag ta-thank you! oh siya! I have to go na at may susunod pa akong appointment, palalayain muna kita for a few days! Pakabait ka ha?"
"Si Mamo yalaga! mabait naman po ako eh!"
"Aba bakit? may sinabi ba akong hindi ka mabait? Wala naman diba?"
"Kainis!"
"Hahaha.... ang cute mo talaga pag napipikon!"
"Hmmmp!
"Sige na bye na, enjoy your vacation and see you soon..."
"Bye po Mamo Pat, see you..."
At ilang sandali lang ay umalis na siya sa restaurant na iyon. Bibigyan daw muna niya muna ako ng time and space as Marie, at hahayaang bumalik sa totoong mundo kahit panandalian lamang.
But I can't get those things out of my head, kaya ibinuhos ko ang lahat sa pagkain ng Chocolate soufflé. Pero hindi parin ako mapakali sa kinauupuan. Bat ba kasi nauwi sa lalakeng yon ang usapan namin kanina?
Bakit feeling ko, ay may mga plano ang aking manager na hindi pa masabi sabi sa akin.
And what if dumating nga sa point na kailangan naming muling magkatrabaho ni Renz?
Ready na ba ako for it? Kaya ko na bang isantabi ang mga personal issues for the sake of professionalism?
Ang alam ko sa sarili ay okay na ako, that I have moved on from him, and it seems that he's also doing the same for his self. Pero bakit affected na naman ako lately? And why does I am so bothered by the fact na possible kaming magsama for a future project?
Eto na naman po siya, parang tanga lang! pinangangambahan ang isang bagay na hindi pa nangyayari.
Pero pero san nga ba ang pangamba at takot na'yon? na baka muli na naman siyang mahulog sa binata? o ang malamang wala na itong natitirang feelings para sa kanya?
Hindi pa man sila nagkikita ay nagkakaganito na siya. Di bale hindi naman siguro mangyayari ang lahat ng nasa isip niya! to think na naka Three months na si RENZ LUCIO sa bansa pero never pa namang nag krus ang mga landas nila. Baka hindi na talaga sila magkikita pa! Isa pa. she will be away for a vacation naman. and by the time na makabalik siya, baka nakaalis na rin ng bansa ang lalake no'n. Kaya mag e-enjoy siya, susulitin ang mga oras na walang ganap at bibigyan ng reward ang sarili, she deserves a treat after all. Hindi na muna niya iisipin ang trabaho at ang mga posibleng maka trabaho, saka na, pag nakabalik na siya at kapag nangyari na ang lahat.