Mabilis lumipas ang mga araw, I am now on my 3rd month sa bansa, on the way to the 4th actually, nakabalik narin ako ng isang beses sa China to brief the board about the results of my work. Marami rami narin akong nagawa within those period. Nakausap ko na ang mga tao na dapat kung kausapin as far as the business is concerned. And so far, so good! things are settled between me at ang mga taong involve sa magiging expansion ng FHD dito.
Patuloy parin ako sa pag a-update kay Boss Xhu regarding the progress, and I could say na masaya naman siya sa naging outcome ng mga ginagawa ko.
Gano'n nalang ang kagustuhan nilang matuloy ang proyekto, kaya 101% support ang ibinigay nila sa akin. Nagdesisyon narin ang board na bigyan pa ng extension ang pag stay ko dito sa Pinas, to be able to do what needs to be done.
They really want me to focus on this special project and so, I am not allowed to go back yet, not until ma finalized ko ang lahat.
Which is a favor on my part narin, kasi... I'll get to spend more time with my family and friends. And I'm actually packing my things now, uuwi ako ng probinsya after such a long time. Miss na miss ko na ang aking hometown. I can't even remember my last visit sa nasabing lugar, palagi nalang kasing sina Mama at Ate ang pinapaluwas ko ng Manila if ever I wanted to see them.
Isa pa, sobrang hectic din talaga ng mga naging schedules ko dati, at bibihira lang akong makapag unwind.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi habang inaalala ang naging life style ko noon.
Good old days! masaya parin naman akong alalahanin ang naging chapter na'yon ng aking buhay! That level of popularity and fame na minsan kung tinamasa.
Even though I was loaded with so much stress and pressure back then, thankful parin ako at nabigyan ng gano'ng klaseng oportunidad, and I'll be forever grateful for having experienced that kind.
Mga panahong hindi na ako halos natutulog, mga araw na kailangan kung e pro-ject ang sarili ng naaayon sa kagustuhan ng nakararami. Mga sandaling kailangan kung mag pretend na masaya para lang may mapasaya na iba, at the expense of doing certain acts not because I want to, but because I needed to.
Nakakapagod pero at the end of the day, marami naman akong na accomplish na mga bagay at na fulfill na mga obligations. Gano'n yata talaga 'yon di ba? sabi nga ni Spider man "With great power comes great responsibilities"
Hindi pwedeng puro pasarap lang ang lahat, 'cause there will always be consequences along with every decisions. Dahil lahat ng bagay ay may kapalit. To be on top doesn't mean kontrolado muna lahat, kasi kabaliktaran 'yong nangyari sa akin, and it has somehow shaken my personal beliefs.
Kaya kung magbibigay man ako ng payo to those aspiring ones out there, I will probably say na... Bago kayo mangarap ng isang bagay at bago niyo simulang tahakin ang landas patungo roon, you have to fully equipped yourself with the right armor first, and make sure na built ka for it. Kasi baka hindi mo kayanin kapag nasa harapan mo na ang lahat, and then you'll realize na hindi ka pa pala ready.
On a second thought, hindi rin naman masama kung susubukan mo, as long as you know when to stop and when to cut ties. It's really up to you kung papa'no mo i-hahandle ang mga bagay bagay. And maybe the biggest lesson is... do not let yourself drowned by the system, baka kasi mahirapan ka ng umahon. Learn to guard your self always, in all ways... also protect your inner peace at all cost, do'n ka lang magiging tunay na masaya.
Ano nga ba ang nangyari sa akin Three years ago? on why I've decided to leave the country again. At bakit ko nilisan ang mundo na sobrang tagal kng pinangarap na pasukin? What was the turning point of it all?
Kung bakit ako gumive-up ng basta basta nalang? may kinalaman daw ba ito sa isang babae? Did somebody actually break my heart? Scripted lang ba ang lahat ng ipinakita ko noon? at hindi naman talaga ako naging totoong masaya in the first place?
Questions that were left hanging in everyone's mind.
A big no! at magiging ipokrito ako kung sasabihin kung hindi ako naging masaya, because I certainly am... at one point! at Oo, na enjoy ko ang ang lime light, and who would have not? magiging sikat ka, dadami followers mo, endorsements come in, makikita mukha mo kung saan-saan, you will be all over the places! and people will love you in such different ways you haven't experienced before, kaya masyadong nakakalula!
At kahit ang goal ko lang naman no'ng una ay magpasaya at mag inspire ng mga tao, unti-unti din akong kinain ng sistema kalaunan. Hanggang sa... I just woke up One day na parang I'm in a totally different world na. It even reaches to a certain degree of confusion, wherein hindi ko na malaman kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng saya? at kung nag na-matter pa ba ito sa huli?
Kalkulado bawat galaw ko, at kailangan kung kumilos ng na-aayon sa naka set na standard ng society. Hindi naman siya masama actually, kasi I have an image to protect before, an image na ang tagal tagal kung binuo. Respeto at pagmamahal na idinaan ko muna sa butas ng karayom bago ko tuluyang makuha. Bawat pagkakamali ko, ay pagkakamali din ng mga taong nakapaligid sa akin, and so I have to stay grounded at all times.
Naiintindihan ko naman ang sitwasyon noon, pero sadyang na burnout lang ako sa mga pangyayari. Sa dami ng gusto kung gawin sa personal life, pero hindi ko magawa due to some restrictions. Until it reaches to a certain point of detachment sa pinaniniwalaan kung totoong purpose ng buhay.
And so, I choose to save what's left with me at that time, bago paman ako tuluyang malunod sa sistema.
But things weren't easy then, definitely not at all! ang dami kung kailangang e-reconsider, ang daming buhay na maaapektuhan, ang daming effort na masasayang, ang daming mundo na maguguho.
For how could someone like me, do such a thing as quitting? when all of my life, wala na akong ibang ginawa kundi ang magpursige ng magpursige. Sa dinami dami ng pinagdaanan kung hirap at sakripisyo mabigyan lang ng katuparan ang lahat, bakit naging gano'n nalang kadali ang desisyon kung tumigil at bumitaw sa mga ipinaglalaban? Tanong ng karamihan sa akin.
But who the hell told them na titigil na ako? Why did they let it sounded like I was going to make be the biggest mistake I will ever made in my entire life. Gayo'ng magpapatuloy parin naman ako, at hinding hindi ako titigil! I just made a choice, at pinili kung ipagpatuloy ang journey na isinantabi ko for a while, because of my burning passion for the entertainment industry.
Pero sa kaisipan ng marami tila 'yon na ang magiging simula ng aking mga wasak na pangarap.
Pa'no kung tama sila at mali pala ako? What if pagsisisihan ko ang naging desisyon kong ito bandang huli? at pano din kung wala na akong career na babalikan if ever gustuhin kung bumalik?
Sa totoo lang, may takot rin naman akong naramdaman ng mga panahong 'yon, pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kung maging malaya at maging totoo sa sarili.
And so I made it, or we made it official. Nagdesisyon akong lisanin ang mundong minsa'y nagbigay ng kakaibang katanyagan sa akin. Mabuti na lang at inintindi ako ng mga tao sa aking paligid
Marami narin naman akong napatunayan, nagawa ko na ang mga nararapat kung gawin, nasubukan ang mga pwedeng subukan! at nalaman ang hangganan ng aking kakayahan. Wala na siguro akong pagsisisihan balang araw.
Higit sa lahat mas nakilala ko na ang aking sarili, at napagtanto ang tunay na kahulugan ng mga salita at mga pangyayaring di kayang ipaliwanag ng isang malayang kaisipan.
Kung tama ba ang naging desisyon ko noon? perhaps, Kung masaya ba ako sa kinalalagyan ko ngayon? Of course! Nasa tamang stage lang, nothing more, nothing less... kumbaga I'm in the state of equilibrium, at kumusta naman ang puso ko? Well, tumitibok pa naman ito! Kung kanino? SECRET...
Sasagutin ko ang lahat ng 'yan sa tamang panahon, at kung babalik pa ba ako ng showbiz? no one can really tell.
Basta ang priority ko for now is FHD Philippines, at kung may magbukas man ulit na door of opportunities for me to come back, di ko pa talaga masasabi, "I will just cross the bridge, when I get there."
Ang tanging alam ko lang from the start is I have good reasons and pure intentions on why I made some crucial decisions in life. Hindi man ito tanggap at naiintindihan ng karamihan, ang importante ay alam ko sa sarili what's best for me, and so I chose to hold responsible for every given circumstance in my life.
I shook my head while still plastering a smile on my face, gan'to talaga ako everytime I'll trip down memory lane, and I will be surely full of those moments pagdating ko ng probinsya namin. I'll be leaving for Bukidnon tomorrow morning, at exited na exited na akong makauwi. Susunod din si Cocoy sa akin the day after, hindi namin nagawang magsabay ng flight due to some commitments. May tatapusin paraw silang gig, kaya mag-isa ako ngayon sa condo.
I decided to have a coffee break, after I'm done packing my gears. Tatayo na sana ako, when I hear my ringtone. Kinapa ko ang bulsa ng suot kung shorts, only to find out na wala do'n ang aking telepono. Sa'n ko ba kasi 'yon nailagay? Sandali akong nag-isip, then the call ended in a while. Naghalungkat ako sa mga gamit, hanggang sa makita ko 'yon sa bulsa ng isa kung bag, those that holds my daily essentials.
I then saw several miss calls from Mami Hein. Pero ba't kaya ito napatawag? at mag ca-call back na sana ako, ng muli itong nag ring and so I didn't wait for another minute, I answer the call right there and then.
"Hello! Hello, Mi..." bungad ko.
"Hello Renz, asa'n ka ngayon? free ka ba today?" tanong ng boses sa kabilang linya.
"Nasa condo lang po, wala naman po akong appointment as of today, kasi may inaantay pa akong documents from China in order to push through with my further meetings," sagot ko.
"That's good to hear, mukhang hiyang na hiyang ka na talaga sa pagiging CEO mo ah!" aniya.
"Oo nga Mi, mukhang ito na po yata talaga ang calling ko, by the way ba't nga po pala kayo napatawag? may problema ba Mi?" mababakas na sa boses ko ang pag-aalala.
"No, I'm good! Ano kasi... meron lang akong gustong sabihin sa'yo, is it okay if we'll discuss it over a cup of coffee?"
"Oo naman Mi, kayo pa ba? lam niyo namang di ko kayo matatanggihan, pero sandali... ba't parang kinakabahan yata ako Mi." Di ko rin talaga maintindihan kung sa'n nanggagaling 'tong kaba ko, pero sadyang nag iba ang aking pakiramdam the moment I heard those lines.
"Wag kang kabahan, ano ba? para naman tayong hindi nag-uusap niyan eh! Ano lang to mild na usapan, pero depende narin on how you'll take it," .as she explains over the phone.
"Mi naman eh! mas lalo niyo lang yatang dinagdagan ang kaba ko sa mga huli ninyong sinabi." Ok na sana ako sa sinasabi niyang mild na usapan, pero ba't binawi niya ito bandang dulo?
Tumawa muna siya bago sumagot, "Text ko sa'yo 'yong address ha? and then meet me about an hour or Two siguro, okay lang ba?"
"Okay, sige po Mi, I'll be there in Two hours time or earlier pa, I'll meet you there," as I ended the call.
"Pero ano nga bang pag-uusapan namin?" naitanong ko sa sarili. Parang may something ah! as far as I can remembers ngayon lang ulit naging ganito ka formal 'yong approach niya sa'kin. Ilang beses na din naman kaming nakapag-usap since I came back, pero laging usapang pampamilya lang, like catching up and a few updates tungkol sa personal life.
It seems different now, feels like there's something going on, na hindi ko pa nalalaman. Napa-isip akong bigla, trying to recall the talks that we had, bago ako umalis noon. Those compromising deals I have made, para lang hindi siya masyadong ma-upset sa akin. Ayoko sanang isipin, pero pilit itong nagsusumiksik sa aking isipan ngayon. Sisingilin na ba niya ang isang pangako na minsan kung binitiwan? eto na ba ang tamang panahon to fulfill those promises?
Baka nag o-overthink lang siguro ako, but what if tama nga ako? bahala na! masasagot din ang lahat ng 'to as soon as makausap ko na siya.