Sa unang daigdig, masayang pinagmamasdan ni Amanikable ang mga bituin sa langit na binabantayan ni Mayari, ang isa sa mga anak ni Bathala. Dinadama niya ng maigi ang malamig na hangin na dumadampi sa kaniya mula sa labas ng kaharian. Mag isa lamang siya sa gitna ng damuhan katabi ang isang malaking puno na ilang libong taon ng nabubuhay. Pumikit siya at huminga ng malalim, ang mga kuliglig na nakadapo sa puno ay naririnig niyang humhuni. Muli niya na namang naalala ang maganda at maamong mukha ni Alice kagaya ng sa kaniyang panaginip. Hindi siya makapaniwala na natagpuan niya na ang babaeng hinahanap niya at sa kaniyang palagay ay nahuhulog na ang loob niya rito. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito gayong hindi pa siya gaanong nakikilala ni Alice, pero alam niya sa kaibuturan

