Muling nag tungo sa ikalawang daigdig si Amanikable. Kagaya ng ginawa niya noong nakaraan ay dumaan siya sa kagubatan at sa bayan kung saan maraming tao at mga sasakyan hanggang sa muli niyang natunton ang lugar kung saan niya nakita ang babae sa kaniyang panaginip. Pag dating niya sa bahay nito ay nagwawalis ito ng bakuran kagaya noong una niya itong makita sa lugar na ito. Muli niyang pinag masdan ang kagandahan nito at sa pagkakataong ito, ay alam niya na rin kung ano ang pangalan nito. Walang kamalay-malay si Alice na may lakaking nakatingin sa kaniya mula sa isang poste na malapit sa kanilang bahay. Pinagmasdang maigi ni Amanikable ang mukha ni Alice at patuloy pa ring namamangha sa kagandahan nito at para kaniya, habang tumatagal ay lalo itong gumaganda sa kaniyang paningin. Balak ni

