Nakarating si Teman sa lumang bahay na kanilang tagpuan ni Amar matapos niyang tumigil sa isang maliit na tindahan malapit doon. Pag dating niya ay wala siyang nakita ni isang tao, wala si Amar o si Glyza. Nakaramdam siya ng kaunting pagka dismaya at inis dahil hindi niya nadatnan doon si Amar, samantalang napag usapan na nila ito kamakailan lang noong nagkita sila kasama si Glyza. Sinubukan niyang nag hintay pa ng ilang minuto at nagbaka sakaling sisipot ang kaniyang tagapag ensayo, ngunit isang oras na ang lumilipas ay wala pa rin siyang nakikitang dumarating. Ang butil-butil na pawis sa kaniyang mukha ay isa-isang pumapatak na dala ng init ng panahon. Pinunasan niya ang kaniyang mukha gamit ang kanang manggas ng kaniyang itim na damit. Ang totoo ay nababanas at nababagot na siya kakahin

