Maagang nagising si Teman dahil sa tuloy-tuloy na pag tilaok ng manok ng kanilang kapit-bahay. Pag mulat ng kaniyang mga mata ay agad siyang bumangon at nag tungo sa kanilang banyo para maghilamos. Tiningnan niya ang kanilang oras na nakasabit sa dingding at nakitang eksaktong alas sais pa lamang, may oras pa siya para mag almusal. Ngayon ay linggo at wala silang pasok. Tuwing linggo rin madalas silang mamasyal ni Bart at Sandy pero hindi iyon ang kaniyang inaalala. Gusto niyang pumunta ng lumang bahay dahil ito rin ang araw ng ensayo nila ni Amar. Nagtungo siya kaagad sa kanilang lamesa at umupo sa hapag kainan kung saan naka hain na ang kanilang almusal na hinanda ng kaniyang ina. Nauna ng umalis si Susie para asikasuhin ang kaniyang tindahan sa palengke kaya si Alice lamang ang naroon a

