Matapos makitang maayos ang kalagayan ng gurong si Bertulfo at matapos siyang bigyan ng kakaibang ngiti nito ay agad na nag tungo si Teman sa opisina ng guro. Mabilis siyang nag lakad sa mga pasilyo, nakasalubong niya pa si Justine, “sa’n ka pupunta?” tanong ni Justine nang sila ay magkasalubong sa pasilyo, ngunit hindi ito pinansin ni Teman. Bagkos ay dire-diretso itong nag lakad na parang hindi nakita si Justine at hindi inalintana ang ibang mga estudyante na hindi niya namamalayang nababangga niya na. Hanggang sa makarating siya sa pintuan ng opisina ni Bertulfo. Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto at pag pasok niya ay nakita niya ang guro na abalang nakaupo kaharap ang kaniyang lamesa. Nakayuko ito at tila may inaayos na mga papeles sa kaniyang lamesa. Dahan-dahang nag

