Sa paaralan ay mag-isang nag tungo si Teman sa kanilang kantina at doon ay nakita niya si Justine na mag isa sa iisang lamesa. Pag pasok niya ng pintuan ay huminga muna siya ng malalim, pinapanalangin na sana ay hindi naalala ni Justine ang mga nangyari sa kanila nitong nakaraang araw. Nakita niya ito na mag isang kumakain at tila lahat ng estudyanteng dumaraan sa kaniyang harapan ay tumitingin sa kaniya. Nakaramdam siya ng awa para kay Justine dahil hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin matapos-tapos ang mga usapin tungkol sa nangyari sa kanila sa videoke bar. Nag pasya siyang lapitan ito nang mapansin na tila malungkot ito at umupo sa harapan ni Justine, “okay ka lang?” tanong ni Teman. “Sakto lang” malumanay na sagot naman ni Justine na halatang walang gana. “Medyo masama lang pakiramda

