Nagmamadaling lumabas si Teman ng ospital at nag hanap ng tricycle na masasakyan. Hindi niya alam kung anong klaseng balahibo ang nakita niya pero nakasisguro siyang kay Amar ito. Hindi niya rin alam kung kanino ang mga dugong nag kalat sa kuwarto ni Teman ngunit sa kabilang banda ay masaya siya dahil alam niyang hindi ito sa kaniyang mga kaibigan. Ano kayang nangyari sa loob ng silid na iyon no’ng mga oras na natutulog at walang nag babantay kay Bart. Posible kayang nag punta roon si Amar? Maraming tanong ang pumapasok sa isip ni Teman na siya mismo ay hindi masagot pero isa lang ang sigurado siya, may nag tangkang pumatay kay Bart na baka pinigilan ni Amar. Kailangan niya itong alamin upang maagapan sa lalong madaling panahon at kailangan niyang doblehin ang pagbabantay sa kaibigan. Nag

