Habang binabaybay ang kahabaan ng daan sakay ng isang sasakyan na minamaneho ni Bertulfo ay nagulantang ang lahat nang biglang may bumagsak sa bubong na kanilang sinasakyan na animo’y isang malaking bato na nalaglag galing sa kalangitan, at nang bumulaga ang isang maligno sa bintana kung saan nakaupo si Justine. Hindi mapakali ang tatlo, si Justine ay halos namumutla na sa sobrang takot at si Bertulfo naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin kung lalabas ba siya ng sasakyan o magtatago. Samantalang si Teman ay nag-iisip ng paraan at kung ano ang dapat niyang gawin dahil sa oras na ito ay napag tanto niya na isa itong pag atake na nasaksihan mismo ni Bertulfo at ni Justine. Siguro ito na ang oras para magamit niya ang mga turo ni Amar sa totoong laban at sa totoong kaaway. Habang si Just

