Matapos ang dalawang subject ay nagtungo ang dalawang magkaibigan sa kantina ng kanilang paaralan kagaya ng kanilang nakagawian. Kakain ng meryenda at mag ku-kuwentuhan bago sumapit ang huli nilang subject sa umaga. Kung dati ay masaya na sila na sila lamang dalawa ang palaging mag kasama, ngayon ay naninibago at hindi na sila sanay sa tuwing hindi nila kasama ang isa pa nilang kaibigang si Sandy. Madalas tuwing oras ng meryenda sa umaga ay pinaka huling dumadating sa kantina si Sandy, ngunit sa araw na ito ay sampung minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin nila nakikita si Sandy kung saan hindi sanay ang dalawang mag-kaibigan. Kanina bago mag umpisa ang unang klase ay hinanap din nila ito ngunit hindi nila ito nakita. Nagtataka sila dahil kahit minsan ay hindi lumiban sa klase si Sandy, m

