Chrylei Criox’s Pov Nagkaroon ng pagbabago sa magaganap na pagpili ng hari sa mga mapapasama sa Expedition March. Imbes na paunang pagsusulit pa lamang ang aming gagawin sa araw na ito ay ipinahayag sa lahat ng lalahok na ito na ang mga mananalo dito ay sigurado nang makakasama sa paglalakbay. At ang dating limang pagsubok ay naging isa na lamang. Hindi na nila susukatin pa ang iba naming kakayahan dahil halos lahat ng kalahok ay estudyante ng HKU at kaya naman ang tanging susukatin na lamang sa pagsubok na ito ay ang kasanayan namin sa pakikipaglaban gamit ang aming espada. “It looks like a tournament.” sambit ni Faero na siyang katabi ko habang pinakikinggan namin ang paliwanag ng tagapagsalita ng magaganap na pagsusulit. “Mukhang hindi nila inaasahan na ganito kadami

