Faero Initia’s Pov (Knight of Element) Sa isang malaking arena gaganapin ang tournament kung saan mammimili ang hari ng mga makakasama sa expedition march. At dahil ngayon nalang uli isinapubliko ang ganitong event, hindi na nakakapagtaka na marami ang pumunta dito upang makapanood. Kaya naman punong-puno ang arena at pare-parehong excited sa mga magaganap na laban. “Matagal na panahon na din ang nakalipas nang huling napuno ang lugar na ito.” sambit ni Daddy habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng arena. “Sa tingin ko ay kailangan nating dalasan ang mga event dito sa kabisera para naman maka-enganyo tayo ng mga turista galing sa ibang syudad.” “Maganda din itong panimula bilang pagpapakilala sa mga susunod na tagapagmana ng bawat pamilya ng palasyo.” dagdag ni Mommy

