Chrylei Criox’s Pov Alam kong hindi magiging madali ang bawat labang haharapin ko dahil hindi naman baguhan sa larangan ng paggamit at paghawak ng espada ang mga lumahok sa event na ito. Ako nga lang yata ang baguhan dito pero nakakatuwang isipin na nagawa kong makalagpas sa unang level ng pagsubok kung saan halos kalahati ng kalahok ang nabawas. At ang lahat ng kabilang sa holy class ay makakatungtong sa susunod an level ng tournament. “Ang galing mo talaga, Chrylei.” masayang sabi ni Aimur habang nagpapahinga kami sa itinakdang silid para sa klase namin.”Hindi ko akalain na sa ilang araw mong pagsasanay ay magagawa mong talunin ang ilan sa magagaling na mercenary knights at ilang HKU students.” “Ginawa ko lang ang mga itinuro sa akin ni Zeal.” sambit ko. Ang turo

