Chrylei Criox Pov (Knight of Shield) Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa b****a ng isang gubat. Malayo-layo na din ang narating namin mula sa border at ipinagpapasalamat ko na wala pa ding nangangahas na umatake sa amin. Pero ayokong magpaka-kampante dahil hindi pa din nagbabago ang pakiramdam ko sa buong rehiyong ito. At nasisiguro ko na hindi basta-basta susuko ang mga Elders sa plano nilang pagpaslang kay Faero. Kaya naman kailangan ko pa ding talasan ang aking pakiramdam lalo na’t nagagawa ng mga Elders na gumamit ng mga magical beast upang gawin ang kanilang masamang balak. At wala akong ideya kung paano. Iyong hinuli nila Lina, walang ibang ipinakita sa akin kundi ang koneksyon nila sa isang Elders na may suot na magical item. Aside from that, wala na a

