Chrylei Criox’s Pov (Knight of Shield) Ipinaalam ni Zeal sa mga kasama namin ang plano at nang sumang-ayon ang lahat ay agad na umalis si Deccan. Dala niya ang mapa at tulad ng inaasahan ay sumunod sa kanya ang item na nag-i-scan ng lupaing nararating ng mapa. Habang ang mga natira ay nagsimula nang mag-asikaso ng kani-kanilang tent na pagpapahingahan dahil aabutin din kami sa parteng ito ng gubat nang dalawang araw. At ako ay sinisimulan kong lagyan ng sapat na shield ang paligid upang makasiguro na hindi kami basta maaatake ng sinuman. “Ah, Chrylei.” Nilingon ko si Cali nang lumapit ito sa akin. “I got some news about Red.” “Oh.” Hinarap ko siya. “Do you know where he is?” “According to the trees, he is in Allura but it looks like he has a plan to leave the provin

