Chrylei Criox’s Pov Matapos ang klase ay agad akong hinila ni Deccan palabas ng aming silid-aralan. Hindi ko na nga nagawang makapagpaalam kina Faero dahil sa ginawa nito kaya siguradong mainit ang ulo niyon pagbalik namin. Pero nakapagsabi na din naman ako sa kanya na may pupuntahan kami ni Deccan kaya hindi na siya mag-aalala sa akin. “Saan ba tayo pupunta, Deccan?” tanong ko habang patuloy pa din ang kanyang paghila sa akin. “Kanina pa tayo naglalakad eh.” “Huwag kang mainip.” aniya. “I am sure that you will like where we are going.” Ang tinatahak naming daan ay papunta sa pinakalikurang bahagi ng Holy Knight University. Hindi ko pa nararating ang bahaging iyon at wala din iyon sa mapa ng paaralan kaya wala akong ideya kung ano ang aming dadatnan doon. Pero dahil

