Chrylei Criox’s Pov Hindi ko alam kung ano ang nagtutulak sa akin upang alamin ang tungkol kay Snow White, sa nakaraan ng Attila at sa Kiseki Nine pero pinili kong sundin kung ano ang kagustuhan ng pakiramdam ko dahil ito lang naman ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng isang bagay na gustong gawin. At ngayon nga ay naging abot kamay ko ito dahil hindi lang pala ako ang naghahangad ng ganitong kaalaman. “Maraming mahahalagang pangyayari sa nakaraan ang wala sa mga librong matatagpuan sa mga library sa buong Attila.” panimula ni Decia. Ito ang unang araw ko bilang panibagong miyembro ng pasilidad na ito. Binigyan ako ni Decia, sa tulong ni Deccan, ng kalayaang maglabas-pasok dito kapalit ng kasiguraduhang wala akong pagsasabihan ng mga nalalaman ko sa loob nito at sa mis

